View Full Version : Symbianize Literati: 250-word Short Story Writing Contest Voting Thread
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:14 Symbianize 250-word Short Story Writing Contest Voting Thread
http://www.dreamstime.com/vector-fire-thumb10821017.jpg
Theme: Apoy o Fire
contest winners
3rd Place : Entry 5 : Apoy sa Puso - 79.54% by adiksadownload
2nd Place : Entry 10 : Tukso - 81.44% by beibhytearz
1st Place : Entry 8 : Hanapbuhay 81.64% by komwari
Paraan at kung paano bomoto.
Q. Sino ang pwedeng bomoto?
A. Piling tao lamang ang pwedeng bomoto para maiwasan ang bomoto lamang pero hindi naman nagbasa. Para makaboto, dapat nakapagcomment ng hindi bababa sa dalawang beses sa Writing and Discussion Thread (http://www.symbianize.com/showthread.php?t=308692) mula Oct 2011 hanggang Mar 23, 2012 na may kinalaman sa mga nakaraang at kasalukuyang contest. Ang boboto ay dapat may 100 post na o higit pa.
Q. Madami akong nagustuhan na entry. Ilan ang pwedeng iboto?
Pwede mong idescribe ang mga nagustuhan mo pero sa huli, isang entry lamang ang pwedeng piliin.
Q. Paano naman bomoto?
A. Banggitin ng nagustuhang entry at magbigay ng kahit kaunting detalye kung bakit napili ang nasabing kwento. Mababalewala ang boto kung hindi susundin ang paraan ng pagboto.
Halimbawa : Gusto ko ang entry #11 dahil nagawan niya ng malinaw na kahulugan ang tema sa kakaibang panananaw.
Q. Hanggang kailan pwedeng bomoto?
A. Tatagal ang botohan hanggang March 31, 2012 11:59pm symbianize time.
Sa mga kalahok, Mahigpit na ipinagbabawal ang PANGANGAMPANYA, PAGBANGGIT ng inyong entry, LITERAL man o PAHAPYAW. Madidisqualified ang inyong entry.
JUDGES’ CRITERIA OF JUDGING:
Originality and appeal (40%)
Relevance to the theme(30%)
Adherence to the rules (20%)
From votes (10%)
Paalala : Voting Thread ito.. Dito ang discussion thread (http://www.symbianize.com/showthread.php?t=308692).
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:20 ito ang pinakahihintay! :clap:
Ang mainit at nag-aapoy na kwento. :excited:
twelve accepted the 250-word short story writing challenge :salute:
Entry no 1 : Apoy sa Paraiso
“Kahoy mang Babad sa Tubig sa Apoy Huwag Ilapit, Kapag Natuyo at Nag-init Sapilitang Magdirikit!"
Habang pinagmamasdan ko ang hubad na katawan ni Marisol ay tuluyan na akong nilamon ng apoy ng kahalayan.
Sino nga ba ang hindi? Kung ganito kaganda at ka sariwa ang nasa iyong harapan. Magkasama kami sa trabaho. Nangyari iyon ng minsan mag-yaya si Marisol na lumabas kaming dalawa. Palibhasa type ko siya ay pinagbigyan ko ang hiling niya. Di ko akalaing humantong kami sa ganito, noong una’y palipad hangin lang ang pagnanasa ko sa kanya. Pero nang lumaon ay siya na mismo ang nagbibigay ng motibo.
May asawa na ako pero parang wala ako sa sarili at panandaliang nalimutan ito. May nangyari sa amin ng gabing iyon.
Wala na akong nagawa kungdi sumunod sa gusto ng laman. Pag-uwi ko sa bahay ay parang nagi-guilty ako sa nangyari sa amin kagabi ng babaeng kasama ko.
“Saan ka galing kagabi Hon?” tanong ng aking misis
“Ah ei.. may tinapos akong trabaho kasi.” Pagsisisnungaling ko.
Agad namang naniwala ang aking asawa. Never ko pang nagawang mangaliwa simula ng kami’y nagsama Pero ngaun pakiramdam ko napakasama ko nang asawa. Mahal na mahal ako ng aking misis, kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi na mauulit ang naganap sa pagitan namin ni Marisol .
Mahirap man ay pinilit kong alisin sa buhay ko ang babaeng muntik ng tumupok sa paraiso naming mag-asawa.
Sapat na ang minsang pagkakamali ko para magising ako sa katotohanan na ako’y may pananagutan na sa buhay.
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:33 Entry 2 : Isang Liham ng Anak na Galit Ngunit Nagsisisi
Dear Papoy,
Buong buhay ko'y pagkamuhi ang aking naramdaman para sa'yo. Isang pusong nag-aalab at umaapoy na damdamin. Masama na ako kung masama ngunit nais kong manghusga, pinagsisisihan ko...ikaw'y naging aking ama!
Ngunit sadyang mapaglaro ang emosyon ng tao. Tulad man ng naglalagablab na apoy ay napapawi rin pagdating ng ulan. Ngunit huli na nang ako'y magising sa katotohanan.
Marami na ring oras na aking sinayang. Ilang beses at pagkakataon kong sinubukang humingi ng tawad pero ako'y naging mahina...
Hanggang dumating ang tinakdang panahon. Sa wakas nagawa ko! Habang dala ang isang kumpol na bulaklak sa ilalim ng kumikinang na ilaw ay nasabi ko rin, "Salamat Papa at Sorry!". Kaharap ka sa isang kulay puting parisukat na kahon habang nakatingin ang madla na kasabay kong lumuluha at nagluluksa. Wala nang halaga ang mga patawad at pasasalamat ko, 'di ka na makadinig, 'di makapagsalita at 'di makadama.
Papoy, sabi mo gusto mong magbakasyon, ang layo naman ata. Pasensya na, hindi ako makapunta. May mga bagay pa akong dapat tapusin. Kung nasaan ka man ngayon nais kong malaman mo, mahal na mahal kita. Alam kong huli na, kaya ibubulong ko nalang sa hangin at sana iduyan ito kasabay ng taghoy ng aking damdamin ang pagmamahal at pagsusumamo na sana'y maibalik ko ang mga panahong ako'y naging mahina. Sana'y mahagip ng hangin ang init ng aking haplos at yakap tulad ng munting apay sa malamig na gabi, bilang isang nangungulilang anak patungo sa isang natatangi kong ama. Papa patawad at salamat.
Nangungulila,
Popoy
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:35 Entry 3 : Tukso
Ang pag-iwas sa tukso ang pinaka-importanteng bilin ng aking magulang. Hindi naman daw masama, pero mas maganda nang umiwas. Ibahin mo ang girlfriend kong si Grace. Sya pa ang nagturo sakin ng mga bagay, na hindi ko inaasahang hahanap hanapin ko.
“Hinay hinay lang, para kang mauubusan” natatawa nyang sabi.
“Mahirap mabitin, masakit sa ano..” pilosopo kong sagot.
Halinhinan kaming nagsasalo sa init na dala ng kakaibang ligaya. Apat lang naman ang sulok ng kwarto, pero parang naging sampu nung napamura sya sa sarap.
Hindi ko maitago ang tuwa sa bawat pagbaba at pagtaas ng aking ulo. Kahit pa manhid na ang ilang parte ng katawan, basta ma-satisfy lang saming ginagawa.
Parehas kaming hingal noong nagkaubusan na ng malalanghap na hangin.
“Solve ka ba? Kapag gusto mo pa magsabi ka lang” wika nya.
“Kailan ulit natin gagawin ito?” tanong ko, habang nagpupunas ng pawisang noo, batok, at dibdib.
“Ano pa? Eh di kapag nagpadala na parents mo” tipid nyang sagot.
“Matatagalan pa yun. Pwede bang bukas?” pangungulit ko.
“Bawal nang libre! Ano ka sinuswerte?”
Tumayo sya at tinakip sa pawisan nyang katawan ang twalya. Doon ko lang naramdaman ang kakaibang sensation. Pumutok na ang tama. Nagtayuan na ang aking anit. Puti ang aking dila. Sumapi na ang kaluluwang nagbibigay ng kakaibang lakas.
“Sunod ka ha!” malambing nyang tinig, bago tuluyang pumasok ng banyo.
Hinipan ko ang kandila na may naglalarong apoy, na syang tumutupok sa demonyong nag-anyong bato. May init na hindi nakakapaso, ngunit may usok na sumisira ng pagkatao.
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:37 Entry 4 : Nalimutan ang Title
Tatlong araw na ang nakakaraan ng tupukin ng apoy ang Ever Gotesco Grand Central Mall sa caloocan. Nasabi sa report ng isang istasyon na hindi pa alam ang dahilan kung paano nagsimula ang sunog at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito naapula ang apoy.
Nakapanayam ng isang reporter ang ilan sa mga nadamay sa sunog na naganap kamakailan.
" Ano po ba talaga ang nangyari kung bakit ito nasunog?" ani ng reporter
"Aba, ewan ko! Maya-maya ay sumiklab na agad ang apoy."
"Karumaldumal ang nangyaring ito. Ilang araw na ang nakalipas ngunit, hindi pa rin alam kung ano ang pinagmulan ng sunog"
"Dapat bayaran ang may ari nitong mall ang pinsalang dinulot nito sa kabahayan namin!"
"Masakit pero kailangan tanggapin. Nangyari na eh."
"Kapabayaan ng mga staff at management kung bakit ito nasunog"
Namataan din ng mga bumbero na may sumingaw na gas tank sa ground floor kung saan nakaimbak ang mga paninda nila tulad ng laruan,damit at mga sapatos.
"May gas leak po kaming nakita sa ground floor kung saan nakalagay ang mga bagay madaling masunog".
Sa ngayon ay inaalam pa din ng mga bumbero ang eksatong dahilan kung ano ang pinagmulan ng sunog. Kasalukuyang iniinspeksyon ang naturang lugar.
Nilamon na nga ng apoy ang Ever Gotesco Grand Central Mall sa hindi malamang dahilan. Ito ba'y dahil sa kapabayaan o aksidente? Nagkulang ba ang kinauukulan na ipa-check ang kalagayan ng mall kada buwan? Masakit pero kailangan nating tanggapin na sa isang iglap ay nasunog ang nasabing gusali
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:39 Entry 5 : Apoy sa Puso
"Hoy Alfred! Magbayad ka na ng renta! Tatlong buwan ka nang atrasado!" bulyaw ni Aling Tasing sa pamangkin nang mapadaan ito sa umpukan nila.
"Wala pa po akong pera tiyang, pasensiya na po kayo" malungkot nitong sagot.
"Puro ka na lang pasensiya!" sabay hagis ng isang piyesa ng mahjong sa mukha nito. Di umimik si Alfred. Umalis itong nakayuko habang tinutungo ang kuwartong inuupahan.
Nagpuyos sa galit ang ale.Napamura. Akmang susugurin ang pamangkin pero pinigil siyang mga kalaro. Tuloy ang sugal. May pinapaupahan siyang two-storey apartment. Kapatid niya ang ama ni Alfred. Pero abot hanggang langit ang galit niya dito.
Kinamumuhian kasi niya ang napangasawa ng kapatid. Maagang naulila si Alfred. Namatay ang kaniyang ina nang ipanganak siya. Pagsapit ng pitong taon ay nasawi ang kanyang ama sa isang aksidente. Kinupkop siya ng matapobreng tiyahin. Subalit, malupit ito sa kanya. Tinuring siyang alila. Lagi siyang minumura. Madalas saktan at ipahiya sa harap ng ibang tao.
Naging working student siya. Nang makapagtrabaho,pinaalis siya ng tiyahin at pinalipat sa ibang kuwarto. Pinapauhan sa kanya. Pambayad raw sa utang na loob. Nagsikap siya hanggang siya'y maging bumbero.
"Ano'ng mapapala mo sa pagiging bumbero? Tinularan mo pa ang ama mong ungas!"
Nang gabing iyon ay nilamon ng apoy ang buong apartment. Nang maapula ang sunog, may natagpuang taong nakahandusay sa isang banyo. Nakabalot sa basang tuwalya at kumot. Nakasuot ito ng fire jacket at helmet. Si Aling Tasing. Sumisigaw. Lumuluha,katabi ang isang sunog na bangkay. Naabong bangkay na diumano nakaharang sa pintuan ng banyo.
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:41 Entry 6 : Apoy ng Pag-asa
“Gutom na ako kuya, meron po bang makakain?” ang sabi ng anim na taon na si Nald. Pumapatak ang malakas na ulan ng gabing iyon. Makikita sa isang kanto ang matiyagang pinagpatong-patong na kahoy at karton na nagsilbing tirahan ng magkapatid na Roy at Nald.
“Konting tiis na lang Nald. Alam kong tatlong araw na tayong di kumakain. Bukas maghahanap ako ng makakain.”
Takot sa responsibilidad ang kanilang ina at simula nang mahirapang kumita ng pera at wala nang maipakain sa mga anak ay agad niya itong iniwan sa lansangan.
Sinindihan ni Roy ang isang kandila gamit ang posporo at ito ang nagsilbing liwanag sa madilim na gabi ng mag kapatid. Dinukot ni Roy sa bulsa ang isang pakete ng kulay lupa at malagkit na likido. Agad nila itong inamoy habang pinagmamasdan ang pagsayaw ng maliit na apoy.
Sa bawat pag singhot nito ay unti-unting nakadadama ng kasiyahan at bagong pag-asa ang magkapatid. Nang may napansin silang isang babaeng nakatayo sa labas. Mistulang hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita.
“Kuya! Si Mama!”.
Agad na tumayo ang magkapatid at niyakap ang kanilang ina at biglang bumuhos ang kanilang mga luha.
“Patawarin nyo ako anak, hindi ko na kayo muling iiwan. Sana ay mapatawad nyo pa ako.”
Sumapit ang umaga. Tumila ang ulan. Dahan-dahang umagos ang natunaw na kandila sa karton, kasabay ng unti-unting pagkamatay ng apoy nito. Mababanaag sa mga mata at ngiti ng magkapatid ang di mawaring kasiyahan habang nakahandusay ang kanilang walang buhay na mga katawan sa sobrang gutom.
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:44 Entry 7 : Yakap
Papa!!!" Sigaw ng anak ni Efren sa kanyang panaginip.
Dumating ang umaga at maganda ang panahon. Hindi maalis sa isip ni Efren ang kanyang panaginip. Para bang may ibig sabihin ang panaginip na iyon.
"Honey pagawa natin ang pinto sa likod ng bahay natin" sabi ng kanyang asawa na si Milda.
"Wala na tayong oras para diyan, madami pa akong dapat ayusin sa trabaho" sabi ni Efren sa kanyang asawa.
Nasa kwarto noon si Efren at inaayos ang mga papeles para sa kanyang trabaho.
"Sunog !! May apoy !!" sigaw ng isang kapitbahay sa labas ng bahay.
Dahil sa init ng panahon nasunog ang bahay nila Efren. Nagmadaling tumakbo si Efren at tinawag ang kanyang asawa. Animoy parang walang inintindi basta makalabas lang ito.
"Honey ang anak natin" sabi ni Milda habang gulat sa laki ng apoy na lumalamon sa kanilang tahanan.
"Papa !! Tulungan n'yo ako" Sigaw ng anak mula sa bintana
Dumating ang mga bumbero. Isa lang ang pintuan ng bahay at wala nang ibang daraanan. Pero tumakbo si Efren at sumugod sa loob ng bahay. Sigaw ng sigaw ang kanyang anak. Ito ang dahilan kung bakit lumakas ang loob ni Efren.
Lumipas ang minuto. Hindi pa din lumalabas si Efren. At nawala na din ang sigaw ng batang anak.
Matapos ang sunog. Madaming nagulat sa kanilang nakita. Namatay si Efren yakap yakap ang kanyang anak. At ang asawa nito ay halos hindi makapag salita dahil sa kanyang nakita.
At iyon ang kwento ni Efren at kanyang anak.
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:46 Entry 8 : Hanapbuhay
Kanina ka pa nakangisi at nanunuyot na ang iyong lalamunan kakasipat sa maputi niyang kutis at panalong hubog ng katawan. Naiinip na kaya siya?
Mukhang nayayamot ang mapungay niyang pilikmata. Malamang hindi niya ginusto kung bakit siya nandito. Batid ang kainosentehan. Masyado pang bata para maranasan ang ganito, pero minsan ganun talaga ang buhay.
Wala naman siyang dapat ipag-alala, kahit hindi ka magdahan-dahan ay siguradong hindi siya masasaktan. Iba siya, sariwang-sariwa kumpara sa mga naunang dinala sa iyo. Pinagmamasdan mo pa lang, alam mong mag-eenjoy ka talaga kapag nalasap na ang nakaratay niyang alindog. Ano kayang pangalan niya? Fullname sana para masearch sa facebook at masilayan ang default picture niyang nakalively smile. Pero huwag mo nalang itanong dahil ang tulad niya'y di nagbibigay ng impormasyon tungkol sa sarili.
Natatawa ka pa kasi ikaw itong hindi mapakali samantalang siya nakasteady lang at di kumikibo. Hinahayaan kang panoorin siya kahit alam niyang ang mga titig mo'y puno ng pagnanasa. Hinawi mo ang natitirang telang kumubli sa parteng siya lang ang nagsasabon. Di mo na napigilan ang sariling tugunan ang pananabik ng iyong katawan na muling sumampa sa langit.
Sumiklab ang apoy na animo'y punlang itinanim sa lupang wala nang tutubong damo ngunit pilit diniligan ng gabutil mong pawis. Muli mo siyang pinagmasdan kasabay ng paglunok sa laway na hindi naman nakabusog sa gutom mong laman. Mainit-init at malambot pa naman ang kanyang kaselanan. Pwede ka pa sigurong humirit ng round two bago mo gilitan ang kanyang leeg at tapusin ang iyong trabaho.
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:47 Entry 9 : Beneath Earth’s Surface
A seductive female voice whisper in my ear. "For the End of the World Spell. Press Ctrl+ Alt+ Delete."
Nimbus clouds form a hole in the sky, imitating evil's eye staring at everyone. Sucking up everything beneath, screaming cries and shouting for help is all you hear. The hole forms typhoon, cyclone of flames from the core to the sky. It's a juggernaut!
"That's what people have done on the environment, on nature! On Earth! That hole was formed a hundred years ago. It grows larger and larger! And now! Look!" said by the voice.
The ground splits, fissures, eruptions everywhere. Heat kills lives, slowly! Painful! People start to panic, crying! Running for their lives but nowhere to go.
"Burning skies, burning homes and burning lives. Fire can destroy everything. Fire spreads faster. Control fire before it kills! Fire means destruction. Fire means chaos!" scary said.
"You will miss trees that cover you from the heat of the sun. You will miss fresh air caressing your breathe. You will miss better future!"
Nagising ako sa ring ng telepono. "Langyang panaginip yan! Dumugo ilong ko! Hello, fire protection department."
"Hello sir! May forest fire dito. Kanina pa kami tumatawag! Kailangan pa namin ng tao dito!"
"We'll be right there right away." napakamot ako ng ulo. Napansin ko sa labas na dumidilim ang kalangitan. Ibababa ko na ang telepono pero may boses, kagaya sa panaginip ko. "Fire means chaos!" bulong nito at naputol ang linya.
"Ito na ba?" tanong ko sa sarili.
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:48 Entry 10 : Tukso
Mausok.
Maingay.
Basang-basa pa sa pawis.
Kahit na gustuhin mang makawala sa nag-lalagablab na apoy ay wala naman sapat na lakas para gawin ang nilalaman ng isip.
Napatingin na lamang sa mukha ng kasama. "Atleast nakasama kita bago ako mamamatay. Yun lamang ang naidamay ko pa ang aking anak. Naging madamot ako at inisip lamang ang aking sarili", lumuluhang saad ni Nena.
Hinawakan na lamang ni Adrian ang mukha at pinunasan ang mga nagbabadyang luha. Pati siya'y guilty sa nangyari dahil di siya nakapagpigil. Di na niya matiis ang init ng katawan dahil matagal na siyang nailayo sa babaeng kanyang minamahal. At ipinangako niya sa sarili na kapag mapagbigyan lamang ng isang pagkakataon ay hindi na niya ito palalampasin.
Isang halik ang tumapos sa mainit na pagtatalik ng dalawa. Ramdam ni Nena ang init ng pagmamahal ng kanyang kinakasama na di kayang iparamdam sa kanya ng kanyang asawa.
Wala ang asawa ni Nena sa mga oras na iyon. Wala rin ang katulong kaya nama'y solong-solo nila ang bahay. Ang tanging naiwan na kasama niya ay ang kanyang limang taong gulang na anak. Di nila napansin ang paghahanap ng makakain ng bata dahil sobrang focused sila sa pagka-miss sa bawat isa.
"Alam ko ganito lamang ang ginagawa ni Mommy pag gumagawa siya ng pagkain ko", wika ng bata habang pilit na binubuksan ang gas stove. " Nakakahiya naman na istorbohin ko sila ng bisita niya. I wanted her to be proud of me by cooking my own meal", dagdag pa nito.
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:50 Entry 11 : Kasing-init ng Apoy
“Eto ang tandaan mo aking Sonya, hangga’t buhay ako, may magmamahal ng lubos sayo."
Yan palagi ang sinasabi ni Baldo kapag isinasakay niya ako sa kanyang traysikel na siyang sumusundo sa akin kapag pauwi na ako galing sa pagtitinda ng isda.
“Si Baldo! Hanapin niyo! Nandiyan siya sa loob! Parang awa niyo na.” nagmakaawa ako sa mga bombero.
Nilamon ng malaking apoy ang palengke ng Sta. Ignacia. Kahit alam kong tuluyang ng naging abo si Baldo sa sunog, di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Umiiyak akong nakaharap sa palengke na puno ng usok at apoy, umaasa na makakaligtas si Baldo.
“Baldo! Loko ka! Lumabas ka na! Paano na ang mga pangarap natin sa isa’t-isa, na pakakasalan mo ako at bibigyan ng walong anak! Wag mo akong iiwan Baldo!”
“Tama na. Bat mo pa kasi siya pinapunta sa palengke para bumili ng yelo eh meron naman sa kapitbahay.” sabi ng kaibigan kong tindera din ng isda.
Kasalanan ko. Ngayo’y wala ng susundo sa akin para ihatid ako sa bahay. Wala na si Baldo. Wala na ang taong pinakamamahal ko. Napaluhod ako sa panlulumo.
“Pero buhay ako, kaya may magmamahal pa rin ng lubos sayo.”
Ang katagang yun!
“Baldo! Asan ka! Naririnig kita!” tumingin ako sa paligid.
“Nasa likod mo.”
Lumingon ako samantalang tumatawa siyang pinagmamamasdan ako.
“Baldo! Peste ka akala ko namatay ka na.”
“Sa kabilang bayan ako bumili dahil sarado ang tindahan ng yelo diyan.”
Napatalon ako sa tuwa at niyakap siya. Buhay si Baldo. Buhay ang mahal ko.
panjo 25th Mar 2012 Sun, 15:54 Entry 12 : Gamo-gamong Panaginip
“Mapanganib daw ang mapariyan sa piling mo. Ngunit bakit? Ikaw lang ang liwanag sa mundo kung nababalot ng dilim. Marapat ko bang sundin ang payo nila? Marapat bang huwag kitang yakapin, gayong ikaw ang ibig kung makapiling….”
Unti-unting iniaabot ko sa kanya ang aking mga kamay, pagtugon ko sa bulong na nagmumula sa nagniningning na liwanag.
“Yakapin mo ako pagkat ito ang iyong nais”, muling bulong nito. Nararamdaman ko ang init nitong pumupukaw sa damdamin ko, winawaksi ang lamig at dilim….
“Huwag mong ituloy!” nagsusumamong pakiusap ng isang bulong na nagmumula sa tila malapit sa aking kalooban at nararamdaman ko ang kalungkutan nito, at unti-unti, nasisilayan ko ang kanyang pagluha.
“Ngunit ibig mo akong makapiling? halika, halina’t wag mag-atubiling ako’y yakapin”,muling bulong ng apoy at tila isang tukso ito'y aking sinunod. Hindi ko na muling pinakinggan ang isa pang bulong. Nag-aalab ang aking puso at walang pag-aatubiling niyakap ko ang nagliliyab na liwanag.
At ito'y naging aking hinagpis:
Isang kahangalan nga ang pagyakap sayo! Ang pagyakap sa tiwali kong mga gawain, bawal ngunit masarap na tukso kang inibig ko! Mapaglinlang na liwanag! isang kang ningning na mapusok! Hindi ikaw ang liwanag na ninanais ko!
At tugon naman apoy:
Hangal! , isa kang Kriminal at halang ang iyong kaluluwa!, Ilusyon lamang ang mga katagang inisip ng isip mong matagal ng tuyo’t sa nagliliyab na apoy ng impyerno!; HAHHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH!
At ako’y nagising sa aking panaginip, hinihingal at pinapawisang napatingin ako sa mauupos na kandilang nakasindi sa aming kwarto. Wala palang kuryente kagabi.
---o0Oend of entriesO0o---
komwari 25th Mar 2012 Sun, 19:05 Nabasa ko na lahat.. Ang lupet nung english entry..
Pero ill vote for entry number 8. Iba yung impact, nakakaculture shock ba na nakaka :vomit:
.
.
.
Papa P pwede na ba yang ganyang comment? :)
breaker004 26th Mar 2012 Mon, 09:05 nakatulog na ako at nawala na ang hiya ko, kaya boboto na ako..
gusto ko munang magcomment sa top4 na nagustuhan ko..
4. Entry 2: Si Popoy (mahaba kasi ang title :laugh:), maganda ang pagkapresent, may promotion ng good deeds, pero parang nagkulangan sa apoy..:unsure:
3. Entry 8: Hanapbuhay, napaka mysterious ng ending (o baka hindi ko lang nagets?:lol:), maganda rin ang pagkapresent, those words made me bleed..:lmao:
2. Entry 5: Apoy sa Puso, makabagbag damdamin, nahugot ang atensyon at emosyon ko, maganda ang meaning, original thought na ihonor ang tapang ng mga bumbero, eye opener, complete ang kwento.
1. Entry 9: Beneath Earth's Surface, maganda ang pagkapresent ng english, may napakagandang twist kasi napa rofl ako :rofl:, halo-halong emotion at naattract ako na magbasa with feelings, based on reality, tapos mysterious din ang ending dahil pwedeng magbago ito kapag may aksyong nagawa at present, original idea, eye opener, overall superb!
magaganda lahat ng entry pero one shall prevail..my vote goes to entry 9: Beneath Earth's Surface.
Drian16 26th Mar 2012 Mon, 09:27 Ngayon. Pinabasa ko to sa prof namin kasi masscom student ako sa feu.
Ang gaganda daw lahat. Hirap mamili. Kaya lang kelangan eh
My vote goes for entry #4
As what i'm talkin about is saktong sakto sa tema at napapanahon maganda yung plot and it was like a segment sa news sa isang tv station. Great job sa writer na ito.
Comment ng prof ko :
I have fun reading stuffs like these. I love entry #4 because i can see the passion sa story niya. May future tong writer na ito.
Nawala na din ang nakakakabang nararamdaman.
Goodluck!
sam_wel 26th Mar 2012 Mon, 13:54 im voting for entry 5
ang galing nya. buo yung kwento kahit na limited ang words.
na present pa nya ang apoy nya sa 3 symbolism.
apoy na literal
apoy na galit
apoy na pagmamahal
thadz_ 26th Mar 2012 Mon, 18:17 I vote for entry #11
Una, kasi ang linaw ng interpretasyon and the theme was not forcedly inserted for the sake of compliance. Yun bang maiintindihan mo agad na talagang apoy ang tema at akma ang pagkakagawa.
Second, may appeal talaga ang estorya. Kaba, pagmamahal, tuwa at awa ang mararamdaman mo sa kwento. Masasabi mong Pinoy na Pinoy ang plot at ang mga characters ng kwento. In short, nakakarelate ka.
Third, hindi ako nabitin, at yun ang ikinabibilib ko sa kwento. Yun bang hindi nahirapan ang writer kahit 250 words lang ang gagamitin para mabuo ang estorya. Naipresenta talaga ang 5 elements ng short story w/c is very important sa paggawa ng maikling kwento.
Yun lang! :)
djvince301 26th Mar 2012 Mon, 20:29 Sa Entry No. 1 vote ko, simple lang. Sa lahat ng nag entry siya lang ang nag banggit ng salawikain sa una bago ilahad ang kwento. unique ang style.
Kung babasahin mo maiintriga ka kung tunay nangyari ito sa nagsulat.
Pagkakaalam ko kasi sa pagsusulat ng maikling kuwento dapat may suliranin at sa wakas ay may karampatang solusyon. Iyon ang nakita ko sa Entry #1 sa huli ay may solusyon na nabuo para sa tauhan na may kasama pang aral..:salute:
.
.
.
Magaganda naman lahat ng entry..
Good Luck sa lahat!:dance::dance::dance:
Amphie88 27th Mar 2012 Tue, 01:17 Okay nabasa ko lahat kagabi, pero inulit ko pa din. Ayokong masayang ang boto ko :lmao:
#1 - Ayos ang isang ito may quotable lines sa unahan. Paborito ko ang mga ganyan lalo na't may kinalaman sa kwento. Sa quotable line palang mapapaisip kana kung ano ang kwento. Bilib ako at napagkasya nya ang buong plot sa 250 words lamang, at hindi bitin. Walang naiwang katanungan. May aral pang makukuha. Kudos sayo idol!
#2 - Kakaiba naman ang isang ito. Sa lahat ng entries ito ang naiiba, bukod sa gumamit sya ng liham naisakatuparan nya pa ang nangangalit na apoy (galit) sa kanyang ama. Mahusay! May lesson din. Sa huli ang pagpapakumbaba ang importante :salute:
#4 - Okay din ang isang ito. Makikita nang buong buo ang sinasabi ng kwento. Plain na plain. Ginamit ang trahedya na nangyari sa Gotesco. Kaso lang kinulang sa luto. Parang kung ano ang nangyari sa Gotesco ay yun din ang nakalahad dito. Ang astig lang e para akong nakikinig ng balita. Apir tayo dito!
#8 - Ito naman sobrang misteryoso. Ilang beses ko pang binasa bago ko tuluyang naintindihan. Pero namangha ako sa mga ginamit na salita. Pinagpilian ng husto. "Sumiklab ang apoy na animo'y punlang itinanim sa lupang wala nang tutubong damo ngunit pilit diniligan ng gabutil mong pawis" isa sa mga nagustuhan ko. Hindi ko alam ang iniisip ng iba dito, pero para sakin patay na ang babae, at embalsamador ang gigilit ng kanyang leeg. Eew! :lmao:
#9 - Ito talaga napawow ako! Gusto ko ang mga ganitong setting at twist. Paborito ko ang mga panaginip sa isang kwento, kaya nakuha ang panlasa ko ng isang ito. Napawow din ako sa malupit na ending. Hindi sya bitin! Draw mo nalang ang ending! Lupit!
#11 - Astig din ang isang ito! Ginamit ang apoy sa kakaibang pamamaraan. Kwela! Gusto ko ang mga linya. Kinilig kilig din ako. hehehe! Kudos sayo sir :salute:
Ang dami kong gusto, pero ang boto ko ay para sa Entry #6 Apoy ng Pag-asa Ang daming emosyon ang naramdaman ko sa akdang ito. Reality. Naantig talaga ako dito. Konti lang ang partisipasyon ng apoy sa kwento, pero sapat na para tunawin ang damdamin ng magbabasa. Mahilig talaga ako sa mga panaginip-part sa mga kwento, kaya noong hallucination lang pala ang imahe ng kanilang ina, sobrang nagulat ako. Mahusay talaga. Hindi bitin. Tragic ang ending na sumakto sa timpla ng reyalidad. Ikaw na idol ko. Sana manalo ka :thumbsup:
goodluck sa lahat! :excited:
X-LAW|yOZef 27th Mar 2012 Tue, 07:18 ibibigay ko ang aking boto sa Entry #11 :salute: kahapon ko pa to tapos basahin pero sa dami nang magagandang kwento na nabasa ko, ang hirap pumili.
Kaya ang Entry 11# ang napili ko:
Nilagay ko ang sarili ko sa kwento. Nadama ko ang agos nito. Dama ko ang emosyon ni Sonya nang akala n'ya ay wala na si Baldo. (nalungkot ako)
Pero napangiti ako nung buhay pala si Baldo. At naging masaya na si Sonya. Hehehe masaya ang ending ng kwento. Saludo ako sa gumawa nito :salute: More power :clap:
adiksadownload 27th Mar 2012 Tue, 14:20 Nabasa ko na pong lahat ang mga entries, ang gaganda po lahat. :beat:
May kanya-kanyang emosyon at estilo ang bawat istorya, parang pagkain; iba't ibang putahe, sari-saring lasa.
At eto po yung mga nagustuhan ko ayon sa pagkakagusto ko ng mga entries..
#5
Entry 7 : Yakap
Naantig po ako sa istorya ng fatherly love ni Efren sa anak niya. Buwis buhay kumbaga,
kasalanan niya naman eh ; di kasi siya nagpagawa ng isa pang pintuan :rofl:
Malungkot pero kumpleto naman po yung istorya. :thumbsup:
#4
Entry 2 : Isang Liham ng Anak na Galit Ngunit Nagsisisi
Eto talagang sad ang tema.. "Nasa huli ang pagsisisi" ang dating.
Ang sulat ni Popoy para sa ama niyang si Papoy..:weep:
Naipakita ng writer yung conflict between the father and the son.. parang "Ang Alibughang Anak" style :approve:
#3
Entry 6 : Apoy ng Pag-asa
Nalungkot din ako dito.. Sapul sa puso.. :salute:
Ang magkapatid na Roy at Nald.. Eye opener para sa mga magulang na pinabayaan ang mga anak nila.. :weep:
Nabigyan din ng pansin yung kahirapan, pagkagutom at pati yung rugby addiction na talamak na talaga sa panahon ngayon.. :thumbsup:
#2
Entry 11 : Kasing-init ng Apoy
Kakaiba po ang pagkakasulat ng istorya na ito.. love story na may kasamang comedy.. astig :salute:
Nakakatawa yung humor ng pagkakasulat ng istorya nila Baldo at Sonya :laugh: may gulat factor pa sa ending :yipee:
Pero ang talagang nagustuhan ko po ay ang...
#1
Entry 5 : Apoy sa Puso
Nakakaantig po kasi ng damdamin yung pagkakasulat.. Ang pagmamahal ni Alfred sa kanyang tiyahin na kahit tinatrato siya nito ng masama ay niligtas niya pa din ito.. Nagbuwis siya ng buhay para sa taong namumuhi sa kanya. Isang pagpupugay din ito sa mga magigiting nating mga bumbero na nagtataya ng mga buhay nila sa panahon ng sunog.:salute:
Kumpleto din po yung istorya, di bitin. malungkot nga lang yung ending :weep:
Goodluck po sa lahat ng sumali.. :approve:
shaolinpunk 28th Mar 2012 Wed, 00:43 entry #2, maganda ang ginamit na mga salita dito, matalinghaga, ramdam dito yung pagiging totoo sa pag amin at pag ako ng kasalanan, at saka nakaka relate ako dito, hehehe, OHA:salute:
elmai13 28th Mar 2012 Wed, 07:43 entry #2 : Puno ng emosyon ang kwento..
Di man ganun ka intense pero malalaman mong may emosyon na pinaghuhugutan ang may gawa..
Good luck sa lahat :salute:
melala 31st Mar 2012 Sat, 19:03 Voting Entry #8 Hanapbuhay
Hindi mo expected yung ending eh. Hehe. Nairelate siya sa ganung bagay, yung pag give up passion o ng apoy over important things, ganun. Yun yung pagkakaintindi ko sa story. Simple lang, maganda at may moral lesson na hindi masyadong spoonfed sa readers.
Goodluck sa inyong lahat. Sorry late sa voting sana makahabol pa.
jefiner 31st Mar 2012 Sat, 21:02 Choice ko yung entry no.9 kaso panaginip lang pala :lol: ganda din ng description nya kung paano matutupok ng apoy ang mundo :lol:
but
i'll go for entry no. 8
aside dun sa twist nya sa ending, buong buo ang storya at nanduon yung magandang ideya
hindi ako ready bumoto :(
mind^^FREAK 1st Apr 2012 Sun, 01:35 I vote for Entry number 10
Bou ang plot but still leaves an opportunity for you to play with your imagination.
panjo 15th Apr 2012 Sun, 02:40 finals score = judges score + votes
3rd Place : Entry 5 : Apoy sa Puso - 79.54% by adiksadownload
2nd Place : Entry 10 : Tukso - 81.44% by beibhytearz
1st Place : Entry 8 : Hanapbuhay 81.64% by komwari
http://i259.photobucket.com/albums/hh300/panjo10/Slide1-1.jpg
http://i259.photobucket.com/albums/hh300/panjo10/Slide2-1.jpg
http://i259.photobucket.com/albums/hh300/panjo10/Slide3-1.jpg
http://i259.photobucket.com/albums/hh300/panjo10/Slide4-1.jpg
judges scoring and comments
Judge 1
Quote:
Entry no 1 : Apoy sa Paraiso
Originality and appeal (40%) 25
Relevance to the theme(30%) 28
Adherence to the rules (20%) 20 (73)
Entry 2 : Isang Liham ng Anak na Galit Ngunit Nagsisisi
Originality and appeal (40%) 20
Relevance to the theme(30%) 20
Adherence to the rules (20%) 20 (60)
Entry 3 : Tukso
Originality and appeal (40%) 30
Relevance to the theme(30%) 25
Adherence to the rules (20%) 20 (75)
Entry 4 : Nalimutan ang Title
Originality and appeal (40%) 15
Relevance to the theme(30%) 25
Adherence to the rules (20%) 18 (58)
Entry 5 : Apoy sa Puso
Originality and appeal (40%) 31
Relevance to the theme(30%) 26
Adherence to the rules (20%) 20 (77)
Entry 6 : Apoy ng Pag-asa
Originality and appeal (40%) 35
Relevance to the theme(30%) 27
Adherence to the rules (20%) 20 (82)
Entry 7 : Yakap
Originality and appeal (40%) 20
Relevance to the theme(30%) 18
Adherence to the rules (20%) 18 (56)
Entry 8 : Hanapbuhay
Originality and appeal (40%) 38
Relevance to the theme(30%) 28
Adherence to the rules (20%) 20 (86)
Entry 9 : Beneath Earth’s Surface
Originality and appeal (40%) 28
Relevance to the theme(30%) 25
Adherence to the rules (20%) 18 (71)
Entry 10 : Tukso
Originality and appeal (40%) 33
Relevance to the theme(30%) 28
Adherence to the rules (20%) 20 (81)
Entry 11 : Kasing-init ng Apoy
Originality and appeal (40%) 35
Relevance to the theme(30%) 26
Adherence to the rules (20%) 20 (81)
Entry 12 : Gamo-gamong Panaginip
Originality and appeal (40%) 29
Relevance to the theme(30%) 25
Adherence to the rules (20%) 20 (74)
I will be posting my personal comments for each of the entries within the next few days.
Judge 2
eto na yung results ko.
story 1
Originality and appeal (30%)
Relevance to the theme(25%)
Adherence to the rules (18%)
-related sya sa tema at buo ang kwento kaso common approach. Yung tipong unang papasok sa isip mo sa ganung tema. Kulang din sa wow factor.
story 2
Originality and appeal (33%)
Relevance to the theme(22%)
Adherence to the rules (18%)
-maganda sa unique ang approach..kaso madaming kulang. Hindi naifocus dun sa damdamin ng galit yung kwento. Ni hindi alam ng mambabasa kung bakit sya galit.
story 3:
Originality and appeal (33%)
Relevance to the theme(25%)
Adherence to the rules (19%)
-gusto ko yung twist nya sa end kasi biglang may issue ng gamit. Nagpakita ng ibang angulo ng apoy..
story4:
Originality and appeal (25%)
Relevance to the theme(20%)
Adherence to the rules (15%)
-apoy nga ang tema kaso yung entry na to parang head line ng news eh..
story 5
JUDGES’ CRITERIA OF JUDGING:
Originality and appeal (35k%)
Relevance to the theme(27%)
Adherence to the rules (18%)
-maganda yung gulat factor sa ending ng story.
Storw 6
Originality and appeal (35%)
Relevance to the theme(25%)
Adherence to the rules (17%)
-unique way of interpreting the fire kulang nga lang sa support nung mismong kwento.
Gusto ko pa naman sana kaso di strong yung pagpapakit sa fire bilang tema.
story 7
Originality and appeal (35%)
Relevance to the theme(27%)
Adherence to the rules (19%)
-unique way of presenting though sunog din sya pero bumawi naman sa gulat factor. Maganda yung pag gamit ng mga premonitions sa kwento.
story 8:
Originality and appeal (28%)
Relevance to the theme(20%)
Adherence to the rules (18%)
-parang may kulang yung kwento. Bukod sa plot itself. Parang madaming loose ends.
story 9
Originality and appeal (32%)
Relevance to the theme(27%)
Adherence to the rules (18%)
-maganda yung approach na ginamit medyo may pagkarelevant din sa mga present issue ang problema nga lang limited ang words na pwede gamitin at naubos yun sa pagdedescribe. Madami tuloy lose ends sa plot.
story10
Originality and appeal (35%)
Relevance to the theme(28%)
Adherence to the rules (19%)
-yung pag start sa end part tapos mag flashback, magandang way yun to capture the attention ng mga readers. Although common yung plot pero dahil sa way ng pagkasulat naging interesting.
story 11
Originality and appeal (34%)
Relevance to the theme(28%)
Adherence to the rules (19%)
-eto kung sa gulat factor lang din naman mayaman to. Simpleng storya nadaan lang sa gulat epek. Shows how important techniques are.
story 12
Originality and appeal (32%)
Relevance to the theme(23%)
Adherence to the rules (18%)
-ok sana to medjo metaphysical ang dating pwede nga ring icategorize na prosa yung akda kaso lang medjo madaming butas yung plot kasi kailngan 250words lang.
Sa lahat ng kalahok maraming salamat sa inyong mga akda at sa pagkakataong mabasa ang mga ito.
Judge 3
Originality and appeal (40%)
Relevance to the theme(30%)
Adherence to the rules (20%)
entry 1.
26.67
26.67
19.33
- ang init ng entry. kulang sa gulpi de gulat.. wala ka ng expect sa kwento.
entry 2.
24
21
19
- mas mabuti sana kung dinaan ito sa kwento, hindi sa paraan sulat. sayang kasi ang idea.
entry 3.
32
25
20
- magandang ang pagkakatago ng totoong kwento. sa una aakalain mong katulad ito ng naunang kwento pero hindi pala.
entry 4.
10
20
10
- nothing to comment. hindi angkop ang sinulat sa contest.
entry 5.
30
27
20
- tama ang theme, nagamit sa magkakaibang paraan ang apoy. parang nanonood ako ng telenobela. naghahanap lang ako ng kakaiba sana sa kwento.
entry 6.
30
24
19
- malayo sa theme. isingit lamang ang apoy sa kwento. sa originality lamang ito.
entry 7.
20
17
20
-hilaw ang pagkakagawa parang minadali
entry 8.
38
28
20
- inulit ko ang basa parang hindi ko naintindihan. malalim lang pala talaga. hanapbuhay ang title akala ko pokpok ang babae mali pala ako. nung binasa ko ulit patay pala ang babae dito. kakaiba sa mga nauna kaya lamang sa originality.
entry 9.
28
27
18
- maganda ang kwento. kulang nga lang ang 250 word para sa kwentong ito. nabitin tuloy ako.
entry 10.
32
28
19
-common ang kwentong ito. ang nakakabilib lang tatlong interpretation ang nagawa sa apoy kahit 250 words lang.
entry 11.
25
26
20
- comedy of errors ang kwento.. classic ang mga bida.. palagay ko minadali ito.
entry 12.
35
27
20
- malalim ang kwentong ito.. saludo ako sa gumawa nito. sayang kung mas mahaba gaganda ito.
goodluck sa mga sumali.
|