View Full Version : Ghost Story (My Province)


balahuba
28th Jul '08 Mon, 00:10
Ok guys, this story happened to me when I was in Kinder, I know baka sabihin nyo hindi totoo kasi matagal na iyon pero lahat ng kakaibang ngyayari sa akin ay naaalala ko til now.

My mom and I usually visited our province [Leyte] when I was still a kid to visit my grandparents on both side of my parents. My mom was born in Hindang, Leyte and my dad was born in Lanao - Maasin City, Leyte. Later on when I was in grade school we seldom visit our province. Anyway, ung bahay ng grandparents ko sa side ng mom ko ung tinutulugan namin and hindi sa dad side ko dahil sobrang creepy nung place sa Lanao.

Hindang, Leyte

Ung bahay sa Hindang ay pinalilibutan ng palayan, farmer kasi lolo ko and sa likod ng bahay nila ay may isang malaking bahay na hindi natapos gawin, in short isang malaking cementadong mga pader at dalawng palapag na puro mga gumagapang na damo and dumikit dito. Malikot kasi akong bata and I often wander around, playing by myself and running everywhere so my mom would usually followed me around baka daw kung ano mangyari sa akin.

One sunny afternoon, nakik*paglaro ako ng tagu-tagoan mga bata na medyo malapit na nakatira sa amin and dun ako nagtago sa malaking bahay na hindi na inayos. hindi nila ako mahanap, matagal akong nagtago dun hanggang sa may narinig akong umiiyak sa ikalawang palapag ako tinignan ko. out of curiosity siguro hinahanap ko ung umiiyak na bata sa taas, kaso nung pagakyat ko sa hagdan ay dali-daling sumigaw ung lolo ko papunta sa akin at nagmamadaling binuhat ako papaalis dun sa malaking bahay. tinawag nya ung mga alaga niyang aso at pinaakyat sa lumang bahay at ako naman ay pinasok sa bahay ng lolo ko kasama ng mom ko. mga ilang minuto may narinig kaming mga putok ng baril, tumahimik na ung mga aso at dumating na ung lolo ko sa bahay. tinatanong ko sila kung ano un pero hindi nila ako sinasagot. basta ang sinabi sa kin ng mom ko na wag akong lalapit uli dun sa malaking bahay.

One night, pinatulog ako ng mom ko sa isang kama malapit sa kusina and nung nakatulog ako iniwan ako ng mom ko dahil nagkwekwentuhan sila ng mga kapatid nya sa kusina. Medyo nagising ako at na-alimpungatan dahil ung kayakap ko ay mabalahibo at sobrang init, hindi na ito ung mom ko kaya dumilat ako at nakita ko sa harapan ko ang isang maitim na nilalang umiyak ako ng malakas sa takot at dali daling tumayo at lumabas ng kwarto ung mainitm at mabalahibong nilalang. ilang segundo lang ang nakalipas dumating na ung mom ko and tinanong nya kung ano ngyari, nakwento ko sa kanya ung nakita ko at tumakbo papalabas sa pinto, kaso wala naman daw siyang nakita sa tumakbo palabas ng kwarto nung umiyak ako.

Lanao-Maasin City, Leyte

Bihira kami pumunta dito sa side ng dad ko pag walang sasakyan dahil ma-puno ang papasok nito dati, sobrang taas ng mga puno dito na parang pre-historic pa ito. Ung bahay naman ng grandparents ko dito ay napapalibutan ng matataas na puno at sa likod nito ay may isang maliit na bundok, burol ata ung tawag dun. from the main road upto the house mistulang gubat ung lalakarin para makapunta. One morning, my mom and I was walking papunta sa bahay ng lolo ko. At first, there was this guy walking towards us and he greeted us with, "Hi Aning, ito si France noh?"Nagtaka ako nun kasi first time namin pumunta dun sa bahay ng lolo ko at kilala siya, my mom didn't entertain the guy and proceeded walking. 5 minutes later an old woman was waving from a far and my mom started to pray and he told me to closed my eyes and pray. My mother's prayer was getting louder and louder while walking papunta dun sa direction nun matandang babae. Pagdilat ko ng mata ko, the old woman was gone and a sudden gush of wind pass through us. sa gitna ng daan, kahit maaraw ay madalim ung daanan namin dahil sa sobrang taas ng mga puno at malalago ang mga dahon at sanga kaya natatakpan ang araw. dun sa madilim na spot may 2 aso na itim na nakatayo at parang inaantay kami ng mom ko. The dogs were so big that the both of us had to stop dahil nakakatakot ang laki nito. And all of a suuden the two dogs were running towards the direction of us and my mom just shouted "STOP!" but they weren't stopping. Buti na lang at malapit ung lolo ko dun at narinig nya mom ko nilapitan nya kami at sinigawan ung mga aso, "Wag na wag nyong gagalawin ang asawa ng anak ko at ang aking apo! kung hindi magkakatuos tayo!" at biglang tumakbo sa mga puno ung 2 itim na aso. My mom told my lolo about the guy and the old lady and my lolo said that "Sila rin ung dalawang asong itim kanina, dibale hindi na nila kayo gagalawin sa susunod."

The house was elevated and a typical old spanish house, parang malaking storage room ung first floor and sa second floor mismong bahay. Sa first floor may 3 rooms, the first room was ung tambakan ng mga na-aning bigas, the second one was the machineries and tools sa pagsasaka and the last room ay malaking room ito na puro kahoy at paguukit na gamit at doon may dalawang kabaong [walang laman] mahilig kasi lolo ko mag-ukit ng mga kahoy [wood carvings]. Sa pinto paakyat ng second floor, may isang painting ng hindi ko kilalang tao at isang ulo ng kalabaw sa pader. natatakot ako dun sa dalawang iyon. Isang gabi, dun kami natulog dahil ginabi na kami dun. At doon kami natulog sa isang kwarto sa may sala. tulog na ang lahat at ako ay nagising dahil may kumakatok sa ilalim ng sahig at dahil sa gawa sa kahoy ang buong sahig ng bahay maririnig mo na nanggagaling ito sa ilalim. tumayo ako at sumilip sa pinto kung may tao pa bang gising, pag silip ko may narinig akong yapak ng paa paakyat galing sa hagdan dun sa first floor, every step ay nagsqueak ang sahig dahil kahoy ito. Pag tingin ko sa sala ay may isang malaking maitim na anino ang naglalakad sa sala, hndi ko masyado makita dhil ang tanging ilaw lang ay ung ilaw sa altar sa ang buwan. ngunit kitang kita ko kung gaano sya kalaki, para siyang basketball player pero malaki ang pangangatawan. Nung nakita niya akong sumisilip sa knya ay naglakad siya patungo sa kwarto namin ng mom ko, dali dali akong humiga at nagtalukbong ng kumot, sa takot ako ay biglang nakatulog. pag gising ko tinatanong ko sa mga pinsan ko kung may malaking tao dito na kamaganak namin, sabi nila wala at baka ung kaibgan ng lolo ko na kapre ung nakita ko nung gabing iyon.



Ang weird nung mga na-experience ko nung bata ako, ngayon hindi ko na iyon naramdaman nung pumunta ako ng Leyte. siguro kasi malaki na ako and dahil dumarami na rin ang mga tao, nagtatago na sin sila and bihira na magpakita. Lahat ito ay totoong ngyari sa akin.


:pray: before matulog :thanks:

xyver1220
29th Jul '08 Tue, 09:57
katakot naman!

keyjey
29th Jul '08 Tue, 16:00
ay dyosko... kakatakot naman!!!!! mga ilan taon ka nung nangyari ang mga sitwasyon na un??? ilan ka na ngaun??? mg ngyari pa iba sayu??? nakakatulog ka ba????

kurabo
29th Jul '08 Tue, 16:09
may pagkacreepy yun ah.. kung ako siguro nandun hindi ko na alam gagawin:lol:

balahuba
29th Jul '08 Tue, 17:44
Kng minsan napapanaginipan ku parin ang ngyari xa akin.

chokneth
30th Jul '08 Wed, 18:01
so ano ung nangyari sa Hindang??? dun sa bahay na di natapos na tinaguan mo???? di mo tinanong mom mo kung anong nangyari?

yvescore
30th Jul '08 Wed, 19:31
Tanong mong mabuti sa lolo mo and sa Mom mo kung anu ba talaga yung nangyayari , that time...

g_olano
15th Aug '08 Fri, 19:59
tumaas ang balahibo ko nung nabasa ko cia..wahahahahha....


grabe!!!!!!

balahuba
22nd Aug '08 Fri, 22:22
Wla na eh, matagal na kac, tinuluyan ku nlng kalimutan para ndi ku mapanaginipan :pray:

Mr.Duncan
22nd Aug '08 Fri, 23:12
MABALAHIBONG NILALANG?! WAaaaaaaaaaaaaaaa.....nagiisa p naman ako ngaun d2 sa kwarto...sana d ko nlng binasa!!!!!:pray:

yhandz_21
23rd Aug '08 Sat, 01:03
pag sure.. heheh

yhandz_21
23rd Aug '08 Sat, 13:26
hindi naman scary sa Leyte ah

Battosai
23rd Aug '08 Sat, 14:30
Sana uso na digicam nung bata ka pa. :D

balahuba
26th Aug '08 Tue, 07:27
Kahit cp nlng na may video nakuha.an ku pa sana :lol: