PDA

View Full Version : Paano pumunta ng SM fairview, o SM north edsa



jeck87654321
8th Mar 2012, 19:09
:help::help: Mga Boss at Mam paano po ba pumunta sa SM fairview o SM North Edsa pag galing sa Pasay, baclaran. Yun pinaka-madali po sana, may katatagpuin lang po kasi ako sa lugar na yan. Thanks ;)

PulizPatola
8th Mar 2012, 19:12
sakay ka mrt sa taft baba ka north ave. baba ka station lakad ka lang ng derecho makikita mo na yung sm north edsa,ang noth ave station trinoma ang kadikit nun,SM fairview sakay ka nng bus na SM fairview ang sign board dadaan na yun dun :lol:

nass08
8th Mar 2012, 19:15
Sakay ka taxi sabihin mo sm fairview or sm north,



Pag dating mo dun mag bayad ka na sa driver ng taxi....:dance:

jeck87654321
8th Mar 2012, 19:54
Sakay ka taxi sabihin mo sm fairview or sm north,



Pag dating mo dun mag bayad ka na sa driver ng taxi....:dance:


Hahaha. Mahal naman nyan boss :))

jeck87654321
8th Mar 2012, 19:57
sakay ka mrt sa taft baba ka north ave. baba ka station lakad ka lang ng derecho makikita mo na yung sm north edsa,ang noth ave station trinoma ang kadikit nun,SM fairview sakay ka nng bus na SM fairview ang sign board dadaan na yun dun :lol:

Saan ba yun taft boss? hehehe. Kasi dun pa ako sa Paranaque mangagaling, at puro LRT lang ako. Ano sasakyan ko papunta ng MRT taft? Thanks

ariel.pollero
8th Mar 2012, 19:57
pinakamabilis mrt ts ..magastos pag taxi ka..traffic pa..hehehe

mula taft na mrt tapos baba ka sa pinakadulo din na station..pwede ka matalog kasi medyo malayo.tapos last station naman yon..hehe

:clap::clap::clap:

lilhotboy
8th Mar 2012, 20:10
mag Bus ka na lang.. meron naman sm fairview na bus dyan eh..

Dave0928
9th Mar 2012, 03:29
kung galing ka ng paranaque at LRT lang sasakyan mo..
baba ka ng 1 station before mag baclaran.. LRT taft ata tawag dun.. then tatawid ka lang MRT taft na.. sakay ka n g MRT tapos baba ka ng North Ave..

sa North Ave nandyan na ang trinoma at SM north..
kung didiretso ka naman papuntang fairview galing ng SM north, sakay ka ng Jeep or FX, merong byahe nyan papuntang Fairview galing ng SM north o Trinoma..


kung galing ka ng paranaque then pupunta ka sa SM Fairview, same route lang din sa pagsakay mo ng LRT TAFT.. pero pagdating mo sa LRT TAFT, sakay ka ng BUS sign board is SM Fairview..
tapos kung pupunta ka naman ng SM north galing sa SM Fairview, my FX dun.. aun na..

tagabundok29
9th Mar 2012, 03:56
sa baclaran station ng lrt line 1, malapit na dun ang mrt station.
papunta sm north sakay ka mrt tapos byahe ka papuntang north avenue.
basta boss gawin mong landmark palagi yung mga byaheng common, usually train tlga ginagawa kong pananda, habang nasa tren ako tanda tanda lang kung anong pwede kong matandaan na lugar sa bawat station

sa sm fairview d pa ako nakakapunta dun eh.

Onigashima
9th Mar 2012, 04:12
galing kang Parañaque, at alam mo Baclaran, kita tayo sa MOA.
ihahatid kita sa SM North ...


joooooooooooooooooooke!

tama sabi nila dito. MRT EDSA-Taft station ang pinaka-mainam na sakay. kung galing ka ng Baclaran.
pero kung sa Parañaque, baka sa MRT Magallanes station ka na makababa dahil yung bus na masasakyan mo ay dadaan ng south highway thingy. pero ganun din. makakasakay ka pa rin ng MRT. at ang destination mo ay MRT North EDSA.
connected ang station na yun sa Trinoma Mall.
magtanung-tanong ka na lang sa mga guard dun kung pano pumunta sa SM North. though magkatapat lang sila.

sa SM Fairview, basta makarating ka ng EDSA. kung galing ka ng Parañaque or Baclaran. may mga bus dun na dadaan ng SM Fairview. nasa sign-board na.

dhoy05
9th Mar 2012, 04:15
bus lang po na byaheng sm fairview sakyan mo..derecho byahe mo, wala nang babaan..:thumbsup:

Onigashima
9th Mar 2012, 04:56
bus lang po na byaheng sm fairview sakyan mo..derecho byahe mo, wala nang babaan..:thumbsup:

agree...
masarap matulog sa ganun kahabang byahe.:lol:

jeck87654321
10th Mar 2012, 20:25
kung galing ka ng paranaque at LRT lang sasakyan mo..
baba ka ng 1 station before mag baclaran.. LRT taft ata tawag dun.. then tatawid ka lang MRT taft na.. sakay ka n g MRT tapos baba ka ng North Ave..

sa North Ave nandyan na ang trinoma at SM north..
kung didiretso ka naman papuntang fairview galing ng SM north, sakay ka ng Jeep or FX, merong byahe nyan papuntang Fairview galing ng SM north o Trinoma..


kung galing ka ng paranaque then pupunta ka sa SM Fairview, same route lang din sa pagsakay mo ng LRT TAFT.. pero pagdating mo sa LRT TAFT, sakay ka ng BUS sign board is SM Fairview..
tapos kung pupunta ka naman ng SM north galing sa SM Fairview, my FX dun.. aun na..


Boss ang LRT EDSA po ba at LRT Taft ay iisa? Maraming salamat po.

jeck87654321
10th Mar 2012, 20:30
bus lang po na byaheng sm fairview sakyan mo..derecho byahe mo, wala nang babaan..:thumbsup:

Hehehe, sa Coastal road po ba may mga bus na SM fairview?

medan
10th Mar 2012, 20:36
sa baclaran ang may sm fairview na bus

jeck87654321
10th Mar 2012, 20:46
sa baclaran ang may sm fairview na bus

Eh pag pauwi boss, ano sakyan ko sa Sm fairview?

lilhotboy
10th Mar 2012, 20:51
sakay ka din ng baclaran/pasay.. isang sakay lang din yun..

jeck87654321
10th Mar 2012, 20:54
sakay ka din ng baclaran/pasay.. isang sakay lang din yun..

Ahh. salamat boss, mas madali pa pala pag papunta fairview :))

Dave0928
11th Mar 2012, 02:36
Boss ang LRT EDSA po ba at LRT Taft ay iisa? Maraming salamat po.

yup. hehehe,,.

jeck87654321
11th Mar 2012, 11:23
yup. hehehe,,.

Saan dun yun MRT station? hehehe.

caeli
14th Mar 2012, 08:59
Eto detailed na para hindi ka na maguluhan

To SM North
Galing Baclaran, sakay ka ng LRT papuntang EDSA station. Pagbaba mo ng EDSA station, tuntunin mo yung walkway papuntang MRT station. Bumili ka ng ticket papuntang North Avenue Station. Pagbaba mo sa North Avenue, yung mall na makikita mo, Trinoma yun. Labas ka ng Trinoma, tapos akyat ka dun sa footbridge papuntang SM North. 2 footbridge yung andun. Ikaw na bahala kung ano gusto mo gamitin.

SM North to Baclaran
2 ways ang pinakamabilis na naiisip ko.
1. Sa labas ng SM North, may bus stop dun. Sakay ka ng bus papuntang Monumento. Pagdating mo sa Monumento, lakad ka papuntang North Mall at sumakay ka ng LRT papuntang Baclaran.
2. Galing SM North, dumaan ka sa footbridge papuntang Trinoma. Sumakay ka ng MRT papuntang Edsa-Taft Station. Lumakad ka uli pabalik ng LRT. Sakay ka papuntang Baclaran.

To SM Fairview
1. Sakay ka ng LRT. Baba ka ng Buendia Station. Sa baba ng Buendia Station may mga FX dun papuntang Fairview. Sakay ka lang tapos ang dulo ng byahe nun SM Fairview.
2. Sakay ka ng LRT. Baba ka ng Edsa Station. Tawid ka papuntang MRT. Sakay ka papuntang Cubao Station. Pagdating mo sa Cubao, baba ka ng northbound side ng station. May mga bus sa ilalim. Sakay ka ng bus na SM Fairview or Lagro or Sapangpalay. Baba ka sa SM Fairview.
3. Sakay ka ng LRT. Baba ka ng Edsa Station. Tawid ka papuntang MRT. Sakay ka papuntang GMA-Kamuning Station. Baba ka sa northbound side ng station. May makikita ka na pila ng FX dun na SM Fairview.

SM Fairview to Baclaran
1. From SM Fairview sakay ka ng jeep or FX papuntang Quiapo. Sabihin mo sa driver ibaba ka sa EDSA. Galing sa EDSA tumawid ka papuntang MRT station. Sumakay papuntang Taft, tapos from Taft, mag LRT ka to Baclaran.
2. From SM Fairview sakay ka ng bus papuntang MIA / Baclaran / Ayala. Baba ka sa kanto ng East Avenue at Edsa. Galing sa EDSA tumawid ka papuntang MRT station. Sumakay papuntang Taft, tapos from Taft, mag LRT ka to Baclaran.