Karamihan ng mga naniniwala sa 'flat earth' concepts ay palaging nag-babase ng kanilang mga conclusions sa 'personal observations' (halimbawa, yung pagtingin sa horizon pag sumakay ng eroplano, o kaya na bakit isang phase lang daw ng buwan ang nakikita, etc.). Ang masasabi ko ang dito base sa mga experiences ko bilang isang Engineer ay eto: Ang science/syensya na ilang daang taon ng nagbigay ng improvement sa buhay natin ay rooted sa scientific method, para hindi dumedepende sa human senses and opinions ang mga pag-aaral. Kahit gaano pa kagaling ang senses o critical thinking ng isang tao, prone pa rin sya sa intellectual and emotional bias.
Sa trabaho ko bilang isang Civil Works Engineer, malaking parte ng engineering design namin ang geographical and topographical data ng bawat lugar na dinidisenyuhan namin ng mga istruktura---mga geographical and topographical data na nakuha namin using GPS data na galing sa satellites na naka-deploy sa orbit around earth. Ang mga satellites na ito ay hindi mai-dedeploy at gagana kung hindi dahil sa mga mathematical formulas mula sa Relativity at Gravitational Theory, samantalang hindi sana gagana ang mga ito kung talaga ngang flat ang earth katulad ng sinasabi ng mga naniniwala dito. Kahit nga iyang mga GPS sa cellphones niyo ay di gagana kung hindi spherical ang earth
Kung totoong nga na ang earth ay flat, wag niyo ng gamiting ang mga GPS ng cellphones niyo. Wag na rin kayong mag-google maps, grab, angkas, at kung ano pang umaasa sa mga satellites.
Ang totoo niyan, kung talagang flat ang earth, sobrang daming technology ngayon ang di niyo sana nagagamit. Nakakalungkot, pero madaling maniwala ang mga tao ngayon sa nababasa o napapanuod lang sa internet dahil hindi sila sapat na scientifically literate.
There are things not subject to anyone's opinion and belief, like facts.