Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Results 1 to 1 of 1
  1. #1

    Hats Off Salamat sa mga Kaibigan Mo!

    Disclaimer: Ang kwentong ito ay produkto ng malikhaing imahinasyon. Ang pangalan ng mga tauhan at mga pangyayari sa kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kuwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.



    ~o~



    Last December 15, 2006, Hannah broke up with me. I tried everything to talk to her but she didn't listen. Hindi ako nakapagpaliwanag. Umabot pa sa punto na sinabi niya ang mga katagang:


    "Hindi na kita mahal! Ayaw na kitang makita kahit kailan!"

    Masakit...

    Nakakapanlumo...

    Nawalan ako ng ganang mabuhay...


    ~o~


    Ako nga pala si Gabriel Suarez. My friends call me Gab. Others, well Gabriel, pronounced as Gab-ri-yel, or 'yung iba naman ay Gey-bri-yel. It doesn't matter anyway. As long as alam kong ako ang tinatawag, ayos na 'yun.

    Three months na ding ganito ang routine.

    Pinilit umiwas.

    Pinilit na maibaling ang atensyon sa pag-aaral.

    Then suddenly...

    There was this Battle of the Bands. As far as I can remember, wala namang specific genre.

    Ang labo nga e.

    Ewan.

    Ang alam ko, hindi ako interesado.

    Tamang tama 'yun! Maaga ang uwian!


    Contrary sa aking desisyon, my friends asked me to join them and sing. Sila daw ang tutugtog.

    Si Neil ang Lead Guitarist, si Reynald ang Bass Guitarist and si Carlo ang sa Drums!

    Sa una, ayaw ko, pero hindi ko sila kayang pahindian e.


    Ako: "Mga tol naman, hindi naman maganda boses ko e. Mapapahiya lang ako dyan! Amp!"

    Reynald: "Pre, hindi ka naman namin lalapitan kung gusto naming mapahiya e!"
    *aba, seryoso ang mokong*

    Neil: "Back-up singers mo naman kami e. Sapuhan lang tayo. Besides, hindi ka naman magiging champion sa Amateur Singing Contest sa may Malabon kung wala kang talent e."
    *at least this one gave me a reason to give it a shot!*


    They give me three songs. Tatlo daw kasi ang tutugtugin. The first one is "Ngiti" by Ronnie Liang. The second one is "Hanggang" by Wency Cornejo and the third one is "Siguro" by Yeng Constantino.


    Napaisip ako. Natawa. Pero medyo napikon.


    Ako:"Amp naman! Puro Love songs! Ano ba yan?!"
    *buntong-hininga*

    Neil : "Sige na pre, para sa amin naman 'to e. May didiskartehan lang kame kaya tayo sasali"
    *tatawa-tawa ang mokong*

    Ako: "Oo na, sige na. Makakatanggi pa ba ako eh nakapag-file na kayo?!"
    *medyo pasigaw pero nakangiti*

    "May magagawa pa ba ako? Whew!"
    *nakangiti kahit may itinatagong lungkot*


    ~o~


    Sa kabutihang palad eh nakapasok naman sa elimination. Only 6 bands have been chosen.

    Ako: "Oh, ayos na ang mga kanta ah!"
    *Piling leader ng grupo*

    Carlo : "Oo, kumpleto naman na dun e. 'Yang mga gitara nyo na lang ang dadalhin. Alangan namang buhatin ko pa ang drum set ko!"
    *Ang palabirong torpe bumabanat ah*

    Lahat kami marunong mag-gitara. Si Carlo lang ang marunong mag-drums so dun na siya! Naka-ready na naman ang drums sa stage. Kanya-kanyang dala na lang ng gitara.


    ~o~


    March 17, 2006, Friday night. Hindi ko 'to makakalimutan. Paano ba naman? First time kong kakanta sa isang banda sa harap ng madaming tao! Well, sa loob lang naman kami ng school. Sa field. Sa UE to be exact.

    Pangatlo pala kaming kakanta. Medyo nakakakaba, pero ayos lang, normal lang naman 'yun.

    Then...

    Reynald approached me.

    Reynald: "Pre, may pagbabago sa kakantahin. Mamaya mo na malalaman kung ano. Alam mo naman 'yung kanta. Napagtripan na natin 'yun kila Neil dati."
    *seryoso na naman ang mukha?!*

    Ako: "Oh? Eh bakit mamaya pa? Baka hindi ko kabisado 'yung lyrics amp!"
    *Palamura ako talaga e*

    Reynald: "Alam mo 'yun! Sasapuhin ka naman nila Neil eh."
    *mas sumeseryoso ang mukha! nakakatakot!*

    Ako: "Oo na, sige na. Ayusin ko lang gamit ko."
    *kunwari parang wala lang pero excited!*


    ~o~


    Papunta na kami sa gilid ng stage...

    then I saw her friends...

    but I didn't see her...

    Napaisip ako...


    "Nandyan kaya si Hannah ngayon? Mapapanood niya kaya ako?"


    But I have to set aside this things. Dapat walang distraction.


    "Focus!"
    *deep inhale-exhale*


    ~o~


    Kami na ang sasalang. Excited na medyo kabado. Normal lang naman 'yun e!

    Near the stairs, I saw a table with two bouquet of roses.

    Neil: "Amin yan pre. Una akong bababa habang tumutugtog sa chorus natin sa unang kanta. Tapos sa second song naman, si Carlo ang didiskarte. Aalis na lang siyang basta. Alangan namang magdrums ka habang kumakanta"
    *nagbibiro pa ang mokong. ginamit mo na nga ako sa pagdiskarte nyo e!*

    Ako: "Eh ano ba 'yung ipapalit na kanta?"

    Neil: "Basta pre. Hintayin mo na lang kaming magsalita mamaya."
    *hindi mapigilang hindi mangiti*

    "Ano nga kaya 'yun? May pinaplano na naman kayang ka-adikan ang mga 'to?!"


    ~o~


    Heto na! Kumakanta na nga kami!

    Unang kanta. Ayos naman ang flow!

    Sinenyasan na ako ni Neil. Ako na ang tumugtog habang kumakanta.

    Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
    At sa tuwing ikaw ay gagalaw
    Ang mundo ko'y tumitigil
    Para lang sayo
    Ang awit ng aking puso
    Sana'y mapansin mo rin
    Ang lihim kong pagtingin
    Umalis na agad si Neil. Kinuha ang bulaklak. Iniabot sa close friend ng bestfriend ko.

    "Hanep ah! Akala ko torpe din 'tong mokong na 'to!"

    Hindi naman napahiya si Neil. Hindi mapigilan ng babae ang ngiti! Tamang-tama sa kanta!


    ~o~


    Pangalawang kanta na.

    Habang nasa lyrics na:

    Hanggang may puso akong
    marunong magmahal
    na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
    hanggang saan hanggang kailan
    hanggang kailan kitang mahal
    hanggang ang buhay ko'y
    kunin ng Maykapal
    Carlo did the same thing. Kinuha ang bulaklak, pumunta sa nililigawan niya for almost a year now.

    Napasagot niya ang nililigawan niya. Kitang-kita namin ang ligaya sa kanyang mukha! Nagyakapan pa nga e!

    "Nakakainggit naman..."


    ~o~


    Tapos na ang kanta. Down to the last one.


    Neil talked to the crowd:


    Neil: "Maraming salamat po sa pagkakataong ito! We are down to our last song. Heto pong kantang ito, ganitong-ganito po ang nararamdaman ng kasamahan namin sa banda. Alam po namin ang dinaranas niya ngayon at nais po naming makatulong sa kanya. We already talked to the University Student Council to give my buddy, ang amin pong vocalist, just 5 - 7 minutes to say something after this song."


    Neil started plucking.


    Intro: G - F#/D - Em - Am - C - D


    "Teka! You guys must be kidding me!"


    The song is Gary Valenciano's Sana Maulit Muli!


    Well, the show must go on! I have no choice but to sing it.


    Pero...


    habang kumakanta...


    hindi ko napigilang maluha...

    Kung kaya kong umiwas na,
    di na sana aasa pa
    Kung kaya kong iwanan ka,
    di na sana lalapit pa

    Mahal pa rin kita!
    Oh Giliw, oh Giliw!

    Natapos ko ang kanta. Hindi ko na mapigilan pa. I need to say what I feel, dahil kung hindi, sasabog ako!


    Ako:

    "Hannah, kahit kailan hindi kita niloko...

    Kahit kailan hindi ako nagtago ng sikreto sa'yo...

    Sa loob ng limang taong pinagsamahan natin...

    Hindi pa din buo ang tiwala mo sa akin?!


    Ni hindi mo 'ko hinayaang magpaliwanag...

    Basta-basta mo 'kong iniwan...


    Ngayon, may pagkakataon na akong linisin ang pangalan ko...

    Ngayon makakapagpaliwanag na ako...


    Oo, tama ang mga kaibigan mo.

    Meron nga akong kasama noong December 14, 2006,

    and yes, sa Trinoma.

    'Yung babaeng kasama ko ay si Beatrice de Guzman.

    ang batang karga-karga ko ay si Pete de Guzman.

    Ang mother po ni Beatrice ay si Roxanne de Guzman na kapatid naman po ni Alyssa Suarez na siya naman pong mother ko.

    I guess alam mo na ang relasyon ko sa babaeng kasama ko at sa batang karga 'ko. Kakauwi nya lang ng 'Pinas at that time kaya hindi ko pa siya napapakilala sa'yo.

    Nagpasama ako sa kanya para tulungan akong pumili ng maireregalo ko para sa'yo. Alam ko kasing malaki ang magiging tulong niya sa akin e.
    *buntong-hininga*


    Well, it has been 3 months already.


    Ang bilis ng panahon no? Pero hanggang ngayon hindi ka pa din nawala sa puso't isipan ko.

    Hmm..., salamat sa mga kaibigan mo. Kung hindi dahil sa kanila, sana tayo pa din hanggang ngayon. Sana masaya pa din tayo.

    Oh well, I guess naka-move on ka na. Hindi na 'ko maghahabol pa. I swear, hindi na ako aasa pang muli! Heto naman ang gusto mo e. So be it!"


    (me pertaining to the vice pres. of the USC) "Pre, tapos na ba 'yung 7 minutes? Pasensya na kung mahaba at madrama."


    (me pertaining to all) "Salamat po pala sa pagkakataong ito. Salamat po sa bumubuo ng University Student Council at sa buong UE Community. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal!"




    Pagkatapos kong magsalita, tila naging blangko ang paligid ko. Ni hindi ko alam kung may mga pumalakpak ba o kung pinagtawanan lang nila ako.

    Basta ang alam ko, kahit papaano, nabawasan ang dinadala ko sa puso ko.


    ~o~


    While packing up my things, malapit na akong bumaba ng stage when Neil stopped me.

    Neil: "Pre, nakita ko na si Hannah. Nandun oh"
    *sabay turo sa pwesto nila*

    I saw her there, standing with her friends, crying.

    At that time, lalo akong nalungkot.

    Kung pwede ko lang sana siyang lapitan.

    Gusto ko siyang yakapin at sabihing, "Nandito na ako, tahan na."

    Pero papaano ko naman gagawin 'yun?

    Wala naman akong karapatan.


    ~o~


    Pinilit kong itago ang aking nararamdaman.

    I didn't approach her. Instead, nagmadali akong lumabas ng gate. I want to go home A.S.A.P.!

    Hanggang ngayon masakit pa din. Ayaw ko talaga siyang nakikitang umiiyak. Ayaw ko siyang nasasaktan.


    ~o~


    Well, April 1, 2012 na ngayon.

    Wala na akong balita kay Hannah. Basta ang alam ko, dahil sa kanya, hindi ko na pinilit pang maghanap pa ng iba. Opo, single pa din ako.

    Pero hindi naman forever 'yun.

    Makaka-move on din ako.

    Even without the girl that I love the most!


    Last edited by Circuited Soul; 4th Nov 2013 at 13:46. Reason: Additional Note

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •