Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 4 of 6 FirstFirst ... 23456 LastLast
Results 31 to 40 of 58
  1. #31

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    Chapter 25: Field Work!

    Nakaupo ako sa tapat ng office ng mga 7am. Oo, sobrang aga ko kasi hindi ako nakatulog masyado kagabi. Usually si Madam ang nauuna sa office pero mejo late sya ngayon.

    Nakaupo ako sa tapat ng pinto, naka patong yung baba ko sa tuhod ko at yapos yapos ko ang mga binti ko. Napabuntong hininga lang ako, pano ba nagbago lahat ng ganun kabilis? Ang bigat sa dibdib.

    May sapatos na tumigil sa harap ko, pero hindi sya stiletto na usual sapatos ni Madam, sneakers na white and brown, ang linis. Tumingala ako at nakita ang gwapo kong workmate and FRIEND, Marley, FRIEND mo sya okay?

    “Linis ng sapatos mo ah. May ganyan rin si Rob e, anong brand?”

    Umupo rin sa tapat ko si Rob, pero hindi sya umupo ng tuluyan, yung nakatingkayad lang sya, tiningnan nya yung shoes nya, “Onitsuka”. Ah Japanese brand.

    “Same ng brand ng sapatos duns sa Kill Bill.” Hindi ko alam yung movie so di ako nakaimik.

    “Oh no, hindi mo pa napapanood ang Kill Bill?”

    Umiling lang ako.

    “Shit. Then we can’t be friends.”

    Nalungkot naman ako bigla, alam ko nag-jo-joke lang sya pero sensitive ako ngayon e, so yumuko lang ako.

    “Uy, biro lang! To naman.”

    E hindi pa rin ako lumingon.

    “Hay naku, tara na nga!” Hinawakan nya ako sa braso at tinulungan tumayo

    “San tayo pupunta?”

    “Fieldwork”

    “Hoy sigurado ka bang okay lang ito? Baka magalit sa atin si Madam.”

    “Don’t worry about it, she’ll be in and out of meetings today, she won’t notice.”

    Kinakabahan ako sa ginagawa namin ni Chris, first time kong makakapunta sa site ng new property nila puro sa pictures ko lang nakikita, sa bandang Sta. Rosa Laguna kami, so mejo malayo. At sa totoo lang hindi ko maiwasang maalala yung car ride namin dati ni Chris na hawak nya yung kamay ko, naisip ko tuloy kung kami na lang ni Chris, hindi ba ako masasaktan ng ganito? Nakakalungkot pa rin na hindi manlang nag-try si Rob na mag-sorry after namin mag-away kagabi. Kung si Chris na lang kaya ang nagustuhan ko, magiging mas masaya ba ako? Bakit ganyan ka mag-isip, konting away lang bibitiw ka na agad? Bad Lelay!

    Pag dating namin sa site, binate ng mga tao dun si Chris, ah so pag wala pala sya sa office sya yung bumibisita sa mga sites and making sure na on track pa ang construction habang ang ate naman nya ang nag-aayos sa marketing side. Ibang klase talaga silang magkapatid, napaka-professional rin ni Chris makipag-usap sa mga tao dun sa site. Since nasa labas kami in-open ko ang cellphone ko.

    Habang nag-iikot sa site si Chris nagpaiwan na ako sa office nila dun sa site, biglang nag-ring ang phone ko so lumabas akong office.

    “Hello?”

    “Hi Lay.” Napaka-simpleng sagot ni Rob.

    “Kamusta ka na?” I’m trying to make him tell me something about sa experience nya dun, paano since naman pumunta sya sa US ang nakwento nya lang sa akin is nakikitira sila sa cousins nya. Yun lang. Wala pa sya masyadong nakkwento sa akin tungkol sa mga ginagawa nya dun.

    “Fine. You?”

    Napabuntong hininga na lang ako, “Ayos lang rin. Nandito kami sa site nung bagong dinedevelop na property nila Chris.”

    “So he’s there? With you?” Pinisil ko ang bridge ng ilong ko at huminga ng malalim.

    “Oo, magkasama kami ngayon pero nandun sya sa mga ginagawang bahay, andito ako sa office.”

    “Sino ang kasama nyong pumunta jan?”

    “Ano ba to, interrogation?” Naiirita na talaga ako, pero parang napapagod na rin ako ang bigat sa pakiramdam na ganito na kami mag-usap.

    “I’m just asking, why don’t you just answer the question?”

    Naiiyak na naman ako so sumagot na lang ako, “Kami lang.”

    “I see.”

    “What do you mean? What do you see?” Ang sakit na sa loob na parang pinaghihinalaan, yung wala ka namang ginagawa pero parang kahit anong sabihin mo may ibang kahulugan.

    “I just…” Nagbuntong hininga lang si Rob.

    “Wala ka bang tiwala sakin?” Umiiyak na talaga ako.

    “It’s not like that, Lay. Hindi ko lang alam kung anong iisipin ko.”

    “Wala kang dapat isipin kasi wala namang nangyayari. Bakit ba kasi hindi mo ako intindihin? Kailangan ko tong trabaho na to, nagkataon lang na nandito rin si Chris. Sya lang ang kaibigan ko dito, alam mo ba kung gaano kalungkot at kahirap na wala ka?”

    “That’s what I’m talking about, Lay. I trust you, but I don’t trust him.”

    “Wala akong pake kung wala kang tiwala sa kanya, ang masakit dito wala kang tiwala sa akin. You think I’ll cheat on you? Ganun ba? Pag-alis mo didikit na agad ako sa iba?”

    “No, Lay. Hindi ganun.” Hindi ko na kaya at parang nanghihina na yung tuhod ko, ayaw ko rin na makita ako nila Chris ng ganito.

    “Tsaka na lang tayo mag-usap.”

    “Wag, Lay, don’t hang up.”

    Too late na kasi binaba ko na, pinunasan ko ang mga luha ko biglang nag-ring ulit ang phone ko – international call na naman so binabaan ko ulit at pinatay ang phone ko.

    “Trouble in paradise?” Nagulat ako nung narinig ang boses ni Chris sa likod ko.

    “I don’t want to talk about it. Pwede na ba tayong umalis? Are you done?”

    Nakasandal lang si Chris sa may dingding ng office, naka-cross ang paa sa ankles nya at naka fold ang mga kamay sa dibdib nya. Yung itsura ni Chris parang galit na hindi maintindihan.

    Tinulak nya ang likod nya against the wall at pinasok ang mga kamay nya sa front pocket ng pants nya. “Let’s go.”

    Sa lahat naman ng pagkakataon, na-trapik pa kami ni Chris pabalik. At hindi trapik na gapang ha, trapik na walang galawan.

    “C5, the place where most relationships die!” Natatawang sabi ni Chris.

    Tahimik lang ako buong byahe, gusto ko sanang buksan ang phone ko kaya lang pagod na ako emotionally kaya parang hindi ko na kaya ang isa pang away kung tatawag si Rob.

    “Bakit mo naman nasabi yun?” Napalingon ako kay Chris, napangiti sya dahil at last napagsalita na rin nya ako.

    “Sa sobrang traffic dito, pag na-stuck ka kasama ng girlfriend or boyfriend mo lahat na ng pwede nyong pag-awayan mapag-aawayan nyo na. Hindi pa kayo pwedeng umalis so you have no other option than to talk it out. Pag-lampas sa C5, break na.”

    He’s trying to make me smile kaya lang pag-usapang break up naaalala ko si Rob. Hindi pa kayo, Lelay feeling-era ka.

    “Wanna talk about it?” Nakalagay ang mga kamay ni Chris sa likod ng ulo nya.

    “I have nothing to do so pag-usapan na lang yang problema mo. Baka makatulong pa ako.”

    Nagbuntong hininga lang ako at di nagsalita.

    “Unless ako ang problema nyo?” Nakapikit sya pero nung hindi ako sumagot lumingon sya bigla sa akin.

    “I knew it! I heard my name kanina when you were talking to Rob on the phone.” Napailing na lang si Chris.

    “That idiot.”

    Hindi ko na napigilan, napabulong na lang ako “Sinabi mo pa.”

  2. #32

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    Chapter 26: Frenemies?


    Tawa ng tawa si Chris, nung mejo nakarecover na sya, “Let me guess, he’s jealous of me spending so much time with you?”

    Ayoko naman i-spill kay Chris ang mga problema namin ni Rob, syempre I respect him and tingin ko hindi maganda kung magsasabi ako ng masama tungkol sa kanya lalo na sa pinag-seselosan nya so hindi na lang ako kumibo.

    Napakamot si Chris sa batok nya, “Stupid, stupid, Rob.”

    Nagpipigil akong magkwento kasi syempre wala naman akong makausap tungkol sa ganito, sila Nins at Kat hindi ko naman madalas nakakausap kasi busy ako sa trabaho, sila naman nagbabakasyon kasama ng families nila. May tiwala naman ako kay Chris na hindi nya sasabihin kay Rob or sa iba, ayaw ko pa din magmukhang masama si Rob sa kanya.

    Huminga ng malalim si Chris at humarap sa akin, “You need to hear this Marley so you’ll understand, but don’t tell Rob I told you about this okay? He’s gonna kick my ass if he finds out so you need to promise not to tell.”

    Hello? Sino ba naman ang tatanggi sa ganun diba? Syempre kahit anong pa-promise nya sa akin ippromise ko para lang marinig kung ano man yung ikkwento nya.

    “Okay, let me start from the beginning. We were friends since we were very little; he’s a family friend so achi knows Rob as well, we were always together and we used to do everything together. We were best friends.”

    Hindi ko na-miss na ginamit nya ang past tense.

    “We used to spend every day together, we were neighbors. Not anymore though we transferred na, he’s still living there. So ayun, it was just him and me, my sister was too old to play with us so kami lang lagi, until a new family moved from the house across ours. We thought we’d have another guy friend to play with but there was just three of them, the father, the mother and a girl around our age.”

    “She was very pretty, kahit na I was too young to think girls were cute, I already thought she was – her name was Allie.” Napangiti si Chris nung binanggit nya ang pangalan nung girl. Nagselos naman ako agad, parang alam ko na kung anong ikkwento ni Chris. Love triangle yata.

    “Of course since magkaka-age kami, her parents left her with us almost everyday when they worked. Allie, Rob and I became close. We went to school together; we were Allie’s bodyguards since ang daming guys na gusto syang makilala. Rob was always by her side, laging nakabantay sa kanya. At first it was like a normal thing and we were just protecting her since her father asked us to but as the years went by, we were growing up and we were both trying to win her over.”

    Biglang sumeryoso si Chris, “Rob and I get into arguments about who would bring her to school, who’d walk her to class, who’d be her date for the prom and it got so bad that Rob and I would get physical when we were both seniors.”

    Grabe naman, ano kayang itsura nung babaeng yun? Na-curious tuloy ako.

    “You’d think Allie would stop us since we were both her friends, but she loved it. She loved that she drove us both crazy, she liked the fact that she can do that to guys that are practically brothers. She didn’t mind at all that she was breaking us apart.”

    Bitcheta! Jusko, hindi ko pa kilala tong babaeng to gusto ko na kaagad saktan.

    “It finally boiled over when Allie agreed to go with me to the senior prom, sobrang saya ko. She was my dream girl, of course that time I didn’t realize how mean she was, she was still innocent in my eyes. Walang masamang ginagawa si Allie – hindi nya kasalanan na pareho kaming nagkagusto sa kanya ni Rob.”

    Parang hindi na kumportable si Chris pero he knew it would explain a lot to me and maiintindihan ko rin si Rob so nakinig lang ako.

    “She asked me to pick her up ng mga 6pm, so I did. She was beautiful, I thought I was the luckiest guy kasi she agreed to go with me, so we went to the hotel for the prom, when we got there Rob was at the entrance of the ballroom holding a bouquet of flowers.”

    Huminga ng malalim si Chris, “She agreed to go with him too, but she asked Rob to meet her there.”

    Oh my God.

    “She acted like nothing was wrong, she took the flowers from Rob but Rob was just standing there. Looking at me. I tried to hold back my anger, I seriously did not want to get into any more arguments with Rob and the look on Rob’s face was the tipping point for me, sya pa rin ang best friend ko and it sucks that we were acting like idiots for some girl.”

    Huminga ng malalim si Rob at tumingala, nakapikit ang mga mata.

    “I left the party, I left Allie there, I left Rob there and went home. Allie was yelling my name but I didn’t look back.”

    Humarap ulet sya sa akin, “Ang nakakatawa dun, Rob followed me, he went to my house, didn’t even knock on my bedroom door and just went in. Si-net up namin ang playstation ko and we played the whole night.”

    Napabuntong hininga lang rin ako, “Wow. That was quite the story.”

    Ngumiti lang sya, “Allie left for the states and we haven’t heard anything from her. May nagsabi lang sa amin na may nakasama pa rin naman sya sa prom, nanalo pa nga syang prom queen e.”

    “So, what does this have to do with me? Hindi naman ako kasing-evil nung Allie na yun.”

    Hindi pa ako nakuntento, “Grabe ang ugali nya, pinaasa nya kayong dalawa? Sinong nasa tamang pag-iisip ang gagawa ng ganun? To think na grade school, high school pa lang kayo? Para syang contrabida sa mga teleserye.”

    “Yep, she was something else.” Ngumiti lang si Chris.

    “But you loved her.”

    Tumango lang sya, “So did Rob.”

    Aray. Hoy Lelay, history na yan, apektado pa? “So after nun, ano nang nangyari?”

    “Si Rob kasi habang nandun si Allie, he never paid any attention to all the other girls in our school. Ako naman mejo tumitingin tingin pa rin, pero si Rob he was devoted to Allie. So when Allie left, he made up for lost time, he dated any girl that was pretty enough and paid him enough attention.”

    Oh my gulay.

    “He had different girlfriends every month yata.” Napatingin lang sa akin si Chris.

    “Oh, don’t take it the wrong way Marley ha, since he’s met you he hasn’t looked at any one else. I swear.”

    I knew na totoo naman yun, but it still felt weird hearing na ganun si Rob, e napaka-suplado nun e.

    “So ulet, what’s all this got to do with me?”

    Tumingin lang sa akin si Chris, “You’re ‘Allie’ all over again and Rob’s just trying to make sure I don’t succeed with you where I failed with her.”

  3. #33

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    Chapter 27: The Grand Opening!

    Finally! After a grueling three weeks of nothing but work work work we get to see the fruits of our labor.

    Bongga ang grand opening ng bagong property nila Chris at Madam. Pumunta kami sa site and nag-set up sa clubhouse nila for the launch of the location. Malalaki at engrande ang mga design ng mga bahay dun, wish ko lang magkaroon ako ng ganung bahay. Madam was all smiles while greeting her guests, good for 250 persons ang dinner na prin-epare namin. Mejo pagod na nga ako kasi ang tagal ko nang nag-iikot making sure maayos ang lahat ng bilin ni Madam. Syempre sya hindi na nya iintindihin ito dahil magpapa-beauty sya, it’s her night after all.

    Malamig pero naka dress ako, pinahiram ulet ako ni Nina ng damit, kulay black na short sleeved lace yung pang ibabaw then may katernong mahabang tulle skirt mejo kita ang upper tummy ko, mejo masikip rin sa balakang pero pwede na, choosy pa ba ako diba?

    “Wow! Lee! Looking good!”

    ‘LEE’ na ang tawag sa akin ni Chris since nag-field work kami last week, “alLIE” AT “marLEY” daw, gago talaga.

    “Baka kabagan ka jan sa damit mo ha.” Bumaba yung ulo nya tiningnan ang tiyan ko, “May abs ka pala.”

    Natawa lang ako at binatukan sya, “Siraulo, baby fats yan.”

    “Sige, I’ll see you later. Need to mingle!” Umalis na si Chris at naghanap ng mabibiktima, jusme naman talaga ang kagwapuhan nun. Naka-white shirt lang sya at naka-maong pero pinatungan nya ng formal jacket yung shirt kaya hindi naman mukhang casual lang ang suot nya.

    In fairness kahit na sobrang okay na kami ni Chris hindi kami awkward sa isa’t isa, kung di Rob suplado at masungit si Chris naman sobrang daling pakisamahan.

    Hindi pa ulit kami nag-uusap ni Rob bukod sa paminsan nyang text sa akin kung nasaan na sila. Uuwi na raw sya in one week and hopefully raw makapag-usap kami agad pag dating nya. Hindi naman ako sumasagot.

    Mga 7pm nang napuno na halos ang venue, puro investors daw at potential buyers yung mga bisita. So extra nice kami sa kanilang lahat.

    “Have you seen my idiot brother? Hindi nya sinuot ang tux na ni-rent ko for him.” Biglang sumulpot sa tabi ko si Madam.

    “Ah, opo. Umalis e, magmi-mingle daw po sya.”

    Tumingin sa akin si Madam, “You look nice tonight, Marley.” Niyapos nya ako, “Thanks for your hard work.” Ni-tap nya ang balikat ko sabay alis.

    “Wow. First time ko yata maringgan ng ‘Thank you’ si Madam.”

    “She must like me.” Natawa lang ako.

    “She does.” Biglang may sumulpot na poging mejo matandang lalaki sa harap ko.

    “Ah, Good evening Sir. Do you need anything po? Anything I can help you with?” Nag-try akong hindi mag-buckle sa spiel ko.

    “You must be Marley. I’m Chloe and Chris’ dad.”

    Nanlaki ang mata ko at hindi ko malaman kung mag-bo-bow ba ako o ano.

    “Oh relax lang, I just wanted to thank you personally, Chloe’s been saying nice things about you.” Namula na naman ako at nag-thank you kay Mr. Lee.

    “When you graduate or if you need work, just let us know okay? We need hardworking people.” Ngumiti lang sya at umalis na ulit.

    Hinawakan ko bigla ang puso ko, parang dumudugdog na naman ang dibdib ko.

    “Marley!!!” Paglingon ko sa likod ang bilis maglakad ni Kat at Nins. Niyapos nila akong pareho, “Oh my god! We missed you girl!” sabay beso ni Kat sa pisngi ko.

    “Pak! Bagay na bagay sayo yung dress!” Nakangiti si Nins sa akin.

    “Tara na, magsstart na yung program.” Inakbayan ko silang dalawa at umupo na kami sa table namin kasama namin ang ibang employees nila Madam.

    When dinner was served konti lang nakain ko, hinanap pa ako ni Chris, ang haba ng leeg nya kakahanap sa akin kung saan ako nakaupo – dun kasi sya nakaupo sa table ng family nya. Nung makita nya ako inangat nya yung flute nya (may champagne syempre, ang akin laman tubig) at sabi nya lang ‘Cheers’.

    Nagkkwentuhan kami nila Nina nang may nag-pa-panic sa harap ko, “Oh my god, pano yan sino bang naka-assign dun?”

    Tumayo ako at lumapit sa mga kaopisina ko, “Excuse po, ano pong problema?”

    “Yung musician hindi dumating, hindi na ma-contact nila Diane. E matatapos na ang dinner yun lang ang entertainment ng mga bisita.”

    Umalis ako agad sa table namin at pumunta sa table nila Chris, ang kabilin bilinan sa akin ni Madam is to tell her kung may problema – immediately para magawan nya ng paraan kung kaya pa.

    “Shit! Shit! Shit!” Nag-pe-pace na si Madam sa may backstage, galit na galit sa kausap nya sa phone. “Anong oras makakarating yan? I don’t have anything lined up for this.”

    “You better make sure he arrives before 9pm or else consider yourself banned from all our company events.” Halos ihagis na ni Madam ang bago nyang iphone – balak ko nga saluhin e.

    “Shit. Pano to?” Sabay tingin sa akin si Madam, “Marley, can you get someone here to play? We have the instruments yung tutugtog lang ang wala, can you find someone here? I need to fill up at least 45 minutes bago dumating yung gagong musician na yun.”

    Nakakapanic ang mukha ni Madam pero syempre alam ko na kung anong kailangan kong gawin, kaya mo ba Lelay? Wala ka naman practice.

    “Uhm, ako po marunong pero wala na akong masyadong practice.” Nakayuko lang ako.

    “Ikaw? Marunong ka?”

    Tumingin lang ako sa kanya, “Opo, pero baka limited lang ang tugtog ko tsaka baka hindi rin magustuhan ng mga tao ang mga kanta ko.”

    “Oh my God Marley, if you do this I’ll double your salary. Please please please, we need this Marley. Please do this for us. I’ll be forever grateful.”

    Ah wala na, usapang pera na to. Double my salary? Para sa ilang kanta lang? Maning mani yan, Marley. Isipin mo na lang nasa bahay ka lang at mga kamag-anak mo lang ang kaharap mo. First paying job mo to bilang musikero, namnamin mo na.

    Nanlaki ang mata ni Chris nang umakyat ako sa stage at nag-set up. Acoustic guitar na lang ang gagamitin ko, mas madali. Bumulong si Chris “What the f*** are you doing?” tapos sabay batok sa kanya ng ate nya.

    Tinry ko ang gitara at nag-hello test mic sa mic at pumikit, huminga ng malalim at nag-umpisa.




    Chapter 28: Repertoire ni Marley

    Song # 1: Dear No One by Tori Kelly
    Song # 2: Tadhana + Oo by Up Dharma Down
    Song # 3: Thinking Out Loud by Ed Sheeran (Tori Kelly version)
    Song # 4: Sundo by Imago
    Song # 5: Runaway by The Corrs


    Sa bahay, halos araw araw kaming nag ja-jam nila Kuya. Pag may okasyon, hindi pwedeng hindi kami magtutugtugan. Syempre these past few months wala na masyadong ganun dahil sa mga nangyari, kaya ang huli kong kanta halos maiyak na ako sa pagkanta - 'Runaway' ang lagi naming kinakanta ni Kuya Dylan.

    Hindi ko na rin namalayan na may nag-kakahon na pala sa likod ko. Dumating na yung banda so nag-'Thank you' lang ako at bumaba ng stage. Nagpipigil ako umiyak nang biglang sumalubong sa akin si Chris.

    "Damn, Lee! Ang lupit mo kumanta! Pati mag gitara! I can't believe you..." sabay yapos nya sa akin. Binuhat pa nya ako. Napatili tuloy ako.

    Naglapitan rin si Nins at Kat at nag-ooh, ahh sa galing ko sa pagkanta. Syempre hindi naman sa pagmamayabang pero coming from a musical family since birth e nasanay na rin ako sa mga compliments ng mga tao. But it still feels good to be appreciated.

    Nabigla lang ako ng may hawak palang cellphone si Kat "live" daw kami. Kung ano man yun.

    "Grabe ang daming likes ng video mo, Marley." Pinapakita sa akin ni Kat ang cellphone nya. Alam ko napaka-loser ko pero wala kasi akong Facebook. Wala naman kasi akong wifi sa bahay at recently lang ako nagkaroon ng chance magkaroon ng cellphone na may camera at touch screen.

    Tuwang tuwa sila Kat at Nins kakatingin sa video ko, kakapanood lang nila sa akin ng live pero unuulit ulit pa rin nila.

    "I can't believe you didn't tell me you could sing like that. Edi sana napakanta kita nung debut ko. Kaasar to." Hindi ko na alam kung matatawa ako dito kay Nins. Ang laki ng problema.

    "Oh no..." Napalingon kaming lahat kay Kat.

    "I'm so sorry, Marley. I didn't notice kanina." Inabot sa akin ni Kat ang phone nya, inurong nya ng konti yung time sa video and nagplay ang last part. Tama si Kat ang dami ngang nag like at nag comment, feeling ko tuloy sikat na ako.

    I was smiling until I saw kung ano ang ibig sabihin ni Kat, she captured the part na binuhat ako ni Chris at tumili ako at tumatawa. Di naman siguro makikita ni Rob yan.

    "Hello? Woah woah woah. Stop yelling, Rob. What the fuck is wrong with you?" Napalingon kami sa likod nung nagsalita si Chris. Shit this is bad.

    Tumingin sa akin si Chris, "No, you idiot I'm not giving her the phone." Umalis si Chris at sumunod naman ako. Di ko alam kung kakausapin ko si Rob or hindi, alam ko it looks really bad.

    Tumigil si Chris sa loob ng office, sumunod ako at sinara ang pinto. Shit, galit na si Chris.

    "Holy shit! That was ages ago, move the fuck on!"

    Nakatalikod sa akin si Chris pero halatang galit sya. Tska sumisigaw na sya e so... duh.

    "Rob, Rob, listen to yourself... She's not cheating on you. I'm telling you, man. You have to believe me."

    Nakikiusap na si Chris. He didn't have to do it pero I feel like he was doing it for me.

    "Don't fuck this up because of me, Rob. You don't know what you're doing."

    Nagulat na lang ako ng biglang hinagis ni Chris ang phone nya. Napasigaw ako at napunta ang mga kamay ko sa bibig ko, umikot bigla si Chris.

    Minasahe ni Chris ang batok nya at huminga ng malalim, naupo sya sa couch don.

    "I'm so sorry Marley. I wasn't thinking."

    Naupo ako sa couch pero naglagay pa rin ako sa space sa pagitan namin ni Chris. Natatakot ako sa kanya kasi nun ko lang sya nakitang galit pero gusto ko sya i-comfort so hinawakan ko ang likod nya.

    "You didn't do anything wrong, Chris."

    Huminga lang ako ng malalim, hindi ko alam kung paano to aayusin pero alam ko may kailangan akong gawin. Hindi na dapat maulit ang nangyari sa kanila ni Rob.

    "I'll talk to him, okay?" Hindi ko alam kung si Chris ang kinukumbinsi ko or ang sarili ko.

    Umurong si Chris at humarap sa akin, nakahawak pa rin ako sa balikat nya so kinuha nya yung kamay ko at hinawakan nya ng dalawang kamay.

    Tinitingnan nya ang kamay namin, at kinakabahan na ako sa susunod nyang sasabihin.

    "He had every right to be upset, Marley. It did look bad and I'm sorry for doing this to you."

    Tinignan na nya ako, and nakita nyang umiyak na ako so umurong syang palapit sa akin, pinunasan nya ang pisngi ko, "I have a question, Marley."

    "Do you love him?"

    Napaiyak ako ulit, pero tumango ako.

    "Then you have to toughen up, okay? He said some things tonight that I'm hoping he wouldn't do but you just need to fight for him okay? If you love him, you'll do it."

    Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin tsaka mejo natatakot ako pero I'll try, para kay Rob I'll try.

    "We're friends diba?" Nakangiti na sa akin si Chris.

    "Oo naman. Why do you even have to ask?"

    "Then we'll always be friends, no matter what." Hinalikan ako sa noo ni Chris at niyapos.

    Natapos ang program at nagsiuwi na ang mga bisita.

    Kahit pagod na, hinatid pa rin ako ni Chris sa bahay. Bago ako bumaba tiningnan ko muna si Chris, parang may nangyayaring hindi ko alam so hindi muna ako bumaba. Tumingin lang sya sa akin.

    Nginitian nya lang ako and then bumaba na sya pumunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto, tinanggal nya ang seatbelt ko at kinuha ang mga kamay ko.

    "Tara na, Lee." Hawak hawak nya ako sa likod at gina-guide para pumasok na sa loob ng gate. Umikot ako at tiningnan sya, "Ano ba, bakit ang tahimik mo?"

    "Nothing. We're still friends, Lee. Even if it doesn't seem like it, we're still friends."

    Hinalikan nya ulit ako sa noo, and na feel ko ang kiss nya hanggang sa dulo ng mga daliri ko. Niyapos ko ng mahigpit si Chris. Hinalikan nya ang tuktok ko at umatras.

    "Good night, Lee."

  4. #34

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    more pa ts

  5. #35

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    Quote Originally Posted by ijverendia View Post
    more pa ts
    Chapter 29: Why Facebook , Why?!

    Anong nangyari sa buhay mo, Lelay? A few months ago you had friends, you had prospective boyfriends, a few weeks ago you actually HAD a boyfriend (sort of) and now you don’t have anything.

    It’s a Thursday and my last Thursday at work, five days na since nag-usap kami ni Chris at simula nun wala na rin akong narinig or nakuhang text galing kay Rob. Bigla silang nag-disappear, nahiya naman akong magtanong kay Madam kung nasaan na ang kapatid nya.

    Ang lungkot pala. Dati okay lang ako mag-isa e, ngayon parang may kulang na.

    *buntong hininga na naman si Lelay*

    “Oh my God, you are getting on my nerves.” Nagulat ako kay Madam, nasa likod ko na pala.

    “You’ve been acting weird, Marley. I don’t like bad vibes in the office so you need to get out of here.” Hala, napatayo ako bigla at humingi ng paumanhin sa boss ko, tanga ka, Lelay! Um-aattitude ka hindi pa nga tapos ang kontrata mo.

    “Sorry ma’am, sorry po talaga.”

    Kinuha ni Madam ang bag kong nakapatong sa table, mag-5 na kasi kaya naka-ayos na ang gamit ko. Inabot nya sa akin ang bag ko, “Get out of here Marley. It’s almost 5 na naman so it’s fine.” Lumakad na sya palayo pero biglang tumigil sa tapat ng pinto ng office nya.

    “Also, you don’t need to come back tomorrow. Have a good break, Marley.” Biglang sara ng pinto ng office nya. Kundi lang talaga ako pinapasweldo nun, naku…

    Wait lang, sweldo. Sweldo mo, Lelay! Kakatukin ko na sana si Madam nang tinawag ako ni Ma’am Beth yung finance head sa office.

    “Marley, pinabibigay nga pala si Ma’am.”

    Inabutan ako ng cheke. Nanlaki ang mata ko sa amount.

    “Marley, sign ka muna dito.” Nakangiti sa akin si Ma’am Beth, “Ah opo.”

    “Maraming salamat sa tulong mo sa amin this past month, Marley ha. Kung kailangan mo ng trabaho let me know, I’m sure Ms. Chloe will be willing to give you a job.” Napalingon lang ako sa saradong pinto.

    “Ah, salamat po Ma’am Beth, kaso mejo mali po yata ito, ang laki po ng sweldo ko e.”

    Ngumiti lang si Ma’am Beth. “Ms. Chloe specifically told me to give you that amount so tanggapin mo na lang, it’s her way of thanking you rin for your hard work.”
    Lumabas ako ng office ng nakatingin sa cheke ko, kaloka to. Para tatlong buwan kong sahod sa coffeeshop ito.

    *Beep Beep*

    “Hey, Ms. Marley! Let’s go girl!” Si Nins at Kat nasa back seat.

    Nanlaki ang mata ko, this day is full of surprises, “Ha? Teka, anong meron?”

    Sumigaw si Nins, “Just get in, we’re going on a trip!”

    Aba teka, kino-compute ko na nga sa utak ko kung pano ko hahati-hatiin ang sinweldo ko tapos gastos na naman ang unang gagawin namin?

    Hi-hindi na sana ako nang bumaba ang salamin ng driver’s side.

    “Come on, Lee. Don’t you miss me?”



    Kinukutkot ko ang mga balat sa paligid ng daliri ko, “You have to stop doing that, Lee. Kadiri e nagsusugat na ayaw mo pang tigilan.” Napatingin na lang ako kay Chris.

    “Walang pakielamanan ha, kuko mo ba to???!” Inilapit ko pa sa mukha nya ang namumula ko nang mga daliri. Kadiri nga, Lelay.

    Napaatras si Chris pero natatawa na.

    Biglang sumulpot ang mukha ni Kat sa pagitan namin ni Chris, syempre sa unahan nila ako pinaupo. “Sooo, Marley. Have you seen the pictures?”

    Biglang sumeryoso ang mukha ni Chris, “Kat, don’t even think about it.”

    Wait lang, ano yun?

    “Wait lang. Ano yun?” Echo mo ako, ha Lelay?

    “She has the right to know.” Pagalit na sabi ni Kat kay Chris.

    Huminga ng malalim si Chris, “Keep an open mind, ha Lee?”

    “Keep an open mind??? Keep an open mind??? Are you fucking kidding?” Biglang sumabat si Nins.

    “I’m just saying…” sabay tingin sa akin si Chris. “Whatever.”

    “Ano ba yun? Sabihin nyo na sa akin!”

    Iaabot na sana sa akin ni Kat ang phone nya, “Teka, wait lang. When was the last time you and Rob talked?”

    Ayoko na sana sabihin sa kanila since ayaw kong malaman nilang may problema kami pero hindi ko na naman maililihim ito e, so sumagot na lang ako. “Early last week pa.”

    “So after the Chris-hugging incident no more na? You haven’t talked to him?” Parang pulis magtanong tong si Kat.

    “Wala nga. Hindi ko pa sya nakakausap. Hindi ko naman sya mate-text at iba ang number nya dun, tsaka sya lang ang tumatawag sa akin, pero hindi pa ulet sya tumatawag since last week nga.”

    Nalungkot na naman ako. Nami-miss ko na si Rob kaya lang wala naman ako magagawa kundi mag-antay ng tawag nya. Ni-practice ko na nga sa utak ko ang sasabihin ko sa kanya e, nakakatulugan ko na nga nakatingin lang ako sa cellphone ko, nalalaglagan na nga ako sa mukha kakaantay pero wala pa rin. Deadma.

    Pinag-iisipan pa ni Kat ng maigi ang sagot ko at parang in-aassess ang reaction ko, pero at long last “Okay then, you need to see this.”

    Una kong nakita ang gwapong mukha ni Rob, close up ang shot nya – ang gwapo talaga nitong gunggong na to. Tapos may malapad na picture sa likod ng profile picture nya, black and white na picture ng skyline pero sa bandang kanan may nakaupo sa sahig, nakatalikod, nakatingin lang sa ulap – hindi ko kita ang mukha pero I’m pretty sure si Rob yun. Likod nya pa lang yummy na e. Napangiti ako.

    “Gaga, wag kang ngumiti jan. Scroll down.” Pinitik ni Kat ang tenga ko, na namumula na.

    Sinunod ko si Kat at nag-scroll down, may mga pictures ng aso – alaga siguro ni Rob. May isa pang picture dun na napangiti ako, alam ko kasi kami ang magkasama nun. Picture ng shades ni Rob na nakapatong sa dashboard ng pick-up nya nung pumunta kami sa Batangas, pero hindi yung shades ang nakapag-pangiti sa akin, yung reflection namin ni Rob na nakangiti ako, at pinipisil ko ang pisngi nya hanggang sa magmukhang suso ang labi nya.

    “Oh my God, ang bagal mo mag-scroll, girl!” Kinuha ulet ni Kat ang phone nya at sya na ang nag-scroll down, at pinakita sa akin ang kanina nya pang gustong ipakita. Si Rob, naka-hoodie, nasa snow sya at putting puti ang background.

    Ngipin lang ni Rob ang kita, naka-shades sya, pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang babaeng akbay akbay nya na nakangiti rin sa tabi nya.

    - - - Updated - - -

    Chapter 30: Ouch!

    Ganun pala ang feeling pag nasasaktan ng taong mahal mo, ang sakit sa dibdib. Hindi ko maexplain pero parang nag create ako sa utak ko at sa puso ko ng mundo na kami lang ni Rob, at dahil sa nakita ko parang unti unti nang gumuguho ang mundo namin.

    "Don't jump into conclusions, Lee. Baka naman pinsan nya lang yun." Buong byahe namin kinukumbinsi ako ni Chris na wala lang yung picture na yun.

    "Boys sticking together, huh?" Napaka-bratty ni Nins.

    "I'm just saying Nina that she should talk to him about it first, we don't even know what the girl looks like." Oo nga naman, baka naman pangit yung girl, ngipin lang rin kasi nya ang kita e, pero in fairness ang ganda ng ngipin, pantay na pantay. Sana lang duleng diba Lelay?

    "Whatever the girl looks like, she's got nothing on Marley." Sabi ni Kat, girls sticking together rin.

    "Syempre naman." Sagot lang ni Chris.

    Nanahimik na kami buong byahe, syempre kung ano ano nang pumapasok sa utak ko. It's been a week since mag usap kami ni Rob, hindi na sya nag ttry na tawagan ako sa gabi. Dahil ba busy na sya sa bago nyang friend? Talaga bang pinagpalit na ako ni Rob? Napaka unfair naman nya kung ganun, baka nasaktan talaga sya sa nakita nyang video namin ni Chris. E ni hindi nya nga ako pinag explain e. May kasalanan din ba ako? Friends lang naman kami ni Chris, pero kung sa nakita kong picture sa Facebook malamang ganun rin ang epekto sa kanya nung video. I just need to explain. He needs to listen to me explain.

    "Hindi ka ba mag-CCR? Mejo malayo pa tayo." Nag stop over pala kami, di ko na namalayan nagbabaan na sila Nins at Kat at ako lutang pa rin sa sobrang pag iisip.

    "Hindi." Wala ako masyadong gustong sabihin kay Chris. Ayoko munang magsalita dahil baka maiyak ako.

    "Malayo pa ang byahe natin."

    "San ba tayo pupunta?" Hindi pa rin ako tumitingin kay Chris. Ayaw ko makakita ng pag aalala at lalo namang ayoko makakita ng awa.

    "Subic."

    Bigla akong napalingon sa kanya. "Subic?! Hala, ang layo nga. E pa-gabi na. Anong oras tayo makakabalik?" Kaya pala kanina pa kami sa kalsada, ilang palayan na ang nadaanan namin. Lintek. Magtanong ka rin kasi Lelay wag lang sama ng sama.

    "2 days tayo dun. Don't worry nakuha na namin gamit mo."

    "Ay ganun? So wala akong choice? Ano to sapilitan? Hindi porke na-tripan nyo ibig sabihin gusto ko na rin ha. Yan ang hirap sa inyo e." Aba, galit ka bes?

    "Woah, relax lang Lee. I thought napag usapan nyo na to nila Nins, actually na invite lang rin ako."

    Ayan kase, gaga ka. Asyumera e pareho lang pala kayong nabitbit dito, mas malala pa sya ginawang driver.

    "I brought sustenance!!!" Giliw na giliw si Kat na winawagayway sa mukha ko ang chips na binili nya.

    "Sa Subic tayo pupunta? At two days pa ha! Kelan nyo balak sabihin sa akin?" Talagang nanggagalaiti ako sa mga kaibigan ko.

    Biglang napaatras si Kat - "It was her idea." Sabay turo kay Nins.

    "Don't worry about it, Marley. You deserve it. You deserve a break, I know you don’t feel like you do but everyone does. So forgive me for trying to make you feel better." Nagpout si Nina at humarap sa bintana nya, parang 'discussion over'. Actually naiintindihan ko naman ang point nya, yung outing namin dapat nung 1st week ng sembreak di na natuloy dahil sa trabaho ko.

    "She worked hard for this, she even called my sister to ask if you can get out early and syempre malakas ka kay achi so she agreed to let you go early. 2 days early actually." Tumingin na lang ako kay Chris.

    "She means well." Nginitian lang ako ni Chris.

    Bigla akong niyapos ni Kat, "Oo nga, Marley. We just wanted to spend time with you, next week papasok na naman tayo. Sorry na kung di agad namin sinabi. We wanted it to be a surprise." Lumingon lang ako kay Nins na nagmumukmok pa rin.

    "Fine. Pero kailangan ko tawagan sila mama, baka mag alala yun sa akin."

    "We already talked to her nung kinuha namin ang gamit mo, she wanted you to go. She knows how hard you've been working." Hindi humarap sa akin si Nins habang nagsasalita.

    "Ok." Wala na ako magagawa e, andito na ako. Tsaka siguro nga pwede naman akong maging teenager for a few days.

    "Yay! This is gonna be fun." Pumapalakpak pa si Kat at nagbo-bounce sa upuan.


    Hawak hawak ko pa rin ang phone ni Kat habang buma-byahe kami, wala akong ginawa kundi usisain at tingnan ang mga pictures sa profile ni Rob.

    "That won't do you any good so stop looking, ok?" Ilang oras nang nag ddrive si Chris at narealize kong napaka selfish ko dahil hindi ko manlang sya kinakausap, yung dalawa nga e tulog na tulog na dun sa likod.

    Inilagay ko ang phone ni Kat sa dashboard ni Chris. "Sorry. Hindi ko mapigilan e."

    Tumango lang si Chris sa kalsada pa rin sya nakatingin.

    "Chris?"

    "Yeah?"

    "Kung ikaw si Rob, what would that picture mean? I mean hindi kasi sya masyado nagpo-post ng pictures e so bakit bigla sya magpo-post ng ganun? Ako nga iisa lang ang picture sa wall nya."

    Parang nag isip ng mabuti si Chris bago sumagot, "The thing is, Lee, I'm not Rob so I'm not going to try and explain why he did it. You should ask him when he gets back okay?"

    So mukhang malabo na talagang mag usap kami bago sya makabalik. Paano naman ako papasok sa school ng ganito ang lagay namin?

    "Parang ayaw ko na nga malaman. Alam mo yun? Parang ayaw ko na magtanong, baka di ko magustuhan ang sagot."

    "You said you loved him. I thought you meant it."

    "I do. Kaya lang kung ayaw na nya ako kausapin ano naman gagawin ko? Ipagsisiksikan ko sarili ko sa kanya? Mahal ko nga pero may pride rin naman ako."

    "Pride is overrated."

    "Fine. Iibahin ko ang tanong. If you were me, anong gagawin mo?"

    Nag-isip ulit sya ng mabuti bago sumagot, "If I were you, I'd stalk him and annoy him to death until he hears me out. I won't give up until I get my chance to talk - even if it's the last time." Tumigin sya sa akin, "I don't want to live my life with regrets."

  6. #36

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    Chapter 31: Eye Candy

    Nakarating na rin kami sa Subic, may hotel na bi-nook sila Nins at dun daw kami mag stay for the night. Right beside the beach na naman ang tutuluyan namin. Iisa lang ang kwartong na-book nila Nins so we have to share daw. Chris wasn't having it dahil baka raw pagsamantalahan namin sya so he booked a separate room for himself, ang layo nga lang nasa dulo na ng beach.

    "Mag dinner na muna tayo then let's call it a night. Sigurado ko pagod na yun si Chris." Nagaayos na ng gamit si Nins habang si Kat puro selfie sa mag labas ng room namin. Actually mula kaninang hapon wala nang ginawa si Kat kundi mag picture. IG ng IG.

    Pagtingin ko sa relo ko 8pm na. Pumunta na kami sa restaurant ng resort, nakakain na rin kami pero hindi pa dumarating si Chris. Hindi rin sya sumasagot sa tawag namin so naisipan kong puntahan na lang sya sa kwarto. Si Kat naman at Nins umorder ng vodka tonic.

    "Sabihin mo bilisan na nya, I want to get up early para makapag picture sa sunrise." Si Kat puro picture ang nasa utak.

    Naglakad ako sa tabing dagat habang nag iisip isip, ano kayang ginagawa ni Rob ngayon? Kasama nya kaya yung girl? Sino kaya yung bruhang yun? Relax Lelay. Kalma lang.

    Nakarating na rin ako sa dulo ng beach at may isang room dun na puro salamin. May silhouette ng lalaki sa loob ng kwarto - si Chris for sure dahil ang tangkad. Dere-derecho ako sa room nya, wala nang katok katok at aambush-in ko nga diba?

    Dahan dahan akong umakyat sa stairs at hinawakan ang doorknob. Hindi naka-lock.

    One, two...

    "Ano ka babae? Ang bagal mo kumilos!"

    Tatawa tawa pa ako pero bigla akong natigilan - bagong ligo si Chris. Naka-towel lang ang pang-ibaba.

    Alam ko hindi proper para sa isang babae pero pag nasa harap mo na pala hindi mo mapipigilan, ilang segundo lang yun pero parang nag-take ng pictures ang utak ko.
    Basa ang hair ni Chris - wetlook.

    *Click

    Ang puti ng arms at dibdib - pantay na pantay.

    *Click

    Abs.

    *Click

    Abs.

    *Click

    Abs.

    *Click

    *Click

    *Click

    Biglang dumaan sa tabi ko si Chris at nawala ako sa pagkakatulala. Laway mo Lelay punasan mo muna.

    Wait lang, save mo muna Lelay. SAVE.

    "Ano ka ba? Hindi ka ba marunong kumatok?" Sinara ni Chris ang pinto, naiwan ko palang bukas.

    "Uhh.." Uhh? Uhh? Ah ah, nalusaw na ang utak.

    "Bakit ka ba pumunta dito? Nag shower lang ako, ang lagkit ko na e."

    Ako rin malagkit na e - este yung tingin ko malagkit na. Pucharagis na utak meron ka Lelay.

    "Ano? Kumain na ba kayo?" Wala pa rin kay Chris na speechless na ako sa kagwapuhan nya, kumuha sya ng shirt at isinuot nya. Hello? Earth to Lelay. Balik ka na sa Earth para di ka magmukhang tanga.

    At long last, gumana na rin ang utak ko…

    "Ah... oo, tapos na. Kakatapos lang. Inaantay ka nga namin e hindi ka naman dumating kala namin kung ano na nangyari sayo. Di ka sumasagot ng phone mo. Ha ha. San ba yang phone mo? Hindi mo kasi sinasagot kaya napasugod ako dito e sabi nila Nins bilisan mo raw. Umiinom na sila dun sa restaurant. Halika na bilisan mo." Sabay labas ng kwarto. Huminga ka, gaga.

    Ayan, kaya mo yan. Inhale sa ilong, exhale sa bibig. Yuck. Amoy bawang ang bibig mo, Lelay.

    After kong kumalma lumabas na rin si Chris, naka t-shirt lang sya na puti at shorts na brown. Lalo nang pumuti si koya.

    Imbes na umalis e naupo pa si Chris sa railing ng porch nya, nakaharap sa akin. Naka-patong naman ang mga siko ko sa railing at nakaharap ako sa dagat.

    "You need to stop thinking about it muna, Lee. Let's enjoy the weekend. We can't do anything about it now."

    At syempre tama na naman si Chris. I need to relax naman. You deserve it, Lelay. Wag muna isipin ang lovelife.

    "Sinabi mo sa akin na may gagawin si Rob, tingin mo ba ginagawa nya to para pagselosin ako?" Hindi ako makatingin kay Chris, syempre nasa utak ko pa rin ang 6-pack nya.
    Six talaga, sa bilis ng tingin ko nabilang ko pa rin.

    "People do stupid stuff when they're upset, so I don't know, maybe."

    "So, kailangan ko mag-sorry? Kahit na tingin ko wala naman akong kasalanan?" Sa totoo lang tingin ko talaga wala naman kaming ginagawa ni Chris, eto lang si Rob hindi maka move on sa mga issues nya sa insecurity kay Chris.

    "It did look bad, tiningnan ko yung video, we looked close. Super close."

    E kung alam ko lang na ganyan ang katawan mo sa ilalim ng uniform e di naging mas close pa tayo. Woooow!!! Utak mo, Lelay! Namula na naman ako.

    "E kahit na ba mukhang super close tayo hindi ba dapat nanghingi muna sya ng explanation? Hindi yung tatawag sya galit tapos yun na yun? Wala na akong karapatang ipagtanggol ang sarili ko."

    At di pa tapos, "E napaka kitid naman ng utak nya, wala na syang ibang ginawa kundi pagdudahan ako. Wala naman akong ginagawa."

    Napabuntong hininga na lang si Chris. "If you love someone you'll accept the good and the bad."

    Syempre alam ko naman yun, relationships work because the people in them do. It's a never ending job of understanding, patience and compromise.

    Oh well, wag muna isipin Lelay, minsan ka lang makapagbakasyon, make it count.

    "Tara na nga, baka lasing na yung dalawa dun, di ko sila kayang buhatin." Hinatak ko si Chris papunta ng resto.

  7. #37

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    ........

  8. #38

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    Chapter 32: ABSolutely Fantastic!

    Maaga kami lahat nagising para sa snorkeling at island hopping na sinet up ni Nins. Since wala akong swimsuit, puro sando at shorts lang ang nakuha nila sa bahay. Pinahiram ako ni Nins ng tankini nya - parang sando't panty lang rin pero mas sosyal.

    Naka shorts lang ako sa ibabaw ng tankini, pinagsabihan nila ako na wag nang mag t-shirt at gugulpihin nila akong pareho. We're all friends naman daw so walang problema.

    Syempre ang ikli ng shorts ko, bwisit tong sila Nins baka magkagulo dahil sa kuyukot ko, baka pagkamalang piyesta dito sa dami ng ube.

    "Bwisit ka talaga Marley, alam mo ba kung magkano ang ginagastos namin para makapagpaputi lang ng singit at pwet? Ikaw gifted, tapos kung maka-ube ka jan. Sapukin kita e." Galit na galit si Kat sa kuyukot ko.

    Tinitignan ko sa salamin, syempre may pagkakaiba pa ring ang kulay ko dun sa ibang parte ng katawan ko. Mas maitim kaya.

    "Halika na, tama na yan. Male-late na tayo ayokong abutin ng tirik ng araw, iitim tayo." Mukhang espasol si Nins sa kapal ng sunblock nya.

    Pagdating namin sa beach nandun na si Chris, naka board shorts lang sya, sando at shades. Ang puti parang artista.

    "Good morning, ladies!" Ang puti ng ngipin, pentey ne pentey, pereng negpebreshes.

    Bakit nakangiwi ka na Lelay?

    May dalawang jetski sa harap ni Rob, si Nins dere-derecho sa isa at kinuha ang inaabot na life jacket ni manong. Napatigil ako sa paglalakad. Jetski talaga? Dapat pala binanggit mo sa kanila na di ka nga sumasakay sa motor e sa jetski pa.

    "C'mon Kat, you're riding with me!" Nag she-shades na si Nins at sumasakay na sa jetski. Aba kung ganun edi kay Chris ako aangkas?

    "Teka, ako na lang iangkas mo Nins!"

    Napalingon sa akin si Chris. "Ayaw mo sa akin?"

    Ah eh. Humawak sa balikat ko si Kat.

    "Mas close kayo ni Chris so ikaw na lang umangkas sa kanya." Sabay alis ni Kat papunta sa jetski ni Nina.

    Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. Naka life vest na rin si Chris at lumapit sya sa akin.

    "Is there a problem? You need to have faith in my skills." Ngi-ngiti ngiti si Chris. Amputi talaga ng ngipin.

    "Ah eh, first time ko kasi sasakay ng jetski. Kinakabahan lang ako."

    Kinuha ni Chris ang kamay ko.

    "Wag ka mag alala Marley, I won't let you fall."

    Hindi naman ako inbalido pero nanlalambot kasi ako pag iniisip kong sasakay ako ng motor na pang tubig. Mas masakit yata malaglag jan, at may posibilidad pang malunod pag di ako nag ingat. So si Chris ang nagsuot ng life vest ko. Tumitingin lang ako habang nilo-lock nya ang mga strap.

    Sumigaw bigla si Kat, "Chris, maitim ba ang pwet ni Marley?" Nagtawanan ang mga kaibigan ko. Napaubo si Chris.

    "You got a good look, right?" Pang-aasar ni Nina.

    Tumingin sa akin si Chris, at mejo nag-squint pa ako dahil nakatapat ako sa araw. Binulungan nya lang ako, "I would never look at you like that, Lee."

    Ngumiti lang ako kay Chris sabay bulong sya ng "Unless you ask me to."

    Panga, meet sahig.

    Bago pa ako makareact hinawakan ni Chris ang bewang ko at binuhat ako paangkas sa jetski – ano ako isang kilo lang? Parang wala lang kay Chris e. Tapos sumakay na rin sya pagka-alalay sa kanya ni manong. Ang haba ng legs ni Chris s sakop na sakop yung jetski. Syempre ang Lelay hindi alam kung san hahawak, kumapit ako sa likod nung jetski.

    Lumingon sa akin si Chris, kinuha ang mga kamay ko at binalot sa katawan nya. "Sa akin ka kumapit Lee kung ayaw mong mahulog."

    Ayos lang ba to? Pinagdududahan na nga kami ni Rob e ganito pang pwesto namin? May nakaharang namang life vest e, makapal naman ang material. Hindi naman nakalapat ang boobs mo sa likod nya. Iniisip ko na lang na walang malisya, friend mo si Chris, so dapat walang malisya.

    Bago kami umandar, ni-tap ng mahina ni Chris ang kamay kong nakabalot sa kanya, "Just relax and enjoy Lee okay?"

    Nilapat ko lang ang mukha ko sa vest ni Chris at tumango. Tumili sila Kat at Nins at umandar na kami.

    Tama nga si Chris, no way na hindi ako mahuhulog kung hindi ako nakakapit sa kanya. Ang lamig na ng braso ko kakatama ng tubig sa amin, humahampas hampas ang jetski namin sa tubig, sakit na siguro ng mukha ni Chris pero wala e tawa pa rin sya ng tawa kada sisigaw ako.

    Enjoy rin sila Nins at Kat sa malayo, tumatayo tayo pa si Kat sa likod ni Nins. Mga baliw.

    Nagbagal ng takbo si Chris at pumasyal pasyal lang kami. Habang mabagal ang takbo nya inistretch ko muna ang mga braso ko para magkabuhay ulet ang mga daliri ko. Napalingon sa akin si Chris, umupo sya.

    "Masakit na kamay mo?"

    Hinipan ko ang mga kamay ko para mainitan, "Mejo lang. Nanigas na sa lamig e." Ngingiti-ngiti lang ako kay Chris, baka sabihin nya e di ako nag eenjoy. Super enjoy kaya ako.

    Kinuha ni Chris ang mga kamay ko at nilagay sa ilalim ng vest nya, sa bandang tiyan nya sa ilalim rin ng sando nya.

    SA.

    MAY.

    ABS.


    "Oooh! Lamig nga ng kamay mo." Kinilig si Chris. Pero syempre di na naman ako makaimik at salat na salat ko ang abs nya.

    Wag mong igalaw ang daliri mo, Lelay. Wag ka mag-explore jan, hindi ka naman si Dora.

    Bago pa ako may masabing ka-engotan, like "nag-gy-gym ka ba, pare?" Umandar na ulit kami ni Chris.

    Nung mejo uminit na tumigil na kami sa pag je-jetski, pero si Chris nagtuloy pa rin mag kayak. Winarning-an ko nga sya baka maging ulikba sya kaya lang tumawa pa.

    "Alam mo Marley frustration naming mapuputi ang mejo mag-tan. Ako nga e kung pwede lang magbabad sa araw ng matagal kaya lang nasu-sunburn ako. Ang sakit kaya." Inaayos ayos ni Nins ang bikini nya habang nagsasalita.

    Nasa ilalim lang kami ng malaking payong na may malaking sofa na nasa buhanginan. Walangya sa amin butas butas na ang sofa, dito nilalagay lang sa buhanginan.

    Umiinom ng juice sila Nins at Kat, ako nagrerelax lang at nakatingin sa dagat. Nakatingin sa malayo, dun sa nagka-kayak.

  9. #39

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    Chapter 33: A Walk to Remember

    Ayan tayo e, porke nakapunta sa malayong lugar at nasa nature feelingera na, eto ako kinakapos na ng hininga, nakahawak sa tuhod, ga-munggo ang pawis at dry na ang bibig.

    “Kaya mo pa? Iba na kulay mo ah.”

    Tatawa tawa si Chris sa akin habang pababa kami sa hiking trail. Syempre, alam mo naman Lelay na wala kang kapasidad na mag-paka-sporty pero nagpa-dala ka sa pang-aasar ni Chris – deserve mo yang feeling na mamamatay ka na. Ang galing galing mo e. Buti pa yung mga matatalino mong friends nasa poolside at nagpapa-tan, alam nilang hindi nila kaya e.

    Shaddap! Kung pwede lang pumatay ng subconscious ginawa ko na.

    (Hala, nabaliw na.)

    “Ano nga, Lee. Kaya mo pa? Putla mo na e.”

    Tumigil si Chris sa paglalakad, yumuko at hinawakan ako sa wrist habang nakatingin sa relo nya. After a minute…

    “Masyado pang mabilis ang heartbeat mo, pero sorry hindi ka pwedeng magpahinga – mabibigla ang katawan mo so lalakad lang tayo okay? Babagalan natin ang pace.”

    Inalalayan ako sa braso ni Chris, habang naglalakad kami. Hindi ako makapagsalita pa kasi talagang hingal na hingal pa ako. Tsaka nahihilo na ako, huling kain ko agahan pa, merienda-time na.

    “Sino ba naman may sabi sayo na kailangan mabilis mag-lakad pag paakyat ng trail? Ayaw mo pa mag-paawat. Kala mo naman masasabayan mo ko.”

    Ano? Hindi ka makasagot no Lelay? Tiisin mo na lang ang sermon.

    “Hindi mo ba nakikita ang muscles ko?! Wala kang laban dito.”

    Sabay inangat nya ang braso nyang hindi nakakapit sa akin at nag-flex. Woah, laki nga.

    Sabay tawa si gago. Nung nakarecover na sya sa pag-tawa sa akin, “Sorry, Lee. Ang saya ng ganito, I’m annoying you to death, aren’t I? Pero hindi ka makasagot.”

    Binigyan ko lang sya ng death glare habang lumalaki at lumiliit ang butas ng ilong ko sa pag-hinga.

    Nginitian ako ni Chris, “Patingin nga kung okay na ang pasyente ko?” kinuha nya ulet ang wrist ko at binibilang ang heartbeat ko.

    “Yan, okay na. Pwede ka nang magpahinga.”

    Actually, mas gusto ko na makababa at uminom ng malamig na malamig na tubig.

    Biglang tumigil sa tapat ko si Chris at nag-squat slightly, hawak pa rin nya ang braso ko na pinatong nya sa balikat nya, tapos hinawakan nya ako sa hita...

    “Hoy! (haaaa… haaa….) ano ba! (haaahhh… haaaahhhh….)”

    “Malayo pa ang lalakarin natin, baka matumba ka, kaya sumakay ka na. Kayang kaya ka ng well-toned kong katawan.”

    Kung hindi lang sya tama, tsaka kung hindi lang ako hinihingal tatawa talaga ako. Pero bwisit, ang sakit nang hita at binti ko, sakit sa katawan ng hike na to.

    Hindi na ako lumaban at binalot ko na ang mga braso ko sa balikat ni Chris. Nilapat ko pa ang pisngi ko sa braso ko na nakabalot na ngayon sa dibdib nya.

    Tahimik kami at dahan dahang bumaba ng trail, hindi ko alam kung paano ako nakakayanang buhatin ni Chris nang hindi nadadapa. Hindi naman ako mataba – mga 50kgs, pero alam kong hindi ako magaan. Sa katahimikan namin, feel na feel ko ang pagiging close namin ni Chris.

    Kahit na sya ang una kong nagustuhan sa kanila ni Rob, wala akong nafe-feel na awkwardness sa amin at masarap sa pakiramdam na pareho kaming naka-move on sa kung ano man ang mga nangyari. Sino naman mag-aakala na yung poging nakabunggo ko sa first day ko e magiging isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. Swerte mo, Lelay.

    Biglang tumigil si Chris nung makakita sya ng bench na gawa sa troso, binaba nya ako paupo sa bench. Naupo sya sa tabi ko nakaliyad, nakahawak ang mga kamay nya sa bench at tumingala.

    “Kayang kaya pala ha. Magpapahinga ka rin pala.” Ngiting-ngiti ako. Haha! Pwede na akong mang-asar.

    Napatingin sya sa akin, pero hindi nakasalita. Humihingal din si loko. Tumawa lang ako saglit pero napatingin ako sa kanya – nakatingin na naman sa langit, naawa naman ako, ako ang nagpahirap e tinawanan ko pa. So bago ako mawalan ng lakas ng loob, lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Bigla bumukas ang mga mata nya at tumingin sa akin.

    Hindi nga ako masyado nag-iisip kasi puro pawis yung pisngi nya, mabango pa rin kaya lang maalat. Sabay punas ako sa labi ko, “Ew, basa.”

    “Ang bigat mo kaya.” Tapos nag-exaggerated na hingal si loko.

    Tapos bigla nya akong hinampas sa hita, “Naka-kiss ka ah.” Ngumiti na lang sya.

    “Sorry napagod ka. Thanks sa pagbuhat sa akin.” Ngumiti lang rin ako sa kanya, I’m pretty sure namumula ako – sabihin ko na lang kunwari dahil sa pagod.

    Akala ko magiging awkward na naman kami pero hindi, walang bakas ng awkwardness sa mukha ni Chris.

    “You’re welcome, Lee.”

    Sabay tumayo sya, “Unlike you, hindi ko kailangan ng sobrang tagal na pahinga. Madali mag-recover ang katawan ko, parang si Wolverine.” Ayan na naman sya sa Comic book references, napa-irap na lang ako at tumayo.

    Naglakad lang kami pababa, mas madali pababa kaya hindi ako masyado napagod, nag-usap lang kami ni Chris, paminsan minsan hinahawakan nya ako sa braso para tulungan ako pag may mga bato bato or pag mejo matarik ang bababaan.

    Habang pababa kami hindi ko mapigilan mapangiti pag tinitingnan ko sya, very animated sya magkwento tungkol kay “Deadpool”, asar na asar na naman sya nang sabihin kong hindi ko alam kung sino yun – he said he needed to educate me bago daw nya ako itakwil bilang kaibigan. So tahimik lang ako habang nag-kkwento sya.

    Wow, anong ginawa mo nung past life mo Lelay para magkaroon ka ng kaibigang ganyan? Tingnan mo nga, ang puti puti kahit nagbabad na sa araw, parang walang pores, pag nakangiti halos wala nang mata, ang haba pa ng pilikmata! Tsaka yung lips. Emerged. I’m dead.

    WAIT!!!

    Gaga ka ba, shake your head! Shake those thoughts out of your head. Kaibigan mo yan, okay? Friends lang – friends with benefits? Gaga! Friends lang!

    Sa totoo lang, mas maigi sa akin ang mga friends na lalaki, mas madali kausap, pag galit sasabihin sayo hindi mag-aantay kung mapapansin mong galit sila. Like my brothers, kaya ganito ako mag-isip bata pa lang ako alam ko nang hindi ako talaga pa-girl and I like having a guy friend. Who would’ve thought na after a few months magiging ganito ako ka-kumportable kay Chris? Ang POGI na nakabunggo ko during my first day?

    Tumigil sya sa pagkkwento, tiningnan lang ako at bigla akong inakbayan, “Wala ka na naman naintindihan sa sinabi ko no? I know my face is distracting but try to keep up.”

    Hindi ko napigilan, napahalakhak ako ng bongga.

  10. #40

    Default Re: The Misadventures Of Marley

    34: Let’s Drink to That!

    As usual late na naman lumabas si Chris for dinner, magpapahinga muna raw sya, so kumain na kami nila Kat and Nins at syempre after nun umorder na ng alak yung dalawa. Pinipilit nila ako uminom pero I’m gonna be the designated Sober-person for the day. Baka pare pareho kaming gumapang pabalik ng room namin, or worse baka sa ibang room kami mapunta.

    “Oh my gosh! Bukas na yung videoke! Let’s go!!!” Hatak hatak ako patayo ni Kat, sunod naman sa amin si Nins.

    “Asan na ang songbook???!!!” Napapikit na lang ako sa lakas ng boses ni Nins, nakainom na e. Tequila ba naman ang binanatan – which they told me is super fun to drink, party party talaga ang feeling kaya eto si Ateng Nina maligalig na.

    “Kanta ka, Marley.” Ayan lang, pag alam na ng mga kaibigan mong marunong ka kumanta, papakantahin ka nyan, at syempre lagi ka nang may nakahanda, yung hindi ka masyado mahihirapan.

    “Hoy ako muna. Nakakahiya sundan yan!” Inagaw sa akin ni Kat ang songbook at namili na sila ni Nins ng kanta. Mejo nakakahiya sa ibang tao pero looks like they’re having fun so hinayaan ko na lang, babantayan ko na lang sila hanggang makatulog just in case.

    Nagkantahan na ang mga lukaret, at in fairness nasa tono naman kahit nakainom na. Bumibirit na si Kat ng Aegis si Nins naman nakatingin lang kay Kat at parang naiiyak iyak na. Hala, nabuang na mga kaibigan mo Lelay.

    Tawa ako ng tawa sa dalawa kong kaibigan nang biglang may umupo sa harap ko, kala ko si Chris so nginitian ko. Nope. Hindi si Chris, may itsura naman pero syempre mas gwapo si Chris at si Rob, walang panama to kay Rob.

    “Hello.”

    Ayaw ko naman maging rude so, “Hi.” Tipid lang sagot Lelay, mukhang nakainom na si Koya or namumula ang pisngi dahil sa kakababad sa araw – tisoy rin e.

    “We saw you girls on the beach today, looks like you’re having fun.” Sabay tingin ni “guy” kina Kat at Nins. Hindi ako masyado nagpupunta sa mga bar or anything so normal siguro yang may nakikipag-kilala.

    “Yup.” Yun lang ulet ang sagot ko. Wala akong masabi sa lalaking to, hindi ko naman kilala.

    “I’m Mark, by the way.” In-extend nya ang kamay nya sa akin. Shake hands lang Lelay, hindi ka inaalok ng kasal so kalma lang.

    “And I’m Chris.” Sabay abot ni Chris ng kamay ni Mark at naupo sa tabi ko. Bench ang inuupuan namin so naka-bukaka si Chris at naka-harap sa akin.

    “Oh, hi.” Gulat ang mukha ni Mark nang makita si Chris, intimidating naman kasi ang presence ni Chris ang tangkad kaya tapos broad shoulders parang athlete.

    “I see you’ve met my girl.” Sabay tingin sa akin ni Chris, “my girl” talaga? Napalingon lang ako sa kanya na parang “wtf”?

    “Ah oo. I was just making conversation, mag-isa kasi sya e.” Parang ayaw na ako tingnan ni Mark.

    “Thanks man, we’ll I’m here now so…” Hindi na kailangang tapusin ni Chris ang sentence dahil tumayo na si Mark.

    “Nice meeting you.” Kumaway lang sya at umalis pabalik ng table nila, nun ko lang napansin na halos 5 silang nakaupo dun at nakatingin sa amin ang lahat ng nasa table nila. Umiling lang yung isa at um-apir si Mark.

    Sinundan rin ng tingin ni Chris ang table ni Mark, parang irritable sya pagharap nya sa akin.

    “Did you want to meet him, Lee? Coz I remember you having a boyfriend diba?”

    Nagulat naman ako, “Nakikipagkilala lang, issue agad?”

    Humingang malalim si Chris, “Hindi naman issue, that guy’s a dick – I heard him talking to his friends before he came over. Nandun lang kasi ako sa labas.”

    Napalingon ulet ako sa group nila Mark at nakatingin pa rin sa akin yung isa, pero the rest parang nagtatawanan na.

    “Oh e ano naman kinalaman ng pagkakaroon ng boyfriend dun?”

    Umayos ng upo si Chris, “Sorry, I shouldn’t have said anything.”

    Napikon lang rin ako so hindi na ako sumagot, ano ba naman kasi yun? Diba? Hindi naman ako malandi para makipag-harutan nang may boyfriend no. Ngayon nga lang ako nagkaboyfriend e.

    Tahimik lang kami pero yung dalawa naming kaibigan e parang mga baliw na sa stage, Spice Girls na ang kinakanta nila.

    Since wala namang gustong kumanta na ibang guests pinahawak na sa akin ni Kat at Nins yung songbook, maglagay lang daw ako ng maglagay ng kanta sila daw bahalang mag-entertain. Mga gaga.

    Napunta na sa mga pinoy rock ballads sila Kat at Nins, si Kat namamaos na ayaw pa rin tumigil. Nakatingin na sa amin yung mga staff ng resort, pagtingin ko sa relo ko 11pm na. Hanggang lumapit na sa amin yung manager at kinausap si Chris – na mukhang mapasandal lang e makakatulog na.

    Bumulong sa akin si Chris, “Last song na raw, magsasara na daw sila.”

    Sinabihan ko lang rin sya, “Edi ikaw magpatigil dun sa dalawa, kanina ko pa inaawat e ayaw tumigil.”

    Tumingin si Chris sa dalawa naming kaibigan na magkayakap na sa stage habang bumibirit ng Lani Misalucha.

    “Fine.”

    Biglang tumayo si Chris at kinuha ang mic kay Nins habang binubulungan nya.

    “Oo sige, sige.” Tatawa tawa si Nins at akbay akbay si Kat na bumaba ng stage at naupo sa tapat ko.

    Nagpipindot sa machine si Chris at nilagay pa ang mic sa stand. Yumuko sya habang tumugtog ang intro ng kanta. The Rivermaya classic – ‘214’.

    Pero bago sya nag umpisang kumanta tumingin muna sya sa akin at tumuro, “This one’s for you, Lee.”

    Kakabog kabog naman ang dibdib ko, wag naman sana po na magaling kumanta si Chris or maganda ang boses, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I’m only human po, jusmio.

    Nakatingin pa rin sa akin si Chris nung kinanta nya ang first line.




    Oh my God.




    My ears!!! Takpan mo, Lelay! Takpan mo! Minu-murder ng kaibigan mo ang isa sa pinakamagagandang OPM sa history!
    Pinipigilan ko pero walastik tong si Chris, bigay na bigay sa pag-kanta pero walang itinamang tono. Hindi ko na kinaya kaya tumawa ako ng tumawa.

    This time, I knew for sure na wala kaming pag-asa nito ni Chris. A dealbreaker is a dealbreaker.

Page 4 of 6 FirstFirst ... 23456 LastLast

Similar Threads

  1. The Misadventures of Boy Ngo-Ngo
    By qtmeztiza in forum Gags and Jokes
    Replies: 2
    Last Post: 16th Mar 2008, 18:25
  2. The Misadventures of Boy Ngo Ngo
    By ludwig14 in forum Gags and Jokes
    Replies: 19
    Last Post: 11th Nov 2007, 18:26

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •