Sa lahat naman ng Forum, may kanya-kanyang limit na sineset ang admin. Bakit? Hindi naman infinite ang bandwidth at storage na available sa isang site. This is especially dangerous on communities with large members, dahil kung lahat 'yan sabay-sabay maguupload ng images, naku yari tayo.
Tataasan naman ang limit na 'yan sa signature pictures kung alam na kailangan na talaga. But for now let's just enjoy what we have. Kung tutuusin, medyo reasonable na nga 'yung limit for sig pics dito. 'Yung ibang forums nga, pili lang ang pinapayagan magupload ng signature pictures sa servers ng site nila.
Oh, and I would like to take this opportunity to warn those who try and bypass the signature limits we impose on uploading signature pictures in Symbianize.
We check your signature filesizes. Hindi porke't hindi nakaupload ang isang image sa Symbianize, exempt na kayo sa Signature rules natin. Kaya 'yan nand'yan ay para may rules ang lahat ng members dito. Parang unfair naman yata sa iba na naguupload mismo sa servers natin, 'di ba?

Sana 'wag na natin hintayin na makatanggap pa tayo ng infraction bago natin siguraduhin na hindi lagpas sa filesize limits ang signatures natin.
EDIT: Pati nga pala kaming mga mods at group members, sumusunod sa filesize limits. Now, kung gusto mong tumaas ang limits na 'yan, be a
Contributor.