View Full Version : [TUTORIAL]Motorola Tips 'n Tricks(please ask questions elsewhere)
OhNow3P 9th Jul '07 Mon, 02:10 Number 1.)
simple lang to. just download the file tapos install.
Eto ay ang mga pinaka-bagong installer ng drivers for motorola... Viola! konektado na PC nyo kaagad!
Driver info:
This is just for 32-bit Windows XP or Vista. ver 3.5 if you need the 64bit version, PM me.
OhNow3P 10th Jul '07 Tue, 23:49 BACKING UP YOUR PHONE!!!
pagka successful po ang install ninyo ng drivers na yan sa itaas, madami na kayo pwede gawin!
just to clarify lang po, hindi lahat ng mga nakalista ay pwede agad para sa telepono ninyo. isa itong babala... pwede ninyo masira ang telepono ninyo ng pahirapan ang pagbalik.
ok... ngayon ay installed na ang drivers... kinakailangan natin ito i-back up. mag download ng flashbackup 2.62 (ito ang pinakabagong freeware -- ang f&b 3 ay shareware na).
bago gawin ang mga hakbang na ito, siguraduhing puno ang ating baterya.
1. Buksan ang flashbackup at pumunta sa backups
2. habang patay ang telepono, pindutin ang * at ang # ng sabay. at habang nakapindot itong mga to, pindutin ang power.
3. Binabati kita kapatid. ikaw na ay nasa bootloader mode. oras ng ikonekta sa PC ang ating telepono.
4. kapag nadetect na ng flashbackup ang ating telepono, click natin ang create. wag pakielaman muna ang settings ng flashbackup at Huwag hahawakan ang ating telepono!
5. Kung compatible ang inyong telepono sa flashbackup, ito ay gagawa ng backup. gawan ninyo ang backup ng madaming kopya at itago. iburn sa CD, DVD ilagay sa flash disk at kung anu-ano pa... ito ay ang sasagip sa telepono ninyo kapag kayo ay nagkamali.
kapag hindi gumana, huwag mag-alala... may paraan jan, pero sa ngayon, hindi ko muna sasabihin...
***NEW! Uploaded FlashBackup ver. 2.62
19jave32 11th Jul '07 Wed, 14:43 useful sites:
from basic up to advanced modding.
*Removed Links*
(http://www.modmymoto.com)
OhNow3P 11th Jul '07 Wed, 17:34 Ang susunod po nating gagawin ay dadagdagan ang available memory natin.
buburahin natin ang ibang mga stock ringtones, picture files and videos.
siguraduhing nakainstall na ang inyong p2k drivers, huwag munang ikakabit ang ating telepono. Isang babala... maaring masira na ang inyong telepono, o ma void ang warranty nito kapag may nangyaring hindi kanais-nais... wag po ninyo ako sisisihin...
Downloadin ninyo ang p2ktools... link is given sa baba... pero pwede ninyo din i-google... (pero para mas madali para sa ating lahat ang version ng p2ktools na gagamitin ko dito ay yung nasa link.
hindi ito kelangan install... run nyo lang yung p2ktools3.exe
ikabit ang telepono
kapag naging green na ang ilaw sa left bottom corner ng p2ktools3, i-click ang refresh... lalabas lahat ng files na nilalaman ng inyong telepono...
depende sa telepono, may makikita kang isa hanggang 3 na drive... (a, b and c)
a = system files. in abscence of c, ito na rin ang user drive... mula ngayon, kapag nabanggitang c, para sa inyo a ito.
b = Memory card
c = Userfiles drive
Pumunta tayo sa c/mobile/picture (or a/mobile/picture kung walang c... )matatagpuan dito lahat ng stock wallpaper at screensaver pwede ninyo ito burahin lahat
Nirerekomenda ko na i-download muna ito sa computer para mayroon kayong backup ng mga files na ito...
Para ma-access ninyo itong lugar na ito... kinakailangan ninyo magiwan ng isang litrato... kung hinde ay hindi ninyo ma-access itong direktoryo na ito sa inyong telepono
pwede din itong gawin sa c/mobile/video
Para naman sa c/mobile/audio
pindutin muna ang all silent sa top left corner ng p2ktools
ang file na funlight.pat ay huwag ninyong burahin. kailangan ito.
Pangalawa: kung gusto ninyo pa rin ma-access ang motomixer, magtira ng isang *.bas na file.
p2ktools 3:
http://rapidshare.com/files/42269157/P2K-Tools-Three.zip
HUWAG KALILIMUTANG I_DOWNLOAD MUNA ANG MGA FILES SAPAGKAT BAKA KAILANGANIN NINYO ITO SA SUSUNOD
OhNow3P 16th Jul '07 Mon, 12:06 Update lang po muna...
sa halip na flashbackup 2.62, pwede rin gamitin ang Flash&backup 3...
shareware po ito: kung interesado, eto ang mga kinauukulang info para maregister.
name: Caronte
serial: F878-7956-2323-BC5E
Mas maganda ito gamitin shempre sa FB2.62 dahil mas maraming telepono ang supported nito. subalit hindi ko alam kung hanggang kailan pwede gamitin ang serials... so goodluck.
OhNow3P 16th Jul '07 Mon, 12:12 Adding your own files
Gagamitin po natin ang mga sumusunod na apps.
P2kTools
kapag nakainstall na ng ma-igi ang ating drivers, kapag nakaopen na ang ating p2ktools, magcoconnect agad ang ating motorola phones...
ano ang gagawin:
1.) punta po tayo sa file manager tapos i-click po ang refresh.
2.) pumunta po tayo sa /a/mobile/video (or picture or audio... or drive c kung meron, or drive b kung sa memory card)
3.) press upload. tapos hanapin sa PC kung anong file ang nais nating i-upload... tapos yun na.. ok na...
ISANG PAALALA: kapag nagupload ng audio, wag kalimutang burahin ang dalawang db files sa audio folder. at magrestart ng telepono.
yun lang po muna... next, games naman.
OhNow3P 24th Jul '07 Tue, 10:12 Installing Games:
Eto na...
madami ang paraan para mag-install ng games... discuss ko muna ang non-cable methods...
1. Over bluetooth... send mo lang ang jar file over bluetooth, tapos kusa na sha mag-install...
2. Memorycard... copyahin mo jar+jad file sa <drive letter>/mobile/kjava
sa phone, punta ka sa java apps tapos press menu button... switch storage device, tapos install new...
cable methods:
1. download ninyo ang midway (http://symbianize.com/attachment.php?attachmentid=6523&stc=1&d=1185242117)
sa phone, go to settings -> java settings -> java app loader
sasabihin nya, connect cable now...
(pag wala nito, follow this simple steps: 1. open p2ktools 3, select p2kmode, hidden options. click get values... check ninyo java app loader... set values tapos restart... )
connect phone tapos open midway... (close other p2k apps before doing this)
click ninyo open... hahanap sha ng JAD file... kung wala ang game ninyo, hanap kayo ng JAD Maker (google nyo na lang.)
press send and follow the steps sa phone.
Ok... next method, Motomidman (http://symbianize.com/attachment.php?attachmentid=6524&stc=1&d=1185242792)... pinaka madali to, pero pwedeng makasira din...
1. connect phone. open motomidman.
2. wait for status to become ready.
3. click install... tapos wait ulit hanggang ready, tapos restart phone...
Mga paalala:
*hindi lahat ng games ay pwede sa moto... kung ayaw, subukan ninyo i-adapt using motomidman, kung ayaw pa rin ayaw talaga.
*sa pag-gamit ng motomidman, maaaring masira ang ibang games... kung ganito ang nangyari, click nyo lang ang Access -> enable for all
*may limit na 30 ang pwede sa games.
*ang mga non-cable methods ay hindi pwede sa ibang telepono
Katulad ng ibang post ko sa itaas, hindi ako ang may kasalanan kung masira ang inyong telepono... ikaw ang nagdesisyon sa pagmod ng inyong telepono hindi ako.
OhNow3P 1st Aug '07 Wed, 18:47 Eto, ang mga GPRS settings ng mga service providers for motorola:
Enter kayo sa menu -> Web Access -> Web Session
kung walang laman, create new kayo, Eto na settings:
myGlobe
Name: myGlobe
Homepage: http://www.globe.com.ph/globe.asp
GPRS APN: www.globe.com.ph
- CSD 1 -
Sevice type 1: WAP
IP Address: 203.177.42.214
Port: 9201
speed: 14400
Line type: ISDN
Smart
Name: SMART gprs
Homepage: http://wap.smart.com.ph
GPRS APN: smart1
- CSD 1 -
Sevice type 1: WAP
IP Address: 10.102.61.46
Port: 9201
speed: 9600
Line type: ISDN
SUN
Name SUN
Homepage: http://www.suncellular.com.ph
GPRS APN: wap
- CSD 1 -
Service Type: WAP
IP Address: 202.138.159.78
or pwede rin, mas madali, gawin ninyo to:
1. Connect your phone and open P2KTools3 in P2k Mode
2. refresh your file manager
3. go to /a/ and look for file: WebSession
4. delete it.
5. upload attached WebSession file (case sensitive)
6. restart, go look in your WebSession in phone menu
All the settings above hindi ko maverify... wala ako sun, wala ako smart...
yun lang po. :D
aerotech 2nd Aug '07 Thu, 11:56 anywayz bro thanks for the opportunity!! Keep up the gud work..
OhNow3P 5th Aug '07 Sun, 22:54 ADDING SKINS -- PERSONALIZE YOUR MOTO
ang pagdadagdag ng skins sa moto ay isang kumplikadong proseso pero posible.
Ang mga gagamitn:
1. p2ktools3 (pakitingin sa previous posts)
2. ang i-upload na skin files (usually 1 .SKI file and several .DAT files)
ikabit ang telepono at i-open ang p2ktools3. sa P2K mode, refresh sa file manager...
pumunta sa /a/skins/ makikita dito ang folders ng mga skins na available sa phone mo.
pwede ito burahin pwera sa moto skin. (eto ang default, kapag nawala ito, mahihirapan ka gamitin ng maayos ang iyong CP.)
gumawa ng folder sa folder tree (mag right click) at pangalanan ito na kaparehas ng SKI file. (case sensitive)
i-upload dito lahat ng files (yung SKI at DATs)
restart... enjoy. :D
OhNow3P 26th Aug '07 Sun, 15:57 Flashing on Firmware
Ohkay. ngayon ay sanay na tayo sa pasikot-sikot, pwede na tayo mag flash...
pero pagusapan muna natin ang type ng flashes...
1. MonsterPack (MP): eto ay complete flash. kasama nito firmware flex... ibig sabihin lahat ng laman ng CP mo ay mabubura at mapapalitan ng kung ano ang meron sa MP.
2. ReFlash: eto ay upgrade lamang sa FW. mapapalitan lang ang inyong FW... usually eto ginagamit pang software upgrade
3. Flexlash: Isang imbensyon ng mga 'Cano, ito ay FLEX na parang flash. para itong MP pero hindi mapapalitan naman ang FW ninyo.
Marami pang mga finaflash sa phone pero eto na pinakabasic.
ang ating gagawing example ay pagfla-flash ng MP, pero pare-pareho lang yon.
OK. first step: Magbackup. tignan nyo nalang sa taas kung paano
ang mga kailangan: F&B3 or FB2.62... at yung MP file. Pwede din gumamit ng RSDLite, MFF at kung ano-ano pa... pero recommend ko F&B3 na lang dahil nakapagbabackup din to...
i-connect ang phone... pumunta sa firmwares... select file ka...
browse mo yung MP... kung MP ito, pwede mo piliin yung code groups(CG) na iflash mo... sa ngayon, piliin mo na lang muna lahat.
click quickflash... mag-antay, nerbyosin at kabahan...
Eto ang primary reason bakit madaming MOTOROLA na CP na nasisisira... wag ito gagalawin at magdasal na hindi magbrownout!
pag natapos na, edi ok!
kung sakakaling magkaproblema, restore mo lang backup mo...
kung ayaw bumukas, pindutin mo ang [#] +powerng sabay... mag punta yan bootloader mode.
piliin ang mga flash files na angkop sa cell mo para maiwasan ito... angkop din dapat sa inyong bootloader.
ok? ok... goodluck
isang paalala... wala ako kasalanan kung nasira mo cell mo... basahin maigi ang guide, at maghanap pa sa net ng iba... baka nagkamali ako mahirap na.
OhNow3P 11th May '08 Sun, 15:48 P2KStyle
Program for editing themes on motorola phones not supporting skins.
Pretty self-explanatory tong program na to, just extract and follow the menu commands. be sure to go to tools and activate spcolor.sch (yan yung magpapagana nung custom themes ninyo)
If you have questions regarding this software, gawa ka na lang ng thread as I seldom check in here anymore at matulungan kayo ng ibang members.
be safe. backup.
OhNow3P 14th Aug '08 Thu, 22:13 I am opening this thread already. i can no longer post updates and other tips regarding motorola phones as i am behind the current mods and tips. also i no longer mod motorola's even though i own a V6 Maxx. kayo na bahala dito... just please guys, before asking, please search first. if you need further clarifications don't post here and open a new thread.. this space is reserved for tutorials as the title suggests. so if you aren't posting a tutorial, post somewhere else.
Thanks.
ann29 20th Aug '08 Wed, 16:58 panu po magbackup using f&b 3? step by step process po sana.. thankyou
lethalcross 4th Sep '08 Thu, 17:21 wow Lahat na tips nd tricks toh ah.. thanks..
mjpulido15 19th Oct '08 Sun, 20:24 :help: the p2k tool v5.0.4 ain't work to connect with my V3,:weep:
:help:
cybergwapo 20th Oct '08 Mon, 03:33 panong nde ngwowork? paexplain po bka sakali makatulong aq..
|