View Full Version : Katipunan Code on Bonifacio Monument deciphered by PINOY RADICAL


PINOY_RADICAL
28th Jul '08 Mon, 00:19
http://fototime.com/E0187D5DD5056C8/orig.jpg

http://fototime.com/B31E7B0B31FEFE0/orig.jpg

mga maginoong namiminuno
kasapi at mga kapatid

sa inyong lahat ipinatutungkol ang pahayag na ito. totoong kinakailangan na sa lalong madaling panahon ay putlin natin ang walang pangalang panglulupig na ginagawa sa mga anak ng bayan na ngayo'y nagtitiis ng mabibigat na parusa at pahirap sa mga bilangguan na sa dahilang ito'y mangyaring ipatanto ninyo sa lahat ng mga kapatid na sa araw ng Sabado, ika 29 ng kasalukuyan, ay puputok ang pang hihimagsik na pinagkasunduan natin, kaya't kinakailangang sabaysabay na kumilos ang mga bayanbayan at sabaysabay na salakayin ang Maynila. ang sino pa mang humadlang sa banal na adhikang ito ng bayan ay ipalalagay na taksil at kalaban maliban na nga lamang kung may sakit na dinaramdam o ang katawa'y may sama at sila'y paguusigin alinsunod sa palatuntunang ating pinaiiral.
bundok ng kalaayan, Ika 28 ng Agosto ng 1896.
MAYPAGASA

-Pinoy Radical
Sunday, July 27, 2008

VZBXHZY Z'G PNJNPNLLZS

delgar
28th Jul '08 Mon, 09:35
wow, ang galing mo naman?

nsabi mo na ito sa gobyerno?

PINOY_RADICAL
28th Jul '08 Mon, 15:25
wow, ang galing mo naman?

nsabi mo na ito sa gobyerno?


delgar, sa totoo lang madali lang siyang i-decode kung nakaka-intindi ka ng wikang Filipino(tagalog) at alam mo yung Katipunan decoder ring. ilang letra lang yung pinalitan nila.
marami nang nagdeciphered niyan. kahit nga mga Kastila noon nalaman na nila yung decoder ring. naisipan ko lang siyang i-decode na walang kopya nung deciphered transcript. wala kasi ako mahanap. :thumbsup: