View Single Post
  #87  
Old 30th Aug 2011 Tue, 17:44
mind^^FREAK's Avatar
mind^^FREAK Male mind^^FREAK is offline
Symbianize Specialist

 
Join Date: Aug 2009
Location: nasa cr..
Posts: 2,068
Reputation: mind^^FREAK is a jewel in the roughmind^^FREAK is a jewel in the roughmind^^FREAK is a jewel in the roughmind^^FREAK is a jewel in the rough
Default Re: [8/13/11] Supling ng malikot na isip..<" MYSTERY ">

ahm..tong next post na tula medyo malalim..mabigat ang damdamin..

sir psyk try mo kung magfit ito dun sa cross divided..medyo iba kasi ang naging dating sa akin





Banal na Aral

Umiiyak ang puso sa langit,
Banal na aral lagi mong binabangit
Kamay na may dugo
Dilang may patalim ang gamit.

Mula sa lupa'y tumatangis
Ang mga dugong nakadanas ng hinagpis
Inaakay ka rin ng kapwa mo bulag
Isang ahas sa luklukang mataas.

Lahi sa lahi ang nagtutuos
Nagtatalo sa iisang utos
Kay rami nyo bang Diyos
Katotohana'y di nyo matalos.

Mga litanya mong hungkag
Mga doktrinang basag
Nasubok mo nabang mag-abot
Nakaranas ka na ba ng hilakbot.

Marami pa bang dugo ang kailangan
Hindi ba't sapat na ang isang inalay
Pagmasdan mo ang sarili mong kamay
Bago ka umusal ng dasal.

Luhang mula sa langit
Mabatid nyo nawa ang nais
Kapayapaa'y di makakamit
Sa pagkitil ng isang kapatid.










¤mind^^FREAK¤



+verdaderos sentimientos
se ocultan en las parábolas+


[TRIPS][LOVE][Poetry101]
Reply With Quote