Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Results 1 to 6 of 6

Thread: Gamit ng Wika?

  1. #1

    Default Gamit ng Wika?

    Help po fellow symbianizerss...

    T__T

    Mababliw na ko kakahanap, wala kasi kami textbook.

    Yung tanong po kasi sa takda namin ay:

    1. Ano ang wika?

    2. Anu- ano ang katangian ng wika?

    3. Ano ang gamit ng wika?

    Thanks po sa makakatulong...


  2. #2

    Default Re: Gamit ng Wika?

    Pwede na ba ito?

    Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.


    katangian:

    1. may balangkas;
    2. binubuo ng makahulugang tunog;
    3. pinipili at isinasa-ayos;
    4. arbitraryo;
    5. nakabatay sa kultura;
    6. ginagamit;
    7. kagila-gilagis;
    8. makapangyarihan
    9. may antas;
    10. may pulitika;
    11. at ginagamit araw-araw.

    Gamit [Try mo kung pwede na ba ito...]

    Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.



    -Hope it helps-

  3. #3

    Default Re: Gamit ng Wika?

    Gamit ng Wika

    1. Ang wika ay ginagamit upang mag-leybel, magtakda at maglimit.
    Sapagkat wika ang ginagamit ng tao para makapag-isip, likas sa atin na agad nilalagyan ng leybel ang mga tao o bagay na nakikita sa paligid.

    2. Ang wika ay neg-eebalweyt.

    3. Ang wika ay ginagamit sa pagtatalakay ng mga bagay na labas sa ating kasalukuyang karanasan.

    4 Iba pang gamit ng wika.
    Ayon sa pananaw ng semantika, may tatlo pang gamit ang wika:

    a. ang wika ay nagbibigay ng impormasyon
    b. ang wika ay nagseset-up
    c. at ang wika ay nag-uutos

    kung mapapansin mo yung mga salitang naka-italic na ginamit ko, dahil 'yun sa 2001 Revision ng wikang Filipino.
    dadagdagan ko nalang pag may oras ako.
    anong year kana ba?
    sa susunod bili ka nang textbook!
    Last edited by PINOY_RADICAL; 4th Jun 2009 at 18:43.

  4. #4

    Default Re: Gamit ng Wika?

    ^
    Wala po kasing assigned textbook sa amin eh. @__@.. kaya un, nahirapan.

  5. #5

    Default Re: Gamit ng Wika?

    Basta bumili ka ng kahit ano... yun pang-sarili mo lang ^^

  6. #6

    Post Re: Gamit ng Wika?

    Ano ang Wika?
    Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

    Ano ang kahalagahan ng Wika?
    Mahalaga ang wika sapagkat:

    1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
    2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
    3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
    4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

    Gamit ng Wika

    1. Ang wika ay ginagamit upang mag-leybel, magtakda at maglimit.
    Sapagkat wika ang ginagamit ng tao para makapag-isip, likas sa atin na agad nilalagyan ng leybel ang mga tao o bagay na nakikita sa paligid.

    2. Ang wika ay neg-eebalweyt.

    3. Ang wika ay ginagamit sa pagtatalakay ng mga bagay na labas sa ating kasalukuyang karanasan.

    4 Iba pang gamit ng wika.
    Ayon sa pananaw ng semantika, may tatlo pang gamit ang wika:

    a. ang wika ay nagbibigay ng impormasyon
    b. ang wika ay nagseset-up
    c. at ang wika ay nag-uutos

    sana makatulong!!!...
    Last edited by bluestar733; 14th Nov 2011 at 08:19. Reason: dagdagan

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •