Symbianize





Stories and Essays Collections of famous or personal stories and essays. Look or share yours here.

Reply
  #1  
Old 5th Jul 2012 Thu, 11:20
huishipai's Avatar
huishipai Male huishipai is offline
Expert
 
Join Date: Oct 2008
Posts: 255
Reputation: huishipai is an unknown quantity at this point
Default Tamang desisyon

Ano nga ba ang mas mahalaga – Pagkakaibigan o Pag-ibig?
Second year high school ako noon at nasa pinakamataas na seksyon. Sabi nga nung iba pag nasa sekyon na yun may mga sariling mundo at nagpapataasan ng ihi. Sa tingin ko hindi naman, marunong din naman kami ng mga kalokohan, at magkakaibigan din naman kami.

6 kaming masasabing close friends;si Bert, Ferds, Kris, Vic, Jerome at Ako. May mga nagugustuhan din kami, sa katunayan may mga nililigawan ng panahon na yun sina Bert, Ferds, Kris at Vic. Isa akong sakristan sa aming Simbahan, may kaklase kami na choir naman si Jel. Si Jel ang nililigawan ni Kris na kung sa hitsura lang naman ay sadyang maganda talaga, may kaliitin nga lang. Ilang buwan ng nanliligaw si Kris kay Jel, saksi hindi lang ang barkadahan namin dito kundi ang buong seksyon pa maging ang iba naming guro. Isa ako sa itinuturing ni Kris na mag-uugnay sa kanila ni Jel dahil nga sa magkasama kami sa simbahan lalo na tuwing Linggo na halos ay doon na kami tumira. Inilalapit ko rin naman si Kris kay Jel dahil nga sa barkada ko eto at ako naman ay walang nililigawan noong panahon na yun, hindi ko masasabing magandang lalaki ako pero sigurado naman akong hindi ako pangit, kaya wala akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang mag-aral at tumambay.

Isang araw ng Huwebes hindi nakapasok si Jel dahil daw may sakit ayon sa kanyang pinsang babae na kaklase rin namin. May inabot sa aking sulat ang pinsan niya na akala ko ay para kay Kris kaya ibinigay ko kay Kris ang sulat para mabasa niya. Nagulat ako matapos niyang basahin ang sulat ay tumahimik siya at umiyak, nagtaka ako pagkat maging ang buong barkada ay parang masama ang loob sa akin maliban kay Bert na matalik kong kaibigan. Hindi nila ako kinikibo kaya kinuha ko ang sulat para basahin. Ako naman ang nagulat at naguluhan, totoo ba tong nakalagay sa sulat wika ko sa aking sarili dahil nakalagay sa sulat ang pagtatapat ng pag-ibig ni Jel sa akin (grabe ang pogi ng dating ko nun). Nag try akong kausapin si Kris para magpaliwanag pero ayaw niyang makinig sa akin. Yung pinsan niyang nag abot ng sulat ay masama rin ang loob sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan.

Kinabukasan ng pumasok si Jel gusto ko sanang tanungin bakit siya sumulat ng ganun pero nagulat ako ng halikan niya ako at tumabi sa upuan ko. Napatingin lahat sa amin ang mga kaklase namin pati ang barkada ko at naririnig ko yung iba na nagtatanong paano daw nangyari yun. Wala ako sa sarili ko buong araw hanggang mag uwian hindi ko nga nakausap ang barkada ko regarding sa nangyari. Hinatid ko si Jel hanggang sakayan lang dahil gusto kong balikan ang tropa pero wala na akong binalikan, lumakad sila ng hindi ako isinama. Bago kami naghiwalay ni Jel sinabi niyang magkita kami sa church kinabukasan dahil tuwing sabado may practice sila sa choir.

Pag uwi ko ng bahay nag isip ako ng husto, Masaya ba ako at bigla akong nag ka GF? Pero bigla rin akong nawalan ng mga barkada. Hindi halos ako nakatulog ng gabi na yun dahil sa dinadala ko. Alas 3 ng sabado ang usapan namin, alas dos na ng hapon hindi pa ako kumikilos, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Magiging Masaya ba akong kasama siya, na kaming 2 lang sa loob ng klase? Alas 3 na nasa bahay pa rin ako hindi ako kumikilos, nakapag pasiya na ako, mas Masaya ako sa mga kaibigan ko. May iba pa naming darating diyan na hindi maaapektuhan ang pakikipag kaibigan ko. Yung walang conflict. Yung wala akong iiwasang mga kaibigan kapag kasama ko ang mahal ko. Yung makakasama ko sa kasiyahan pag may kasiyahan ang barkada. At hindi si Jel yun dahil hindi ko siya maisasama kasama ang mga kaibigan ko. O hindi ako puwedeng sumama sa mga kaibigan ko ng kasama siya. Sayang crush ko rin naman talaga si Jel pero alam kong hindi eto mag wowork. Pero salamat na rin sa isang araw na naging kami, I will treasure it til I die.

After kong gawin ang hindi pagsipot kay Jel parang walang nagyari pag pasok naming ng lunes, hindi na kami. Wala ng kami. Pero nakabalik naman ako sa mga kaibigan ko. Naging Masaya ulit ako. Mabuti na lang at nag isip ako. Hindi pala lahat ay ipaglalaban mo pagdating sa pag-ibig. Hindi rin pala tamang ipaglaban mo ang pag-ibig na alam mong hindi naman magwowork sa umpisa pa lang. tama ang pasya ko. Mabuti na lang minsan mahilig akong mag dalawang isip. Nakatulong eto sa akin. Salamat naman.


Reply With Quote
Other Resources
  #2  
Old 5th Jul 2012 Thu, 13:09
komwari's Avatar
komwari Female komwari is offline
Forum Consultant
 
Join Date: Feb 2009
Location: sa loob ng kisame
Posts: 1,108
Reputation: komwari has a spectacular aura aboutkomwari has a spectacular aura about
Total Awards: 1
Symbianizers' Choice Award in Writing  

» view all
Default Re: Tamang desisyon

Magkakaibigan ba talaga kayo. Ikaw selfless, yung Kris selfish.



Reply With Quote
  #3  
Old 5th Jul 2012 Thu, 14:43
huishipai's Avatar
huishipai Male huishipai is offline
Expert
 
Join Date: Oct 2008
Posts: 255
Reputation: huishipai is an unknown quantity at this point
Default Re: Tamang desisyon

first love niya kasi sis kaya nagpa ubaya na lang ako..... salamat sa pagbasa....


Reply With Quote
Reply

Thread Tools

Forum Jump


All times are GMT +8. The time now is 16:02.