PDA

View Full Version : Guitar talk. . .

Pages : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 [116] 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126

Infinite
30th Nov 2012, 10:37
Anong pangalan ng tindahan nung Ibanez na nakita mo brod? :think:

hyazon brod

papajim
30th Nov 2012, 22:22
hyazon brod

:think: brand new ba nila binebenta?

Infinite
1st Dec 2012, 09:39
:think: brand new ba nila binebenta?

yap pero alam ko class A lang yun kasi bakit ganun ang price atsaka walang serial sa likod, anu ba pinagkaiba sa original compare to local pagdatig sa sound quality?

Infinite
1st Dec 2012, 09:53
Ganito kasi yun.. una, hindi mo kailangan pag aralan ibang scale modes. phrygian,dorian,mixolydian etc...as far as i know, ginagamit lang yung ibang modes like mixolydian sa mga melodic, or groovy music,, or sa ibang progressive metal, tulad ng dream theater..
sa ionian scale pa lang solb na problema mo. ionian ang most popular at pinaka common na gamitin.

pangalawa, sa tanong mo kung papano makuwa ang exact scale ng isang chord progression. for ex.: ang chord pattern mo ay D-A-Bm-G. kung ano yung nasa unahang chord, yung ang tinatawag na key note. so u will play it in D major ionian.. basta kung ano yung nasa unahan, yun ang key ng bawat chord pattern.. bawat chords naman eh may mga pattern.. napakaraming chord pattern,, pero hindi pwede yung halimbawa ma-compose ka ng song or gagawa ka ng chord pattern,, di pwedeng ipag rumble mo sila dahil meron tayong flats & sharps notes. so dapat tama yung pattern. basta kung maplay ka ng scale, yung Key note lang titingnan mo which is nasa unahan. so dont mind the rest. kahit 8 bars pa ang chord pattern mo, yung nasa unahan parin ang Key note..

ngayon, kung ang Key note mo ay Minor Chords katulad ng tanong mo,, oo pwede sya sa pentanonic minor pero sobrang basic ng pentatonic..konting notes lang maibibigay nun,,
So ang pagbabasehan mo parin sa minor chords ay ionian mode.
PAANO malolocate yung Minor chords sa ionian mode?
una, bawat minor chords ay may kakambal yan na Major Chords sa ionian mode. Paano i-apply? bawat minor chords na key, itataas mo ang fret ng 3 beses. halimbawa sa Key Chord na Am, jump ka lang ng 3 times. Papatak yun sa C ionian mode.. then yun na.. pwede mo na i play ang Am. sa C ionian. its 100% accurate.

ADVANTAGE ng Mode scales esp. ionian:
- lahat ng notes makukuwa mo kahit flatted fifth & flatted third notes.
- dalawang KEY pattern ang magagawa mo, Major & minor 100% accurate. juz like hitting two birds in one stone
-mas madaling gumawa ng riffs in different styles..

:salute: sana nakatulong din sa iba :salute:

eh anu po ba purpose or gamit ng pentatonic scale?

symphonic
1st Dec 2012, 23:00
:hat: mga sir .. any idea po kung magkano mgagastos ko sa bass ko. kasi po mataas po masyado ung string. sabi po sa akin parang nakatabingi po ata ung neck :help:

taga san kaba? dalhin mo sa luthier. ako galing ako kay mang max nag pa set up ako. change to heavier gauge string, action, intonation paayos ng floydrose etc. etc. 300 lang siningel sakin. kung sayo action lang baka 100 lang yan :rofl: pa check up mo na intonation, at action, buzz etc. mura lang yan dalhin mo kay mang max or sa mas malapit na luthier sayo

symphonic
1st Dec 2012, 23:08
anu nga po pala pinagkaiba when it comes to sound quality of local Ibanez guitar compare to orig one. may nakita kasi ako dito sa amin na P5,790 lang yung price na Ibanez, 5 pick-ups, 5 way tone selector, 1 vol knob and tone, floyded sya

kung brand new yan sure yun class a at fake yan. audiophile ang ibanez. kahit yung mga gio ng ibanez wala kang mabibili na 6k brand new. napaka raming pinag kaiba ng fake sa original feel,specs ng hardware,tone,stability,. mag ipon kanalang for the real thing :) isa lang ang pinag kapareho ng class a at orig. YUNG ITSURA pero kung titignan mong maige hindi rin sila pareho na identical talaga sa itsura. sa unang tingen lang pero pag pinag masdan mo talaga. :slap:

symphonic
1st Dec 2012, 23:53
input ko lang huh dun sa sinabi ni bryanmj22 (tinatamad ako mag type mukang mahaba haba to pero yung kaya lang ng sipag ko >__< )

una ang scale modes PATTERN lang yan to guide us when we are starting as time goes by wala kanang pakialam dyan mag sosolo ka ng hindi iniisip yang pattern na yan at kusa mo ng mailalabas.

ionian mode ay MAJOR SCALE the same lang sila ng major scale. and yung sinasabi mo na hindi full notes ang pentatonic? yup 5 notes lang sya wala yun dalawa so hindi nga full note. pero dun sa part na sinabi mong 2 or 3 octave lang sya >_< lahat ng scale may 5 NOTES POSITION NA KAYANG ICOVER ANG BUONG 24FRETS NG GITARA MO MULA 1ST STRING TO 6TH. so hindi sya 2 or 3 octave lang and ang A ionian ay hindi equal sa B dorian. pero ito pinaka common na hindi nila pag ka equal ang root ng A ionian ay A ang root ng B dorian ay B at ang A ionian ay major at angg B dorian ay minor. ang equal sa A ionian ay ay A major scale not B dorian. and ang aeolian ay equal sa minor scale. sa major scale dinerive yung modes.

maj.- major
min-min
A major scale = Amaj. , Bmin., C#min., Dmaj., Emaj. F#min.,G#dim.

so ang modes jan sa A major scale
A IONIAN (same as major scale,major note),B DORIAN (minor note), C# PHYRIGIAN (minor note), D LYDIAN(major note), E MYXOLIDIAN (major note), F# AELION (same as minor scale), G LOCRIAN (diminished note)

ang pag kuha ng modes

ionian in A - Amaj. , Bmin., C#min., Dmaj., Emaj. F#min.,G#dim.
dorian B- Bmin., C#min., Dmaj., Emaj. F#min.,G#dim. , Amaj.
phyrigian C# - C#min., Dmaj., Emaj. F#min.,G#dim. , Amaj., Bmin.
etc. etc. tignan mo pare pareho lang sila pero NAG IIBA SILA SA ROOT NOTE OR YUNG UNANG NOTANG PINAG SISIMULAN THEN THE SAME NA MGA SUMUNOD

and MAG KAIBA PO ANG SCALE SA MODES

Am, F, Dm, Bdim, E itong progression nato nasa A minor scale to or A aeolian pwde mo gamitan ng Aminor pentatonic etc. experiment nalang

para malaman kung ano yung major at minor ng notes. pag hanapin mo yung major ng minor. 3 frets papalusong. pag hahanapin mo yung minor ng major. mula major 3 frets pa atras

example C major ang minor nya ay Aminor
G major ang minor nya ay Eminor

bawat modes may iba ibang tunog/characteristic. gumagamit ang modes kung gusto mo palabasin yun. majOR scale/ionian modes - masaya minor scale/aeolian modes-malungkot phyrigian modes-mejo nakakatakot/egyptian etc etc.

sa isa pang tanong yup mostly kung ano yung nasa unahan yun ang root note.

"So ang pagbabasehan mo parin sa minor chords ay ionian mode." quote ko minor chords progression tunog malungkot yan so basehan mo AEOLIAN MODE OR MINOR SCALE kung ang minor progression pag babasehan mo ay yung ionian mode/or major scale sablay. malungkot yung progression tapos papasukan mo ng scale na masaya >__<

tama na siguro yan pagod na akong mag type at mag explain. pabayaan ko na yung iba :clap: para ma guide tayo sa tamang daan kasi lalo tayong malilito nyan kung yung pinag sasanayan natin ay may error. masasanay tayo sa error na akala natin tama. sana makatulong.

sprakanayt12
2nd Dec 2012, 08:37
pasali po ako dito :D acoustic lang po ako :dance: kelangan po ba talaga malaman lahat ng scales? major lang alam ko e :D wahaha

Infinite
2nd Dec 2012, 15:13
yung AEOLIAN kasi eh pareho lang sa pentatonic minor, nadagdagan lang sya ng notes para pang sweeping at legato

barc0de
2nd Dec 2012, 19:54
mga sirs sino po dito nakagamit ng amplitube? ang saya pala nitong vst na to.:thumbsup:

share ko lang mga sirs, gamit ko po dito amplitube :)

Only registered users can see the link.

symphonic
2nd Dec 2012, 20:59
yung AEOLIAN kasi eh pareho lang sa pentatonic minor, nadagdagan lang sya ng notes para pang sweeping at legato

NOPE. ang AELOIAN MODE AY PAREHO NG "MINOR SCALE". hindi PENTATONIC minor. iba ang minor scale sa pentatonic minor. ang minor scale 7 notes ang pentatonic minor scale 5 notes nabawasan ng dalawa yung minor scale.

ice9
3rd Dec 2012, 06:56
****nagdownload ako ng mga backing tracks which is all in E minor,, i notice that some are not in E minor pentatonic scale but there root note is in E minor. do i apply or try the dorian, phrygian, lydian scale?

**** nagdownload din ako ng A minor backing track which is in Am-F-Dm-Bdim-E. di ba po applicable dito ang A minor pentatonic? kasi may nakapagsabi saken na pag nasa Am daw eh hahanapin ko daw yung iskala ng Am then pag nasa F na naman eh hahanapin ko na naman daw yung iskala ng F then Dm then Bdim then E. tama po ba yung sabi nya?

advice ko pagaralan mo lahat ng scales and modes. Hindi lahat ng minor keys ay makukuha sa minor scale. Gaya ng sabi mo na dimo makuha kahit pareho minor, why? Kasi dito pumapasok ang modes- may tamang scale sa isang particular na mode chords progression. Yan am, f, dm, bdim at e mo pasok em penta dyan at sa lahat ng meron minor progressions like dorian, phrygian, aeolian at mga minor exotic scales. Malalaman mo kung minor sa kanyang 3rd degree note- pag flat or sharp minor yan at pag natural note major yan. Siguro naman alam mo na kunin yan mga scales sa major scales para malaman mo kung flat or sharp ang 3rd note ng ginagamit mong scale.

Infinite
3rd Dec 2012, 11:15

A B C# D E F# G# A

so ang Ionian ay major scale because don't have flat/sharp

and these are the minor modes of SCALES or ------- >>>> anu ba talaga tawag yung mga nasa ibaba?

dorian - minor kasi may dalawang Flat or sharp
phrygian - minor may apat na flat or sharp
Aeolian - minor may talong flat or sharp
Lydian - minor may tatlong flat or sharp
Myxolidian - minor may isang flat or sharp
Locrian - minor may limang flat or sharp

tama po ba?

sannyasejo
3rd Dec 2012, 13:00
mga tol pasali dito, mahilig din ako mag guitara, gusto kung pinapractice mga adlib.

papajim
3rd Dec 2012, 15:06
pasali po ako dito :D acoustic lang po ako :dance: kelangan po ba talaga malaman lahat ng scales? major lang alam ko e :D wahaha

Kung gusto mong matuto mag lead guitar then kailangan mong mag aral ng scales. :approve:

Welcome pala sa guitar talk :hi:

mga tol pasali dito, mahilig din ako mag guitara, gusto kung pinapractice mga adlib.

Welcome :hi:

ice9
3rd Dec 2012, 20:44
A B C# D E F# G# A

so ang Ionian ay major scale because don't have flat/sharp

and these are the minor modes of SCALES or ------- >>>> anu ba talaga tawag yung mga nasa ibaba?

dorian - minor kasi may dalawang Flat or sharp
phrygian - minor may apat na flat or sharp
Aeolian - minor may talong flat or sharp
Lydian - minor may tatlong flat or sharp
Myxolidian - minor may isang flat or sharp
Locrian - minor may limang flat or sharp

tama po ba?

actually kahit ung 3rd degree note lang or ung pangtatlong note ng scale tingnan mo sir kung flat or natural. Ionian=A,B,C# puro whole note yan pati 3rd degree note(C#)=major, Dorian=A,B,C=minor kasi flat 3rd, Phrygian=A,Bb,C=minor, Lydian=A,B,C#=maj, Mixolydian=A,B,C#=maj, Aeolian=A,B,C=min, Locrian=A,Bb,C=minor. Sana makuha mo to. Goodluck..

wadakil
4th Dec 2012, 07:16
Kamusta kau, pa post lng
major scales m0des
scale 1 2 3 4 5 6 7 8

ionian 1 2 3 4 5 6 7
dorian 1 2 b3 4 5 6 b7
phrygian 1b2 b3 4 5 b6 b7
lydian 1 2 3 #4 5 6 7
mixoly.. 1 2 3 4 5 6 b7
aeolian 1 2 b3 4 5 b6 b7
locrian 1 b2 b3 4 b5 b6 b7

pansinin nyo lahat ng min0r scale naka flat 3 or b3...jan plng malalaman mu na na min0r scale sya..tsaka naka b7 din sya..maliban sa mixolydian scale na major pero me b7..

jamesdee
4th Dec 2012, 10:46
newbie panu poh ba magbasa ng note scale?:pray:

mclovin12
4th Dec 2012, 23:13
oi bka may interested d2 ng washburn and laney!! sale mga boss

Only registered users can see the link.

johnny00
8th Dec 2012, 08:08
OT
sino po may alam ng email ni bossingboss ng philmusic down po kasi

StarCometMoon
8th Dec 2012, 18:08
@papajim,

ngayon na ang sale hahah hinfi na ako pumunta. Kasi hindi na rin ako bibili ng electric guitar
drums na lang,,,

Thanks..

rolanjun55
8th Dec 2012, 19:01
sa lahat po ng gustong matutong mag lead/solo paki set aside muna yang modes, you should learn how to drive your pentatonic scales mapa major man o minor.. Aanhin nyo yang modes kung hindi nyo gamay penta nyo? 2nd thing po dapat maalam kayo mag phrasing at 3rd po wag mag apurang maka gain ng speed.. Penta muna kayo mga boss,pag gamay nyo na penta its time to add flavors na po sa solos nyo.. Malaki matutulong ng penta na yan pag nag modes na kayo.. Goodluck po sa inyo!

papajim
8th Dec 2012, 22:42
@papajim,

ngayon na ang sale hahah hinfi na ako pumunta. Kasi hindi na rin ako bibili ng electric guitar
drums na lang,,,

Thanks..

Ok :approve: kung saan ka masaya suportahan ta ka :giggle:

sa lahat po ng gustong matutong mag lead/solo paki set aside muna yang modes, you should learn how to drive your pentatonic scales mapa major man o minor.. Aanhin nyo yang modes kung hindi nyo gamay penta nyo? 2nd thing po dapat maalam kayo mag phrasing at 3rd po wag mag apurang maka gain ng speed.. Penta muna kayo mga boss,pag gamay nyo na penta its time to add flavors na po sa solos nyo.. Malaki matutulong ng penta na yan pag nag modes na kayo.. Goodluck po sa inyo!

Brod ang tagal mong hindi nagparamdam, dami mo nang estudyante dito. :giggle:

StarCometMoon
9th Dec 2012, 07:18
Ok :approve: kung saan ka masaya suportahan ta ka :giggle:

Thanks, pero bisitahin ko pa rin yung thread nyo..

:yipee::clap::excited::dance::praise::thumbsup::lo l::rofl::salute::lmao:

rolanjun55
9th Dec 2012, 09:17
Ok :approve: kung saan ka masaya suportahan ta ka :giggle:

Brod ang tagal mong hindi nagparamdam, dami mo nang estudyante dito. :giggle:

sir busy eh.. Nandito ka naman para tulungan sila... :D salamat sa di pag iwan netong thread..

darkheart38
9th Dec 2012, 11:37
pa-subscribe po dito... :p

mga masters... saan po ba maganda bumili nang gitara? (brand?, type?,)

ung quality at mura...

salamat po sa mga magrereply... :thanks:

thunderock
9th Dec 2012, 16:03
yes! nakabili na rin ng electric guitar!

kaso wala pa akong amp

nakakainis may fret buzz sa 2nd fret,, pero hindi sya naririnig sa amp,, napansin ko nang nasa bahay na ko

papajim
9th Dec 2012, 21:35
sir busy eh.. Nandito ka naman para tulungan sila... :D salamat sa di pag iwan netong thread..

No problem pero dalas dalasan mo rin ang pagbisita dito :approve:

pa-subscribe po dito... :p

mga masters... saan po ba maganda bumili nang gitara? (brand?, type?,)

ung quality at mura...

salamat po sa mga magrereply... :thanks:

Crescendo Music
Lyric Music Store
Perfect Pitch
Yupangco / Yamaha Music Stores
Lazer Music
Audiophile

yes! nakabili na rin ng electric guitar!

kaso wala pa akong amp

nakakainis may fret buzz sa 2nd fret,, pero hindi sya naririnig sa amp,, napansin ko nang nasa bahay na ko

Kung hindi naman naririnig yung fret buzz sa pick up, ok lang yan :approve:

darkheart38
10th Dec 2012, 00:17
saan po ung mga shops na yan? haha.. sorry po noob pa lang po eh..

marunong na ako... pero hindi pa ako marunong pumili...

unang bili ko... umangat ung fret holder... kaya ang taas na ng strings eh..weew

vonethugz01
10th Dec 2012, 13:41
San po may magandang tutorial ng Bass Guitar? thanks po! :band:

thunderock
10th Dec 2012, 16:44
Kung hindi naman naririnig yung fret buzz sa pick up, ok lang yan :approve:

oo nga no hehe,,

StarCometMoon
10th Dec 2012, 19:28
To all (heheheh)

specialy @papajim

balik guitar na lang ulit ako hehehe at meron na akong budget para sa FENDER. Nagbago na isip ko, kaya ko lang naman naisipan yung drums kasi mas maraming banda kailangan ng drums ehh gusto ko kasing sulami sa band pero under age ata

heheheh

from, STARCOMETMOON

papajim
10th Dec 2012, 21:57
saan po ung mga shops na yan? haha.. sorry po noob pa lang po eh..

marunong na ako... pero hindi pa ako marunong pumili...

unang bili ko... umangat ung fret holder... kaya ang taas na ng strings eh..weew

Crescendo Music - SM Fairview
Lyric Music Store - Araneta, Cubao near Shopwise
Perfect Pitch - SM North
Yupangco / Yamaha Music Stores - SM North Cyberzone
Lazer Music - SM North or Ali Mall, Cubao
Audiophile - Ali Mall, Cubao

:approve:

To all (heheheh)

specialy @papajim

balik guitar na lang ulit ako hehehe at meron na akong budget para sa FENDER. Nagbago na isip ko, kaya ko lang naman naisipan yung drums kasi mas maraming banda kailangan ng drums ehh gusto ko kasing sulami sa band pero under age ata

heheheh

from, STARCOMETMOON

Maganda nga kung bata ka mag umpisa ng mag drums eh.

Tony Royster Jr. (Only registered users can see the link.)

Ayan 12 yrs old pa lang pro drummer na :salute:

Nasa hilig mo kasi yan :approve:

StarCometMoon
11th Dec 2012, 10:12
Maganda nga kung bata ka mag umpisa ng mag drums eh.

Tony Royster Jr. (Only registered users can see the link.)

Ayan 12 yrs old pa lang pro drummer na :salute:

Nasa hilig mo kasi yan :approve:

matanda lang pala sya sa'kin ng 1 year hehheehh..... sir alam nyo ba yung fender squier yung package
gusto ko kasi dun yung affinity strat basta yung parang ganun, at yung guitar ay strat ang gusto ko.

Mga PHP15000 po budget ko pero yun na yung lahat (guitar, cable, yung case nung guitar, amp) kahi yun lang

Tsaka Fender lang gusto ko

hehhehe thanks

homolusk233
11th Dec 2012, 16:10
@papajim

tanung lng po sana kung maganda po bang bumili sa RAUN/Raon ?? balak po kasi nmin ng kaibigan kong bumili bago mag pasko 7,500 po budget Electric guitar sana much better kung may kasama na din sanang indoor na ampli:thumbsup:......

papajim
11th Dec 2012, 19:00
matanda lang pala sya sa'kin ng 1 year hehheehh..... sir alam nyo ba yung fender squier yung package
gusto ko kasi dun yung affinity strat basta yung parang ganun, at yung guitar ay strat ang gusto ko.

Mga PHP15000 po budget ko pero yun na yung lahat (guitar, cable, yung case nung guitar, amp) kahi yun lang

Tsaka Fender lang gusto ko

hehhehe thanks

Kailangan mo eh naka package na yung ampli:

Squier SE strat (Only registered users can see the link.)

12k siya pero naka sale nagyon ang Perfect Pitch so bababa pa yan.

Squier Affinity strat (Only registered users can see the link.)

YUng affinity package kasi nasa 20k ewan ko kung maitatawad mo pa hanggang 15k :think:

@papajim

tanung lng po sana kung maganda po bang bumili sa RAUN/Raon ?? balak po kasi nmin ng kaibigan kong bumili bago mag pasko 7,500 po budget Electric guitar sana much better kung may kasama na din sanang indoor na ampli:thumbsup:......

Alam ko lang na matinong bilihan ng electric sa raon eh yung Salonga Music, the rest malamang nagbebenta ng fake na gitara brod :slap:

Recommend ko sana yung Squier SE strat doon sa sagot ko kay StarCometMoon sa taas kaso 12k siya, package yan may kasama nang amp na 10w ata :approve: alam ko bababa pa yan kasi naka sale sila ngayon.

Sa JB music yung SX EG3k nila nasa 12.5k kasama 10w na amp pero hindi ko pa natest iyon.

homolusk233
11th Dec 2012, 21:16
Kailangan mo eh naka package na yung ampli:

Squier SE strat (Only registered users can see the link.)

12k siya pero naka sale nagyon ang Perfect Pitch so bababa pa yan.

Squier Affinity strat (Only registered users can see the link.)

YUng affinity package kasi nasa 20k ewan ko kung maitatawad mo pa hanggang 15k :think:

Alam ko lang na matinong bilihan ng electric sa raon eh yung Salonga Music, the rest malamang nagbebenta ng fake na gitara brod :slap:

Recommend ko sana yung Squier SE strat doon sa sagot ko kay StarCometMoon sa taas kaso 12k siya, package yan may kasama nang amp na 10w ata :approve: alam ko bababa pa yan kasi naka sale sila ngayon.

Sa JB music yung SX EG3k nila nasa 12.5k kasama 10w na amp pero hindi ko pa natest iyon.

@papajim

salamat ....at least alam ko na safe sa Salonga Music :thumbsup: tanung lng po ulit sana...first time ko kasi dumayo sa malayo para lang bumili ng gitara at di po ako magaling tumawad pero lalakasan ko yung loob ko.... yung Squier SE strato po ba na 12k pde pa po bang tumawad doon ng 8-10k ??

papajim
11th Dec 2012, 21:36

Yun brod masusubukan ang skill mo sa tawaran :giggle: Ang maganda kasi naka Christmas sale ngayon ang Perfect Pitch so magandang makipag tawaran ngayon sa kanila :approve: . Ang pinakamalaking discount ko na nakuha sa kanila mga 20% :salute:

homolusk233
11th Dec 2012, 22:09

isang tanung pa po pala :slap:

Anu po ba yung perfect pitch?? at paano po ba teknik nyo sa tawaran?? paano kung ayaw pumayag nung nag titinda mag walk-out ba ko:lol:?? o mag kungyaring ala na talagang pera?? panu po ba para makumbinsi ko na 15% man lng (di pa kasama yung sale)yung nag titinda??:salute:

nayariako
12th Dec 2012, 08:45
Mga Idol,,pacheck naman ng link sa baba if worth buying po yung guitar,,,beginner po ako,,thanks

Only registered users can see the link. itar&event=Search+Ranking,Position,4-11,71

Only registered users can see the link.

venoviper
12th Dec 2012, 09:35
^ Hirap nyan. kylangan nahawakan mo muna ung gitara para malaman mo kung bagay sayo (at sabi mo pa beginner ka palang) :noidea:. 10% lang sa itsura makikita ung quality at specs ng gitara.

papajim
12th Dec 2012, 10:26
isang tanung pa po pala :slap:

Anu po ba yung perfect pitch?? at paano po ba teknik nyo sa tawaran?? paano kung ayaw pumayag nung nag titinda mag walk-out ba ko:lol:?? o mag kungyaring ala na talagang pera?? panu po ba para makumbinsi ko na 15% man lng (di pa kasama yung sale)yung nag titinda??:salute:

Perfect Pitch ay name ng store na exclusive distributor ng Squier at Fender dito sa Pinas. Hindi effective kasi teknik ko sa iyo kasi matagal na akong customer ng Perfect Pitch tapos tropa ko pa yung sales doon :giggle: Kung ako sa iyo sabihin mo yung budget mo sa sales tapos sabihin mo kung anong package gusto mo, doon kayo mag umpisa mag usap. :approve: Kung hindi talaga kaya ibigay yung package na gusto mo sa presyong kaya mo, wala na tayong magawa kundi dagdagan pa ang ipon :slap: so sabihin mo agad ang budget mo para sa package na gusto mo tapos usap kayo. :approve:

Infinite
12th Dec 2012, 11:34
at all

jamming kami kagabi ng tropa

and i notice also na yung IONIAN ay may pagkakahawig sila sa AEoLIAN,,

Myxolidian, phrygian i tried this last night hanep sa metal,:yipee: sa backing track ko lang kasi ginagawa or ginagamit mga to:rofl:

Infinite
12th Dec 2012, 11:38
bumitaw ako ng sweep picking, Legato, Double tapping, speed picking kagabi sa jamming namin,, rakrakan pala talaga pag LIVE:yipee::dance:

Jun2003
12th Dec 2012, 16:11
pasali po ako dito :D acoustic lang po ako :dance: kelangan po ba talaga malaman lahat ng scales? major lang alam ko e :D wahaha

buti nga sir ikaw alam mo yung major ako nga kahit yung general di ko alam eh...eh hehehe...:lol:

kidding aside:

Di mo naman sir kailangan malaman lahat ng yan,basta practice lang ng practice at patience lang,at depende rin kung anong trip mong music blues,jazz,classical or fusion ng mga yun,sa pag gigitara ay walang rules jan,ang importante is ma incorporate mo lahat ng nalalaman mo at makagawa ka ng music na makapag papasaya sayo......

acoustic guitar din pala madalas na hawak ko..........:thumbsup:yeah

homolusk233
12th Dec 2012, 20:59
Tanung lng po ....paano nyo malalaman kung maganda ang isang electric guitar o hindi?? may bibilhin na po kasi ako kaso di ko pa sya na hahawakan.....sa bigat din po ba ng gitara malalaman kung maganda to?

papajim
12th Dec 2012, 21:22

Although ang tanong ni Exequia ay para sa acoustic guitar, yung principle ng pagkilatis ng gitara ay pareho:

CLICK HERE (Only registered users can see the link.)

for more explanation of terms:

CLICK HERE (Only registered users can see the link.)

homolusk233
12th Dec 2012, 21:48

Wow....thanks papajim BM ko na to at tandaan ko na din:10:

michael1618
13th Dec 2012, 05:43
mga sir, anu po bang scales ang pinakamagandang pag aralan para sa inyo?

mag aral ka ng major scales :yipee:

michael1618
13th Dec 2012, 05:53
mga boss at sir bago lng po ako dito. bka po me mga softwares po kayo dyan na pwede ko magamit pang looping backing tracks etc ung tipong pwede akong mag 1 man band hehe :pray: tnx po at goodluck sating mga nagaaral pa about music

michael1618
13th Dec 2012, 05:59
Perfect Pitch ay name ng store na exclusive distributor ng Squier at Fender dito sa Pinas. Hindi effective kasi teknik ko sa iyo kasi matagal na akong customer ng Perfect Pitch tapos tropa ko pa yung sales doon :giggle: Kung ako sa iyo sabihin mo yung budget mo sa sales tapos sabihin mo kung anong package gusto mo, doon kayo mag umpisa mag usap. :approve: Kung hindi talaga kaya ibigay yung package na gusto mo sa presyong kaya mo, wala na tayong magawa kundi dagdagan pa ang ipon :slap: so sabihin mo agad ang budget mo para sa package na gusto mo tapos usap kayo. :approve:

weeee :)

michael1618
13th Dec 2012, 06:13
pa-subscribe po dito... :p

mga masters... saan po ba maganda bumili nang gitara? (brand?, type?,)

ung quality at mura...

salamat po sa mga magrereply... :thanks:

depende po sa trip mong guitara specially kung san genre mo gagamitin kadalasan ng mura nakakadismaya eh :yipee:

pwedeng sa rj,audiophile,perfectpitch,lazer or sta mesa etc.. :beat:

anung brand? ask mo muna kung san made mas ok pag japan or tate etc.. at ung about sa body ng gitara mas ok kung 1 piece body. sa brand naman napakadaming choices. kung mga kilala andyan
ibanez,fender,gibson,jackson,prs,dean, etc. kung firstime mo lng mag magbabuy ng gitara make sure na magpi fit sayo at trip mo syempre. at ung guitar desire mo dpende din sa budget mo. try to buy a cheap one lng pra pang practice or 2ndhand na quality :noidea:

michael1618
13th Dec 2012, 06:47
A B C# D E F# G# A

so ang Ionian ay major scale because don't have flat/sharp

and these are the minor modes of SCALES or ------- >>>> anu ba talaga tawag yung mga nasa ibaba?

dorian - minor kasi may dalawang Flat or sharp
phrygian - minor may apat na flat or sharp
Aeolian - minor may talong flat or sharp
Lydian - minor may tatlong flat or sharp
Myxolidian - minor may isang flat or sharp
Locrian - minor may limang flat or sharp

tama po ba?

idea lng po boss kung pagbabasihan mo katulad ng sabi nila pra dika tlga malito compare sa major scale o modes lahat po ng minor scale ay flat ung 3rd notes

example phrygian A-Bb-C-D-E-F-G-A ang formula po ay
1-b2-b3(eto po ung flat third na sinasabi nila)-4-5-b6-b7 so eto po ay minor

iba din ung phrydian dominanth major un (pang lito) :) hehe

lydian A-B-C#-D#-E-F#-G# at ung formula naman po ay
1-2-3-#4-5-6-7 ndi po flat ung 3rd nya so it means major sya

ndi sya padamihan ng flat or ng sharp. ndi cla magkapareho ang

sharp (#) abante ka isang note or (para madali) usog ka ng isang fret
flat (b) atras ka isang note or (para madali) usog ka paatras ng isang fret hehe

so tandaan pag flat ang 3rd ang notes ng any scale it means "minor" :yipee: hope sana makatulong sayo to take ur time wag mo madaliin. ung kilala kong ganyan na duling hehe take note aralin mo muna ung formula pra ma gets mo ung flat 3rd. flat 3rd na un haha at major and minor scale ka muna mag focus para ndi magulo ung breed mo wag ka muna sa modes pra maintindihan mo ng husto at maayos gudluck

narkzsss
13th Dec 2012, 07:02
kilala nyu po ba si sungha jung?? yun po ung idol ko..hehehe
acoustic lang gamit nya peru astig!!!

nayariako
13th Dec 2012, 07:18
Fernando Telecaster po ang nabili ko as my first electric guitar...any comment po about sa guitar na nabili ko :D

michael1618
13th Dec 2012, 07:27
Fernando Telecaster po ang nabili ko as my first electric guitar...any comment po about sa guitar na nabili ko :D

magkano? ung saken nlng sana binili mo :beat:

ok naman ung fernando. me pic kb?:noidea:

Infinite
13th Dec 2012, 09:41
PAKI-EXPLAIN NGA PO KUNG ANU/PANU ANG GAMIT NG AUGMENTED AT DIMINISHED?:help:

papajim
13th Dec 2012, 10:34
ahem

Ipinagbabawal kasi dito ang pag promote ng ibang forum eh. baka mabigyan ka ng infraction niyan:

CLICK HERE (Only registered users can see the link.)

;) and beside napapadalas na ang pag offline ng philmu.

michael1618
13th Dec 2012, 10:52

tnx sa info papajim :salute: oo nga bkt kya plgeng offline antagal na prang wala na nga eh

darkheart38
13th Dec 2012, 11:32
mga masters... hindi naman po ako mag-babanda eh... pang-free time, hobby lang...

practice-practice, at jamming lang with some friends...

planning to buy a quality acoustic guitar... Lumanog vs Dnd?

pwede ba custom? haha... ung les paul size... :p

yung may pick up sana at ung may strap...

sa SM North kaya meron... un kasi pinakamalapit na nasabi dito..

:thanks:

papajim
13th Dec 2012, 11:42
:help: pano ba eto burain ndi ko alam mga sir bka mabanned kgad ako. pasensya na :noidea:

Ok na binura ko na rin yung quote ko :approve: ipahaging mo na lang next time :giggle:

papajim
13th Dec 2012, 11:48
tnx sa info papajim :salute: oo nga bkt kya plgeng offline antagal na prang wala na nga eh

Sabi kasi last time doon sa bulletin nila nagkakaproblema sila sa server. :noidea:

mga masters... hindi naman po ako mag-babanda eh... pang-free time, hobby lang...

practice-practice, at jamming lang with some friends...

planning to buy a quality acoustic guitar... Lumanog vs Dnd?

pwede ba custom? haha... ung les paul size... :p

yung may pick up sana at ung may strap...

sa SM North kaya meron... un kasi pinakamalapit na nasabi dito..

:thanks:

D n D brod quality Philippine made acoustic guitar. Ang distributor niya ay ang Lazer Music, meron silang branch sa SM North basement :approve:

nayariako
13th Dec 2012, 11:58
magkano? ung saken nlng sana binili mo :beat:

ok naman ung fernando. me pic kb?:noidea:

5,500 ko nabili sir :D post ko pics later

venoviper
13th Dec 2012, 12:05
mga masters... hindi naman po ako mag-babanda eh... pang-free time, hobby lang...

practice-practice, at jamming lang with some friends...

planning to buy a quality acoustic guitar... Lumanog vs Dnd?

pwede ba custom? haha... ung les paul size... :p

yung may pick up sana at ung may strap...

sa SM North kaya meron... un kasi pinakamalapit na nasabi dito..

:thanks:

Lumanog ung brand ng acoustic ko, matibay. 8 years na sakin, pero mukhang bago parin. Panalo ka parin kahit ano sa dalwang brand na yan pagpipilian mo.

Meron ba ditong tumutugtog ng classical guitar?

michael1618
13th Dec 2012, 12:20

pra sken mas ok bro ung ovation search mo nlng pra ikaw mismo makapamili. ndi ko lng sure kung meron sa sm north nyan for sure meron nyan tingin tingin k lng dyan :dance:

michael1618
13th Dec 2012, 12:26
Ok na binura ko na rin yung quote ko :approve: ipahaging mo na lang next time :giggle:

tnx paps now iknow :superman:

michael1618
13th Dec 2012, 12:33
Lumanog ung brand ng acoustic ko, matibay. 8 years na sakin, pero mukhang bago parin. Panalo ka parin kahit ano sa dalwang brand na yan pagpipilian mo.

Meron ba ditong tumutugtog ng classical guitar?

@venoviper

ako nag try lng ako bumuo ng mga clasical caprice pero di gnon kalalalim hehe. disadvantage ung daliri ko eh maigse
:weep:

ikaw bro tumutugtog kang classical?

venoviper
14th Dec 2012, 02:44
@venoviper

ako nag try lng ako bumuo ng mga clasical caprice pero di gnon kalalalim hehe. disadvantage ung daliri ko eh maigse
:weep:

ikaw bro tumutugtog kang classical?

uu. hirap nga ako eh kasi sa acoustic guitar ako tumutugtog.
balak ko bumili ng classical sa first job pay ko. Sarap sa tenga.

thunderock
14th Dec 2012, 15:44
na kuryente ako habang tumutugtog :cry:

bakit ba nagyayari to, takot na tuloy akong tumugtog uli :slap:

venoviper
14th Dec 2012, 15:47
na kuryente ako habang tumutugtog :cry:

bakit ba nagyayari to, takot na tuloy akong tumugtog uli :slap:

baguhin mo kasi avatar mo

thunderock
14th Dec 2012, 16:05
baguhin mo kasi avatar mo

:whisper:

ahemm ahemm..

ligthning = kidlat

thunder = kulog

:D

venoviper
14th Dec 2012, 16:55
:whisper:

ahemm ahemm..

ligthning = kidlat

thunder = kulog

:D

ay. parang di ko alam -_-

thunderock
14th Dec 2012, 17:03
baka mamaya may super powers na ako tapos kaya ko nang mag produce ng electricity gamit ang aking kamay :thumbsup:

venoviper
14th Dec 2012, 18:07
baka mamaya may super powers na ako tapos kaya ko nang mag produce ng electricity gamit ang aking kamay :thumbsup:

teka tanong ko lang sa mga e. guitar players jan.
Ano ung mga common guitar pieces ung una nyong pinag-aaralan?
mga stairway to heaven ba? smoke on the water?

Classical guitar player kasi ako eh, ung una kong pinag-aralan mga:
classical gas, moonlight sonata, country ride, fur elise, lagrima, cavatina, at tsaka ung acoustic version ng hotel california.

thunderock
14th Dec 2012, 18:21
ang pinapraktis ko ngayon ay canon rock, tsk an hirap ng sweek picking

papajim
14th Dec 2012, 21:50
na kuryente ako habang tumutugtog :cry:

bakit ba nagyayari to, takot na tuloy akong tumugtog uli :slap:

Either nakaramdam ka lang ng electrostatic discharge o may DC leak sa input jack ng amp mo. :approve:

Subukan mong iplug sa ibang amp yung gitara mo at tingnan mo kung may 'kuryente' ka pang maramdaman.

teka tanong ko lang sa mga e. guitar players jan.
Ano ung mga common guitar pieces ung una nyong pinag-aaralan?
mga stairway to heaven ba? smoke on the water?

Classical guitar player kasi ako eh, ung una kong pinag-aralan mga:
classical gas, moonlight sonata, country ride, fur elise, lagrima, cavatina, at tsaka ung acoustic version ng hotel california.

CLICK HERE (Only registered users can see the link.)

thunderock
14th Dec 2012, 22:31
wala po akong amp, sa pc ko lang sinasaksak ang gitarar

michael1618
15th Dec 2012, 00:52
uu. hirap nga ako eh kasi sa acoustic guitar ako tumutugtog.
balak ko bumili ng classical sa first job pay ko. Sarap sa tenga.

goodluck bro ung bilin mo ung malupit na classical guitar na pra soya

:dance::dance::dance:

pwede naman acoutic basta nylon gawin mong string pra mas ramdam mo ung tension pag ordinary string at guitar gamit mo ndi mo masxado maapriciate :slap:

michael1618
15th Dec 2012, 01:00
baka mamaya may super powers na ako tapos kaya ko nang mag produce ng electricity gamit ang aking kamay :thumbsup:

:thumbsup::thumbsup::thumbsup:

:lol: baka naman basa ung paa mo or wala kang chinelas habang nagpaprktis hehe

check mo ampli mo bro grounded yan

michael1618
15th Dec 2012, 01:12
teka tanong ko lang sa mga e. guitar players jan.
Ano ung mga common guitar pieces ung una nyong pinag-aaralan?
mga stairway to heaven ba? smoke on the water?

Classical guitar player kasi ako eh, ung una kong pinag-aralan mga:
classical gas, moonlight sonata, country ride, fur elise, lagrima, cavatina, at tsaka ung acoustic version ng hotel california.

akoy sayo at ikaw akin lamang. (tama ba title):noidea: passenger seat :lol: tapos nag eric jhonson nako un clif of dover as usual intro boys na naman haha :upset:

ako bouree in e minor ni bach. tapos kay jason beccker "AIR dalawa cla ni marty prideman ung isang part lng kinuha ko. ndi ko n"atapos eh :lol: tinamad ako ang haba kumuha lng ako idea :thumbsup:

michael1618
15th Dec 2012, 01:18
Sabi kasi last time doon sa bulletin nila nagkakaproblema sila sa server. :noidea:

D n D brod quality Philippine made acoustic guitar. Ang distributor niya ay ang Lazer Music, meron silang branch sa SM North basement :approve:

paps pwede ba mag sell dito ndi ba bawal haha bka me interesadong bumili ng guitar ko pwede ko ba post dito pics :excited::excited::excited::excited:

venoviper
15th Dec 2012, 02:36
goodluck bro ung bilin mo ung malupit na classical guitar na pra soya

:dance::dance::dance:

pwede naman acoutic basta nylon gawin mong string pra mas ramdam mo ung tension pag ordinary string at guitar gamit mo ndi mo masxado maapriciate :slap:

hindi kasi applicable ung nylon strings sa acoustic. Hindi tatagal ung gitara, magbebend lang un overtime. Ginawa kasi ung neck nun sa mas malakas na hatak.

Need ko talaga classical, tsaka iba structure ng classical eh.

thunderock
15th Dec 2012, 10:04
:thumbsup::thumbsup::thumbsup:

:lol: baka naman basa ung paa mo or wala ang chinelas habang nagpaprktis hehe

check mo ampli mo bro grounded yan

:slap:
bakit pagwalang tsinelas nakukuryente ako?
Wala naman akong amp,, pero ang sarap ng effects, gamit ko ay guitar rig 5 :D

papajim
15th Dec 2012, 13:19
paps pwede ba mag sell dito ndi ba bawal haha bka me interesadong bumili ng guitar ko pwede ko ba post dito pics :excited::excited::excited::excited:

Pwede may buy and sell forum d2. Ipost mo doon yung binebenta mong gitara tapos mag post ka ng link d2 sa thread na ito or better yet ilagay mo yung link sa signature mo :approve:

:slap:
bakit pagwalang tsinelas nakukuryente ako?
Wala naman akong amp,, pero ang sarap ng effects, gamit ko ay guitar rig 5 :D

PC pala gamit mo kaya pala may 'kuryente'. Buti pa lagyan mo ng grounding ang PC mo papuntang tubo ng tubig, yung bakal ha o kaya maki ground ka sa grounding ng telepono mo mawawala iyan. Kung naka paa ka kasi at nadikit ka sa chassis ng PC mo, ikaw ngayon ang grounding niya kaya nararamdaman mo yung 'kuryente' :giggle: dumadaloy mula sa PC mo papunta sa paa mo papunta sa semento.

thunderock
15th Dec 2012, 13:48
Pwede may buy and sell forum d2. Ipost mo doon yung binebenta mong gitara tapos mag post ka ng link d2 sa thread na ito or better yet ilagay mo yung link sa signature mo :approve:

PC pala gamit mo kaya pala may 'kuryente'. Buti pa lagyan mo ng grounding ang PC mo papuntang tubo ng tubig, yung bakal ha o kaya maki ground ka sa grounding ng telepono mo mawawala iyan. Kung naka paa ka kasi at nadikit ka sa chassis ng PC mo, ikaw ngayon ang grounding niya kaya nararamdaman mo yung 'kuryente' :giggle: dumadaloy mula sa PC mo papunta sa paa mo papunta sa semento.

nasa 2nd floor ng bahay ang pc ko at malayo sa tubo at wala rin kaming telephone..

nakamamatay ba pag nkuryente ka palagi?

michael1618
15th Dec 2012, 15:46
hindi kasi applicable ung nylon strings sa acoustic. Hindi tatagal ung gitara, magbebend lang un overtime. Ginawa kasi ung neck nun sa mas malakas na hatak.

Need ko talaga classical, tsaka iba structure ng classical eh.

ung saken eh ung pang alternatibong paraan lng :lmao: kung gitarang gitara ka na at no choice ka maiisip mo ung gnun bagay :lol: improvised :rofl:

StarCometMoon
15th Dec 2012, 17:07
Kailangan mo eh naka package na yung ampli:

Squier SE strat (Only registered users can see the link.)

12k siya pero naka sale nagyon ang Perfect Pitch so bababa pa yan.

Squier Affinity strat (Only registered users can see the link.)

YUng affinity package kasi nasa 20k ewan ko kung maitatawad mo pa hanggang 15k :think:

OK

AYyy naku baka next year pa ako bumili ok lang naman kahit di sale (pero mas lalong ok kung sale)

Sir ano ba ang magandang amplug ba yun? (nakita ko kasi sa AudioPhile, yung VOX amplug pero nakalagay pang bass....

Thanks

MERRY CHRISTMAS!!

venoviper
15th Dec 2012, 17:46
nasa 2nd floor ng bahay ang pc ko at malayo sa tubo at wala rin kaming telephone..

nakamamatay ba pag nkuryente ka palagi?

nakakasira ng utak. Try mo samahan ng medyas yang tsinelas mo :rofl:

Ulshop
15th Dec 2012, 19:32
paps, pwede na ba to? dami sablay pero palagay mo paps, malapit na ba sa totoo?

Only registered users can see the link.

thunderock
15th Dec 2012, 20:19
buti nalang di nakakamatay pag nakuryente,, safe pala ako :D

jokernash
15th Dec 2012, 21:54
nakakabaog yang laging nakukuryente dre.. pero look at the bright side no more condoms haha jk2

papajim
15th Dec 2012, 23:22
nasa 2nd floor ng bahay ang pc ko at malayo sa tubo at wala rin kaming telephone..

nakamamatay ba pag nkuryente ka palagi?

Mahabang kable lang yan ng kuryente brod. Kesa naman lagi kang nakukuryente :giggle:

AYyy naku baka next year pa ako bumili ok lang naman kahit di sale (pero mas lalong ok kung sale)

Sir ano ba ang magandang amplug ba yun? (nakita ko kasi sa AudioPhile, yung VOX amplug pero nakalagay pang bass....

Thanks

MERRY CHRISTMAS!!

May tinitinda yung Audiophile na VOX Amplug na pang gitara, ok yun :approve:

paps, pwede na ba to? dami sablay pero palagay mo paps, malapit na ba sa totoo?

Only registered users can see the link.

Ayos brod, medyo practice pa sa mga bends kasi minsan na sisintunado. Tapos kung tama ang obserbasyon ko sa fingering mo, masyado kang madiin magfret lalo na sa mga fast licks. Hindi kasi relaxed ang kamay mo e, kaya sumasabit pag mabilis. Ang sikreto kasi kung gusto mong malinis ang fast licks mo, kailangan magaan at relaxed ang picking hand at fretting hand mo, hindi gigil :approve:

StarCometMoon
16th Dec 2012, 08:57
May tinitinda yung Audiophile na VOX Amplug na pang gitara, ok yun :approve:

Ahhh Thanks!! heheeh nakakaexcite, pinayagan na kasi ako ng mama ko na bumili ng Fender na Electric Guitar....!!!

:excited::yipee::clap::dance::thumbsup:

thunderock
16th Dec 2012, 10:05
pero hindi ba ako mababaog pag hindi na nakuryente kahit hindi ko nilagyan ng grounding wire? Bastat isuot ko lang ang tsinelas ko o, may narerecieve pa rin akong kaunting volts ng kuryente ng di namamalayan tapos boom,, noooooooo

homolusk233
18th Dec 2012, 12:06
@papajim tanung lang sana kung alin sa tingin mo ang mas ok??

Only registered users can see the link.

Only registered users can see the link. electric+guitar+fernando&event=Search+Ranking,Position,1-1,1

papajim
18th Dec 2012, 14:13
@papajim tanung lang sana kung alin sa tingin mo ang mas ok??

Only registered users can see the link.

Only registered users can see the link. electric+guitar+fernando&event=Search+Ranking,Position,1-1,1

Syempre yung may Laney na amp kukunin ko. Mas sulit talaga :giggle:

homolusk233
18th Dec 2012, 17:21
Syempre yung may Laney na amp kukunin ko. Mas sulit talaga :giggle:

ahh..cge mabibili ko na un bukas :D nagdadalawang isip lng kasi ako di kasi ako magaling bumili ng mga bagay bagay :lmao:

ice9
19th Dec 2012, 09:03
ang pinapraktis ko ngayon ay canon rock, tsk an hirap ng sweek picking

ganon lang talaga sir Thunder sa umpisa pero makukuha mo din sweep picking in due time. practice ka lang muna ng mga 3 string sweeps para magamay mo. goodluck...

Infinite
19th Dec 2012, 09:27
sir ice panu ba ginagamit sa isang chord progression ang augmented at diminished?

thunderock
19th Dec 2012, 16:49
ang hirap talaga ng canon rock,, hindi ko pa nakakalahati

btw,, panu i.adjust ang truss rod?