View Full Version : [REMOVED] Hide Tag


Marquess
9th Dec 2006 Sat, 16:53
Pwede nating gamitin yung hide or htnx tag kung gusto nating itago yung certain contents. Pag may hide tag, hindi makikita ng guest yung download link.

ex.
Subok lang...
ang resulta nyan eto...
Subok lang...
Ibig sabihin yung mga users lang na meron 10 posts pataas ang makakakita nung hidden block. Pero mas maganda kung zero na lang yung ilalagay. Para lang naman di makita ng guest at magregister o maglogin sila kung gusto nilang makita.


Yung htnx tag naman, pag meron ganon, kailangan munang iclick nung user yung thanks button para makita yung hidden block.

ex.
[HIDE-THANKS]Subok lang ulit...[/HIDE-THANKS]
ang resulta eto...
[HIDE-THANKS]Subok lang ulit...[/HIDE-THANKS]
Pwedeng gamitin, pwedeng hindi. Pang-encourage lang ba. :)


You may post your comments here...
http://www.symbianize.com/showthread.php?t=58189

Marquess
26th Dec 2006 Tue, 15:59
O eto na yung sagot sa kontrobersyal na hide-thanks na yan. :D Actually, may nabasa na kong sagot tungkol dito sa themes section yata yon na post ni hanzo. Medyo nadale nya yung logic ng hide-thanks....


"You must say 'Thanks' before you can the data contained here. [Say it!]"

Kung ikaw yung tumitingin: Badtrip no? kase kailangan mo munang i-click yung thanks bago mo makita yung download link. At bakit ka magte-thanks eh di mo pa naman nasusubukan.


mypreciousfile.zip (10mb) - downloads: 85, views: 210 replies: 11, thanks: 3

Kung ikaw yung nagpost: Badtrip no? kase sa 85 na nagdownload at 210 na tumingin, 11 lang ang nagreply at 3 lang nag-thanks. Lahat naman ng replies sabi ayos yung post. Humihingi pa nga ng kasunod e.



Pero natanong mo na ba sa sarili mo kung ano mas matagal? I click yung thanks button, o maghanap ng maipopost at mag-upload? At kung sakaling masubukan mo na yung file at nagustuhan mo, babalik ka ba don para lang i-click yung thanks? Siguro, pero hindi sigurado.

Nagtthank you tayo dahil sa effort na ginawa nilang pagshare. Libre na nga lang. Pumunta ka sa greenhills o kahit na anong cellphone/pc shop, magkano sisingilin sayo? Dito isang segundong pagclick lang ipagdadamot pa natin. :)

Kung ako lang e, walang problema sa ken, mag thank you man kayo o hindi, tignan nyo man yung post ko o hindi, walang kaso sa ken yon. Pero iba iba syempre ang tao, minsan tinatamad yung ibang magshare kung di natin naappreciate yung post nila. Kung yung iba nga may sweldo na, tinatamad pa ring magtrabaho, dito pa kaya na di naman sila binabayaran.

At yung iba nga, nilalagyan pa ng password yung file at para malaman mo yung password, mag-PM ka muna sa kanya. Edi ibig sabihin kung gustong gusto mo yung post nya pero offline sya, kinabukasan o sa susunod na mag online mo pa lang magagamit yung file? Pero mukang effective naman at walang nagrereklamo. O ano, gusto nyo ba ganon na lang? Kapalit ng isang segundong pagclick lang... :)


P.S.
Pero in fairness sa mga nagsshare ng wala ng seremonyas, mas mabilis mag-increase yung reputation points nila compared dun sa mga gumagamit ng hide-thanks.

Marquess
27th Dec 2006 Wed, 02:49
UPDATE:
Inalis na po natin 'to. :)