Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. #1

    Default Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread



    VOTING THREAD!!

    Voting Mechanics:

    Paano Bumoto?
    - Simple lang. Basahin, Unawain, at Isa-puso ang mga entries. Sundin ang tinitibok ng iyong puso. I-comment ang naibigan mong akda at ilagay ang dahilan kung bakit. example: gusto ko iyong entry #0 sa kadahilanang tila hinugot ito mula sa imburnal

    Sino-sino ang pwedeng bumoto?
    -Ang may karapatan lamang bumoto ay iyong mga Symbianizers na nakapag-parehistro na bago pa mag January 2016. Kung ikaw ay nag-register nitong January-May 2016, I Am Sorry, 'di ka valid.

    Pwede bang bumoto ang mismong may akda?
    -Magandang tanong iyan. Ang sagot ay "Oo" ngunit mahigpit na ipinagbabawal na sabihin sa iyong comment/vote na iyo ang akda na iyong ibinoto. Anonymity issue syempre. Automatic na disqualified ang mahuhuling lalabag.

    Pwede bang ikampanya ang aking entry?
    -Ito pa ang isang magandang tanong Ang sagot ay "Oo", malamang nagdiriwang kayo ngayon. Pero syempre may limit ang pangangampanya. Ipinagbabawal ang pangangampanya sa labas ng Symbianize. Bawal itong gawin sa FB, Twitter, at kung saan-saan pang social media platforms. Ipinagbabawal rin ang pangangampanya sa private message at chatbox. So saan pwede? Pwede lamang ikampanya ang inyong entry sa pamamagitan ng SIGNATURE, pwede ninyong ilagay ang link, ngunit ipinagbabawal na sabihin na sa inyo ang entry na inyong ikinakampanya. Mahusay kami manghuli sa ganyan lalo na si Jefiner. Automatic disqualified sa mahuhuling lalabag.

    Bakit po may limit ang pangangampanya?
    -Iniiwasan po natin ang bumoto lamang pero 'di naman nagbasa. And for the sake of Literature, pangunahing misyon ng Literati na itulak kayong magbasa at magsulat. Kung ayaw nyo magsulat, aba magbasa naman kayo

    Ang mananalo po ba sa voting ay automatic na panalo na rin sa contest?
    -Hindi. Na sa desisyon/boto pa rin ng mga judges kung sino at kung kaninong entry ang mananalo. Ngunit may nakalaang premyo sa kung sino mang may pinakamaraming botong makukuha.

    Hanggang kailan tatakbo ang botohan?
    -10 days. May 1-10 2016.

    Kailan ilalabas yung result ng contest?
    -May 11 or May 12, 2016 (may pag-asang ma-delayed ang paglabas ng result, depende sa kung kailan matatapos magbigay ng points ang mga judges, ehem!)


    para sa iba pang katanungan ay maaari po kayong mag-iwan ng kumento sa ating Discussion Thread.

  2. #2

    Default Re: Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread

    MGA KAPANALIG? BASA!!

    Entry #1
    "Ang buhay pag-ibig ay parang isang lumang orasan, sa bawat memorya ng ligayang nadadagdag sa kanya ay katumbas ng pagkaubos ng salapi sa iyong bulsa."

    Entry #2
    "Bakit kaya may mga taong orasa ang tingin sa iyo? Paghihintayin ka, tapos paiikut-ikutin ka, babalibaliktadin, para paghihintayin ka lang uli."

    Entry #3
    "Hindi sa lahat ng oras kagaya ako ng orasa na kapag ubos na ang buhangin e babaliktarin mo lang pwede na ulit mag umpisa, hindi yan kagaya ng pag-mamahal na sayo ko lang inalay pero pa iikot-ikotin mo lang."

    Entry #4
    "kung mahalaga ang oras, sana orasan na lang ako, para pahalagahan mo din ako. pero kaunting oras mo lang naman ang kailangan ko, bakit hindi mo pa maibigay? dahil ang pasensiya ko ay parang buhangin sa orasa, nauubos din. kaya hangga't natitiis ko pa, huwag mo kong sairin."

    Entry #5
    "Kung pwede lang ibalik ang oras para ayusin ang relasyon natin, kaya lang imposible... ito ako ngayun niyayakap ng pagsisisi."

    Entry #6
    "Paikot-ikot, parang mga dahilan tuwing mahuhuli ka. Paulit-ulit, katulad ng pinapakita na sa aki’y ayaw na. Paubos ng paubos, kagaya ng sarili sa paniniwalang maayos ka. Pai-ikutin, uulitin at uubusin! Uubusin, uulitin at pai-ikutin!"

    Entry #7
    "Maubos man ang oras ko at lumipas man ang panahon, kung ikaw naman ang makikinabang at mapupunan ko ang iyong pangangailangan, ayos lang dahil handa akong magsakripisyo basta para sa'yo at sa ikasasaya mo."

    Entry #8
    "Ang paghihintay ko sa'yo na ako'y mahalin, ay parang isang orasang buhangin. Sa pagmamahal na inialay ng lubos, Unti-unti lamang akong naubos."

    Entry #9
    "Hanggang ngayong ramdam ko parin pagkalasing sa buo kong katawan, Hindi dahil sa alak na aking ininom, kundi sa mga bagay na nakaraan na. Mga gintong alala sa gintong orasan. Araw na unang beses nating pagkikita, mga araw kung saan, tayong dalawa ay may ORAS pa para sa isa't isa."

    Entry #10
    "Buti kapa umiikot ang oras nya sayo, Pero sakin parang orasa unti unti binubuhos, unti unti nauubos parang luha sakin mata. Ang sakit magmahal, dinurog nya puso ko parang buhangin
    tapos ano, ng maubos yun buhanagin babaligtarin nya ako pa ang may mali ako pa.. ang sakittt.."

    Entry #11
    "Sa una punong puno ka pa hanggang sa mahulog ka ng unti unti at hindi mamalayan wala ka ng tinitira para sa sarili mo."

    Entry #12
    "bawat patak ng buhangin ay kasabay ng paglaho mo at kahit baliktarin man hindi kita kayang pigilan dahil kahit anung gawin ko ay pareho lang ang patutunguhan, ikaw ay mawawala."

    Entry #13
    "Ang pagsubok sa pagmamahalan ay parang ring orasang buhangin. Hindi sapat kung gaano katagal ang lumipas ang oras sa pagbuhos ng butil. Ang mahalaga, malalaman mo lang na gumagana ito, Kapag lahat ibinigay mo at bumaliktad ang iyong mundo."

    Entry #14
    "Mabuti pa ang buhangin sa orasan na kahit lumipas ay maaari pang balikan at hindi matatapon ng tuluyan. Hindi tulad ng masasaya nating nakaraan na iyong sinayang at kahit kailan hindi na maaaring balikan."

    Entry #15
    "ORASA parang isang bakla, kung saa’y pag naubos ang oras ng jowa sa kanya maghahanap na naman ng iba para gastosin at waldasin ang buhangin sa bulsa."

    Entry #16
    "Mabuti pa yung buhangin sa orasan kunteng oras lang nahuhulog na, eh ikaw taon na yung binilang ko hindi ka pa rin mahuhulog sa akin."
    Last edited by Amphie88; 3rd May 2016 at 05:40.

  3. 3 Users Say Thank You to Amphie88 For This Useful Post.


  4. #3

    Default Re: Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread

    entry #10 - kasi hugot talaga nun nakakita sya ng orasan (analog) then hinugot gamit ang orasa, iba kasi pick up lines ang dating then iba prang tula...


  5. #4

    Default Re: Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread

    Ayos ang #11, mas-ayos ang #2. Maganda ang #14. Ang pinakanagustuhan ko lang ay ang #16.

    Ang mga ito ay madadaling sabihin. Kung huhugot ka, maganda ang madaling sabihin upang tamaan ang patatamaan mo. Hindi maghihintay ang patatamaan mo at makakailag siya. Baka nga nakalayo na siya at hindi mo na maasinta. Masmalala pa, dahil sa bagal ng hugot mo, naunahan ka pa sa duelo. Nauna siyang nakahugot sabay kalabit ng gatilyo.

    Iboboto ko ang #16 dahil sa madali itong sabihin kung sa duelo. Marahil ay tulad ang patama ng mga hugot pero napakasimple ng dating nito na parang mabilis intindihin at naiiba ang hugot kahit tulad lang naman sa iba. Nakararami ang tungkol sa panloloko kaysa paasa, at sa paasa ay ito pa rin ang nakakaangat.

  6. #5

    Default Re: Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread

    +1 entry 16 dahil sya ang tinitibok ng puso ko relate much eh so sa knya vote ko

    goodluck

  7. #6

    Hats Off Re: Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread

    waley hehehe but i give my vote for #4 you catch me

  8. #7

    Default Re: Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread

    #16 GMV!

    simpleng may impact!
    Good luck!

  9. #8

    Default Re: Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread

    +1 vote sa entry #4 dahil sa structure nung hugot. magkahalong pick up line at hugot ang banat

  10. #9

    Default Re: Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread

    +1 sa number 16. simple pero rock

  11. #10

    Default Re: Symbianize Literati: Hashtag Hugot Voting Thread

    haha, natuwa ako sa last one

    +1 to entry #16

Page 1 of 2 12 LastLast

Similar Threads

  1. Replies: 1
    Last Post: 17th May 2016, 18:44
  2. Replies: 13
    Last Post: 9th Apr 2014, 10:26
  3. [Official]Symbianize Spectra: LPOTM #15 Voting Thread
    By lordjohn8 in forum Contest Draft
    Replies: 0
    Last Post: 22nd Mar 2014, 11:06
  4. Symbianize SOTW "CHRISTMAS WISH" Voting Thread
    By nathan_christopher in forum Completed
    Replies: 28
    Last Post: 22nd Dec 2010, 22:06

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •