Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. #1

    Default Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD







    Ang Tunay na Pagibig
    Iniibig kahit ang ugaling Pangit
    Hindi lang ang mukhang nakaka-akit
    Lalong higit ang ugaling sa ulo'y nakakasakit.

    Anong Pakulo ba yan?

    Ito ay isang poem writing contest kung saan kailngan ninyong gumawa ng isang sweet na tula na naglalaman ng mga nakakairita, nakakainis, hindi maintindihan o negatibong ugali ng taong iyong minahal, minamahal o mamahalin.




    Voting Mechanics:

    Paano Bumoto?

    - Simple lang. Basahin, Unawain, at Isa-puso ang mga entries. Sundin ang tinitibok ng iyong puso. I-comment ang naibigan mong akda at ilagay ang dahilan kung bakit. example: gusto ko iyong entry #0 sa kadahilanang makalaglag panty ito. Isang entry lang per vote. Choose wisely

    Sino-sino ang pwedeng bumoto?

    -Ang may karapatan lamang bumoto ay iyong mga Symbianizers na nakapag-parehistro na bago pa mag October 2016. Kung ikaw ay nag-register nitong October 2016 onwards, I Am Sorry, 'di ka valid. Dapat mayroon ka ding 50 post or higit pa.

    Pwede bang bumoto ang mismong may akda?

    -Magandang tanong iyan. Ang sagot ay "Oo" ngunit mahigpit na ipinagbabawal na sabihin sa iyong comment/vote na iyo ang akda na iyong ibinoto. Anonymity issue syempre. Automatic na disqualified ang mahuhuling lalabag.

    Ang mananalo po ba sa voting ay automatic na panalo na rin sa contest?

    -Hindi. Na sa desisyon/boto pa rin ng mga judges kung sino at kung kaninong entry ang mananalo. Ngunit may nakalaang premyo sa kung sino mang may pinakamaraming botong makukuha.

    Hanggang kailan tatakbo ang botohan?
    -10 days. February 12-21 2016.


    You are not allowed to Campaign your entry in any way inside and outside Symbianize Premises, those who are caught campaigning will have their entry DISQUALIFIED from the contest and will receive a -50 reputation points.
    On the other hand, those who will report anyone campaigning
    their entries will receive a +20 reputation points.




    Criteria for Judging:
    (for judges only)

    originality and style 20%
    the style of writing and interpretation of the theme and the uniqueness of the poem.

    Relevance to the theme 20%
    How the theme was interpreted by the poet.

    Form and Quality 30%
    includes literariness of the poem, literary device, rhyme, and coherence to the form if the poetry is with form.

    Content 10%
    the ideas, philosophy and ideology the author relays through his poem.

    Organization and unity 10%
    how the author built up his poem and how he was able to present his ideas that makes the poem whole.

    Votes 10%

    These amazing prices await the winners:





    (for First Place Only.)



    • 1st place: 300 load to any network +100 reputation points
    • 2nd place: 150 load to any network + 50 reputation points
    • 3rd place: 50 load to any network + 25 reputation points







    Ano pa ang inaantay mo? BOTO na!

    Kung may katanungan or reaction, post it here: Discussion Thread


    Symbianize Literati reserves the right to deem a vote qualified or disqualified depending on the consensus of the usergroup.
    Last edited by mind^^FREAK; 12th Feb 2017 at 17:42.

  2. #2

    Default Re: Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD

    ENTRY No. 1



    PAK in WAN



    Ang hirap mong ispelengin
    Bagaman tatlong titik lang ang iyong name
    Pabago-bago ang takbo ng isipan
    Tila presyo ng bilihin sa pamilihan

    Noong una kang masilayan
    Poreber na yata ay nasa harapan
    Kaya naman di na kita pinakawalan
    Tayo na agad wala ng madamdaming tanungan

    Madalas tayong tinatanghali sa lakaran
    Dahil sa habit mong mamaya na lang
    Ibig mo na ikaw ay hihintayin
    Samantalang ikaw naman ay mainipin

    Lagi kong tinatawanan
    Ang mga lutuin mong pacham
    At sinasabi kong "Pwede ng pagtyagaan.."
    Ngunit masarap talaga sa totoo lang

    Ikaw lang ang laman ng puso at isipan
    Kahit simpleng "K" di mo ako nirereplyan
    Galit pa kapag ikaw ay tinatawagan
    Pero ayos lang, may pasalubong ka naman

    Naiinis kapag sa Facebook ako ay may katsikahan
    Palibhasa'y di ka mahilig sa huntahan
    Ngayon "Tao ka na" at marunong na gumamit ng emoticon
    Kaya naman bawat post mo ay aking pinupusuan

    Naiirita ka sa tuwing ikaw ay kinakantahan
    Mga awitin kong paulit-ulit lang
    Pero sa gilid ikaw ay minsang natagpuan
    Saumasabay sa aking music laban

    Kahit paulit-ulit mo akong laitin
    Sa pangarap kong walang suporta kahit katiting
    Ikaw pa ang unang-unang nambu-bully sa akin
    Tuwing di magkahawig ang model at ang aking drawing

    Bagamat tinatamad kang ako'y suyuin
    Makikita ko na lang sa lamesa ay may ramen na nakahain
    Magkukunwaring di ikaw ang may kagagawan
    Dahil ayaw mong "Sweet" ikaw ay mabansagan

    Kapag naglalakad tayo sa lansangan
    Ayaw mong aking kamay ay hinahawakan
    Di uso sayo ang Public Display of Affection
    Makunat ka pa sa nabili kong Chicharon

    Nasusura ka kapag mata mo ay napapansin
    Na laging sa chicks nakahilig ang paningin
    Pakiusap huwag mong problemahin
    Basta't mas mukhang tao kaysa sa akin

    Alam kong walang perpektong nilalang
    Kaya sa ugali mo ay di mauubusan
    Ngunit gusto ko lang iyong malaman
    Nasayo na ang lahat.. Packed into One


    Entry No.2

    A Letter Poem for the no time for love Police Woman


    “Patay! Tumba ako kung ang mga adik sayo’y natotokhang
    Alam kong tinamaan sa’yo ngunit natakot na agad manlaban
    Taas kamay akong sumuko sayo’ng ganda noong una pa lamang
    Malinis kong intensyon, saan, kalian, paano nga bang sinimulan?”


    Alam mo bang bagay sa’yo tuwing buhok mo’y nakalugay?
    Gusto sana kitang bawalang magbabad sa arawan
    Kung maaari lang, tuwing lalabas ka ika’y akin na lang papayungan
    Mukha ka kasing magjojogging
    Sa sumbrero at t-shirt ng kapulisan

    Totoo palang balance ang police duty and breaktime?
    Kung ‘di ka amoy pawis ay amoy kopiko brown
    Ako na sana ang maglalagay ng bimpo sayo’ng likuran
    Kung alam ko lang papaanong i-dodge
    Ang mga self defense na sipa mong nalalaman

    Alam mo bang mutik ko ng isuko ang aking laban?
    Inakalang ang paghangad sa isang tulad mo’y walang patutunguhan
    Mapupuno na ang Munti ng mga sayo’y nabihag, Mandaluyong sa nahibang
    Habang ikaw, ang iniisip ay puro trabaho lang
    The no time for love Police Woman

    Totoo pala ang aking mga nabalitaan?
    Malungkot ka daw mula noong hindi na kita kinukulit at nilalapitan
    Pero sa donut ay lalo ka pa daw naging masiba
    Lagi ka daw may asukal sa iyong mukha
    Akala mo lang siguro ay hindi halata

    Akala ko noon bato ang iyong damdamin
    Akala ko ikaw ang tipong hindi papatol sa akin
    Akala ko ikaw ang pulis na habang buhay ko lang hahabulin
    Akala ko suicide mission ang paghanga ko sa’yo at pagtingin

    Akalain mo, nagawa ko pa ring aminin
    Ang mga akala na akala ko’y habang buhay kong sasarilinin

    “Akala mo lang”
    Ang sagot mong habang buhay kong ipagpapasalamat at aalalahanin

    Totoo pala
    Matamis ang Oo na inaasam
    Maasim ang yakap sa alas dos na initan

    “Mahal, maligayang anibersaryo sa pagmamahalan natin
    Kalakip ng tulang ito ay tsokolate at purong pag-ibig
    Pero Mahal hinay hinay lang sana sa pagkain, tumataba ka
    At sa huling selfie natin ay para mo akong dadamputin”
    Entry No.3

    MY LOVE AT FIRST SIGHT



    NUNG UNA KITANG MAKITA AKO'Y NATULALA.
    HINDI DAHIL SA IYONG MAGANDANG MUKHA, KUNDI SA IYONG MALAKING HITA.
    AT PARA BANG TUMIGIL BIGLA ANG MUNDO,
    NG MAPANSIN ANG BEAUTY MO AT SABAY SABING OKAY NA TO.

    ONE DAY NAKITA KITANG MAY KASAMANG IBA,
    PERO ANG PANGIT NIYONG DALAWA, BAGAY KAYO MAG SAMA.
    BUT I'M WONDERING WHO IS THAT GUY?
    DAHIL BAKIT SA MALAKING BALIKAT MO'Y NAKAHAKABAY?

    MAGPAPASKO NUN AT NAG TEXT AKO SA IYO, MERRY CHRISTMAS ANG SABI KO.
    SALAMAT AT NAG REPLY YOU, PERO SH*T BAKIT WHO YOU?
    BAWAT SIMBANG GABI KOY MASIGLA AT MASAYA,
    SA TUWING GIGISINGIN KITANG BIBIG MO'Y NAKA NGA-NGA.

    DUMATING NGA ANG ARAW NA AKO'Y NANLIGAW NA,
    AKALA KO HARD TO GET, 5 MINUTES LANG PALA.
    BINAGO MO ANG ORAS KO TUWING GABI SA PAGTULOG,
    PERO OKAY LANG, TINA-TIMING KO NAMAN PAG AKO'Y WALANG PASOK.

    NGAYON NGA AY MAGKASAMA NA TAYO SA IISANG KWARTO,
    UTOT MONG MALA BARADONG KANAL NA LAGING TINITIIS KO.
    TULOG KO'Y MAHIMBING SA TUWING KASAMA KITA,
    NAGKA-MUSCLE AKO SA TUWING GABING NAKATANDAY KA.

    PAG GISING KO PALANG SA UMAGA, PARA NA AKONG NA OUT OF THIS WORLD.
    SA MASAMANG HANGIN TUWING BUMIBIGKAS KA EVERY WORD.
    AT SALAMAT SA GABING SOBRANG CONCERN MO SA AKIN,
    SA TUWING MAHIMBING ANG TULOG MO'T KUMOT MO'Y AKING AAGAWIN.

    MAHAL KITA HINDI DAHIL SA IKA'Y MAGANDA,
    SABIHIN NALANG NATING MAHAL KITA… BASTA LANG MAHAL KITA.
    AKOY NA FA-FALL SA IYO TUWING IKA'Y NAKASIMANGOT,
    DAHIL I-PINAHID SA IYO ANG BASA KONG KULANGOT.

    DATE NATING MASAYA HINDI DAHIL KASAMA KITA,
    DAHIL HUMAHANAP PALANG TAYO NG KAKAINAN, TIYAN MO'Y BUSOG NA.
    SELFIE DITO SELFIE DOON HANGGANG MA UBOS ANG TIME,
    KAHIT NAPIPILITAN LANG AKONG I-ADD TO TIMELINE.

    SOBRANG MAHAL KITA KAHIT HINDI MO ITO MASYADONG NAPAPANSIN,
    PARANG BIGAY KONG TSOKOLATENG HINALOAN KO NG ASIN.
    AKO'Y HINDI MAGSASAWANG BIGYAN KA NG BULAKLAK,
    KAHIT NA LAGING SABI NG DAHON "HE LOVES ME NOT."

    PANGAKO KONG HINDI KITA IPAG-PAPALIT.
    DAHIL HINDI MO AKO NAAKIT, KUSA AKONG LUMAPIT.
    NGUNIT SANAY HINDI MO DIN AKO IPAGPALIT,
    SA MGA LALAKING PANGIT, NA SA IYO’Y LUMALAPIT.

    IKAW YUNG TUNAY NA DYOSA PARA SA AKIN,
    BASTA BAY HINDI BABASIHIN SA ATING PANINGIN.
    YUNG GANDA MONG YAN ANG AKING DINADALANGIN,
    DAHIL SA SOBRANG LINIS NG IYONG DAMDAMIN.

    HADLANGAN MAN NILA TAYO SA ATING PAG IPON,
    HINDI KITA BIBITAWAN KAHIT ANG NABINGWIT KO AY HIPON.
    AT KAHIT AKOY PAPIPILIIN, IKAW ANG GUSTO KAPILING,
    KAHIT HINDI AKO PILITIN, IKAW ANG PIPILIIN.

    MASARAP KANG MAHALIN, KAHIT PURO KA PAKIPOT.
    SA TUWING AKING MAPAPANSIN, NA MAGANDA KA KAPAG NAKATALIKOD.
    SABAY NATING HAHARAPIN ANG TUNAY NA MUNDO,
    KAHIT MAS NAUUNA PA AKO MAG-AHIT KESA SA IYO.



    AT NGAYONG ARAW NG MGA PUSO SANA’Y ITO IYONG MAGUSTOHAN,
    BUGBOG MAN ANG ABUTIN KO HUWAG MO LANG SANANG PAG-LARUAN.
    DAHIL ANG PAGMAMAHAL KO SA IYO HANGGANG DULO, KAHIT SABIHIN NILANG WALANG FOREVER.
    HIRAP MAN ANG KAPALIT YAN AY KAYANG KAYA KO, BASTA KASAMA TAYO TOGETHER.
    PANGAKO KONG BAWAT SEGUNDO, MINUTO O ORAS,
    MAGING ARAW O TAON MAN ANG LUMIPAS.
    IBIBIGAY KO SA IYO ANG BUHAY KO HANGGANG WAKAS.
    Entry No.4

    ALA-ALA



    SA UMAGANG KAY GANDA
    MUKHA MO ANG NAIS MAKITA
    MASILAYAN KA SA TUWINA
    LUBOS ANG AKING LIGAYA

    MUKHA MONG HINDI MASYADONG KAGANDAHAN
    NAIS KO PARING ITO AY MAHAGKAN
    KATAWAN MONG PARANG COKE IN CAN
    IKA'Y IPAGMAMALAKI SA AKING BUONG ANGKAN

    MADAMI MAN AKONG PROBLEMA
    NAWAWALA KAPAG IKAW ANG KASAMA
    ISANG NGITI MONG KAY GANDA
    MARAPAT NA AKO'Y PUMANAW NA

    MABANTOT MONG PAA SA UMAGA
    DALA DALA HANGGANG SA UMUWI NA
    ANG IYONG HININGANG HINDI NAKAKA HALINA
    ILONG KO'Y NAIS SUMUKO NA

    PAGMULAT NANG AKING MGA MATA
    ITOY KATHANG ISIP NA LAMANG PALA
    MULI AKOY BIGLANG MAY NAALALA
    AKO PALA'Y IYONG NILISAN NA

    SALAMAT SA MASASAYANG ALALA
    SANA IKAW AY MAGING MALIGAYA
    AKIN LANG SAYO AY IPAPA-ALALA
    MINAHAL KITA HANGGANG SA MAWALA KA
    Entry No.5

    Piling Pag-ibig


    Eto na naman tayo ngayong buwan ng pag-mamahalan.
    Hanap dito, hanap doon ng magiging kasintahan.
    Listahan ko'y nag-uumapaw ng aking mga nagugustuhan.
    Subalit tatlo lamang ang sa huli'y pagpipilian.

    Gusto kita kahit hindi ka ganun kaganda.
    Mensahe mo'y pantangal stress, kahit na ito'y walang kwenta.
    Kinikilig sa boses mong animo'y naipit na lata.
    Isip mo ma'y bata pa, type padin kita.

    After graduation, napansin kong cute ka pala.
    Nabighani sa pandak mong height at cute na mukha.
    Bagay tayo kahit na mukha mo'y parang elementarya.
    Kahit na iniwan ako dito, ikaw padin ang aking mutya.

    Dulot na ligaya sa pabigla bigla mong chat.
    Tsismis mo sa kanila, sa aki'y sinisiwalat.
    Lalo kang gumaganda, kahit hindi ka sa papayat.
    Ignorezoned mo sa facebook, di ko maisumbat.
    Sapagkat gusto kita, yun lang at salamat.

    Tatlong pagpipilian, sino bang dapat mahalin?
    Ako'y naguguluhan kung sino ang pipiliin.
    Araw ng mga puso'y paparating, anong aking gagawin?
    Huling desisyon, nakadepende parin sa akin.


    Entry No.6

    SELOSO


    Isang tingin madudulot ay away
    Issue kahit ang simpleng kaway
    Selos na walang kabuluhan
    Nagpaparupok nagpapatibay depende sa dahilan

    Saan ka na? Sinong kasama mo?
    Paulit ulit mahabang paliwanagan
    Ito bay magtatagal o maglalahong parang bula
    Pinagsamahan na mauuwi sa wala

    Ayaw mawala ayaw maniwala
    Lahat ay kadudaduda
    Kasweet-an ba to? O kasakalan?
    Ikaw ang humusga

    Magtatagpo usap ang katapat
    Magaayos lalambingin ay sapat
    Ngiti simpleng hiling ng puso
    Nais na mawala ang pagkakanguso

    Wag ganyan magmahal
    Chill lang sit back and relax
    Tiwalang ikaw lang ang hahalikan
    Ng babaeng naniniwala pa sa ating forever
    Entry No.7

    Hindi Karapat Dapat


    Nagulat ang lahat ng ikaw ang inibig.
    Sapagkat pagkatao mo ay di kaibig-ibig.

    Ako din ay nagtataka, ba't nga ba kita minahal?
    Sa ugaling meron ka na minsan nakakainis.

    Ang sabi ng iba ako'y isang hangal pagkat sayo ako ay nagpabihag
    Sa ngiti mo bang mala piano tiles ako ay iyong nabitag?

    Naluluha ako sa pagsambit mo ng "i love you"
    sa fresh breath mong lamok ay siguradong teypok!
    ako'y napapasagot ng "i love you too"

    Hindi ka nga ba karapat dapat?

    Dahil ba sa mala beauty and the beast nating tandem?
    Ikaw ang babaeng beast at ako ang babaeng beauty.

    Ang tanong nga ni inay "anak sigurado ka na ba?"
    At ang payo ni itay "Gumising ka anak!!"

    Hindi ka nga ba karapat dapat mahalin?

    Sa pagmulat sa umaga'y tila bangungot na, sa rumaragasang water falls sa iyong bibig.
    Sa pagtulog antok ay ipinagkait, dahil sa hilik mong ubod ng tulin..

    Pagmamahalan man natin ay unique, ito'y hindi ipagpapalit.
    Kaya tandaan mo aking mahal, panget ka man sa aking paningin.
    Ikaw lamang ang aking iibigin.
    Entry No.8

    No reason

    We’ve been together for a while
    But never stopped, to ask myself why
    I have been loving you all this time
    For the wrong reasons I can’t deny

    Is it because you’re jealous as green?
    That time you nearly cut my spleen?
    I cried when you twisted my skin
    At another woman I grinned

    Is it because you fart too loud
    To fill the air with a stinky shroud?
    My mouth agape as you looked so proud
    I’ve fallen in love without a doubt

    Is it because you’re too sensitive?
    While it’s a f*ck that I don’t give
    It was your fault ,you don’t believe
    It was my fault it’s me you’ve killed

    Is it because you’re too needy?
    You command me because of candy?
    It’s something you could get easily
    Fool I am I’d fetch it gullibly

    Is it because you talk too loudly?
    Run your mouth to infinity?
    Interest fading candidly
    But damn she doesn’t stop, will she?

    Is it because you’re negative?
    All that I can be is positive?
    ‘Coz all I am, to you I would give
    My heart, my spleen, my soul, everything

    But then finally I realize
    All along what my heart confide
    Why should I ask too much questions?
    Loving you requires no reason.

    Entry No.9

    I hate you, Mahal kita!

    Nang unang makilala,
    halos magwala sa pande-deadma.
    Everytime subukan kausapin,
    nagmumuka lang akong tanga.

    Ang kulay mong kayumanggi,
    wari’y kasing itim ng iyong budhi.
    Mas nanaisin pang magbigti na lamang,
    kaysa mukha mo ay masilayan.

    I hate you Mr. Sungit,
    dahil tila ika’y manhid.
    You always took me for granted,
    ngunit sa’yo pari ay naakit.

    Mga kilay na nang-iirap,
    mga matang nangungusap.
    Tila puso ay nabihag,
    sa ugaling anong saklap.

    But then I realize ugali natin ay iisa.
    Nagsimula ng mag-iba,
    ikot ng mundo para sating dalawa.
    Noon din ay napaisip,
    Subalit pinigilan masambit ng bibig.
    I hate you, pero mahal kita!

    Entry No.10

    Sabihin man nila


    para kang rosas mahal sa tinik mo palang ako ay kinakabahan
    Sa tingin mo sa akin tuwing may dumadaan
    Nanglalakit na parang kamoteng suman

    Sa bibig mo na parang armalite tila ang buhay ko bukas ay wala ng light
    Ganun paman man kahit kagat mo ay parang termite
    Kulang ako kung mawawala ka sa aking life

    Kahit alam kong minsa'y mali kana at ako ay tama
    Ok lang tama na! kasi sayo palang ako'y tumama na

    sabihin man nilang grabe ka at maldita
    ok lang yun boto naman sayo si tita
    Di lang halata bihira kalang kasi mabisita

    kaya ngayon dito sa aking tula
    Nag sisilbi kang tanda sa puso ko nakatala
    Parang banda ikaw ang bokalista
    Kahit minsan para kang si bruce lee karatista

    Sa tagal na nag kasama
    kahit parang alarm clock ka sa umaga
    ikaw parin ay diwata
    dito sa puso ikaw ay nag iisa

    nothing follows...
    Last edited by mind^^FREAK; 12th Feb 2017 at 14:25.

  3. 5 Users Say Thank You to mind^^FREAK For This Useful Post.


  4. #3

    Default Re: Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD

    isang buena manong vote ngayong araw ng mga puso para sa entry no. 8. yes... ikaw nga kung sino ka man na may akda ng tulang ito, ang galing mo bes. english siya pero madaling maintindihan. binasa ko naman lahat, pero ito lang talaga ang tumatak sakin. ang ganda ng mensahe.. kung ako ang pagbibigyan nito, maiiyak siguro ako haha.

    paulit ulit ko pa rin siyang binabasa hanggang ngayon. tinamaan talaga ako sa tulang ito.

  5. #4

    Default Re: Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD

    Plus 1 entry #8. Babasahin lang siya ng tuloy tuloy hanggang sa matapos

  6. #5

    Default Re: Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD

    Oh, may ari ng akdang ito,
    Ako ay namangha sa iyong talento,
    Sa tula mong ako'y napaibig, kinilig, at nakiliti dito
    Kaya naman +1 ka sa vote Ko!


    +1 entry # 8!

    To all entries congrats ang gagaling niyo!

  7. #6

    Default Re: Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD

    I'll go for entry #9
    ironic kasi

  8. #7

    Default Re: Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD

    i'll vote for #7

    it sympathize with my current relation


  9. #8

    Default Re: Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD

    +1 sa entry #7

    di ka talaga karapat dapat

  10. #9

    Default Re: Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD

    +1 entry no. 7

    Di na kelangan ng matatamis at tugmang salita para maramdaman ang nais ipahiwatig ng my katha..

  11. #10

    Default Re: Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 VOTING THREAD

    +1 for #3

    Nasa dulo lahat yung pang asar. yung tipong paasa sa umpisa, yun pala babawiin niya. Sobrang bully lahat ng nagpasa.

Page 1 of 2 12 LastLast

Similar Threads

  1. Symbianize LITERATI: Valentine Poem Writing contest 2017 RESULTS!
    By mind^^FREAK in forum Contests and Awards
    Replies: 1
    Last Post: 26th Feb 2017, 18:50
  2. Symbianize Literati's Poem Writing Contest "INSPIRED BY"
    By Circuited Soul in forum Completed
    Replies: 0
    Last Post: 5th Sep 2013, 10:17
  3. Replies: 0
    Last Post: 7th Feb 2013, 17:12
  4. Replies: 37
    Last Post: 9th Aug 2012, 18:12

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •