PDA

View Full Version : Guitar talk. . .

Pages : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 [85] 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126

LaXangel™
30th Nov 2011, 13:42
Mga brad sino ang may download link sa inyo ng DVD concert like yngwie malmsteen , steve vai , eric johnson.. penge naman..

Only registered users can see the link.

G3 concert po 1996.

hope nakatulong po ako sir./

juantamad20
30th Nov 2011, 13:54
yung parang bar po sa bridge, yun yung tremolo .sir alam mo yung disdinction sa output,.sa guitar effects na lang yun .. yung guitar na ginagamit kasi ng switchfoot na nakit ako is Gibson SG '61 reissue,PRS ones,Gibson SG special, Gibson Firebird, and fender telecasters..

kung yun po ang tase ninyo at sa budget nyo na 15k, meron po kayong mabibili na Epiphone SG Special na swak sa budget..Only registered users can see the link.
yan po yung gamit ni Jon Foreman ng Footswitch. yung recommend ko po yung Epiphone na product ng Gibson. Epiphone SG..

rock and roll!/.

ah so ung gnda ng tunog eh nasa effects pla un, salamat master!

LaXangel™
30th Nov 2011, 14:04
ah so ung gnda ng tunog eh nasa effects pla un, salamat master!
opo sir,.boss analog yung ginagamit ng switchfoot..and line 6 pod distortion, Boss DD3 yata. haha. and marami pa sir. yun lang yung alam ko sir.

LaXangel™
30th Nov 2011, 14:59
ayan po sir may link na po ako sa ta-as..hehe yung G3 concert sir.

katal2hod
30th Nov 2011, 17:12
sir may store ba dito na nagtitinda ng ibanez acoustic guitar? parang gusto ko makakita ng ibañez hehehe..

edit: ang gaganda pala ng epiphone na acoustic guitar..mura kasi dollars tapos convert sa peso kaso sure naman na mahal dito yan..parang gusto ko tuloy nito or nung ibanez hahahaha ...

juantamad20
30th Nov 2011, 17:22
gusto kong mapagaralan ung mga effects! san ba ko magsstart?

Call_of_Ktulu25
30th Nov 2011, 17:57
Master Lax musta? napadaan lang po......active na active etong thread ahhhhh.....nagbabalik loob ulit sa guitar kasi malapit nakaming lumipat next year sa aming bagong bahay.......yipee!!!!

Pero hanggang acoustic lang muna ngayon, inooverhaul ko pa yung Ibanez RG7321 ko........

Ikaw na lang yata natitira sa mga pioneer natin noon a? C Sir Arc, isang post lang nakita ko.........nasaan na kaya iba?

Di bale merun namang mga bagong masters e, welcome po sa inyo :welcome:

Call_of_Ktulu25
30th Nov 2011, 18:01
sir may store ba dito na nagtitinda ng ibanez acoustic guitar? parang gusto ko makakita ng ibañez hehehe..

edit: ang gaganda pala ng epiphone na acoustic guitar..mura kasi dollars tapos convert sa peso kaso sure naman na mahal dito yan..parang gusto ko tuloy nito or nung ibanez hahahaha ...

Audiophile Sir;

Merun silang branch sa MOA, Makati Cinema Square, Megamall, SM North, Festival Super mall, UN Avenue (Main), market market and Ali Mall.

Call_of_Ktulu25
30th Nov 2011, 18:10
gusto kong mapagaralan ung mga effects! san ba ko magsstart?

Distortion/Overdrive/Booster
Wah - wah/envelope filter
Octaver/Pitch shifters/Harmonizers
Compressors/Limiters/Enhancers
Equalizers/Parametric Equalizers

Delays
Reverbs
Flangers
Tremolo
Vibrato
Phasers
Noise Suppressors
Step Filter
Looper
Line Selector

Yan lang po mga natatandaan ko Sir e.

Mas maganda kung pagaralan mo yung mga effects punta ka ng Only registered users can see the link.

juantamad20
30th Nov 2011, 18:16
bibile sana akong squier telecaster guitar, tas papaltan ko nalang ng bagong pickups, ano kyang maganda?duncan? tnx po sa magaadvice

katal2hod
30th Nov 2011, 18:17
Audiophile Sir;

Merun silang branch sa MOA, Makati Cinema Square, Megamall, SM North, Festival Super mall, UN Avenue (Main), market market and Ali Mall.

Thanks sir.. budget ko 6k meron nabang Ibanes acoustic na may pick up sa price na yun?

juantamad20
30th Nov 2011, 18:23
Distortion/Overdrive/Booster
Wah - wah/envelope filter
Octaver/Pitch shifters/Harmonizers
Compressors/Limiters/Enhancers
Equalizers/Parametric Equalizers

Delays
Reverbs
Flangers
Tremolo
Vibrato
Phasers
Noise Suppressors
Step Filter
Looper
Line Selector

Yan lang po mga natatandaan ko Sir e.

Mas maganda kung pagaralan mo yung mga effects punta ka ng Only registered users can see the link.

sir tnx andame ko palang pagaaralan hehe

phil8anselmo
30th Nov 2011, 23:08
welcome back sir call..hehe..

Ramwind
1st Dec 2011, 09:18
yung jackson pang metal talaga yan,.pero versatile guitar rin, blues punk kaya nyan..

mas maganda yung jackson sir,.kesa sa sig ko.:salute:

Only registered users can see the link. d30895c47.jpg

Only registered users can see the link. 7e9ad4389.jpg

thanks po sa mga info sir..

1. bat kaya sumasayad pa rin konti dun sa may 2nd to 3rd fret yung string sir? tinaasan ko naman na yung bridge,, di pa naman ako komportable pag sobrang taas yung string sa fretboard,, any remedy sir?

juantamad20
1st Dec 2011, 17:13
may table of contents ba 2ng thread n 2?hehe

thunderock
1st Dec 2011, 17:24
magkano ba ang pickup para sa acoustic guitar?

Call_of_Ktulu25
1st Dec 2011, 19:38
bibile sana akong squier telecaster guitar, tas papaltan ko nalang ng bagong pickups, ano kyang maganda?duncan? tnx po sa magaadvice

Kung sa price, Dimarzio na lang, mas mahal ang Duncan and konti lang models mapagpipilian mo sa Audiophile stores..........

Sa Dimarzio models daming pagpipilian sa Audiophile...........from experience marami nakong nagamit na Dimarzio pups sa aking Craftsman Strat noon and GIO na Ibanez (from Super Distortion, X2N, D Sonic, Virtual Solo, FRED, Evolution, Fast Track 1 and 2, etc.). maraming magandang Dimarzio pups depende sa preferences mo sa music.......

Call_of_Ktulu25
1st Dec 2011, 19:39
may table of contents ba 2ng thread n 2?hehe

Merung directory of lessons dito teka nasang page ba yun? Let me check......

Call_of_Ktulu25
1st Dec 2011, 19:47
Only registered users can see the link. d30895c47.jpg

Only registered users can see the link. 7e9ad4389.jpg

thanks po sa mga info sir..

1. bat kaya sumasayad pa rin konti dun sa may 2nd to 3rd fret yung string sir? tinaasan ko naman na yung bridge,, di pa naman ako komportable pag sobrang taas yung string sa fretboard,, any remedy sir?

a.) tnry mo nang magpalit ng strings? anung strings ang sumasayad?
b.) kung oo sir then ganun pa rin, try mong lihain ung mga frets ng kahit scotch brite lang, mga ilang pasada lang then try again.....

c.) kung ayaw pa rin and since tinaasan mo na yung bridge mo..ibalik mo sa dati ung height ng bridge......then try mong i adjust yung intonation mo by moving the saddles sa bridge nung string na sumasayad, paatras o paabante, hanggang sa hindi na sumayad......research mo na lang kung pano iintonate yung guitar sa internet.....

d.) kung ayaw pa rin talaga, ay naku dapat yata dalhin na yan sa guitar luthier para maadjust yung truss rod sa neck......pag sinipat mo ba yung neck e diretso cya o may konting curve, concave o convex?

matagal na ba yan sayo? Nabili mo ba yan ng 2nd hand?

Call_of_Ktulu25
1st Dec 2011, 19:49
welcome back sir call..hehe..

Salamat Sir.....musta mga gigs natin dyan? Ako gig ko lang e pag may inuman hehehe.......

Call_of_Ktulu25
1st Dec 2011, 19:51
Thanks sir.. budget ko 6k meron nabang Ibanes acoustic na may pick up sa price na yun?

Sa pagkakatanda ko oo merun ng pickup ung range ng 6k na Ibanez acoustic.....kaso un nga lang sa mga branches ng Audiophile bihira magka stock ng Ibanez acoustic (ang naalala ko lang na madalas ay sa Festical branch, try mo rin siguro sa main nila sa UN avenue), kung merun man nauubos agad........

juantamad20
1st Dec 2011, 22:51
baka mayrerecommend kayong book jan, hehe tnx haba na kc ng thread eh, hirap maghanap or magstart

phil8anselmo
2nd Dec 2011, 00:56
Salamat Sir.....musta mga gigs natin dyan? Ako gig ko lang e pag may inuman hehehe.......

ok naman po ung mga gig nung wala pa akong work..pero ngayon bihira na..busy na kasi eh..pero hind pa din po ako nagpapabaya,practice at konting review ng mga lessons dito para hind po kalawangin..hehe.

Ramwind
2nd Dec 2011, 08:19
a.) tnry mo nang magpalit ng strings? anung strings ang sumasayad?
b.) kung oo sir then ganun pa rin, try mong lihain ung mga frets ng kahit scotch brite lang, mga ilang pasada lang then try again.....

c.) kung ayaw pa rin and since tinaasan mo na yung bridge mo..ibalik mo sa dati ung height ng bridge......then try mong i adjust yung intonation mo by moving the saddles sa bridge nung string na sumasayad, paatras o paabante, hanggang sa hindi na sumayad......research mo na lang kung pano iintonate yung guitar sa internet.....

d.) kung ayaw pa rin talaga, ay naku dapat yata dalhin na yan sa guitar luthier para maadjust yung truss rod sa neck......pag sinipat mo ba yung neck e diretso cya o may konting curve, concave o convex?

matagal na ba yan sayo? Nabili mo ba yan ng 2nd hand?

maraming salamat sir okey na,, nakausli lang pala yung 2nd at 3rd fret kaya mejo diniin ko ng konti,, yung 3 at 1 string po ang sumasayad,, adjust ko rin yung saddle nya..
bibilhin ko pa lang sana to sir na segunda mano eh di naman alam nung seller yung presyo na ibibigay nya,, magkanu kaya itong jackson na to sir? kinuha ko muna, di ko muna binayaran para matesting ko

chrismuzika
2nd Dec 2011, 09:19
Mga ka Muzikahan! Meron po ba Kayo 2nd Hand ACOUSTIC Guitar dyan? Gusto ko po Bumili ASAP ung Body ng guitar eh merong Curve

Only registered users can see the link.

Only registered users can see the link.

Budget ko po is 1.5k Below . .

Gusto ko kasi Ulet bumalik sa pag Gigitara eh. . para po mka pag practice ulet ako. .

LAGUNA AREA po ako.

Kung meron po text nyu naman po ako sa No. ko.

0912-492-1404

THanksS!

Ramwind
2nd Dec 2011, 09:52
anu mas magandang scale ang gamitin? major/minor scales or pentatonic scales? pag nag-aadlib po

thanks

gtadok
2nd Dec 2011, 10:24
mga sir sali din ako guitara po instrument ko

chris279183
2nd Dec 2011, 10:30
Ngaun lang ako nakadayo d2 ah.. Marami din palang musicians d2 gaya ko.. Pwede bng maki-jam?!

chris279183
2nd Dec 2011, 10:40
paul gilbert lufet sa techniques. . . :thumbsup:

@niw- bro sabi na nga buh, punta ka dito eh. . . :thumbsup:

scales and modes bro parang yan ung parang sentence, tapos ung phrasing yan ung vocabulary muh. . kelangan malawak. . .

nakuha ko yan kay idol,, -marty friedman. . . :thumbsup:

Mismo! Marty Friedman is a genius..

chris279183
2nd Dec 2011, 10:49
anu mas magandang scale ang gamitin? major/minor scales or pentatonic scales? pag nag-aadlib po

thanks

Bro! depende yan sa progression, pwede mong gamitin pareho.. Ikaw mismo makakatuklas kung alin ang bagay sa progression mo..

Ramwind
2nd Dec 2011, 11:19
Bro! depende yan sa progression, pwede mong gamitin pareho.. Ikaw mismo makakatuklas kung alin ang bagay sa progression mo..

matanung ko lang po , bakit tinanggal ang two notes sa major scale para maging pentatonic? mejo magulo po ata tanung ko :lol:

Call_of_Ktulu25
2nd Dec 2011, 22:50
may table of contents ba 2ng thread n 2?hehe

Eto sir.....kaso hindi na updated......

ino88
3rd Dec 2011, 13:52
paul gilbert idol ko.. cno sa inyo? c satriani mgaling din :clap:

packyshingha
3rd Dec 2011, 14:28
Yngwie Malmsteen..hheehhe..

archangels
3rd Dec 2011, 16:49
Master Lax musta? napadaan lang po......active na active etong thread ahhhhh.....nagbabalik loob ulit sa guitar kasi malapit nakaming lumipat next year sa aming bagong bahay.......yipee!!!!

Pero hanggang acoustic lang muna ngayon, inooverhaul ko pa yung Ibanez RG7321 ko........

Ikaw na lang yata natitira sa mga pioneer natin noon a? C Sir Arc, isang post lang nakita ko.........nasaan na kaya iba?

Di bale merun namang mga bagong masters e, welcome po sa inyo :welcome:

master:excited: andito pa ko,,basa basa lang muna, di ako maka pag post,,medyo busy.hehe

anu mas magandang scale ang gamitin? major/minor scales or pentatonic scales? pag nag-aadlib po

thanks

depende sa taste mo,,saka depende sa tutugtugin mo..:thumbsup:

mga sir sali din ako guitara po instrument ko

welcome sir! rakenrol! :rock:

Ngaun lang ako nakadayo d2 ah.. Marami din palang musicians d2 gaya ko.. Pwede bng maki-jam?!

welcome din sir! sana marami kayo matutunan at kami din sana marami matutunan sa inyo.. :rock:

matanung ko lang po , bakit tinanggal ang two notes sa major scale para maging pentatonic? mejo magulo po ata tanung ko :lol:

penta ibig sabihin 5,,kaya siguro,hehe. antay lang natin ang mga master para mas detalyado,,pero halos lahat kasi ay galing sa major scale,,para sakin wala naman general rule sa music,,basta maganda pakinggan, maganda sa tenga, ibat ibang style, ibat ibang genre, ibat ibang audience.. its about music....astig yan..

paul gilbert idol ko.. cno sa inyo? c satriani mgaling din :clap:

paul gilbert,satriani, steve vai, robert spurling, sungha jung (galing kay sir rolandjun) at marami pang iba.

archangels
3rd Dec 2011, 16:57
paul gilbert idol ko.. cno sa inyo? c satriani mgaling din :clap:

gusto ko kay paul gilbert yung scarified..check nyo sa youtube yung naka space suit sila,hehe,,astig!

phil8anselmo
4th Dec 2011, 16:36
musta mga sir??mukhang mga busy ah..hehe..may tanong lang po ako at medyo off topic to..san po ba nakaka download ng music sheet para sa clarinet??may katrabaho po kasi ako na marunong tumugtog nun at balak namen tumugtog para sa xmas party namen..ung song na balak na namen tugtugin is ung Runaway ng The Corrs..Salamat ng marami.. :D

grad909
4th Dec 2011, 18:25
mga master may source po ba kau para madali matutunan ung mga power chords sa guitar kasi gusto ko matuto ng power chords(newbie pa lang po sa guitara):rock: Rak en Roll mga tol heheh

ryumikey
4th Dec 2011, 18:28
Bibili ako ng accoustic guitar, nung nakita ko sa mall, 2500php yung may pickup. pero nung isang araw tingnan ko ulit, 7k na! kainis, hahaha anung name ba ng guitar a accoustic mganda bilhin?>

packyshingha
4th Dec 2011, 18:43
Mga Brad ano ang mas maganda strings para sa electric guitar aside from Ernie Ball?.. GTX kasi gamit ko malambot din hindi masakit sa daliri pangLead.. maganda pang Bend..

archangels
4th Dec 2011, 22:40
Bibili ako ng accoustic guitar, nung nakita ko sa mall, 2500php yung may pickup. pero nung isang araw tingnan ko ulit, 7k na! kainis, hahaha anung name ba ng guitar a accoustic mganda bilhin?>

:wow: wow! grabe naman ang tinaas ng presyo nun? baka iba na yung nakita mo, hehe!

Mga Brad ano ang mas maganda strings para sa electric guitar aside from Ernie Ball?.. GTX kasi gamit ko malambot din hindi masakit sa daliri pangLead.. maganda pang Bend..

d'addario

akosigieboy
4th Dec 2011, 23:59
:wow: wow! grabe naman ang tinaas ng presyo nun? baka iba na yung nakita mo, hehe!

d'addario

d addario din gamit ko sir! :)
super light gauge.. :)

packyshingha
5th Dec 2011, 00:30
d addario din gamit ko sir! :)
super light gauge.. :)

mga Brad how much ang isang set ng d'addario na strings sa market?

Call_of_Ktulu25
5th Dec 2011, 01:17
matanung ko lang po , bakit tinanggal ang two notes sa major scale para maging pentatonic? mejo magulo po ata tanung ko :lol:

Hmmm.....bakit nga ba??? Hehehe......

Any scale that has 5 notes only ay pwedeng tawaging pentatonic scale.......panu nga ba sila nabuo at bakit nga nagtanggal.....

Major scale in C
C D E F G A B C

Para makabuo tayo ng major pentatonic e tanggalin natin ung F (4th note) and B (7th note) which results to;

C D E G A C - C major pentatonic scale

Pero bakit nga ba 4th and 7th note ang tinanggal?

Kasi ang F e 1 semitone (isang fret) ang pagitan sa E (3rd note) and ung B note e 1 semitone ang pagitan sa C note..........kaya ini eliminate dahil para mawala ung mga dissonant harmony pag nagclash ung E and F

and ung B and C, parang wala sa tono pag nagkataong napagsabay etong dalawang nota na eto pag nagiimprovise ka ng solo.....try mo sir.......ang pangit.......yan ang isang reason, para maiwasan ang aksidente na eto........

Ang pentatonic scale by itself ay very melodic, dahil tinanggal na natin ung mga semitone intervals.........

E bakit po ung dalawa na eto ang tinanggal, hindi ba pwedeng ung 3rd note na lang? or ung C note sa huli?

Answer:
Nope, kasi ung 3rd note ang nagdedetermine kung major or minor scale, regardless kung 7 note scale pa yan o 5 notes scale o kung anu pa mang dami ng nota ng isang scale........

Kung C note naman tatanggalin, hala e nasan na ung root natin??? Hehehe.......

Ganito rin ang case sa Minor scale;

A minor scale;

A B C D E F G A

Tanggalin natin ung 2nd note and ung 6th note para mawala ung semitone intervals..........

A C D E G A

Wala na tayong dapat pang pagdebatihan sa B, pero ung 6th note, bakit 6th note ang tinanggal natin pwede naman din ung E (5th note)........actually pwede rin kaso ang 5th note ng isang diatonic scale (7 notes) ay ang dominant chord............you may sound exotic kung 6th note ang tinira mo pero napaka lakas ng harmony ng 5th note sa root note lagi ng scale.........

ang E or Esus or E7 ay natural na nagreresolve sa A for example - try it!!!
Another example;
ang D or D7 or D7sus ay natural na nagtatapos sa G

ang B B7sus or B7 ay nagtatapos dapat sa E........

ang F# or F#sus ay nagtatapos sa B naturally......

Pero technically kasi, basta 5 notes ang scale, pentatonic scale na tawag dun, regardless kung anu pang tinanggal mong notes....so go ahead break the rules, ok lang yun.......maka breakthrough ka pa ng new scale.......tingnan nyo ung mga oriental scales (Hirajoshi, Kumoi, Iwato, Pelog, Balinese, Egyptian, Yona Nuki, In scales, etc).....exotic na exotic tunog nyo.......

Isang pang reason, is para mapadali, para mabasawan na ung alalahanin mong notes........kaya ang pentatonic scale ay iniintroduce sa mga bata pa lang na nag-aaral na ng music.....and maraming nursery rhymes na base sa pentatonic scale.......try nating kayang kapain......hehehe........magugulat kayo......

A little bit of history, ang major and minor scale ay galing sa western music......ang pentatonic scale naman ay na develop ng mga African slaves (ung mga negro), mga chinese, korean, Indian, japanese, Egyptian....etc.....so mga Asian countries.......and ang pentatonic scale ay may unique sound charaterisctics kumpara sa diatonic scales like major and minor scales..........

Ginagamit sya usually, sa rock, blues, hard rock, jazz, even in metal music........

Minsan ung pentatonic scale ay dinadagdagan pa ng mga blue notes ng mga negrong Afrikanong alipin noon para ma impart ung kalungkutan nila, pagod nila, sa maghapong pagttrabaho, ung mga kinikimkim nilang problema sa buhay......dyan nagsimula ang blues scale, at ang characteristics nya na full of emotions at ang iba't ibang klase ng Blues music and Jazz............

And isa pang hint, you can still sound bluesy kahit hindi pentatonic scale ang gamit mo at gamit mo lahat ng notes major or minor scale na gamit at that moment......nasa diskarte yan.........panu ka mamili ng nota, panu ka mag mute, mag bend, maghammer or pull offs.........pag naka major scale ka ba, ibig sabihin kelangan mo gamitin lahat ng 7 notes pag for example bumubuo ka ng riffs sa part ng song na eto? No, you dont need all that notes para makabuo ka ng isang riff or melody na punong puno ng emotions, nasa pagpili ng nota yan......... wag lang basta mindless shredding up and down the neck......nakakapagod pakinggan maghapon hehehe............

Call_of_Ktulu25
5th Dec 2011, 01:44
musta mga sir??mukhang mga busy ah..hehe..may tanong lang po ako at medyo off topic to..san po ba nakaka download ng music sheet para sa clarinet??may katrabaho po kasi ako na marunong tumugtog nun at balak namen tumugtog para sa xmas party namen..ung song na balak na namen tugtugin is ung Runaway ng The Corrs..Salamat ng marami.. :D

Di ba Violin part yata ung iniisip ko na i cclarinet Sir???.......Sheet mUsic alam ko merun sa National Book Store....kelangan matyaga ka nga lang maghanap kasi labo labo ng pagkakasalansan dun sa lagayan dahil di inaayos ng mga sales lady minsan......dahil ni rambol na ng mga customers......:)

vannetooth
5th Dec 2011, 09:02
helo poh!pwdeng mki join,guitarista dn po aq d2 sa amin,i use pentatonic scale.masarap kc pkinggan,.my dream guitar SCHECTER poh c synyster gates ng avenged sevenfold,..my no.1 idol,hehehehe

packyshingha
5th Dec 2011, 09:08
helo poh!pwdeng mki join,guitarista dn po aq d2 sa amin,i use pentatonic scale.masarap kc pkinggan,.my dream guitar SCHECTER poh c synyster gates ng avenged sevenfold,..my no.1 idol,hehehehe

Welcome brad..

vannetooth
5th Dec 2011, 09:16
Music is the best form of magic

archangels
5th Dec 2011, 09:37
>> aawww master call strikes again! hehe,, thanks, sayang ala na thanks button, apir na lang!

@vanetooth :welcome: ^^

vannetooth
5th Dec 2011, 10:04
Thanks poh master..hehehe...paturo po ng mga licks ninyo,.hehehe..

boozter
5th Dec 2011, 13:23
Call_of_Ktulu25, andami kong natutunan sayo sir. Halos pag nag i improvise ako sa mga jamming situations pentatonic at blues scale nagagamit ko pero ngayun ko lang naintindihan bakit nangyari yun. hahahaha nakakatuwa pati history na cover nyo pa sir. =D

Pwede nyo bang ipaliwanag din yung 12 bar blues sir kung may time kayo?

Ramwind
5th Dec 2011, 18:48
Hmmm.....bakit nga ba??? Hehehe......

Any scale that has 5 notes only ay pwedeng tawaging pentatonic scale.......panu nga ba sila nabuo at bakit nga nagtanggal.....

Major scale in C
C D E F G A B C

Para makabuo tayo ng major pentatonic e tanggalin natin ung F (4th note) and B (7th note) which results to;

C D E G A C - C major pentatonic scale

Pero bakit nga ba 4th and 7th note ang tinanggal?

Kasi ang F e 1 semitone (isang fret) ang pagitan sa E (3rd note) and ung B note e 1 semitone ang pagitan sa C note..........kaya ini eliminate dahil para mawala ung mga dissonant harmony pag nagclash ung E and F

and ung B and C, parang wala sa tono pag nagkataong napagsabay etong dalawang nota na eto pag nagiimprovise ka ng solo.....try mo sir.......ang pangit.......yan ang isang reason, para maiwasan ang aksidente na eto........

Ang pentatonic scale by itself ay very melodic, dahil tinanggal na natin ung mga semitone intervals.........

E bakit po ung dalawa na eto ang tinanggal, hindi ba pwedeng ung 3rd note na lang? or ung C note sa huli?

Answer:
Nope, kasi ung 3rd note ang nagdedetermine kung major or minor scale, regardless kung 7 note scale pa yan o 5 notes scale o kung anu pa mang dami ng nota ng isang scale........

Kung C note naman tatanggalin, hala e nasan na ung root natin??? Hehehe.......

Ganito rin ang case sa Minor scale;

A minor scale;

A B C D E F G A

Tanggalin natin ung 2nd note and ung 6th note para mawala ung semitone intervals..........

A C D E G A

Wala na tayong dapat pang pagdebatihan sa B, pero ung 6th note, bakit 6th note ang tinanggal natin pwede naman din ung E (5th note)........actually pwede rin kaso ang 5th note ng isang diatonic scale (7 notes) ay ang dominant chord............you may sound exotic kung 6th note ang tinira mo pero napaka lakas ng harmony ng 5th note sa root note lagi ng scale.........

ang E or Esus or E7 ay natural na nagreresolve sa A for example - try it!!!
Another example;
ang D or D7 or D7sus ay natural na nagtatapos sa G

ang B B7sus or B7 ay nagtatapos dapat sa E........

ang F# or F#sus ay nagtatapos sa B naturally......

Pero technically kasi, basta 5 notes ang scale, pentatonic scale na tawag dun, regardless kung anu pang tinanggal mong notes....so go ahead break the rules, ok lang yun.......maka breakthrough ka pa ng new scale.......tingnan nyo ung mga oriental scales (Hirajoshi, Kumoi, Iwato, Pelog, Balinese, Egyptian, Yona Nuki, In scales, etc).....exotic na exotic tunog nyo.......

Isang pang reason, is para mapadali, para mabasawan na ung alalahanin mong notes........kaya ang pentatonic scale ay iniintroduce sa mga bata pa lang na nag-aaral na ng music.....and maraming nursery rhymes na base sa pentatonic scale.......try nating kayang kapain......hehehe........magugulat kayo......

A little bit of history, ang major and minor scale ay galing sa western music......ang pentatonic scale naman ay na develop ng mga African slaves (ung mga negro), mga chinese, korean, Indian, japanese, Egyptian....etc.....so mga Asian countries.......and ang pentatonic scale ay may unique sound charaterisctics kumpara sa diatonic scales like major and minor scales..........

Ginagamit sya usually, sa rock, blues, hard rock, jazz, even in metal music........

Minsan ung pentatonic scale ay dinadagdagan pa ng mga blue notes ng mga negrong Afrikanong alipin noon para ma impart ung kalungkutan nila, pagod nila, sa maghapong pagttrabaho, ung mga kinikimkim nilang problema sa buhay......dyan nagsimula ang blues scale, at ang characteristics nya na full of emotions at ang iba't ibang klase ng Blues music and Jazz............

And isa pang hint, you can still sound bluesy kahit hindi pentatonic scale ang gamit mo at gamit mo lahat ng notes major or minor scale na gamit at that moment......nasa diskarte yan.........panu ka mamili ng nota, panu ka mag mute, mag bend, maghammer or pull offs.........pag naka major scale ka ba, ibig sabihin kelangan mo gamitin lahat ng 7 notes pag for example bumubuo ka ng riffs sa part ng song na eto? No, you dont need all that notes para makabuo ka ng isang riff or melody na punong puno ng emotions, nasa pagpili ng nota yan......... wag lang basta mindless shredding up and down the neck......nakakapagod pakinggan maghapon hehehe............

maraming salamat master

nakuha ko yung ibig nyo sabihin about sa pagtatanggal ng notes,, nung una nakukulangan talaga ako sa five notes lang,, chicnecheck ko directory ng lessons nyo sir,, helpful talaga,, thanks thanks,,

nga pala sir yung mga Hillsong Music anu exact or pinakagamit nila na scale? mga po answer nyo is "depende" hehe

chris279183
5th Dec 2011, 21:48
Bro, bkit kaya di mo i-try na i-familliarize ung sounds ng lahat ng scale na alam mo.. Un kase ang best way para madetermine mo kung anu bng scale ang ginagamit sa khit na anung music.. "tunog" ang importante sa isang musika.. Di lang daliri ang ini-improve kundi pati tenga! Familliarize the sound of ur scale bro..

akosigieboy
5th Dec 2011, 22:17
mga Brad how much ang isang set ng d'addario na strings sa market?

380php ung bili ko eh,.. :)
sa JB music...

o0ojakeo0o
7th Dec 2011, 09:13
San po mag sisimula pag gusto ko mag aral ng scale?

Ramwind
7th Dec 2011, 09:25
anu po mas preffer nyo between this two? performance, quality, etc...

Only registered users can see the link. 7e9ad4389.jpg

Only registered users can see the link.

thanks thanks

LaXangel™
7th Dec 2011, 09:40
anu po mas preffer nyo between this two? performance, quality, etc...

Only registered users can see the link. 7e9ad4389.jpg

Only registered users can see the link.

thanks thanks
IBANEZ po ako sir..i love the guitar of Ibanez..

@master call - welcome back po master. ang tagal nyong nawala ah,.hehe. mabuti nandyan na po kayo ulit,.kamusta po sir, pasilip silip lang nga ako kaya lang these past days masyadong busy kaya di ako nakasilip, hehe..rock and roll master, its a pleasure having you back in the business..:salute:

jayss
7th Dec 2011, 11:01
sir anu b mgandang tutorial dvd na marerecomend mo?
plano ko kc mg aral nito ee^^

chris279183
7th Dec 2011, 14:33
San po mag sisimula pag gusto ko mag aral ng scale?

nagsisimula ang lahat sa major and minor scale... yan kase ang root ng lahat ng scale....

o0ojakeo0o
7th Dec 2011, 18:53
nagsisimula ang lahat sa major and minor scale... yan kase ang root ng lahat ng scale....

Oh i see. kaylangan pag aralan ko muna nag lahat ng major at minor scale?

E|---------------------------2-3--|
B|-----------------------3-5------|
G|-----------------2-4-5----------|
D|-----------2-4-5----------------|
A|-----2-3-5----------------------|
E|-3-5----------------------------|

Eto daw ung G major scale bali kabisado ko na to. Anu na po next? :help:

Call_of_Ktulu25
7th Dec 2011, 19:52
anu po mas preffer nyo between this two? performance, quality, etc...

Only registered users can see the link. 7e9ad4389.jpg

Only registered users can see the link.

thanks thanks

Since Ibanez gamit ko ngayon, Ibanez!!!!! :D:D:D

Call_of_Ktulu25
7th Dec 2011, 20:16
Oh i see. kaylangan pag aralan ko muna nag lahat ng major at minor scale?

E|---------------------------2-3--|
B|-----------------------3-5------|
G|-----------------2-4-5----------|
D|-----------2-4-5----------------|
A|-----2-3-5----------------------|
E|-3-5----------------------------|

Eto daw ung G major scale bali kabisado ko na to. Anu na po next? :help:

Kung alam nyo na yan sir, actually isang position lang yan ng G major scale sa fretboard ng guitar, try to explore ung iba pang box ng major scale up the fretboard..try to search the internet for that....or you can just trace it by yourself kung alam mo na bawat notes ng fretboard mo kahit anung position...then try mong i trace ung notes ng G major scale G A B C D E F# G...then kung pamilyar na pamilyar na kayo......sa lahat ng boxes........ganito ang gawin nyo.......panu nyo naman gagamitin?

Maghanap pa kayo ng isang guitarista, then try nyong pa gawa sa kanya etong chord progression na eto G Am Bm C D or kahit anung G major chord progression kahit ung simpleng G C D lang pwede na........then habang ginagawa nya e i apply mo naman ung G major scale na na familiarize mo.......or kung may ma download ka na backing tracks na base sa G major scale......un ang sabayan mo......

Tips;
a.) just try to do the notes of the major scale along dun sa rhythm, marami kang matutuklasan......
b.) look and listen for group of notes na magandang pakinggan and take note of that.......
c.) always try to land on the G note for now or ung B note or yung D, kasi G ang root mo e, and ung B ay ang major 3rd mo, and ung B ay ang dominant 5th mo.....the rest of the notes gawin mo lang passing tones....
d.) hindi mo kelangang gamitin ung 7 notes sa isang riff or lick, pumili ka lang ng mga 3 o apat then laruin mo lang.....
e.) then as soon as you progress, at marami ka ng pondong licks na sa tingin mo e magandang pakinggan.......try mo namang pasukan ng mga techniques like bends (marami klase ng bends :D), hammer on or pull offs, mute, double stops, harmonies, slides, sudden pauses, etc. para magkarun ng feel ang solos mo.....wag lang executing the scale notes ascending or descending......

f.) Merun pa nga habang nag iimprovise ka e, may mga riff na biglang magpopop sa isipan mo na mukhang bagay na bagay, try mong ihuni then try mong kapain then ia pply mo and idagdag mo sa pondo licks mo......

g.) wag ka lang mag istay sa isang box position, try to connect two or more boxes by using slides...........

h.) and last but not the least, wag ka lang ma stuck sa G major scale, try to transpose sa ibang key. Tandaan mo na pag nagtranspose ka e same patterns pa rin iba nga lang position sa fretboard......

o0ojakeo0o
7th Dec 2011, 20:24

Thanks dito master prapraktisin ko muna ng mabuti ung isang G major scale na toh. Actually beginner pa lang ako hindi pa masyado matigas ang aking daliri eh. minsan hindi pa tumutunog un mga flat ko. Pero i can play ung mga simple solo lang nmn using tabs. Thanks.

Another question pano po ba magtono ? :(

Salamat :salute:

Call_of_Ktulu25
8th Dec 2011, 00:13
Call_of_Ktulu25, andami kong natutunan sayo sir. Halos pag nag i improvise ako sa mga jamming situations pentatonic at blues scale nagagamit ko pero ngayun ko lang naintindihan bakit nangyari yun. hahahaha nakakatuwa pati history na cover nyo pa sir. =D

Pwede nyo bang ipaliwanag din yung 12 bar blues sir kung may time kayo?

Ang alam ko lang sa 12 bar blues e, cyempre, compose of 12 bars nga :D.......

pagkakaaalam ko e base cya sa progression na I I IV IV I I IV IV V7 IV I V7

parang ganito;

A A D D A A D D E7 D A E7

isang chord e isang bar kaya 12 bar blues progression.........kung medyo gusto mo kakaiba at medyo jazzy e ganito

I7 I7 IV7 IV7 I7 I7 IV7 IV7 V7-9 IV7 I7 V7-9

application nyan e;

A7 A7 D7 D7 A7 A7 D7 D7 E7-9 D7 A7 E7-9

sa major ung sa taas.....

minor naman po......

i i iv iv i i iv iv v7 iv i v7

or

Em Em Am Am Em Em Am Am Bm7 Am Em Bm7

Pero sir yan ang standard ung 12 bars merun naman ding 8 bar blues and 16 bar blues........pwede pa tayong magsingit ng ibang chords............

8 bar blues;

A D A D E7 D A E7...........

Merun ding 4 bar blues......

A A D E7

Ramwind
8th Dec 2011, 12:08
Kung alam nyo na yan sir, actually isang position lang yan ng G major scale sa fretboard ng guitar, try to explore ung iba pang box ng major scale up the fretboard..try to search the internet for that....or you can just trace it by yourself kung alam mo na bawat notes ng fretboard mo kahit anung position...then try mong i trace ung notes ng G major scale G A B C D E F# G...then kung pamilyar na pamilyar na kayo......sa lahat ng boxes........ganito ang gawin nyo.......panu nyo naman gagamitin?

Maghanap pa kayo ng isang guitarista, then try nyong pa gawa sa kanya etong chord progression na eto G Am Bm C D or kahit anung G major chord progression kahit ung simpleng G C D lang pwede na........then habang ginagawa nya e i apply mo naman ung G major scale na na familiarize mo.......or kung may ma download ka na backing tracks na base sa G major scale......un ang sabayan mo......

Tips;
a.) just try to do the notes of the major scale along dun sa rhythm, marami kang matutuklasan......
b.) look and listen for group of notes na magandang pakinggan and take note of that.......
c.) always try to land on the G note for now or ung B note or yung D, kasi G ang root mo e, and ung B ay ang major 3rd mo, and ung B ay ang dominant 5th mo.....the rest of the notes gawin mo lang passing tones....
d.) hindi mo kelangang gamitin ung 7 notes sa isang riff or lick, pumili ka lang ng mga 3 o apat then laruin mo lang.....
e.) then as soon as you progress, at marami ka ng pondong licks na sa tingin mo e magandang pakinggan.......try mo namang pasukan ng mga techniques like bends (marami klase ng bends :D), hammer on or pull offs, mute, double stops, harmonies, slides, sudden pauses, etc. para magkarun ng feel ang solos mo.....wag lang executing the scale notes ascending or descending......

f.) Merun pa nga habang nag iimprovise ka e, may mga riff na biglang magpopop sa isipan mo na mukhang bagay na bagay, try mong ihuni then try mong kapain then ia pply mo and idagdag mo sa pondo licks mo......

g.) wag ka lang mag istay sa isang box position, try to connect two or more boxes by using slides...........

h.) and last but not the least, wag ka lang ma stuck sa G major scale, try to transpose sa ibang key. Tandaan mo na pag nagtranspose ka e same patterns pa rin iba nga lang position sa fretboard......

thanks sa iyo master, madami ako natututunan

possible po ba na may dalawang scale ang ginamit sa isang song? kasi yung sinisipra ko kanina eh major scale tapos nagshift sa phrygian

chris279183
8th Dec 2011, 14:35
Oo naman bro! pwede un.. Khit ilan pwede.. ikaw na kase ang didiskarte jan kung paano mo yan lalaruin.. Kailangan lng alm mo ung nota kung saan ka babagsak.. u can create ur own lick bro..

chris279183
8th Dec 2011, 15:49
@o0ojakeo0o, paano magtono?
Very good question bro! importante ang pagtotono sa isang musician.. Alm mo ba na halos lahat ng magagaling na musician ay hindi gumagamit ng "tuner"? Anyway, here's how.. (6th string) is "E" if u know the standard sound of that note, it's very good! Then go to the "5th fret" that note is "A". Now, kung ano ang tunog nung (A) note, ay dapat ganun din ang tunog nung (5th string) which is also the (A) note. Take note: dapat buo ang tunog nila pareho.. "eksakto". So ngaun naitono mo na ang "6th at 5th" string.. So sa (4th) string ka na.. Same din lang sa ginawa mo sa (6th) string, from (5th) string, move ka ng "5th fret" the note is "D" and the "4th string" is also "D" so alam mo na ang gagawin? Same procedure.. Magkakaiba lang ng konte sa "3rd string" or "G" note, kc hindi ka sa 5th fret magmu-move, sa "4th fret lang" why? kc ang note nya ay "B" which is the note of (2nd) string gets? Tapos same procedure na ulit ung "2nd and 1st" string.. Sana nakuha mo.. :)

Call_of_Ktulu25
8th Dec 2011, 19:26
thanks sa iyo master, madami ako natututunan

possible po ba na may dalawang scale ang ginamit sa isang song? kasi yung sinisipra ko kanina eh major scale tapos nagshift sa phrygian

Yup, please check the Directory of Lessons, merun akong topic tungkol dyan.........

Ramwind
8th Dec 2011, 20:02
hahay thanks master KTULU,, nakuha ko rin, kelangan ko talaga familiarize mga scales, pero kanina hindi ko alam or kabisado ang phrygian tapos pinakinggan ko na lang maige yung adlib parts nung song,, nak ng tokwa andali lang pala,, sa licks lang pala at kung panu isasakto yung nota,, hay prinaktis ko at dinugtong dugtong ko lahat ganun lang pala,, buti na lang alam ko na ang ibang licks... pero minsan nakakapraning siprahin yung mga maraming efex lalo na yung mga sobrang mabibilis...

nga pala Phonic mixer amplifier 300W at Konzert na 15" gamit ko,,

wala pa kasi pambili ng ampli box,, pero parang naliliitan ako sa speakers nila,, yung marshall na 6" lang

o0ojakeo0o
8th Dec 2011, 22:24
@o0ojakeo0o, paano magtono?
Very good question bro! importante ang pagtotono sa isang musician.. Alm mo ba na halos lahat ng magagaling na musician ay hindi gumagamit ng "tuner"? Anyway, here's how.. (6th string) is "E" if u know the standard sound of that note, it's very good! Then go to the "5th fret" that note is "A". Now, kung ano ang tunog nung (A) note, ay dapat ganun din ang tunog nung (5th string) which is also the (A) note. Take note: dapat buo ang tunog nila pareho.. "eksakto". So ngaun naitono mo na ang "6th at 5th" string.. So sa (4th) string ka na.. Same din lang sa ginawa mo sa (6th) string, from (5th) string, move ka ng "5th fret" the note is "D" and the "4th string" is also "D" so alam mo na ang gagawin? Same procedure.. Magkakaiba lang ng konte sa "3rd string" or "G" note, kc hindi ka sa 5th fret magmu-move, sa "4th fret lang" why? kc ang note nya ay "B" which is the note of (2nd) string gets? Tapos same procedure na ulit ung "2nd and 1st" string.. Sana nakuha mo.. :)

Thank you master. Pero hindi ko talaga marinig kung eksakto na :(

chris279183
9th Dec 2011, 00:44
@o0ojakeo0o Ganyan talaga sa una.. Pag sinabing eksakto, meaning, hindi sya "flat" and hindi sya "sharp".. "Standard" mahirap talagang magtono ng eksakto.. Pero kung nakaka-kanta ka at hindi ka sintunado kumanta, madali mong makukuha ung exact tune.. Sa keyboard kc ako nagpractice ng tune.. Sinanay ko ung tenga ko na ma-imune ung tunog ng "E" sa tenga ko.. Mejo matagal na proseso un.. Pero practice din lang at makukuha mo din..

o0ojakeo0o
9th Dec 2011, 10:05

Un nga problema idol eh. sintunado ako kumanta kaya un di ko makuha. Siguro nga kaylangan ko pa talaga mag praktis mag gitara. :)

tobi20
9th Dec 2011, 15:48
hi to all , cool tong thread na to , dame ko natututunan , thanks guys

chris279183
9th Dec 2011, 18:03
Un nga problema idol eh. sintunado ako kumanta kaya un di ko makuha. Siguro nga kaylangan ko pa talaga mag praktis mag gitara. :)
walang hindi nakukuha sa praktis bro... kailangan lang talaga dedicated ka at ma tiyaga... sipagan mo lang ang pagpapraktis sigurado ako gagaling ka... nakikita ko naman sayo na pursigido kng matuto eh... advice ko lang, pag nagpapraktis ka at mejo nahihirapan ka, wag mong tigilan... hanggat di mo nakukuha balikan mo ng balikan... wag kang magsasawa... gagaling ka maniwala ka...!!!
:thumbsup::thumbsup:

o0ojakeo0o
9th Dec 2011, 21:36

haha hirap din kasi isabay sa studies tol engineering student kasi ako. Pa advice naman kung anong mga kanta maganda praktisin. Thanks.

chris279183
10th Dec 2011, 01:17
Tol para saken lang to, suggest ko lang na pag-aralan mo eh ung folk country songs.. Usually puro placking un.. example nun ay ung mga "dust in the wind" "the boxer" "leader of the band" etc.. mejo mahirap xang aralin pero pag natutunan mo un, halos wala nang lulusot sayong kanta.. Jan ako humusay sa mga songs na yan.. Kasabay ng pag-aaral ko ng mga scales..

toypitz
10th Dec 2011, 03:02

pre ang hihirap ng mga plucking na yan huh... pero the best nga yan pagnakuha mo... sisiwin mo ung ibang pluckings para ka nang nagfifinger style nian..pinapakanta ang gitara...

chris279183
10th Dec 2011, 11:09
Talagang nahirapan ako jan noon.. pero na master ko rin.. Kaya ang naging porte ko is folk country songs.. Tapos nung napasama naman ako sa band, naging leadista naman ako.. Tiyagaan lang talaga para humusay..

o0ojakeo0o
10th Dec 2011, 13:37
Tol para saken lang to, suggest ko lang na pag-aralan mo eh ung folk country songs.. Usually puro placking un.. example nun ay ung mga "dust in the wind" "the boxer" "leader of the band" etc.. mejo mahirap xang aralin pero pag natutunan mo un, halos wala nang lulusot sayong kanta.. Jan ako humusay sa mga songs na yan.. Kasabay ng pag-aaral ko ng mga scales..

Salamat sa advice. Gusto ko sana humusay mag gitara at makasali sa banda. Ang gusto ko talaga sana eh bass :) pero gitara muna ko ngayon tsaka na ko dun. Salamat sa advice hihirap ng kanta na un :) pero susubukan ko
:salute:

chris279183
10th Dec 2011, 18:29
Challenge yan sayo bro! Since bass ang gusto mo, mahahasa din ang tenga mo sa pakikinig ng bass sa mga songs na yan.. Halos base din kase ang gumagana jan.. Try lang ng try! =)

grassman211
10th Dec 2011, 18:45
yess,,,gusto ko tlaga mahasa ako,..bassist poh ako..dati guitarst pero rythm lang..
:yipee::yipee::yipee:

penceyprep19
10th Dec 2011, 18:46
sa totoo lng hnd nan mhrap ang plucking eh., hehe., aq my napanuod aqung naggigitara nung baguhan p aq gnaya q lng naquha q n agad., amp., problema minsan sa mga gitarista kulang sa timing., yupz uwoh marunong cla ng chords, peo sa timing ala., sablay., sumosobra sa beat o kaya nan kulang., amp., hehe., aq n222 sa panggagaya ng styles eh., hehe., dhil sa pang gagaya., pero hnd q tinut2ring ang sarili q n mgaling., noob p rin aq., hahaha., kumpra kay Sir Batio., lupit nia ai., lalu n ung mga gitara niang pa X, tsaka meon ding pa V., haha

o0ojakeo0o
10th Dec 2011, 19:44
Challenge yan sayo bro! Since bass ang gusto mo, mahahasa din ang tenga mo sa pakikinig ng bass sa mga songs na yan.. Halos base din kase ang gumagana jan.. Try lang ng try! =)

sinubukan ko kanina ung leader of the band ang hirap. Tinignan ko pa lang ung tab eh haha. :)

chris279183
10th Dec 2011, 22:18
Natural lang na mahirapan ka jan.. Double base kc ang plucking nyan, another tip, dpt pg ngpa-plucking ay "4" fingers ang gumagana.. Wag kang masasanay sa 3 o 2 fingers lang.. Pakinggan mong mabuti ung song.. San ka kumuha ng tab?

NoHitsSherlock
11th Dec 2011, 09:31

Ultimate Guitar! :yipee:
Bago lang po ako dito. 2 years na gitara ko pero di parin ako magaling. :noidea:

Mga hilig ko tugtugin mga indie... indie sikat :rofl:

Yun sana magkasundo tayo lahat! :thumbsup:

archangels
11th Dec 2011, 11:07
yess,,,gusto ko tlaga mahasa ako,..bassist poh ako..dati guitarst pero rythm lang..
:yipee::yipee::yipee:

anong rhytm lang? :ranting: gitarista pa din yun! haha :excited:

sa totoo lng hnd nan mhrap ang plucking eh., hehe., aq my napanuod aqung naggigitara nung baguhan p aq gnaya q lng naquha q n agad., amp., problema minsan sa mga gitarista kulang sa timing., yupz uwoh marunong cla ng chords, peo sa timing ala., sablay., sumosobra sa beat o kaya nan kulang., amp., hehe., aq n222 sa panggagaya ng styles eh., hehe., dhil sa pang gagaya., pero hnd q tinut2ring ang sarili q n mgaling., noob p rin aq., hahaha., kumpra kay Sir Batio., lupit nia ai., lalu n ung mga gitara niang pa X, tsaka meon ding pa V., haha

tama timing at feelings para maexpress mo ang sarili mo,
(OT: pre try mo wag mag text speak, bawal yan,:upset: medyo naguluhan kasi ako sa n222 kala ko bagong type ng gitara yun,haha:lmao:

sinubukan ko kanina ung leader of the band ang hirap. Tinignan ko pa lang ung tab eh haha. :)

practice practice lang,matutunan mo din yan..

Ultimate Guitar! :yipee:
Bago lang po ako dito. 2 years na gitara ko pero di parin ako magaling. :noidea:

Mga hilig ko tugtugin mga indie... indie sikat :rofl:

Yun sana magkasundo tayo lahat! :thumbsup:

:lmao: indie!? indie sikat... i like that! haha! :rofl:

NoHitsSherlock
11th Dec 2011, 11:27
Boss Arch, anu mga tugtugan mo? Dito na lang ako tatambay haha

melala
11th Dec 2011, 15:39
Mga masters may tutorial ba kayo sa pagstrum? Hehe noob parin e. Any tips naman po. Salamat.

o0ojakeo0o
11th Dec 2011, 18:11
Mga masters may tutorial ba kayo sa pagstrum? Hehe noob parin e. Any tips naman po. Salamat.

Feel the beat of the song po. Basic strumming patter eh down down up up down tapos lipat chords

o0ojakeo0o
11th Dec 2011, 18:13
Natural lang na mahirapan ka jan.. Double base kc ang plucking nyan, another tip, dpt pg ngpa-plucking ay "4" fingers ang gumagana.. Wag kang masasanay sa 3 o 2 fingers lang.. Pakinggan mong mabuti ung song.. San ka kumuha ng tab?

Dito (Only registered users can see the link.)

Hirap eh. Try and try ko.

o0ojakeo0o
11th Dec 2011, 18:16
practice practice lang,matutunan mo din yan..

Salamat bossing.:dance:

archangels
11th Dec 2011, 21:18
Boss Arch, anu mga tugtugan mo? Dito na lang ako tatambay haha

bakit san ka ba dati nakatambay? ehehe,

tugtugan? medyo nahihilig ako ngayon sa punk at metal,

gusto ko yung punk na tipong palm mute+power chords+super strumming hanggang matapos ang kanta,haha! ayos! sarap sa tenga!

metal gusto ko din pag tipong napapaiyak yung gitara,tapos sasabayan pa double peds, ayos.. :upset: :rock: :upset: :rock: :upset:

NoHitsSherlock
12th Dec 2011, 13:41
Sir bigay kayo bands and songs. Aw, kala ko pa man din indie din kayo... Haha. Puro kasi dl pinaggagawa ko dito eh walang makachat.

LaXangel™
12th Dec 2011, 14:38
HI mga masters im back!.

Master Arc: hello master?!

Master Call: hay naku di kita sir inabutan..

TO ALL guitar talkers!, rock on!..

archangels
12th Dec 2011, 17:48
HI mga masters im back!.

Master Arc: hello master?!

Master Call: hay naku di kita sir inabutan..

TO ALL guitar talkers!, rock on!..

boss! lax! di naman ako master, tambay lang, haha! musta na?:slap:

khemoy
13th Dec 2011, 06:08
HEllo po sa lahat..just need some advice, binintahan ako ng friend ko ng PRS Santana for 12thousand with case na yun at ibanyez geo na floyd ros worth 8t with case rin..am just confuse ano piliin ko?

boozter
13th Dec 2011, 18:28
HEllo po sa lahat..just need some advice, binintahan ako ng friend ko ng PRS Santana for 12thousand with case na yun at ibanyez geo na floyd ros worth 8t with case rin..am just confuse ano piliin ko?

tingin ko tol maganda magbase sa style ng pag gigitara mo. Magkaibang style naman binabagayan ng dalawang gitara na yan pre, . pero kung ako dun n ko sa ibanez ayun lang li pagipunan, mas mura. :rofl:

boozter
13th Dec 2011, 18:29
HEllo po sa lahat..just need some advice, binintahan ako ng friend ko ng PRS Santana for 12thousand with case na yun at ibanyez geo na floyd ros worth 8t with case rin..am just confuse ano piliin ko?

tingin ko tol maganda magbase sa style ng pag gigitara mo. Magkaibang style naman binabagayan ng dalawang gitara na yan pre, . pero kung ako, dun n ko sa ibanez ayun lang madali pagipunan, mas mura. :rofl:

juantamad20
13th Dec 2011, 18:50
ano kyang magandang acoustivc mga master, worth 5k? w/ pickup n po, tnx po

xxGAMERxx
13th Dec 2011, 18:59
guys panu ba magsweeping ? tagal ko na nagigitar di ko padin makuha.