View Full Version : System loss commercial ni juday...... :ranting:


tinatinz
17th Jul '08 Thu, 09:50
pakidelete na lng if re post na po.......


Pakibasa po ng malaman nyo gaano ka-corrupt ang govt. natin
Sa electric bill natin!

Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30
sec ang masalimuot na system loss na yan..:)

Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo
ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong
binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman..

Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga
distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical
network, pati na ang mga substation and step-down transformers para
nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na,
palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay
alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter
readings, pilferage at kung ano ano pa...

At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system loss?
Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me maintain ng
power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system
loss nya sa meralco.. at shempre kanino pa ba naman iyan sisingilin
ng meralco..

Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday..
pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng
ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng
ating electric bill...

Generation charge
Tax on Generation charge
Transmission charge
Tax on Transmission charge
System loss
Tax on System Loss
Distribution, Metering and Supply charges
Lifeline rate subsidies
Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate
subsidies
Local franchise tax
Universal charges

I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo... pero
napansin nyo ba sa isang electric bill 5 tax ang babayaran natin?

Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating
sa bahay naten..

Ang napocor or IPP ang mag po produce ng koryente...bago pa maka
alis ng planta ang koryente, magabayad na tayo ng tax na 51
cents /kwh.

Ang koryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa
distribution utility natin gaya ng meralco.. Muli tayong bubuwisan
ng gobyerno, this time 11 cents/kwh

Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng
buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax...

At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong
bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax..

A eto pa ang kwela sa lahat, after i total ang iyong electric
charges.. papatawan kang muli ng tax.. this time yung 12% e-vat.
Imagine 5 Tax na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan pang
muli ng isa pang tax...

Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation... pero sa
ginagawang ito ng gobyerno.. cguro naaayon na sa batas kase lampas
na sa double eh (sarcastic lang po)

At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga filipino... Ang
napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal
na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor... sasairin nila
yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at
dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng emergency
purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa
ikli ng time table, walang makakapag bid.

So si napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa
kanilang preferred suplier.. ang masaya pa neto, anlaki na ng
patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market..
idagdag pa jan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pagta-
transport ng coal... na shempre muling pagkakakitaan ng mga napocor
executives.. .

Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng
gobyerno natin..:( ansaya ng buhay sa pilipinas no?

Kaya bago natin husgahan si Juday, sa kanyang paliwanag ng system
loss, at bago natin awayin ang meralco sa taas ng singil ng
kuryente.. tignan muna natin ang pinag uugatan ng mahal na singil...
si meralco lamang ba ang salarin? or ginagamit rin lang sila ng
corrupt na gobyerno para lalo tayong pahirapan?

benjun2178
17th Jul '08 Thu, 09:59
nice info,
:thanks: for sharing... :D

vrl29
17th Jul '08 Thu, 10:23
ah, ganun po pala un. now we know :ranting:

Aristotle
22nd Jul '08 Tue, 18:41
Thanks 'tinatinz' for making it very very clear to our forum members where the bulk of the electricity bill payment goes. It's very clear that it's not Meralco who get the lion's share but the government tapos gusto pang lokohin ni Winston Garcia na Meralco daw ang dapat habulin para bumaba ang kuryente.:ranting:

It would be interesting if you or any of our forum members could present the breakdown of all the charges in pie chart form so we can actually visualise how much is the share of Napocor, IPPs, Transco, Meralco and the government in a typical electric bill.

EricMeister
22nd Jul '08 Tue, 18:46
Hanep thanks!

cold
22nd Jul '08 Tue, 22:28
wala talaga govt, natin :weep:

Midori
23rd Jul '08 Wed, 08:25
:ranting: naku umiinit talga ulo ko pag napapag-usapang ang bill na yan! :furious:

tama. gobyerno ang nagnanakaw ng pera na yan pang-suhol sa mga taong gustong bumaligtad at maglabas ng baho ng unanong nakaupo sa malacaņang! :kill: :gma:

:think: sa tingin ko dyan kinuha ung pinang-abono ng gobyerno ke Neri! mga hayup sila! :furious:

jericjed
25th Jul '08 Fri, 00:21
Thanks sa very informative post... I heard sa news lately na aalisin na daw ang systems loss charges... Hmm

sfmagenta
25th Jul '08 Fri, 00:33
i see hmm... ganun pa man cancer na yan ng lipunan...