PDA

View Full Version : Allergy?



valbaby
17th Jan 2009, 19:12
May allergies ka ba? Saan ka allergic? Since when? Anong nangyayari sayo pag ina-allergy ka? Ano ginagawa mo para mawala allergies mo?



Saken kase parang lumalala. Nung una ko tong nalaman, 2nd year highschool pa ko. Mahilig kase ako nun sa chicken. Angsarap pa naman ng chicken. :weep: Nagkaron ng butlig mga kamay ko. Pinakamalala nun angdami at sobrang kati. Di ko mapigilan kamutin. Tapos nagconsult ako sa doktor at nagprescribe siya ng ointment na di naman tumalab. May pinatry saken tita ko na ointment at dahil dun nawala na yung butlig sa kamay ko.

Yung sumunod naman, wala naman akong naaalalang nakakain ako ng chicken. Bigla na lang akong namula at medyo nagsimula na ako nahirapan huminga o baka dahil nagpanic lang ako dahil sobrang pula ko na? Pinainom ako ng tubig na may asukal. Hindi ko alam ang rationale dun pero tumalab. After mga 5 minutes, nagiging normal na kulay ko.

At ngayon, sobrang kati ng extremities ko may rashes na arms and legs ko(dati sa kamay lang), pati talampakan ko makati. Walang patawad tong allergy ko. Haha. Nakakain kase ako ng chicken dahil walang choice. Yun lang ulam e nagugutom na ko. Haha. Uminom ako ng antihistamine kahapon at nahirapan ako magpigil ng antok dahil wala pa ko sa bahay.

bleshie
18th Jan 2009, 10:25
patingin ka sa doctor para my prescribe sha sayo na antihistamine drug :giggle: kasi allergies pedeng deadly :eek: "anaphylactic shock" kung di ka naagapan sa sugar baka gnon mangyari sayo... try to avoid foods containing iodine like seafoods :)

try mo mag wean sa mga food... parang sa baby... every week ibang food para malaman mo san ka allergic :giggle:

2wenty1ne
21st Jan 2009, 23:06
Wag ka eat ng malansa.. Chicken,egg and mga seafo0ds.. Ask m0 d0ct0r m0 an0ng mga malansang f0od,para maiwasan m0.. May kilala kasi ak0ng ganyan,yun nga lng hindi na sya sumusump0ng.. Subukan m0 ung derm0vate? Parang ganyan..mganda yan!

jookeulae
31st Jan 2009, 11:16
ako allergic ako sa seafoods (particularly sa hipon at crabs), ibuprofen (anaphylactic shock ako dito usually), chicken (but i think mas less na ngayon kasi na-immune na ako), dust mites. pag inatake ako ng allergy, nagstart siya sobrang itchy ng lips ko. yung tipong mahapdi na makati. tapos rashes, hives, and then panic mode. haha. di nakakatuwa ang allergy lalo na pag naghives ka na kasi madidistort talaga ang mukha mo. :)

kurabo
31st Jan 2009, 13:24
paano yung allergic sa pagaaral?;)

facedown
31st Jan 2009, 13:35
ako sa redhorse..
pag naka dami na ako lilitaw na mga pantal sa mukha ko?

my gamot kya dun?

iampaces
31st Jan 2009, 13:49
sa buong buhay hindi pa ako naka experience ng allergy sa aking katawan...

siguro meron akong allergy pero hindi ko pa alam kung saan, ano, at kanino ako allergic...

gypsygoddess
31st Jan 2009, 18:27
how sad naman. allergic sa fried chicken?huhu favorite ko pa naman fried chicken. :)

buti na lang ang allergy ko lang talaga eh hipon. last year nga lang lumitaw. weird. samantalang dati pa naman ako kumakain ng shrimps. huhuhu

aiona09
1st Feb 2009, 06:50
specific na fish, pero nakalimutan ko kung anong fish

bls_user
1st Feb 2009, 06:54
allergic to smoke and dust.

cirovits
1st Feb 2009, 13:02
patay tayu dyan call the doctor!

jowjow
1st Feb 2009, 23:34
you should know what causes your allergies, it can be from food or medicines that you take. i am allergic to shrimps and mollusks but i try to get a little taste of these foods. hehe. it's what you call systemic desensitization. :) consult your derma or allergologist for proper management.

hpesoj
5th Feb 2009, 12:39
may allergies ako sa chicken, lalu na pag di tama ang luto :(
Usually namamaga mga mata ko :weep:
Nagte-take ako ng celestamine para mawala ang kati at pamamaga :D

NEILWORX`
8th Feb 2009, 11:54
Hhhmmm...
Loratidine - Claritin...
Yun yung iniinom ko, tuwing may allergy...
Especially kapag umatake na yung Allergy Rhinitis...
Yun bang teary eyed, `tas bahing nang bahing...
Ayun...
Ganun din pagka, medyo namamantal ako...
Hay.
Minsan nga lang talaga wrong timing yang allergy na yan...
Saka susulpot pagka hindi mo inaasahan..
Whew.
Ang masama pa...
Medyo walang gamot sa allergy...
Pang-control lang ang meron...

T_T

Winger
8th Feb 2009, 21:52
sakin ang alergy ko,,, kapag sobrang lamig namamantal at namumula na balat ko.... :weep: d ako pwede sa lamig.. bakit kaya...:weep:

NEILWORX`
10th Feb 2009, 01:27
sakin ang alergy ko,,, kapag sobrang lamig namamantal at namumula na balat ko.... :weep: d ako pwede sa lamig.. bakit kaya...:weep:

Awts!
Medyo kabaligtaran nung saken ah?!
Hehehe!
Pagka minsan kasi, pagka masyadong nakong pinagpapawisan ako dahil sa init...
Ayun, bigla na lang akong mangangati...
`tas ayun na, may pantal na kaagad...

x_x

Cams16
10th Feb 2009, 13:03
ako bata pa lang siguro grade 3 unang lumabas to..pag nasisikatan ako ng araw lumalabas mga pantal ko..pag kinakabahan din ako...grabe ang kati.. nagpa check na ko ng blood pero hindi nakita.. abnormal nga life ko kc hindi ako pwede magpainit sa araw...nagkakaron ng pantal buong katawan ko hanggang mukha... tapos ilang oras lang mawawala na pag umalis na ko sa initan..minsan nga para kong hihimatayin pag umaatake..nahihilo ko.. kainis na to:weep:

zeja
17th Feb 2009, 14:29
Sa akin dust and smoke.....Kelan lang nagsimula.....Ang sympthoms ko sinisipon ako barado ang ilong at bahin ng bahin......Afterwards pag wala na sipon ko kumakati naman yung mata ko masarap kamutin at masakit pag tagal
nireseta sa akin ng doctor eh allerta saka zylohist.....Effective nman sya sa akin

hi boss :love:

renmazuo274
17th Feb 2009, 18:28
ako, seafood and poultry. in my life, 2x na ako nagkaroon ng malalang allergic reaction nagdedesensitize ako after allergies attack. after normally 2 mos, lantak mode na ulit ako

nikko1126qt
17th Feb 2009, 18:53
ako hipon,,hayz..nagmumukang butol ang buong muka ko

mikeyl
17th Feb 2009, 22:29
sa smoke sa dust sa mga balahibo....kapag nalanghap ko na yang mga yan..sisipunin n ako mga 1 linggo wala effect mga gamot sa sipon...

try allerta hehehe :)

amakizz
22nd May 2009, 02:04
ako allergic sa dust at usok.
konti lang nun masinghot ko bahin na ko ng bahin. haha.
parang yung commercial sa mga tv bout nasal allergy.
ganun ako. hehehe!

ruib99
22nd May 2009, 12:56
consult another doctor for his second opinion.

Jigz08
20th Jan 2012, 22:11
ako Naman sa pusa bigla na lng mangangati at maluluha mata ko sa sobrang kati tapos
runny nose bigla hayz ewan ko kung saan ko nakuha un

chillxz
23rd Jan 2012, 19:31
ako din meron pero dko alam ang cause nun ..may tumutbong butlig un bang bilog tapos parang may laman na tubig tas pag tumgal mabbtak ata nagiging galis na sia ..anu kya mga to ..2 beses ng nangyari sakin un

jowjow
23rd Jan 2012, 19:51
allergic ako sa pusit and hipon dati pati sa instant noodles na may seafood seasoning. pero na-outgrow ko naman siya. nakakakain na ako ng hipon at pusit ngayon but my skin allergy turned into something weirder and nakakainis na form. last year ko nalaman na may skin writing disorder ako or yung tinatawag na Dermatographism Urticaria. eto yung onting scratch lang eh nagflefare up un area na nascratched or minsan sumusumpong bigla na lang mangangati un likod ko or legs kapag nagtanggal ako ng pants. cool lang dito is i can write on my skin with a sharp object then un umuumbok siya as seen on my blog post (You can see links before reply) it is also triggered by heat and cold kaya ang hirap kapag sobrang lamig. makati siya. pero nawawala naman agad. pansin ko ndi siya gaano nararanasan kapag umiinom ako vitamin c.

pclogger
26th Jan 2012, 15:06
ako allergic sa dust at usok.
konti lang nun masinghot ko bahin na ko ng bahin. haha.
parang yung commercial sa mga tv bout nasal allergy.
ganun ako. hehehe!

ganito din po ako TS pero kahit nasa airconditioned place n ako nag e sneeze parin ako sumasakit nose ko tapos makati , sasabayan na ng sipon, then sneeze lagi tapos watery eyes.. benadryl iniinum ko pero 1 day lng ang effect :slap: almost everyday ganito situation ko:weep:

rame055
30th Jan 2012, 10:40
ano po ung ointment n bnigay ni tita mo para matanggal ung butlig sa kamay?