avtcw79
22nd Jul '07 Sun, 15:54
Umpisahan ko muna sa Madali ha sundan nyo lang ng sagot tapos kung may mag post ng question ulit basta sagot lang ang kasunod...
Tanong na po ito:
Nagtago si kaka ulo nya'y nakalabas..?
Sagot nyo nalang po.................
Lovely Face
24th Jul '07 Tue, 04:19
kadali...e d pako.
ito naman, alanganing babae, alanganing lalake, siya ay sa Baclaran umuuwi. (Got this from a riddle book)
gabrielle
8th Sep '07 Sat, 00:07
edi bakla... (tama ba???)
ito sagutin nio...binili kong patay tinapon kong buhay..,ano ito????
hzel_
8th Sep '07 Sat, 21:12
yosi :ganja:
matigas at mahaba lumalambot pag naiinitan...ano ito?
otaconremo
8th Sep '07 Sat, 22:58
Kandila.. :D
eto madali lang,
Apat na nga ang paa, ang paglakad ay di pa magawa..
ano ako?
gabrielle
8th Sep '07 Sat, 23:07
teka guess ko lng to huh.. pkisbi kung mali ako..
lamesa ba ito or upuan????
otaconremo
9th Sep '07 Sun, 09:34
Tama po.. Dagdag pa kau.. :D
crazy-fox-06
9th Sep '07 Sun, 13:48
Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
babyjen07
10th Sep '07 Mon, 23:49
ndi ko po sure sagot ko..
kariton?? hehehe..
Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo
crazy-fox-06
10th Sep '07 Mon, 23:50
mali.. hula pa kayo...
@babyjen
sagot sa bugtong mo:
aso.. :beat: