salamat narin dahil isa din ako sa batang 90's napakaraming mga pangyayari nuon gaya ng mga post ni ts ang nagawa ko..
pero ngayon wala na kong nakikita na gumagawa ng mga ganito sa mga bata..
naaalala ko ang mga iba ko pang naranasan na tuwing gabi my krus kaming nililipat lipat sa iba ibang bahay at kakanta at sasayaw tapos may dalang ilaw yung ilaw na yun ay busa ng mais na sinasaw saw sa may hawak na gaas na nasa lata..tapos kapag nalipat na sa ibang bahay babalik kami dun sa pinag kuhanan namin at mamimigay yun ng pagkain gaya ng chichirya or lugaw, sopas..nd ko makakalimutan yun nung yung isang bahay ay namigay ng sopas at sobrang init tapos nag uwian kami para kumuha ng lalagyan at nung ng bbgayan na at hawak ko na yung sopas ko at natulak ako at tumapon sa dibdib ko yung sopas na yun grabe ang iyak ko nun at lumobo ang balat ng tyan ko paltos ata tawag dun grabe ang sugat na yun nag iwan pa sakin ng peklat hanggang ngayon pero malabo na lang hahahah..
nakakatawa yun may kasama pa kami mga babae at bading
tapos bibili ng maliliit na itik at ddalhin sa bukid para ipastol kunwari kasama mga kalaro at sabay sabay mag tatawag ng kekekekekekekek hahahaha nakakatawa talaga


tapos yung itik mu sa ibang kalaro lumalapit dahil mas malaks boses nya hahahah..at kapag nakapahinga na huhuli ng paru paro para ipakain sa mga itik.
salamat sa pag gunita sa 90s ts.