PDA

View Full Version : Guitar talk. . .

Pages : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 [90] 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126

phil8anselmo
4th Apr 2012, 10:10
musta kayo mga sir?musta ang pag gigitara naten?hehe..

papajim
4th Apr 2012, 10:36
ok lang :giggle:

mudd2
4th Apr 2012, 10:57
Good morning po mga boss, may shop po ba dito sa Phils. na nagbebenta ng gibson les paul? Yung hindi po copy :) TIA

papajim
4th Apr 2012, 14:03
CRESCENDO MUSIC (Only registered users can see the link.) :approve:

archangels
8th Apr 2012, 09:41
happy easter mga gitaristas!

rolanjun55
8th Apr 2012, 10:06
happy easter shredders.. :salute:

katal2hod
9th Apr 2012, 16:44
Magpapaayos sana ako ng gitara saan kaya maganda at safe baka kasi masira ung sound ng gitara ko :rant:. Mga 4 months palang sya sakin pero now ko lang nararamdaman na mahirap sya iplay kasi parang mataas yung distance ng string sa fret board. Di kasi ganun ung dati kong gitara. Nahihirapan tuloy ako mag play ng gitara ng matagal. Acoustic guitar po pla yung sakin Fernando. Thanks!

my_game0621
9th Apr 2012, 16:54
Mga sir tanung ko lang anung effects kaya gamit ng kamikazee pag natugtog?

rolanjun55
9th Apr 2012, 17:25

sir.. ganyan ba yan nung unang binili mo ohh biglang nagka ganyan na lang?...

rolanjun55
9th Apr 2012, 17:27
Mga sir tanung ko lang anung effects kaya gamit ng kamikazee pag natugtog?

pasensya na sir.. di ako aware sa mga effects na yan... acoustic player lang po kasi ako.. yaan mo pag nag OL nga master naten, baka masagot ka nila.. wait ka lang po naten sila... :thumbsup:

katal2hod
9th Apr 2012, 17:47

di ko na matandaan eh ..pero medyo mataas narin sya nun..ok naman kasi nung sinusubukan ko sya sa shop..Di ko naman masyado nagagamit ang gitara ko nakalagay naman sya sa gigbag.. nagulat lang ako nitong huling araw nahihirapan na akong gamitin ung gitara ko.. tapos naging conscious na ako sa distance ng string at fretbroad. gusto ko na din sana ipaadjust habang maaga pa. hehehe..sayang naman pag tinamad mag gitara ako dahil dito. hehehe... pa tulong naman baka may alam kayo na repair shop. thanks!

rolanjun55
9th Apr 2012, 17:57

dito sa area ko sir meron.. dasma cavite... dapat sir hinayaan mo lang syang naka sabit, yung wala sya sa gigbag... para di nakukulob... baka dahil sa laging naiinitan kaya bumigay agad yung gitara mo..

katal2hod
9th Apr 2012, 18:03

hmmm :think: posible nga... kasi may lock ung gigbag ko kaya dun ko nilalagay.. Yung kasama ko kasi sa Bhouse basta nalang makagamit ng gitara kaya nagka meron un ng gasgas ng konti.

Magkano kaya yung magagastos ko? saan sa dasma pre? dito lang naman ako sa pasay mag try din sana ako sa lumanog sa may santa mesa. Ok ba gumawa dyan sa inyo? di naman kaya mawala ung ganda ng tunog ng gitara?:upset: naiinis ako.. hehehehe

jocil20
9th Apr 2012, 18:05
wow ganda

qwerx91
9th Apr 2012, 18:08
guys buying ako iRig ung mura lang na brand new ....

rolanjun55
9th Apr 2012, 18:25
hmmm :think: posible nga... kasi may lock ung gigbag ko kaya dun ko nilalagay.. Yung kasama ko kasi sa Bhouse basta nalang makagamit ng gitara kaya nagka meron un ng gasgas ng konti.

Magkano kaya yung magagastos ko? saan sa dasma pre? dito lang naman ako sa pasay mag try din sana ako sa lumanog sa may santa mesa. Ok ba gumawa dyan sa inyo? di naman kaya mawala ung ganda ng tunog ng gitara?:upset: naiinis ako.. hehehehe

di ganun ka husay dito sir.. tsaka wala na ata yun sa area nya.. matagal na kasi kaming di nagkikita... papupuntahan ko sa tropa ko.. para ma check kung andun pa xa...

papajim
9th Apr 2012, 19:42
@katal2hod

bro try mo d2:

GUITAR HOSPITAL (Only registered users can see the link.)

tignan mo na lang sa clientele page nila para malaman mo kung sinu sino ang nagpapa ayos sa kanila ng gitara :approve:

o yung suki ko sa guitar repair:

Guitar Salon Roosevelt Ave. SFDM Q.C.

my_game0621
10th Apr 2012, 18:09
mga dre magkano po yung Zoom GFX-4 Guitar Pedals.. pati kung meron niyan sa LAZER magkano benta nila?

dream13
10th Apr 2012, 19:05
mga boss...pwede bang magrequest...

may nakakaalam ba sa inyo ng chords ng filipino birthday song, yung:

"happy happy happy birthday
sayo ang inumin, sayo ang pagkain"

sana alam nyo po yung tinutukoy ko...kapagod na maghanap sa google wala naman ako makita...

sana may pumansin sa request ko...

salamat...

eiinne
10th Apr 2012, 19:17
mga IDOl tanung ko lang, meron bang gitara na mabibili sa halagang 5000 petot, 'yung pede kahit anung tugtugan mabigat man ang tugtugan o hindi, tsaka anung klaseng gitara kaya ito? cavite area po ako incase meron kayo alam na store.. tnx..nga pala di po ako naghahanap ng brandnew hehe basta maganda tunog at itsura pede na pero kung meron murang brand new na pasok sa budget, ayos!!!

katal2hod
11th Apr 2012, 13:07
@katal2hod

bro try mo d2:

GUITAR HOSPITAL (Only registered users can see the link.)

tignan mo na lang sa clientele page nila para malaman mo kung sinu sino ang nagpapa ayos sa kanila ng gitara :approve:

o yung suki ko sa guitar repair:

Guitar Salon Roosevelt Ave. SFDM Q.C.

:thanks: dito boss.. nakausap ko na yung sa guitar hospital.. balak kong pumunta this sat or sunday.. hmmm sabi nila mga 500 - up magagastos depende sa problem.. try ko mag attach ng picture bukas ng problem ko sa guitara ko.. para makita nyo din.. thanks!

rolanjun55
11th Apr 2012, 14:37
maganda nga yan sir katal.. kuha ka screenie ng guitar mo... balak ko din kasi ipa renovate yung guitar ko... picturan mo sir yung before and after nya masalang sa operation... :D

Beknok
11th Apr 2012, 21:58
pwede ba palitan ng nylon string yung 5th at 6th string ng steel string guitar kasi madalas kalawangin dahil pawisin ang kamay ko. hindi kaya magkontrahan yung sound ng steel at nylon? thanks, sana may sumagot. :D

ArCiZei
11th Apr 2012, 22:13
Beknok, nagtry ako ng ganyan and ang resulta eh hindi maganda. Hindi kasi swak ang tunog ng nylon lalo na ung 5th and 6th string sa 1st - 4th string na steel. Mas malakas kasi ang tunog ng steel compared to nylon. Matatalo nun ung tunog.

Btw, when I say 5th and 6th string it is B and E string. Not unless ung pinakataas ung sinasabi mo. E and A. Better to tell the "letter" of the string instead of the number. Pwede kasing 1st ung sa ilalim and 6th ung sa itaas and vice-versa depende sa tao. :rofl:

Beknok
11th Apr 2012, 22:56

aw ganun ba, yung B at high E yung ibig kong sabihin. dapat ba talaga branded ang string para maganda ang tunog at quality kasi mga cheap lang ginagamit ko, thanks sa pagsagot sa tanong ko :D

thunderock
11th Apr 2012, 23:17
aw ganun ba, yung B at high E yung ibig kong sabihin. dapat ba talaga branded ang string para maganda ang tunog at quality kasi mga cheap lang ginagamit ko, thanks sa pagsagot sa tanong ko :D

mas mabuti kung bumili ka ng whole set, 110php washburn, yun ang gamit ko, 5-6 months lang wala pang kalawang kahit basain ko sa pawis,,

mas better kung bibili ka ng branded

Beknok
11th Apr 2012, 23:30
mas mabuti kung bumili ka ng whole set, 110php washburn, yun ang gamit ko, 5-6 months lang wala pang kalawang kahit basain ko sa pawis,,

mas better kung bibili ka ng branded

cge sir, try ko yan washburn pasok sa budget ko hehehe. akala ko sobrang mahal din yang mga branded string katulad nung nabili kong capo which is 400+ pesos akala ko mga 150 lang. thanks!

qwerx91
11th Apr 2012, 23:59
sir ung "guitar hospital,, hnd b yan ung "guitar 1 custom shop"?

kz dun din nag papagawa nang bass c sir roger alcantara nang ebe dencel eh...

asking lng po sir...

papajim
12th Apr 2012, 05:31
@katal2hod

cge bro post pics before and after :approve: hihintayin namin yan

@Beknok

O kaya subukan mo elixir strings :giggle: pinaka resistant sya sa kalawang

@qwerx91

ang may ari ng guitar hospital e si Arie Hipolito pls check the website :approve:

izzaac03
14th Apr 2012, 00:54
hi guys.....
pwede po ba magtanong?
kasi po may gusto ako malaman, nakakagawa po ako ng tugtog, kunyari hindi ko alam yung tab ng it might be you na kanta, eh plucking yun, nakagawa ako ng tabs gamit ang aking tenga, pero ang problema ko po kung pano sabayan sya ng bass na tunog...
kasi po, puro ung thin string lang eh, kumbaga po pano ko lalagyan ng arte yung kanta...
sana po may makatulong sakin, kasi tagal ko na din naghahanap ng solusyon dito,,,,, :)

chesterkevin
14th Apr 2012, 01:14
rock and roll bullet :)

Mist3rClay
14th Apr 2012, 01:17
Guys pde po ba magpaturo about soloing?

-Panu ko po malalaman kung anu yung bagay na scale ang pde ko gamitin sa chords ng kanta halimbawa Amaj ung chords so pde mu sya gamitan ng Amaj scale,maliban sa Amaj scale anu pbang scale ang pde ko gamitin sa solo ko?

-Panu po ba magsolo over chord changes/progression?panu din bigyan ng flavour yung solo?

Bigyan nio naman ako ng tips nalilito kasi ako eh.

rolanjun55
14th Apr 2012, 10:44

TIPS ON SOLOING OVER A GIVEN CHORD PROGRESSION

Lets take some examples;

1.) D-Em-D/F#-G-A7
Marami po nagsasabi na usually kung san nagsimulang chord ang kanta then most likely un ang scale na gagamitin mo....just like the chord progression ....nagsimula sya sa D major so I would say na D major scale ang gagamitin mo to solo over it.....but still i disgest natin kung bakit D major scale ang bagay dito,like the one above.....anu ba ang chords na pasok sa D major scale?
D major scale
D E F# G A B C# D
Anu ung pasok na basic chords sa D major scale;
D Em F#m G A Bm C#dim D

So by knowing this we can figure it out kung anung pasok na chords sa D major scale.....which is yung example sa above.....D Em D/F# G A7......this is a I ii I IV V7 progression
D - pasok
Em - pasok pa rin, kahit gawin natin etong Em7 or Em9 pasok pa rin. Em7 consists of notes (E G B D) which is pasok pa rin sa D major scale, kahit ang Em9 pasok pa rin (E G B D F#)
D/F# - pasok pa rin eto, D major chord lang eto na inverted lang see pages 588 and 590 for chord inversion topics.....
G - pasok
A7 - A7 consists of notes A C# E G which is pasok pa rin sa D major scale notes above...

Also ma nonotice nyo sa bawat kanta nagreresolve lagi sa root note, which is yung example above, yung A7 chord ay nagreresolve lagi sa D major chord......this is a V7 I progression....which is a strong harmonic ending in western civilization music.....notice nyo na pag pnlay nyo ung A7 nagkakarun siya ng tension na parang gusto nyang magresolve into something, a chord, which should be the root note D........please try to play A7 then D repeatedly para malaman nyo ang ibig kong sabihin......listen to the strong ending nya........subukan nyo ring ibahin ung D pagkatapos ng A7.......hindi bagay....

V7 - is a 5th chord dominant chord which is kung titingnan nyo ung notes ng D major scale, pang lima ung A then gagawin nating dominant 7th chord = A7
I - is the root which is D major chord sa example natin

Panu natin malalaman ung dominant 7th chord ng isang given scale? Simple, kunin nyo ung pang limang note then gawin nyong dominant 7th chord.....

In case of G major scale, ang dominant 7th chord ay;
G major scale
G A B C D E F# G

Fifth note is D then gawing dominant 7th chord = D7

so D7-G - please try to play this and listen to the strong ending......if you try to repeatedly play the D7 chord, you will notice na parang may kulang and may gusto cyang puntahan hangga't hindi nyo tinatapos sa G chord....

Kahit sa minor scale ganun din, kunin nyo ung 5th note then gawing dominant 7th....for example the A minor scale
A B C D E F G A
Fifth note is E = gawing dominant 7th = Em7

So ang progression is Em7-Am

In a song, look for this dominant 7th chords (A7, E7, B7) or dominant 7th suspended chords (B7sus, G7sus, C#7sus), para makita nyo kung san sya nag reresolve para malaman nyo kung anung scale ang gagamitin......

Marunong naman cguro kayong mag power chords.....power chords consists of the root and the 5th.....mas madaling paraan eto para malaman ung dominant 7th that resolves to the root note.....

For example:
E5 power chord
------|
------|
------|
------|
--2--|
--0--|

open 6th string is the E note which is the root
2nd fret 5th string is B note which is the dominant 5th note

so B7 resolves strongly to E

Here are other examples;

C#5 power chord
-----|
-----|
-----|
--6-|
--4-|
-----|
5th string 4th fret is C# which is the root
4th string 6th fret is G# which is the dominant 5th

So G#7 resolves to C# chord strongly

Bawat root note ay may kanya kanyang dominant chords;
F#7 resolves to B
G7 resolves to C
G#7 resolves to C#
A7 resolves to D
A#7 resolves to D#
B7 resolves to E
C7 resolves to F
C#7 resolves to F#
D7 resolves to G
D#7 resolves to G#
E7 resolves to A
F7 resolves to A#
F#7 resolves to B
Try to execute ung power chords ng mga root notes sa kanan then you will know kung panu nakuha ung mga dominant chords sa kaliwa....

Makakatulong yang idea na yan kung ung kantang finifigure out nyo kung anung scale ang ginamit e hindi nagccmula sa root note.

here is another example;
G Am7 Dm

Nag simula po cya sa G major so tingnan natin ung G major scale;
G A B C D E F# G
Pasok na chords sa G major;
G Am Bm C D Em F#dim G

I aanalyze nyo pasok lahat ang chords sa given natin sa C major scale so C major scale ang sagot and nagreresolve sa C major ung progression.

Hmmm conflict ang Dm chord sa given natin sa pasok na chords sa G major scale so hindi G major scale ang ginamit dito.....but ma nonotice nyo na ung Am7 is a dominant minor 7th chord of Dm sa D minor scale....lets see......Am7 resolves strongly to Dm.....

D minor scale;
D E F G A A# C D
Pasok na chords sa D minor scale;
Dm Edim F Gm Am A# C Dm

Hmmm...may conflict pa rin po, ung G sa given chord progression natin ay conflict sa Gm ng D minor scale....so hindi D minor scale ang ginamit na scale dito...

Pero we still have the correct clue Am7 resolves to Dm......and walang sinuman ang mag aargue dito......so lets stick to this one clue....

Maghanap pa tayo ng clues sa given progression. By careful inspection, sa anung scale makikita natin na ang A and D notes are minors, and the G note is major?

Yes, kung pareho tayo ng iniisip, yes, C major scale;
C D E F G A B C
Pasok na chords sa C major scale
C Dm Em F G Am Bdim C

so ayan pasok na sa C major scale yung given chord progression natin....kaso may isa pa tayong problema bakit nagreresolve sya sa Dm at hindi naman ginamit yung C major sa progression...that means gumamit ng mode dito para magiba ung tonal center and since nagresolve sya sa Dm, D note is the 2nd degree of the C major scale which makes it the D Dorian mode....

By arranging the C major scale to reveal the D Dorian mode and to make D as the root....
Dm Em F G Am Bdim C Dm

ayan D Dorian mode ang pwede natin gamitin to solo over the given chord progression G Am7 Dm......

-credits to sir call of ktulu.. sa kanya tong lesson.. since wala ako nung PDF lessons directory nya copy paste ko na lang.. may back up kasi ako ng mga lessons nya... :thumbsup:

Mist3rClay
14th Apr 2012, 17:17

Sir salamat po sa effort,pede mu ba share saken ung mga lessons nya,hehe,

rolanjun55
14th Apr 2012, 20:31
hintay na lang natin sir yung may kopya ng pdf lessons nya... yung ibang mga masters dito meron nun... mag rereponse yun pag nabasa nila to... :salute:

izzaac03
14th Apr 2012, 22:15
hi guys.....
pwede po ba magtanong?
kasi po may gusto ako malaman, nakakagawa po ako ng tugtog, kunyari hindi ko alam yung tab ng it might be you na kanta, eh plucking yun, nakagawa ako ng tabs gamit ang aking tenga, pero ang problema ko po kung pano sabayan sya ng bass na tunog...
kasi po, puro ung thin string lang eh, kumbaga po pano ko lalagyan ng arte yung kanta...
sana po may makatulong sakin, kasi tagal ko na din naghahanap ng solusyon dito,,,,, :)

up ko lang po itong question ko =))

justhan11
15th Apr 2012, 11:59
Tol, bigay naman kayo ng tip sa pag aalaga ng acoustic guitar.. Para maiwasan yung pangangalawang ng strings, etc.

rolanjun55
15th Apr 2012, 12:17
up ko lang po itong question ko =))

clarify lang naten sir ahh? so gusto mo po matutunan eh guitar solo... medyo mahirap xa sir, depende sa level ng skill mo... try mo po mag hum-hum muna... tapos ulit-ulitin mo then tsaka mo sundutan ng bass yung mga melody ng intro ng it might be you... parang ganito..

ex: kung ano yung mga lyrics na napapaloob sa isang chords i hum-hum mo...

"time ive been passing time watching trains go by" (pagtapos ng lyrics na to dito mo pasukan ng bass sir) kasi magpapalit ka na ng chords, each time na magpapalit ka ng chords dun ka maglalapat ng bass.. sana na gets mo po...

rolanjun55
15th Apr 2012, 12:22
Tol, bigay naman kayo ng tip sa pag aalaga ng acoustic guitar.. Para maiwasan yung pangangalawang ng strings, etc.

depende yan sir sa strings mo... sabi nila padaanan mo daw ng kandila yung mga strings.. ako naman po kasi eh every 3rd month ng strings sa akin nagpapalit na talaga ako... para po mapanatili ko yung sound quality ng gitara ko... set po ang pagpalit ko ng strings,di yung pa isa-isa.. di ka naman na siguro nakakaputol ng strings sir?... tapos sa body naman bili ka ng wood polisher... tapos wag mo po sya i stock sa guitar bag mo, isabig mo lang po...

archangels
15th Apr 2012, 12:36
Sir salamat po sa effort,pede mu ba share saken ung mga lessons nya,hehe,

@Mist3rClay eto naka aatach,eto yung sinasabi ni sir rolanjun,, pag aralan mabuti,,napakalaking tulong ni master call>> ang alamat ng guitar talk! haha peace tayo master!:pray::praise:

kumusta na kayo lahat?? :rock: :slap: :rock:

archangels
15th Apr 2012, 12:41
Tol, bigay naman kayo ng tip sa pag aalaga ng acoustic guitar.. Para maiwasan yung pangangalawang ng strings, etc.

eto mga simple tips,,sa akin opinyon lang,,

>kung di mo ginagamit,wag mo iwan na nakabilad sa araw,,at lalong wag ilagay malapit sa lugar na pwede syang mabasa.

>bago mo gamitin--punasan
>pag tapos gamitin--punasan

>try mo gumamit nung string cleaner
>kung gusto mo bilhan mo din ng guitar polish para ma maintain mo yung kintab nya,,

ayun sanan nakatulong.. :salute:

archangels
15th Apr 2012, 12:45
depende yan sir sa strings mo... sabi nila padaanan mo daw ng kandila yung mga strings.. ako naman po kasi eh every 3rd month ng strings sa akin nagpapalit na talaga ako... para po mapanatili ko yung sound quality ng gitara ko... set po ang pagpalit ko ng strings,di yung pa isa-isa.. di ka naman na siguro nakakaputol ng strings sir?... tapos sa body naman bili ka ng wood polisher... tapos wag mo po sya i stock sa guitar bag mo, isabig mo lang po...

sir rolan!kumusta? ngayon ko lang narinig yung sa kandila ah?ma try nga,,
:rock:

rolanjun55
15th Apr 2012, 12:45
eto mga simple tips,,sa akin opinyon lang,,

>kung di mo ginagamit,wag mo iwan na nakabilad sa araw,,at lalong wag ilagay malapit sa lugar na pwede syang mabasa.

>bago mo gamitin--punasan
>pag tapos gamitin--punasan

>try mo gumamit nung string cleaner
>kung gusto mo bilhan mo din ng guitar polish para ma maintain mo yung kintab nya,,

ayun sanan nakatulong.. :salute:

sir arch! :salute: kumusta na?

rolanjun55
15th Apr 2012, 12:49
sir rolan!kumusta? ngayon ko lang narinig yung sa kandila ah?ma try nga,,
:rock:

malufet yang kandila technique sir...:rofl: nung sa probinsya pa ako yan gamit ko pang alaga sa strings ko, malayo kasi sa amin yung bayan 3 hrs na biyahe, yan pang maintain ko para di kalawangin.. :lol:

mooneye007
15th Apr 2012, 12:52
sir rolan!kumusta? ngayon ko lang narinig yung sa kandila ah?ma try nga,,
:rock:

Mga boss ako kasi ang pinang lilinis ko sa bass guitar ko eh ARMOR ALL ung pang car ^_^ okay din un

justhan11
15th Apr 2012, 12:55
Wow, maraming maraming salamat guys!!

rolanjun55
15th Apr 2012, 12:57
Mga boss ako kasi ang pinang lilinis ko sa bass guitar ko eh ARMOR ALL ung pang car ^_^ okay din un

pwede din yan sir.. basta polisher, pero ibang usapan ata pag sa electric na.. unlike acoustic maid.. kasi makapal na yung paint sa mga electric tsaka yung masilya makapal din.. di kagaya sa acoustic, pero na try ko na rin gumamit ng turtle wax... okay naman xa.. :thumbsup:

izzaac03
15th Apr 2012, 13:14
clarify lang naten sir ahh? so gusto mo po matutunan eh guitar solo... medyo mahirap xa sir, depende sa level ng skill mo... try mo po mag hum-hum muna... tapos ulit-ulitin mo then tsaka mo sundutan ng bass yung mga melody ng intro ng it might be you... parang ganito..

ex: kung ano yung mga lyrics na napapaloob sa isang chords i hum-hum mo...

"time ive been passing time watching trains go by" (pagtapos ng lyrics na to dito mo pasukan ng bass sir) kasi magpapalit ka na ng chords, each time na magpapalit ka ng chords dun ka maglalapat ng bass.. sana na gets mo po...

salamat po boss, try q

izzaac03
15th Apr 2012, 13:22
eto po b ung soloing? m.youtube.com/watch?gl=US&hl=en&client=mv-google&v=ttJgXjRJX58

Mist3rClay
15th Apr 2012, 13:28
@Mist3rClay eto naka aatach,eto yung sinasabi ni sir rolanjun,, pag aralan mabuti,,napakalaking tulong ni master call>> ang alamat ng guitar talk! haha peace tayo master!:pray::praise:

kumusta na kayo lahat?? :rock: :slap: :rock:

wow salamat dito sir :thumbsup:
malaking tulong nga to :yipee:

rolanjun55
15th Apr 2012, 14:08
@Mist3rClay eto naka aatach,eto yung sinasabi ni sir rolanjun,, pag aralan mabuti,,napakalaking tulong ni master call>> ang alamat ng guitar talk! haha peace tayo master!:pray::praise:

kumusta na kayo lahat?? :rock: :slap: :rock:

salamat sa attachment ng lessons sir.. buti naitabi mo yan... kumusta na kaya sila?... :( sana bumalik na mga masters naten dito.. para masaya ulit tong thread...

archangels
15th Apr 2012, 18:33
salamat sa attachment ng lessons sir.. buti naitabi mo yan... kumusta na kaya sila?... :( sana bumalik na mga masters naten dito.. para masaya ulit tong thread...

sir arch! :salute: kumusta na?

ayos naman boss! :excited: di tayo nag abot,hehe,,
busy mga master natin eh,,pero nanjan lang naman yun mga yun.. magsi labas kayo!!:ranting: :lol: :peace: :rock:

rolanjun55
15th Apr 2012, 20:49
ayos naman boss! :excited: di tayo nag abot,hehe,,
busy mga master natin eh,,pero nanjan lang naman yun mga yun.. magsi labas kayo!!:ranting: :lol: :peace: :rock:

labas na kayo... :upset: di nyo ba kami na mimiss?... :lmao: balik tambay ako dito sir, bakasyon eh... nakapag leave ako sa work ng matagal tagal... :beat:

allan06
15th Apr 2012, 21:12
hi po mga sir..
pwede po ba ako tambay dito..
i am also a music lover and a guitar enthusiast..
gusto ko lang po malaman kung pwede po ba kayo mag share dito nang mga video tutorials nang mga guitar scale nang kahit sinong sikat na guitar artist sa boung mundo.. please poh! ...:pray:

Thanks Ahead! :salute:

phil8anselmo
15th Apr 2012, 21:29
un oh.kamusta kayo..hehe.attach ko dito ung pdf file ng mga lesson..buti nalang naka save..enjoy mga sir.. :clap:

PoohTech
15th Apr 2012, 23:20
mga master anu ba magandang bilhin na electric guitar kahit gipit ang bulsa???
budget ko kasi nasa 8-10k lang e!

san ba pwede makabili ng mura at maganda-ganda pa rin ang sound quality?

salamat mga MASTER!!

rock and roll!!XD:dance:

spitfire09
15th Apr 2012, 23:33
ayos tong thread na to, pa tambay muna TS. mahilig din akong magitara and currently understanding deeply some scales and modes. sana makatulong skin tong tambayan na to, hehe. thnks.

papajim
16th Apr 2012, 15:08
@PoohTech

punta ka sa perfect pitch test mo ang squier by fender 7k pataas yan brand new

o kaya sa audiophile test mo ang ibanez gio 8k pataas ang presyo naman :approve:

earvin214
16th Apr 2012, 16:18
mga sir pa kwento naman po kung ano ginagawa ng mga master d2, late na kasi ako d2 dumating noon. at lagi ko nababasa na "w8 sa mga master natin", cnu po ba un ano mga ginagawa nila at naging master cla. :D

earvin214
16th Apr 2012, 16:21
@PoohTech

punta ka sa perfect pitch test mo ang squier by fender 7k pataas yan brand new

o kaya sa audiophile test mo ang ibanez gio 8k pataas ang presyo naman :approve:

bakit po ang tataas ng price ng gitara nyo, ano po ba pinagkaiba nung 2k-4k na elec. guitars? yung mga mumurahin, at mga mamahalin, ? :noidea: meron ksi ako d2 3,960 lang ang bili ko ksi nag sale sya sa d2 sa lugar namin

papajim
16th Apr 2012, 17:09
@earvin214

mga electric guitar ba sa sta. mesa at sa raon ba tinutukoy mo bro na mumurahin? :noidea:

PoohTech
16th Apr 2012, 22:34
@PoohTech

punta ka sa perfect pitch test mo ang squier by fender 7k pataas yan brand new

o kaya sa audiophile test mo ang ibanez gio 8k pataas ang presyo naman :approve:

san yang mga guitar store na yan master??
meron akong nakitang ibanez kaso 24k PGM model kasi e!=)):slap:

gusto kong gitara ibanez e...

salamat nga pala TSOnG!XD:thumbsup:

papajim
16th Apr 2012, 22:42
@PoohTech

Bro ang PGM model ng ibanez ang high end nila kaya ganun ang presyo yung gio model nila ang pinaka mura pero good na ang tunog :thumbsup: ang audiophile makikita sa ali mall cubao o kaya sa sm north

Reynan03
16th Apr 2012, 22:45
tingnan nyo sa davao sale mga sb maraming guitar na orig at mura hehe

LaXangel™
17th Apr 2012, 08:45
@to all: kamusta po kayo?. haay naku ngaun lang po ako nakaonline sorry po mga sirs.

Ulshop
17th Apr 2012, 08:49
tingnan nyo sa davao sale mga sb maraming guitar na orig at mura hehe

asa na dapit bai? este,saan pala yan banda? naghahananap rin ako murang orig na gitara,kasi sakin surplus lang,tipong pang praktis lang muna araw araw,dyan ko nabili sa may sta.ana ata yun,may bagsakan ng surplus

Ulshop
17th Apr 2012, 09:28
@to all: kamusta po kayo?. haay naku ngaun lang po ako nakaonline sorry po mga sirs.

boss,matanong lang,ano bang purpose nung bakal naka palaman sa gitna ng neck at fretboard? para ba tumibay?

isa pa, mga ilang buwan ba bago ma build ang speed halibawa sa arpeggio kung araw araw 2 hours ang praktis?
hanggang ngayon kasi yung target kong speed,di ko pa rin magawa

Nerzbautista
17th Apr 2012, 13:59
WOW!! MGA GUITARISTA DIN !! AHAHA AQ CGURO PINAKABATA D2 ! 14 YEARS OLD LNG PO!! EHEHHEHE D NMN PO SA NAG YAYABANG!! ehehehhee nag guguitara po din aq!1 may electri guitar din aq! at may effects ksu d q alam gmitin eheh! peru nabuo q n din adlib nung enter sand man ng metallica at unforgiven! dun daw sa enter sandman my effectS!! ksu d q alam gmitin wla p kc kuya q eheh kuya q mgling mag quitar!! pero qng gus2 nyu nmn m22 punta kyu sa ultimate-guitar.com may mga chord at tabs dun!!

eromerom
17th Apr 2012, 22:12
hello po mga masters, newbie lang din po ako sa gitara, pero kabisado ko n po mga major scales, naun po gs2 ko ma22nan ung mga plucking mahilig kase ko sa senti songs. advice nman po para mapag-aralan ung plucking. tnx po mga masters. :)

Nerzbautista
18th Apr 2012, 08:36
ah plucking ! mgnda rin pag plucking ehehhe lyk pag tinugtog mo yung high the speaks plucking yun! lahat ng daliri kailangan mu igalaw!! d yung pag stram!

LaXangel™
18th Apr 2012, 12:54
boss,matanong lang,ano bang purpose nung bakal naka palaman sa gitna ng neck at fretboard? para ba tumibay?

isa pa, mga ilang buwan ba bago ma build ang speed halibawa sa arpeggio kung araw araw 2 hours ang praktis?
hanggang ngayon kasi yung target kong speed,di ko pa rin magawa

hello po sir! salamat po sa curiousity po ninyo. Yung bakal na nasa gitna ng neck is the Truss Rod. Dapat may suitable po kayo na Allen wrench to adjust it, pero if it seems okay naman yung neck against the body ng guitar then di nyo na po kailangang i-adjust po yung truss rod, Ina-adjust lang po if parang nagmumukang Bow yung guitar parang nagbebend xa dahil sa tension ng strings and many other factors. Meron po ng truss rod na nasa body po yung adjustment at meron rin po na nasa guitar nut banda. (Anu po ba ang prob ng gitara mo sir?)

Sa arpeggio sir naman is patience lang po sir. dapat di po kayo mapressure just enjoy what you do kasi alam mo sir if palagi mo iisipin na need mo ma-master ma-iistress lang po kayo sir then ang result is ma-iinis lang kayo,. Play with your heart, step by step, start slowly then build speed magugulat na lan gpo kayo sa result.

Cheers!:salute::salute:

Ulshop
18th Apr 2012, 13:44

wow... napakahusay mo sumagot sir, salamat sa info......................

patience pala talaga kelangan kaya narating nila yung ganung speed?

naniniwala po ba kayo sa MUSCLE MEMORY? may nabasa kasi akong article about sa shredding ata yun, ginawa nyang halimbawa ay ang hammer at nail, di ba bago mo pukpukin ang pako,kelangan mo munang pukpukin ng mahina bago mo hatawain,sa paraang ito,alam ng kamay mo ang tamang daan para matamaan ang pako.

sa mga lick na alam ko,merong mabilis rin, kahit di ko na tingnan o mag isip ng kasunod na note na i pick, parang nagagawa mo sya. ito bay dahil sa makailang ulit mo na ginawa o totoo na may MUSCLE MEMORY?

thunderock
18th Apr 2012, 14:28
badtrip,, naputulan ng string ang acoustic ko :upset: wala pang 1 month,, tsk nasayang lang,,

hmmm pag ba naputulang ng string lahat ba papalitan o isa lang kase ako lahat pinapalitan ko..

At,, pede bang mag aral ng scales sa acoustic?

eiinne
18th Apr 2012, 18:44
mga sir na encounter nyu na ba bucklay by washburn? magandang quality ba ito? sana may pumansin..

rolanjun55
19th Apr 2012, 00:07

tama sir.. isa sa halimbawa po neto is pag classical and standard fretboard player ka, acoustic or electric gamit mo... ganito kasi yun ako po eh classical gitara ko, so gamay ko humawak ng classical, pero pag pinahawak ako ng standard fretboard size sumasabit daliri ko, why?... di ko po kasi nakasanayan.. prang sa example mo... alam mo yung action/strength na ilalaam mo sa pakong ginagamit mo... and then sa strength na ipagkakatiwala mo sa martilyo mo.. pag pinagamit ka ng ibang martilyo mahihirapan ka...

rolanjun55
19th Apr 2012, 00:15
hello po mga masters, newbie lang din po ako sa gitara, pero kabisado ko n po mga major scales, naun po gs2 ko ma22nan ung mga plucking mahilig kase ko sa senti songs. advice nman po para mapag-aralan ung plucking. tnx po mga masters. :)

plucking po is another practice, kung sa shredding eh lefthand ang ini enhance (kung righthanded player ka) sa plucking po is righthand naman, coordination ng fretting finger mo ang kailangan dito... try mo po yung nothing else matter ng metallica sa 1st attempt mo sa pag practice ng plucking...then mga simpleng lovesongs po like

when yo say nothing at all by ronan ketting
hero by enrique eglesias
right here waiting by richard marx

at marami pa pong iba...

LaXangel™
19th Apr 2012, 09:59
badtrip,, naputulan ng string ang acoustic ko :upset: wala pang 1 month,, tsk nasayang lang,,

hmmm pag ba naputulang ng string lahat ba papalitan o isa lang kase ako lahat pinapalitan ko..

At,, pede bang mag aral ng scales sa acoustic?

IMO sir, pinapalitan ko yung string ko according po sa duration na naka stay sa gitara ko acoustic or electric. if may rust na palit, and if naputol yung isa palit din po ako sir pero matagal po maputol yung strings ko sir eh kasi matibay,depende naman po yung stress sa bawat string at may mga string po tayo na madalas giinagamit right?..pero if magandang klase ng string matagal po yung life nya so mapakikinabangan po natin talaga, and the quality of strings really affects much of the sound,. yung gamit ko po na string mga master is Ernie Ball for my acoustic and electric,.:thumbsup:

pwedeng pwede po mag-aral ng scales sa acoustic bakit naman hindi diba?..pero medyo mabigat nga lang pagdating sa strings kasi mata-as yung action pero advantage naman po if electric na yung hinwakan ninyo kasi parang super ga-an apakan yung string nung electric so parang mabilis i mean mabilis talaga yung execution nyo nung inyong scales, arpeggios, modes Etc..

LaXangel™
19th Apr 2012, 10:14
mga sir na encounter nyu na ba bucklay by washburn? magandang quality ba ito? sana may pumansin..
nakita ko po yung mga reviews nya sir and meron na po akong nagamit na washburn kaya lang yung Oscar Schmidt yata yun bloody red, basswood body, 22 frets, 5 way toggle switch, 1 humbucker
sa bridge, single coil sa middle at single coil sa neck, may tremolo at 1 volume and 1 tone knobs,. maganda yung tunog nya sir at mali-it yung neck nya kesa sa ibanez guitar so advantage po sa mga malili-it na kamay. maganda din po ang gitara ng washburn. cheers!:thumbsup::salute:

thunderock
19th Apr 2012, 11:09
IMO sir, pinapalitan ko yung string ko according po sa duration na naka stay sa gitara ko acoustic or electric. if may rust na palit, and if naputol yung isa palit din po ako sir pero matagal po maputol yung strings ko sir eh kasi matibay,depende naman po yung stress sa bawat string at may mga string po tayo na madalas giinagamit right?..pero if magandang klase ng string matagal po yung life nya so mapakikinabangan po natin talaga, and the quality of strings really affects much of the sound,. yung gamit ko po na string mga master is Ernie Ball for my acoustic and electric,.:thumbsup:

pwedeng pwede po mag-aral ng scales sa acoustic bakit naman hindi diba?..pero medyo mabigat nga lang pagdating sa strings kasi mata-as yung action pero advantage naman po if electric na yung hinwakan ninyo kasi parang super ga-an apakan yung string nung electric so parang mabilis i mean mabilis talaga yung execution nyo nung inyong scales, arpeggios, modes Etc..

maaabutan yata ako ng isang taon pag nag praktis ako sa acoustic,, :slap: pangarap ko talagang makahawak ng electric guitar :upset:

LaXangel™
19th Apr 2012, 11:17
maaabutan yata ako ng isang taon pag nag praktis ako sa acoustic,, :slap: pangarap ko talagang makahawak ng electric guitar :upset:
di naman guro sir basta consistency lang po sa pagpractice, tapos yung electric sir konting ipon lang po mabibili nyo rin po yung electric guitar kahit yung mga starters lang po na electric guitar, gaya po ng signature guitar ko sir mga 10k lang po yan ibanez grg121ex reverse head stock. tapos boss gt-6 with vox pathfinder. bedroom shred na!..:thumbsup:

thunderock
19th Apr 2012, 12:52

:slap: 10k?? ang mahal naman
basta ipon-ipon lang ako,,

-sir, lahat ba talaga pag-aaralan ko? mula sa basics, major/minor scales hanggang sa modes :noidea:
nalilito ako,, pinapraktis ko ang major scale tapos hindi ko naman alam kung panu gamitin
-pano ko ma.aaply ang scales sa kanta?
-pag ba marunong na ako sa scales magaling na ako na gitarista?
-pag may electric guitar ba ako madali lang bang iplay ang canon rock?
-kailangan ko bang mag-aral ng note-reading?

archangels
19th Apr 2012, 17:46

LOL! naalala ko yung sarili ko nung nagiipon pa ko,, :lol:

ipon lang sir mararating mo din yan,makakabili ka din ng first ever electric guitar mo,,good luck!! :salute:

thunderock
19th Apr 2012, 18:12
LOL! naalala ko yung sarili ko nung nagiipon pa ko,, :lol:

ipon lang sir mararating mo din yan,makakabili ka din ng first ever electric guitar mo,,good luck!! :salute:

hmm,, mga limang taon pa cguro bago ako makabili
mag iipon ako ng 5php a day
5x30=150
150x12=1800
1800x5=9000

kulang pa ng 1k :lol:
:clap:

eiinne
19th Apr 2012, 21:46
nakita ko po yung mga reviews nya sir and meron na po akong nagamit na washburn kaya lang yung Oscar Schmidt yata yun bloody red, basswood body, 22 frets, 5 way toggle switch, 1 humbucker
sa bridge, single coil sa middle at single coil sa neck, may tremolo at 1 volume and 1 tone knobs,. maganda yung tunog nya sir at mali-it yung neck nya kesa sa ibanez guitar so advantage po sa mga malili-it na kamay. maganda din po ang gitara ng washburn. cheers!:thumbsup::salute:

ayos!!! salamat sa reps.. bagay na bagay to sakin di gano kahaba daliri, nga pala wala ba 24 frets nito? mabigat at soft kasi ang balak ko tugtugan, halo halo hehe.., tsaka balak mag aral ng iskala.. saka magkano kaya price nito ngayun sa market? napakarami nyu lam sa gitara haha:salute:

archangels
20th Apr 2012, 11:42
hmm,, mga limang taon pa cguro bago ako makabili
mag iipon ako ng 5php a day
5x30=150
150x12=1800
1800x5=9000

kulang pa ng 1k :lol:
:clap:

:clap: haha! sige,good luck,, pero sa tingin ko yung presyo ng 5php ngayon e hindi na katulad 5 years from now,kaya baka hindi na 10k ang ipunin mo, joke! peace! :peace: :rock:

:salute:

papajim
20th Apr 2012, 14:28
-sir, lahat ba talaga pag-aaralan ko? mula sa basics, major/minor scales hanggang sa modes
nalilito ako,, pinapraktis ko ang major scale tapos hindi ko naman alam kung panu gamitin

Depende sa tugtugan na type mo. But usually ang minamaster lang ay major, minor, major pentatonic at minor pentatonic scales lang.

-pano ko ma.aaply ang scales sa kanta?

Need mo talagang mag aral ng music theory para malaman mo what notes are present on a particular chord so alam mo ang gagamitin mong note and scales for a particular chord progression.

-pag ba marunong na ako sa scales magaling na ako na gitarista?

No music is an art form, so critical dito ang choice of notes mo at kung paano mo siya tutugtugin (slide, vibrato, legato, staccato, sustained) and tone mo (guitar mo at amp if electric guitar and/or pedals or multi efx)

-pag may electric guitar ba ako madali lang bang iplay ang canon rock?

Yes basta hindi peke electric guitar mo o yung mga gawang sta. mesa :giggle: :slap:

-kailangan ko bang mag-aral ng note-reading?

According to my experience, not necessary :approve:
Importante lang ay enjoy mo lang ang guitar journey mo :salute:

thunderock
20th Apr 2012, 20:07
@arch
:slap: basta darating rin ang panahon :pray:

@papajim
pano ko po ilalagay sa song ang scales o ipplay sa song?? Panu ko siya gagamitin?
-at sa music theory naman, nag basa-basa ako :read:
sana may perfect pitch ako para sisiw nalang ang pag tune ng gitara, di na kelangan gamitan ng tuner :lol:

papajim
21st Apr 2012, 08:55
@thunderock

pano ko po ilalagay sa song ang scales o ipplay sa song?? Panu ko siya gagamitin?
-at sa music theory naman, nag basa-basa ako

Ok so given binigyan ka ng chord progression, alamin mo yung key ng chord progression na yun then dun mo malalaman what scale to use for that progression say:

| G \ \ \ | D \ \ \ | Em \ \ \ | C \ \ \ | \ \ \ \ | - so obviously key of G so G major scale, G pentatonic and E pentatonic pasok dyan then go to your fretboard and map out ang mga forms ng mga scales na yan then play around at sa pag play around mo may narinig ka na magandang riff then commit it to memory. Hopefully sa pag basa basa mo ng music theory eh memorized mo na ang chord families at major scales nila :approve:

sana may perfect pitch ako para sisiw nalang ang pag tune ng gitara, di na kelangan gamitan ng tuner

Sa taga tagal ko nag gigitara tatlo ang chromatic tuners ko so yung mga tuners na yan ay necessity kahit anong skill level ka pa :approve:

DAVILOU
21st Apr 2012, 13:21
rockers may nabibili pa ba mga Tableture ngayon.?

thunderock
21st Apr 2012, 13:42
@thunderock

Ok so given binigyan ka ng chord progression, alamin mo yung key ng chord progression na yun then dun mo malalaman what scale to use for that progression say:

| G \ \ \ | D \ \ \ | Em \ \ \ | C \ \ \ | \ \ \ \ | - so obviously key of G so G major scale, G pentatonic and E pentatonic pasok dyan then go to your fretboard and map out ang mga forms ng mga scales na yan then play around at sa pag play around mo may narinig ka na magandang riff then commit it to memory. Hopefully sa pag basa basa mo ng music theory eh memorized mo na ang chord families at major scales nila :approve:

Sa taga tagal ko nag gigitara tatlo ang chromatic tuners ko so yung mga tuners na yan ay necessity kahit anong skill level ka pa :approve:

:D ah. ipplay ko lang pala ang scale at isasabay sa kanta?
:think: for example yung solo ng magbalik? panu yun?

at ano ang pinagkaiba ng modes, arpeggios, scales, pentatonic scale?? major scale lang kase ang nabasa ko,, nagmememorize pa ako sa fretboard ngayon :D

hackedXP
21st Apr 2012, 18:27
just to ask guys, bibili ako ng acoustic guitar next week e, gusto ko sana humingi ng advise, ano ba ang tinitignan sa gitara or ano ung basehan o criteria sa pagpili ng guitar? pang start lang praktis pa langako e :) pls answer , and i'll really appreciate it! thanks

massterbeat
21st Apr 2012, 18:58
may kilala ba kayo na nag aayos ng guitar effects?zoom g1x yung effects ko parang nasunog yung board.ayaw na bumukas

my_game0621
21st Apr 2012, 19:10
Ano timpla ng ampli. ng tugtugan ng kamikazee pati nung effects nila?

domgallos
22nd Apr 2012, 05:43
Hi guys, tatanong lng sana aq ng magandang brand ng acoustic guitar.. I'm planning to buy my second guitar, mumurahin lng kc binili q nung una kasi nag-aaral pa lang aq.. Gusto ko makabili ng high quality na gitara pero affordable.. tnx. :salute:

papajim
22nd Apr 2012, 17:38
ah. ipplay ko lang pala ang scale at isasabay sa kanta?
for example yung solo ng magbalik? panu yun?

In other words may isa pang gitara na magri-rhythm sa iyo habang naglalaro ka sa scales or for most of us jamtracks ang kailangan :giggle: lalo na kung nag iisa ka lang

at ano ang pinagkaiba ng modes, arpeggios, scales, pentatonic scale?? major scale lang kase ang nabasa ko,, nagmememorize pa ako sa fretboard ngayon

Bro gamit lang ng search button marami na kasing lesson pinost ng mga master dito sa napakahabang thread na ito :giggle: at magaganda pa mga lessons nila very easy to understand :approve:

@hackedXP
Depende sa budget mo yan bro at kung anong tunog ang hanap mo sa acoustic. Hanapin mo yung may patigas na kahoy doon sa may bridge kasi doon lagi nagsisimula ang pag sira ng acoustic eh. Pero recommended ko ang Squier SA - 10 sa mga nagsisimula pa lang :approve:

@domgallos
Yamaha acoustics
Celebrity by Ovation
Epiphone Acoustics
Emilio Lumanog custom acoustics (hindi ko alam kung meron pa ito)
Guitar Salon custom acoustics
Takamine
Elegee guitars
Fernando acoustics
:approve:

thunderock
22nd Apr 2012, 19:24
ah,, kelangan pala may ka jam? Sayang ako lang ang marunong mag.gitara dito samen :slap:

chesterkevin
22nd Apr 2012, 19:39
gitarista pasok

powghi
22nd Apr 2012, 20:15
just to ask guys, bibili ako ng acoustic guitar next week e, gusto ko sana humingi ng advise, ano ba ang tinitignan sa gitara or ano ung basehan o criteria sa pagpili ng guitar? pang start lang praktis pa langako e :) pls answer , and i'll really appreciate it! thanks

Pwede na ang Fernando guitars or SX.

Salawinit
23rd Apr 2012, 07:03
Mga masters ano mga Instructional Videos kayo na pwede mai-suggest sa lahat ng level ng player? Pa-share naman po kung meron kayo..

At kung meron din kayong music theory books/self help tutorials jan pa-share naman po.

Many thanks in advance!

lomerlo
23rd Apr 2012, 13:25
Sir, ask ko lang po kung panu pag-aralan ang mga scale sa guitar kasi hndi ko ma afford bayad pag magpaturo ng advance guitar ang mahal kasi. :noidea::upset::upset:baka may alam kayong links pra mpag aralan ko ito ng libre. :p
tnx po mga sir!!:praise::praise: