Symbianize





Stories and Essays Collections of famous or personal stories and essays. Look or share yours here.

Reply
  #1  
Old 30th Jul 2012 Mon, 09:46
Quiaoit's Avatar
Quiaoit Male Quiaoit is offline
Symbianize Legend
 
Join Date: Nov 2009
Location: Igloo
Posts: 12,618
Reputation: Quiaoit is an unknown quantity at this point
Default Alamat ng kampupot



Maraming Amerikano ang naninirahan sa Pilipinas mula ng sakupin ng mga ito ang bansa. Ang iba sa kanila ay nakapag asawa ng mga Pilipina.
Isa sa mga ito ang Amerikanong si Charles na umibig sa Pilipinang si Maria.
Hindi man tanggap ng mga magulang ni Maria ang Amerikano ay wala silang nagawa.
Pinatunayan naman ni Charles ang matapat na hangarin kay Maria.
Hiningi nito ang pahintulot ng mga magulang ng dalaga upang pumayag na pakasalan ang babae.
Samantala hindi matanggap ni Apo Pot, lolo ni Maria, na mula sa lahi ng mga kalaban ang magiging asawa ng panganay na apo. Ang matanda ay kasamang lumalaban sa mga Amerikano ng sakupin ng mga ito ang Pilipinas.
Nakakuha ng kakampi si Karsing sa katauhan ni Apo Pot.
Ang binata ay manliligaw ni Maria ngunit nasawi dahil si Charles ang pinili ng dalaga.
Si Karsing ang inatasan ni Apo Pot upang agawin si Maria para hindi makasal kay Charles.
Sa lumang kampo na inaalagaan pa rin ni Apo Pot itinago ng dalawa si Maria.
Hindi malaman ng ama't ina ni Maria at maging si Charles kung saan ito hahanapin. Ni sa hinagap ay hindi nila naisip na si Apo Pot ang may pakana ng pagkawala nito.
Inakala ni Charles na nagbago ng damdamin si Maria at hindi maipagtapat ng harapan. Bumalik ng Amerika si Charles sa sama ng loob.
Nagkasakit si Maria, Nataranta si Apo Pot nang dumalaw si Karsing ay hindi nakatiis ang matanda.
Inutusan nito si Karsing na ipaalam sa anak at manugang ang pagkakasakit ng dalaga.
Huli na nang dumating ang dalawa dahil patay na si Maria.
Napabalita ng buong bayan ang pagkamatay ni Maria sa kampo ni Apo Pot.
Kaya nang may tumubong halaman at mamulaklak ng kulay puti sa pinaagtataguan kay Maria, ang naging paglalarawan dito ng mga tao ay "halaman sa kampo ni Pot." Umikli iyon ng umikli hanggang sa naging Kampupot.

the end



Reply With Quote
Other Resources
  #2  
Old 30th Jul 2012 Mon, 23:25
clickjustonce's Avatar
clickjustonce Male clickjustonce is offline
Expert
 
Join Date: Mar 2012
Location: n95c
Posts: 249
Reputation: clickjustonce is an unknown quantity at this point
Default Re: Alamat ng kampupot

haha ayos ah , dabest pa rin ung alamat ng ketchup pero dito ts !



g a n i t o k a m i s a


s y m b i a n i z e !





>w w w . s y m b i a n i z e . c o m<
Reply With Quote
  #3  
Old 31st Jul 2012 Tue, 08:43
rizza0806's Avatar
rizza0806 Female rizza0806 is offline
Forum Consultant
 
Join Date: Mar 2010
Posts: 1,839
Reputation: rizza0806 is an unknown quantity at this point
Default Re: Alamat ng kampupot

nasaan ang alamat ng ketchup?
--
hanapin ko na lang..
--
hmm..
--
sige na nga, kampupot..
--




If my GOD is for ME, then who shall be against me..
Reply With Quote
Reply

Thread Tools

Forum Jump


All times are GMT +8. The time now is 13:38.