5 years pa lang ako sir sa programming. 2014 ako naging programmer talaga. dati akong MIS Assistant sa School na pinag aralan ko, pag grad ko inabsorb nila ako. ako ang naging tech support nila sa buong campus at pati sa mga branches nila. pinagsasabay ko na nun ang programming pero sa dami ng work dati pahapyaw lang ang pag aaral sa prog. tas nung may oportunity sa isang multi national na company samin, nag exam ako for Developer 1 at pumasa naman kaya lipat agad as Developer na. tas 3 mos lang ako dun kasi kupal yung project manager namin, byahe ako agad manila para maghanap ng trabaho kaya eto programmer na ako.
Marami na akong naging projects pero hindi sya as in whole project kasi team naman ang gagawa pag nasa company ka. makakagawa ka lang namn ng buong project na ikaw lang kung iisa ka lang or may outside projects ka. pero pag sa company, madalas yan team kayo. per module ang gawa nyo, dipende sa iaasign ng project manager nyo.
assuming may table ka na may colums na katulad nung binigay ko sayo sa una kong mga comments, insert mo sya ng ganto:
Dim cmd As New MySqlCommand("INSERT INTO UserAccounts(uid,uname,fname,lname,pw,rights,isdisabled) VALUES (@uid,@uname,@fn,@ln,@pw,@rights,@isdisabled)", MysqlConn)
cmd.Parameters.AddWithValue("@uid", TextId.Text)
cmd.Parameters.AddWithValue("@uname", TextUname.Text)
cmd.Parameters.AddWithValue("@fn", TextFn.Text)
cmd.Parameters.AddWithValue("@ln", TextLn.Text)
cmd.Parameters.AddWithValue("@pw", TextPw)
cmd.Parameters.AddWithValue("@rights", TextRights.Text)
cmd.Parameters.AddWithValue("@isdisabled", 0)
cmd.CommandType = CommandType.Text
cmd.ExecuteNonQuery()
Tandaan mo, hindi as is na code yan kasi snippet lang yang binibigay ko sayo para may idea ka lang. hindi yan ang mga "Good Practice" na coding scheme. para ma improve mo yan, basa ka ng books or basa ka sa mga forums like codeproject or stackoverflow. mabangis mga sites na yan.
Advised ko lang, kung gusto mo ng strong foundation sa programming, C-Based language dapat ang pag aralan mo. Mas mahirap syang pagaralan pero once may foundation ka na, mas madali ng matutuo sa ibang language. Ang problema kasi sa Vb.net, English-like sya which is napakadali lang nyang aralin pero hindi kasi yan ang base syntax at convention sa coding. madalas ang programming language based sa C ang syntax kaya kung galing ka sa vb,basic,python,etc,.. ang hirap mag jump sa mga ibang mainstream language gaya ng java, c++, C#, Objective-C, php, swift na mas highly paids at madalas na requirement sa mga company kaysa sa vb.net. unlike pag marunong ka sa C-Like language lets say C# or Objective-C, napakadali na lang matuto sa Java or php. although number 1 at isa sa highly paid ngayon ang python kasi napakadali lang aralin at, prefered sya sa web development kaysa java or ruby on rails or php. opinion ko lang naman yan based sa experienced ko. yung kasing mga mates ko na vb 6 galing, hirap silang nag shift sa C# dati kaya nag vb.net na lang sila. pero nung ako ang nag shift sa vb.net from C++ at C#, ang dali ko lang inaral, actualy, hindi ko na sya inaral e, nag codes na agad ako kasi ang dali ko lang naintindihan ang syntax nya.
Tapos next mong aralin is SQL T-SQL. di hamak na jan ka mas mahihirapan sa pag gawa ng software kaysa sa front-end mo. ang hirap gumawa ng sql scripts. hirap mag manipulate ng table. lalo na pag malalaking project ang handle mo, dudugo talaga ilong mo sa SQL Stored Procedures, Functions, Triggers. tapos gagawa ka ng mahihirap na mga reports, pusang gala, hirap mag manipulate ng data sa SQL. kaya nga sa malalaking company, separate ang tinatawag na DBAs kasi mahirap na trabaho yang SQL, ang kagandahan ngayon ng mga bagong language, may mga ORMs na sila gaya ng LINQ-SQL, Entity Framework, NHibernate na mapapadali na buhay mo sa pag script sa SQL. pero di ka parin makakaiwas kasi nga sa reporting kayalangan mo parin mag Strored Proc.
At advise ko sayo, wag kang gumamit ng SQL string Query sa mga commands mo, gamit ka ng Stored procedures para mas madali mag manage ng codes lalo na sa busines logics at calculations mo at una sa lahat, hindi prone sa SQL injection.