|
|
Hello, Guest! Welcome to Symbianize forums.
Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:
- Gain access to private forums and restricted features
- Reply and create new topics or polls
- Download free applications, games, themes, graphics, tones, videos, etc.
- Ask question or support related to mobile phone, computer, game console, and multimedia
- Private messaging (PM) with fellow members
- Communicate instantly or real-time with currently online members via Shout Box
All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
| |
| Stories and Essays Collections of famous or personal stories and essays. Look or share yours here. |
 |
|

28th Jul 2012 Sat, 23:40
|
 |
Expert
|
|
Join Date: Mar 2012
Location: n95c
Posts: 249
Reputation:
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)
ganda ng kwento mo ts  .waiting pa rin sa update.
|

29th Jul 2012 Sun, 14:15
|
 |
The Legend
|
|
Join Date: Nov 2010
Posts: 8,278
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)
update na!  19..
|

29th Jul 2012 Sun, 19:42
|
 |
Expert
|
|
Join Date: Dec 2010
Posts: 253
Reputation:
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)
lagpas na 1 buwan ng huling na-update toh ah.. sayang naman kung di masusundan.. hoping for an update very soon.
|

30th Jul 2012 Mon, 09:56
|
|
Amateur
|
|
Join Date: Apr 2011
Posts: 69
Reputation:
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)
sayang nakakabitin naman!
|

24th Aug 2012 Fri, 08:18
|
 |
Professional
|
|
Join Date: May 2009
Location: in your dreams
Posts: 185
Reputation:
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)
Tagal na nung huling update ni TS.
|

27th Aug 2012 Mon, 12:18
|
 |
Forum Advisor
|
|
Join Date: May 2009
Location: Bicol and laguna
Posts: 523
Reputation:
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)
ang ganda ng kwento abangan ko karugtonp update... update.. two thumbs up
|

10th Oct 2012 Wed, 12:23
|
 |
Symbianize Specialist
|
|
Join Date: Aug 2009
Location: nasa cr..
Posts: 2,068
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (18)
Eto po ang part 19.. Salamat sa lahat ng matyagang nag-aabang ng updates dito. Medyo mahirap lang kasi talagang kumuha ng mood magsulat pag hati yung atensyon mo.. Any ways pag damutan nyo na ang update na ito..happy reading
"anu yung nagyari?" nabigla pa din si Jc.
Madami na din namang nakahalik sa pisngi nya nung araw na 'yon pero may kakaiba talaga sa huling halik na nangyari.
"Teka," natigilan ang binata, "hindi kaya si.. nag-oover analize lang ata ako or siguro aminin ko man o hindi namimiss ko lang sya siguro."
Pabalik na sana sa kanyang pwesto ang binata ng may makita sya sa tabi ng lalagyan ng barya. napangiti ito sabay bulsa ng napulot.
Samantala nagbalik si Misha sa booth nila. Hindi mawari kung bakit dapat sana ay masaya sya sapagkat nakita nya na si Jc.
"Bakit ganun, kung tutuusin dapat sana masayang masaya ako. Pero para kasing unfair na kung hindi pa ako mahuhuli sa booth nila hindi ko pa sya makikita. Dati kahit walang ganun lagi ko syang kasama, yung halik sa pisngi magagawa ko kahit kailan ko gustong gawin. Masakit pa don hindi nya nalamang ako yun. nagiwan pa ako ng tanda pero hindi man lang nya ako sinundan. Siguro nga hindi na ako ganun kahalaga sa kanya, or ako lang ang nagaasume na may something special sa pagitan namin."
Agad sinalubong ng ngiti ni Ryan ang dalaga ng mapansing papalapit ito.
"Buti pa si Ryan kahit ganyan, kahit nababalewala ko lagi pa din nandyan." bulong ni Misha sa sarili sabay tugon ng ngiti sa binata.
"Oh, saan ka ba nagsuot? Nag-ikoy na ako kanina di kita nakita. Nag-alala tuloy ako kanina ka pa kasi wala sa sarili baka kung napano ka na." bati ni Ryan sa dalaga.
"Nandyan lang naman ako sa tabi-tabi." kaswal na tugon ng dalaga.
"Ry, salamat ha." si Misha
"Saan?" taka ng binata.
"Basta salamat." may ngiting tugon ng dalaga.
"Teka, baka mangungutang ka ha? wala akong dalang pera dito," gulat na sagot ni Ryan.
"Ano ka ba? Puro ka kalokohan." si Misha, "tara na't tumulong dun sa booth para naman makadami tayo."
Nagpatuloy ang araw para sa lahat. Nakadami naman ng biktima este kita ang booth nila Misha. Pinilit ng dalaga na maging masaya. Kahit pano naman eh ayaw nyang mabalewala ang effort ni Ryan na pagandahin ang araw nya.
Ganun din naman ang ginawa ni Jc, bagama't maghapon lang na nakaupo sa booth nila nabawasan ang lungkot na nadarama niya. Nabuo pa sa isip ng binata ang isang plano.
"Mamayang gabi may may valentines ball. Dapat ko na sigurong ipagtapat sa kanya yung dapat nyang malaman. Pero paano kung si Ryan pala talaga ang gusto nya? Paano kung kaibigan lang pala talaga ako para sa kanya? Kaya ko kayang tanggapin yun? Kaya ko kayang bumalik sa pagiging best friend na alam kong mas mababa na ang rank kasi mayroon nang nagpapatibok ng puso nya. Kung sabagay lahat naman hinala pa lang.Wala pang sure, teka kaya nga hinala kasi wala pang sure, ang redundant ko dun. Lalakasan ko na ang loob ko. I'll give it a shot, bahala na si batman."
Iyan ang nabuong plano sa isipan ng binata.
--------------------------------------
Valentines Party
" Excited ang lahat pero bakit ako parang half-hearted?" bulong ni Misha sa sarili habang nag-aayos sa harap ng salamin. As if naman sasagot ang reflection nya sa salamin parang sa commercial ng safe guard.
"Kung hindi lang ako umoo kay Ryan di na lang sana ako pupunta. Siguro kasi iba talag ang hangad ko na makasama don. Ilang ganito na din naman ang pinuntahan namin ni Jc mula nung highschool pero yung inaantay ko na sabihin nya 'di naman nya talaga nasabi. Baka naman kasi haggang dun na lang talaga. Baka i'm thinking to much ahead of my self. Thinking na he treasures me more than his bestfriend. Baka umaasa lang ako sa wala. Kung noon ngang close kami walang naganap na kung anu man ngayon pa kayang parang hindi kami magkakilala. Aminado naman akong mahal ko sya pero ano gagawin ko nganga na lang? Pano kung wala akong mahita? E nanjan naman si Ryan. Hindi sya mahirap mahalin at talagang pinapakita nya kung gaano ako kahalaga sa kanya. Siguro it's time to wake up from my fantasy. Hindi na'ko bata to believe in fairy tales. And I think today is a good time to move forward." muni-muni ng dalaga.
"Hoy Misha! Ilang tonelada ba ng make up ang ilalagay mo dyan sa mukha mo? May nag-aantay na sa'yo dito sa baba!" gulat ang dalaga sa sigaw ng kanyang ina.
|

10th Oct 2012 Wed, 15:25
|
 |
Amateur
|
|
Join Date: Nov 2010
Posts: 64
Reputation:
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (19)
bitin pa,anyway thanks
|

10th Oct 2012 Wed, 21:47
|
 |
Trainee
|
|
Join Date: May 2012
Posts: 37
Reputation:
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (19)
may pang 20 pa ba?
|

12th Oct 2012 Fri, 15:12
|
 |
Trainee
|
|
Join Date: May 2012
Posts: 37
Reputation:
|
|
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (19)
kailan po yung part 20?
|
 |
|
All times are GMT +8. The time now is 17:26.
|