Symbianize





Completed Archive of completed contests and awards. Congratulations once again to all the winners and awardees.

 
  #31  
Old 5th Aug 2012 Sun, 02:52
reykenjie's Avatar
reykenjie Male reykenjie is offline
Forum Advisor
 
Join Date: Aug 2011
Location: tanauan city batangas
Posts: 607
Reputation: reykenjie is an unknown quantity at this point
Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

+1 po para sa Entry #10,kasi parang may naalala ako nung kabataan ko,


Other Resources
  #32  
Old 6th Aug 2012 Mon, 07:56
cycleofmylife's Avatar
cycleofmylife Female cycleofmylife is offline
Forum Consultant
 
Join Date: Mar 2012
Posts: 1,089
Reputation: cycleofmylife is an unknown quantity at this point
Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

meron din palang ganitong contest dito

my vote goes to entry no.8..

una dahil ramdam ko ang dinadala nung girl dun sa story..it may not be a happy story pero yung heartfelt story is there. Goodluck to Entry no. 8 and keep on writing..




We come to love not by finding a perfect person, but by learning to see an imperfect person perfectly.

Last edited by cycleofmylife; 6th Aug 2012 Mon at 07:57..
  #33  
Old 7th Aug 2012 Tue, 07:24
melala's Avatar
melala Female melala is offline
The Legend
 
Join Date: Dec 2010
Location: Cavite
Posts: 8,106
Reputation: melala is a jewel in the roughmelala is a jewel in the roughmelala is a jewel in the roughmelala is a jewel in the rough
Total Awards: 3
Symbianizers' Choice Award in Graphics  

Symbianizers' Choice Award in Graphics  

Most Popular Female Symbianizer Award  

» view all
Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

Top 3 ko:

3rd
Entry #1. Your Song - Medyo kulang ng hook para sakin sa first few lines, pero nung binasa ko na later on masasabi ko convincing din naman yung way of writing nya ng story. Emotional, though kinwento niya in a narrative way.

2nd
Entry #5. Siguro - Cute story, pero medyo common though may ilang parts na hindi ko naintindihan kagad but overall maganda ang delivery, maganda pagkakasulat. Dagdag ko pa galing ng sense of humor tsaka compared sa 3rd choice ko, eto masasabi mong story talaga siya.

1st
Entry #8. Para Sayo - Hindi ko alam yung kanta na ginamit niya, tapos nung rinesearch ko yung lyrics; natuwa ako sa kakaibang interpretation niya ng song. Beautifully written. Nakakagulat yung twists sa kwento. Galing ng ending. Among all the entries eto yung masasabi kong outstanding.

My vote goes to entry #8.

Sa lahat ng sumali sa inyo. Salamat sa pagsali and keep writing!




Last edited by melala; 7th Aug 2012 Tue at 07:39..
  #34  
Old 7th Aug 2012 Tue, 09:50
aeonflux's Avatar
aeonflux aeonflux is offline
Symbianize Specialist

 
Join Date: Nov 2008
Location: MRS. LEE ♥
Posts: 4,477
Reputation: aeonflux is a jewel in the roughaeonflux is a jewel in the roughaeonflux is a jewel in the roughaeonflux is a jewel in the roughaeonflux is a jewel in the rough
Total Awards: 3
Symbianizers' Choice Award in Graphics  

Most Popular Male Symbianizer Award  

Symbianizers' Choice Award in Graphics  

» view all
Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

Medyo napagod ako sa pagbabasa sa lahat ng entries.
ang galing nyo lahat, you deserve this > ( )

- - - -

+ 1 Vote para sa Entry No. 8
Bakit?
You must read also para malaman mo

Tagos to the bones, ang sarap basahin







Mirror Request Here by Blitzers Group


Last edited by aeonflux; 7th Aug 2012 Tue at 09:52..
  #35  
Old 7th Aug 2012 Tue, 12:15
piSceS89's Avatar
piSceS89 Female piSceS89 is offline
Forum Advisor
 
Join Date: Apr 2012
Location: alone in his heart :)
Posts: 719
Reputation: piSceS89 is an unknown quantity at this point
Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

pwede pa ba ako mag vote?
lahat ng story mahusay, may isa lang na nalungkot ako sa gawa nya kasi nakakalungkot talaga ang story.. relate ako kahit hindi naman nangyari sakin.
kaya naman ang boto ko ay para sa entry # 8..
sayang hindi ako nakasali.



  #36  
Old 7th Aug 2012 Tue, 16:57
djvince301's Avatar
djvince301 Male djvince301 is offline
The Grand Master
 
Join Date: Oct 2011
Location: VARV Computer Works
Posts: 4,536
Reputation: djvince301 will become famous soon enough
Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

Ang hirap pumili..
Ngayon pa lang congrats sa lahat ng sumali ang gagaling niyo!

Wala talaga akong masabi sa mga Entry magaganda lahat!
Pero syempre may manok ako..
Sa Entry #3 ako "You and Me"..
Nice Job Trops Arci sana sa susunod makasali ako!...



  #37  
Old 8th Aug 2012 Wed, 18:02
ArCiZei Male ArCiZei is offline
Forum Master
 
Join Date: Oct 2010
Location: Quezon City, Philippines
Posts: 2,922
Reputation: ArCiZei has a spectacular aura aboutArCiZei has a spectacular aura about
Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

Akin na pong isinasara ang botohan para sa SSWC II. Ang announcement po ng nanalo ay magaganap po ngayon ding araw na ito. Hintay-hintay na lang po tayo.


  #38  
Old 9th Aug 2012 Thu, 18:12
ArCiZei Male ArCiZei is offline
Forum Master
 
Join Date: Oct 2010
Location: Quezon City, Philippines
Posts: 2,922
Reputation: ArCiZei has a spectacular aura aboutArCiZei has a spectacular aura about
Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

Entry #1:

Quote:
Judge No. 1
- Simple para sakin ang paglalarawan sa kwento. Narrative style. Naghahanap ako ng kahit isa man lang na conversation between the story teller at saka yung binabanggit nyang mahal nya, pero wala akong nakita. Kahit isang quote and unquote lang sana…. Ang kanta at ang kwento ay hindi strong ang relasyon nila. Yung kanta kase e going back sa mahal nya after learning something, and that they both understood na it would na be easy. Sa kwento naman, nagkagusto sya pero hindi nya sinasabi… and preferred na ibaon nalang.
It was a good read, however.
Judge No. 2
- medyo taliwas yata yung entry sa kanta. pero naintindihan ko naman ang nais ibahagi ng sumulat. para sa akin maganda ang pagkakasulat nito. goodluck po!
Judge No. 3
* Common ang concept. Sana napunan ang kulang. Hinahanap ko kung paano siya nainlove.

* Hindi nabigyan ng justice ang kanta at kwento. Naghintay ako ng climax. In short bitin. Maganda ang idea kulang lang siguro sa other means ng expression.

* Hindi naman ako after sa format ng isang kwento dahil madalas din akong sablay sa typing. pero mas mabuti sana kung maayos ang pagkakapresent. Observe capitalization and proper punctuation. Practice coherence.
Judge No. 4
- common. may konting twist. yung hindi pala sila, na akala mo sila na dahil sa sobrang kulay ng mga sinabi at nararamdaman. hindi ko din makuha ang relation sa kanta. hindi ko malaman kung saan sya babalik. kung sa asawa ba? kasi hindi naman pwedeng balikan kung pantasya lang. hindi din sa asawa dahil halos walang dinescribe para sa nararamdaman sa asawa. pero nagandahan ako kung paano binuhos ang nararamdaman. kumapal ang kwento ng dahil sa nararamdaman na naisulat sa iba't ibang pagpapahayag. hindi mo maiisip na same lang dahil sa dami ng makukulay na salita.

Entry #2:

Quote:
Judge No. 1
- This output is rather an essay type than a short story. You were pointing out your ideologies in life. It would have been better if you incorporated a lot of your life stories, rather than just giving us a bit of it. The chosen song, though, was in congruence with the story. Kudos.
Judge No. 2
- maganda, at gusto ko ang nais iparating. swak na swak sa kanta, kaso essay hindi short story. hindi ako makakapag bigay ng mataas na score.
Judge No. 3
* Good concept, mas okay kung nalagyang ng grip na tyagain basahin ng reader hanggang dulo. Sa tulad kong hindi mahilig magbasa walang factor para magstay ang interest ko.

* Good choice of music para sa isang plot. Tipong may pinaghuhugutan ang gumawa. Masarap basahin kapag kasabay ang music. Kaya lang, para siyang essay instead na maging short story.

* I love this story. Clear and well-written. Hindi maliligaw ang nagbabasa sa takbo.
Judge No. 4
- related yung kanta sa misa, este kwento. muntik na kong lumagpas sa langit nang marating ko yung ending. maganda yung concept, pero sana dinaan nalang sa kwento talaga. para kasi akong nakinig ng payo ng dj tungkol sa kung anong ibig sabihin ng pag-ibig. essay ang dating sakin. Hanga lang ako sa pagkakasulat. Hindi ako nainip basahin, kasi magaganda yung bawat linya at may laman.

Entry #3:

Quote:
Judge No. 1
- Hahaha. Great story. A good one. May conversation between characters na hinahanap ko sa isang kwento para hindi lang narrative style. May beginning, peak, denouement, tas ending. Nai relate and bawat stanza ng kanta sa bawat yugto ng kwento. Tas maasyus ang straktura.
Judge No. 2
- galing! gusto ko ang style at approach. buong buo at nairelate talaga ang mga lyrics sa kwento. good story! gudlak.
Judge No. 3
* Alright! Simple ang pagkakagawa pero buhay na buhay. Sa ikli ng story malinaw ang naging takbo.

* Nagamit ng maayos ang bawat linya ng kanta. Sa kanta mismo umikot ang kwento kaya nagustuhan ko.

* Structure? Kumbaga sa itlog, well done!
Judge No. 4
- good one! gusto ko yung kanta. yung kwento isa sa mga example ng simple pero rock! alam mo na mangyayari sa ending, pero gustong gusto mo pa din basahin. yung mga linya simple lang din, pero patok. hindi ko matutulad 'to sa palabok na kumpleto sa sahog, pero pwedeng itulad sa lugaw na kahit lagkitan at bawang lang eh solve ka naman. sa structure hindi naman ako maarte, so pasok na yan.

Entry #4:

Quote:
Judge No. 1
- Yung tema ng kanta ay related sa kwento - something only love can do. Medyo nalilito lang ako sa kwento. Maraming cut scenes. But then, I was able to catch the whole story. Nakakalungkot lang, kase yung babae, well, sabi nga sa kanta, things only love can do. Sakripisyo, kahit nasasaktan ka, sige parin. Pag-ibig na makapangyarihan, hahamakin ang lahat makamtan ka lamang.
Judge No. 2
- ilang beses ko binasa ito dahil may parts na naguguluhan ako. naintindihan ko naman. mahusay ring nairelate ang kanta sa kwento. mataas na score ang para dyan
Judge No. 3
* Sorry nalito ako. Nawala ako sa gitna ng kwento. Siguro sa kinulang o excited ang sumulat nito.

* Sana sa sunod na contest, maging maayos naman ang presentation. gumamit ng enter or hard return. Kung OM user naman, magsakripisyo mag-pc.

* Siguro maganda ito kung i-rewrite. Magandan ang concept kaso minadali. Sana makita ko ito sa stories and essays sa mas maayos na paraan.
Judge No. 4
- parang crossword puzzle. nahirapan akong intindihin ang kwento. naguluhan ako sa pagpapalit palit ng point of view. kung maayos ang structure, siguro hindi hirap ang babasa. hindi ko tuloy nakita yung kaugnayan ng kanta sa kwento. natuwa lang ako sa mga nakakatawang line, tulad ng cr na palaging binabalikan. nagustuhan ko yung hindi pilit na humor.

Entry #5:

Quote:
Judge No. 1
- Entry 3 and your entry are both good works. May simula, peak, at katapusan. Maganda ang pag incorporate ng kanta, maliban lamang sa huling parte. Kase, sa kwento may revelation, but sa kanta hindi sya nag sabi ng kanyang pag-big. Nonetheless, it was a good story.
Judge No. 2
- wow. napasarap ang pagbabasa ko ng mga entreis maganda ang mga gawa niyo. this one is good, may magandang flow at ending. good job!
Judge No. 3
* Nice opening. Good lines and powerful ending.

* Medyo comic kaya nagustuhan ko.

* Maganda ang concept. Hindi lamang related ang ending sa kanta.
Judge No. 4
- swabe ang kwentong 'to. galing ng idea kung paano sinabi ang nararamdaman. akala ko sa sweet na paraan masasabi na mahal nya yung babae, o hindi nya masasabi talaga. comedy at walang part na nakakatamad basahin. madalas kasi ako mag-skip kapag tinatamad ako sa nangyayari. okay at hindi korni ang mga linya, kaya nakaka-aliw. gusto ko din ang structure.

Entry #7:

Quote:
Judge No. 1
- Nice story. Buo . May simula, gitna at katapusan. May suspense pang kasama. Well written, in the sense ng continuity ng kwento. Ayus din ang relation ng kanta at ng kwento, fit-in kumbaga. Nice try. Keep up the good work.
Judge No. 2
- simple at tugma sa kanta. simple ang pagkukwento pero kumpleto ang rekado at buo ang story. mataas na score para sa Originality & Creativity. good job!
Judge No. 3
* okay sa alright. Hindi nga lang naitago ang mystery ng maayos. Overall nice concept.

* Hindi ko alam ang kanta pero related naman ang lyrics sa kwento.

* Maayos ang pagkakasulat maganda siguro ito kung hindi sa contest para mas mahaba.
Judge No. 4
- nahulaan ko na ang ending nang may mag-text sa kanya after nya magpaload. simple lang ito. walang gaanong gulat sa ending, dahil nga obvious. maganda sana kung naitago ng husto ang tunay na kwento. swabe ang daloy ng kwento. walang over acting na mga linya at hindi pinilit. nagulantang ako sa kantang ginamit! gusto ko mga ganyang oldies pamparelax. tugma din sya sa kwento.

Entry #8:

Quote:
Judge No. 1
- I cant give a high score sa relevance to the theme kase wala akong nabasang song. Your song is supposed to be your theme which you will relate in your story, but I failed to see one.
Of course, it was incorporated sa conversation ng bida sa istorya pero i really cannot figure yung theme ng song at theme ng kwento if they fit in kse di ko alam yung kanta. The story was great, though. I like how it was presented and the twists. Noong una nalito ako, but then I realized na the words coming from Jane were lyrics of the song she was listening to. Hahaha. You got me laughing out loud.
Kumpleto ang kwento and it was a nice story. May mali lang sa message na binabasa ni Jane, yung “we’re” instead of “i”.
Judge No. 2
- maganda ang story, maganda ang twist. medyo mahirap lang intindihin nung hindi pa alam na naka headset pala akala ko naguusap na anyway hindi naman pala gumagana yun, nice! hindi nga lang nasunod ang theme. keep writing!
Judge No. 3
* Wow. Kakaiba ang isang ito. Ginamit mismo ang kanta bilang part ng kwento.

* Wow. Nakakatuwa ang concept plus nakuha ang interest ko nito. Perfect story sa isang kanta.

* wow. Swak sa isang short story. Biased ako kasi personal favorite ko ang isang ito.
Judge No. 4
- para sayo ng parokya ni edgar, o para sayo ni manny pacquiao? wala kasing lyrics. pero sa lahat ng entries ito ang bumulaga sa akin. mahusay! magaling! hard pa sa ano yung ending! ganito yung mga kwentong hindi mo kailangang mag-isip dahil malinaw, pero mapapa-isip ka dahil sa iiwan nitong impact. kudos!

Entry #9:

Quote:
Judge No. 1
- Pareho din nung isa, wala akong nabasang kanta. Nonetheless, it was a good story. Sa structure, it was good. Ayus ang paggamit ng kulay kulay to emphasis on the speaker, pero it would be better kung may spaces between lines kase minsan ibang scene na pala yung sumusunod.
Judge No. 2
- magulo at mabilis hindi lang sa una. ilang ulit ko rin itong binasa. nasabi ba sa contest kung papano gagamitin ang mga kanta? keep writing po!
Judge No. 3
* Halos pareho lamang ng mga nauna. Nadevelop tapos naexpire.

* Sobrang bilis ng kwento.

* malamang babae ang gumawa nito. Sana gawing colorful ang kwento kung maayos ang presentation.
Judge No. 4
- may nabasa na kong parehas ng concept nito, kaya hindi na ko magugulat sa ending. maganda 'to kung walang limit ang words. nagmukha kasing mabilis ang kwento, para lang lumabas yung relasyong niluma na ng panahon na tutugma sa kantang pinili. sa structure ay nalula din ako. medyo nalito kasi ako dahil yung iba walang space. kung bubuuin pa ang kwento, maganda ang isang 'to.



-----------------------------------------------------------------
Ang ang nanalo sa SSWC II ay walang iba kundi si... Miss Red. Kunglatsuleysowns po.

Maraming salamat sa lahat ng sumali.

Quote:
Originally Posted by Special Judge
ang galing. i like how she used the song on the story. unobtrusive. you wouldn't know na may song na nakapaloob sa kwento if you're not familiar with the song. the integration was seamless. asteeg. and akmang akma ang kanta sa tema ng kwento. and most of all i like how she wrapped up the story. ang ganda ng ending. muntik ng tumulo ang luha ko.



Last edited by ArCiZei; 9th Aug 2012 Thu at 18:27..
 

Thread Tools

Forum Jump


All times are GMT +8. The time now is 03:22.