View Full Version : Kinds Of Employees


.rika
30th Jul '07 Mon, 16:59
Sa mata ng isang boss, may isang dosenang klase lang ng empleyado.


CLOWNS - ang official kenkoy ng office. May mga one-liner na gumigising sa
lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang boss, eto raw yung mga KSP sa
office na dahil hindi naman matalino, o kadalasang matalino na tamad lang,
eh dinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang
opisinang walang ganito, at kung meron man, magigigng malaking sakripisyo
ang pagpasok sa work araw-araw.


GEEKS - mga taong walang pakialam sa mundo. Papel, boss, at computer lang
ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo ng boss at bad trip, ang mga
geeks ang walang takot na lumalapit sa boss at nagtatanong kung mag-iiba
ang result ng entry kung isa-substitute ang value ng debit sa credit.


HOLLOW MAN - may 2 uri ng H.M. virus, ang Type A at Type B. Ang type A ay
ang empleyado na madalas na invisible sa office, bakante ang upuan,
madalas absent. Ang type B naman ang pumapasok sa office bagamat present
eh inivisible naman ang work, at hollow ang utak.


SPICE GIRLS - barkadahan ng mga magkaka-ibigang babae mahilig gumimik,
sabay-sabay pero laging late na pumapasok. Madalas na may hawak na
hairbrush at songhits [ngiyeh! how jologs!-gbs]. Pag pinagawan mo ng group
works, sila ang madalas na magkaka-grupo.


DA GWAPINGS - ang male counterpart ng Spice Girls, isinilang para
magpa-cute. Konti lang ang members nito, 2-3 lang para mas pansin ang
bawat isa. Tulad ng Spice Girls, kadalasang puro Hair Gel lang ang laman
ng utak ng mga Da Gwapings.


CELEBRITIES - Politicians, Athletes, Performers. Politician ang mga
palaban na empleyado na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng kompanya at mga
kapwa empleyado kesa sa performance. Athletes ang ilang 'varsitarians' na
kung gaano kabilis pumasok eh ganon kabagal mag-work. Performers naman ang
mga empleyado na kaya lang yata pumapasok eh para makasayaw, kumanta, at
makatula sa stage kapag organizational day. Sa pangkalahatan, ang mga
celebs ay matindi ang PR, pero mababa ang IQ.


GUINESS - mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ang
mga kakulangan sa katalinuhan. Sila ang mga kadalasang nagtatagumpay sa
buhay. Masinop sa work. Mabilis mag-work, kahit na laging mali.



LEATHER GOODS - mga empleyadong maling uri ng determinasyon meron. Laging
determinado ang mga ito sa harapang pangungupit, bulgarang pandaraya, at
palagiang pagpapalapad ng papel sa boss. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.

WEIRDOS - mga problematic employee, misunderstood daw, kadalasang
tinatawag na black sheep ng office. May kanya-kanya silang katangian,
konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang evaluation, at boss's
enemy.


MGA ANAK NI RIZAL - Ang mga Endangered Species kumbaga. Straight 'A'
employees pero well rounded at hindi geeks. Boss's pet pero hindi sipsip.
Busy sa work pero may oras pa rin sa extra-curricular activities, at
gimiks.. Hanep!


BOB ONGS - Mga medjo matino na may sayad...


COMMONERS - mga generic na member ng class. Kulang sa individuality, at
katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila agad napapansin ng boss pag
absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong nakakalimutan ng mga
boss at co-employees nila.