View Full Version : Tribu Ng Magaydon


sandwich20m
5th Aug 2007 Sun, 12:24
TRIBU NG MAGAYDON

May isang lalaki na nasira ang gulong ng kanyang sasakyan sa isang lugar na malapit sa kaharian ng tribu ng mga MAGAYDON .Hindi nya namalayan na malapit na pala siya sa tribu sa kahahanap ng tulong. Sa paghingi ng tulong ,may nakasalubong siya na katiwala ng kaharian. Nagsabi siya dito na kung puwede makitulog sa magdamag hangang sa magliwanag. Kung sa gayon puwede na niyang ayusin ang nasirang gulong ng kanyang sasakyan.

Ganito ang kanyang sinabi :

-Manoong puwede bang makitulog po sa inyo ng magdamag hangang sa lumiwanag , sambit ng lalaki.

-Saglit lang at itatanong ko sa hari namin kung puwede kang papasukin at makatulog ng magdamag ,sabi ng katiwala ng kaharian.

At ganun na lamang ang ginawa ng katiwala humahangos papuntang sa hari.

-Mahal na hari, meron pong estrangherong lalaki sa labas na humihingi ng tulong. --Kung puwede daw pong makitulog magdamag ?Nasira daw po yung sasakyan nya.
Mukha naman pong mabait at tunay ang kanyang sinasabi ! , sambit ng katiwala sa hari.

-O sige papasukin mo at pakainin mo ng hapunan, patulugin mo sa silid na malapit sa mahiwang lagusan ng kabuhayan, sabi ng hari sa katiwala.

Pagkasabi ng hari agad pumunta sa pintuan ng kaharian at sinabi sa lalaki.

-Tumuloy ka at tinatangap ka ng malugod sa kaharian ito. Makakapamahinga ka hanging bukas.Ipaghahanda ka rin ng pagkain upang iyong kainin,sambit ng katiwala

At pagkatapos kumain ng lalaki sinamahan siya ng katiwala sa silid na kanyang tutuluyan.

-O ito ang silid na iyong tutuluyan, pumasok na at magpahinga, sambit ng katiwala

Pumasok na nga ang lalaki at nagpahinga.Sa kalagitnaan ng magdamag may narinig siyang malakas at mahiwagang tinig galling sa kalapit silid.At nagpasayang itanong sa katiwala kinabukasan.

Kinabukasan :


-Ano po ba yong malakas at mahiwagang tinig na nanggagaling sa kalapit silid na tinuluyan ko ???? sambit ng lalaki


-Hindi ko puwedeng sabihin sa iyo at hindi mo lalo puwedeng pasukin yung silid na yun!!! sambit ng katiwala

-Bakit po???? sabi ng lalaki

-Hindi ka MAGAYDON!!! Sabi ng katiwala sa lalaki

Umalis ang lalaki at nagpasalamat sa buong kaharian ng MAGAYDON.

Sa ikalawang pagkakataon, nasiraan ulit ng sasakyan ang lalaki sa dating lugar at nakitulog ulit sa kaharian ng MAGAYDON. At sa dating silid siya namahinga at yung

Dating tinig ay muli nyang narinig at tinanong nya uiit ang katiwala

Ano po ba yong malakas at mahiwagang tinig na nanggagaling sa kalapit silid na tinuluyan ko ???? sambit ng lalaki
Hindi ko puwedeng sabihin sa iyo at hindi mo lalo puwedeng pasuskin yung silid na yun!!! sambit ng katiwala

Bakit po???? Sabi ulit ng lalaki

Hindi ka MAGAYDON!!! Sabi ulit ng katiwala sa lalaki.

At tinanong nya sa katiwala kung paano magiging MAGAYDON para malaman nya kung ano at sino yung pinanggagalingan ng mahiwagang tinig sapagkat gustong
Gusto nyang malaman ito.

Kailangan mong bilangin ang hibla ng damo sa buong mundo at bato sa buhanginan, sambit ng katiwala.

Pagkaraan ng 45 taon, bumalik ang lalaki sa kaharian ng MAGAYDON at sinabi sa katiwala na may 145,236,284,232 na hibla ng damo at 231,281,219,999,129,382 na bato sa buhangin sa buong mundo.

Tumpak!!! Tama ang sagot mo !!!!! Sabi ng katiwala sa lalaki


Sa oras ding yung sinama sa sa silid kung saan nanggagaling ang mahiwagang tinig at nakita nya ang ang isang pintuan at binigyan siya ng susi nito.Pag pasok nya ay may isang pintuan na yari sa ginto at binigyan ulit siya ng susi nito.Pagpasok nya may pintuan ulit na yari sa emerald, tapos pinto yari sa pilak, tapos pinto yari topaz, at pinto yari sa amethyst. Hangaang sa katapusan nakita nya ang pinanggagalinagan ng mahiwagang tinig. Nakita nya at namangha siya sa kanyang nakita.

Gusto nyong malaman kung ano ang kanyang nakita ???????















-Pasensya na at hindi kayo MAGAYDON!!!!!

1989matanghari2012
27th Jun 2012 Wed, 15:32
hahaha! Laughtrip o0!excited pa ako! Malaman ! Hahaha need pa ba mag pa member sa magaydon! ?