Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Results 1 to 10 of 10
  1. #1

    Default Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread




    Voting Mechanics:

    - Basahin at Isa-Puso. Ilagay sa comment ang naibigan mong akda at maglagay ng dahilan kung bakit.

    - Ang may K lamang na bumoto ay ang mga Symbianize Netizens na nakapag-rehistro na BAGO mag January 2017 kung ikaw ay nag-rehistro ng January 1, 2017 ay malamang wala kang K

    - Pinapayagang bumoto ang mismong kasali sa contest, ngunit binabawalang ilagay sa inyong comment na sa inyo ang akda. Anonymity issue. Auto disqualified.

    - 10% lamang ang boto so hindi ibig sabihin na mas maraming boto ay automatic na panalo sa contest.

    - Ang pagboto ay hanggang April 21, 2017


    BABALA: Mahigipit na ipinagbabawal ang pangangampanya ng kanilang entry sa loob o labas man ng Symbianize. Sa mahuhuling lumabag ay automatikong disqualified at may premyong -50 rep points. +20 rep points naman sa makakapag-report.

    Originality 40%
    Relevance to the theme 30%
    Story twist and style 20%
    Vote 10%
    Sa may mga katanungan maari kayong bumisita dito Discussion Thread


    ***Symbianize Literati reserves the right to deem a vote qualified or disqualified depending on the consensus of the usergroup.

  2. 1 User Says Thank You to Amphie88 For This Useful Post.


  3. #2

    Default Re: Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread

    Entry 1: Ang Pagbabalik Tanaw

    Makikita ko na sya ulit.

    Binalikan ko ang panahon kung saan iniwan ako ng aking nobya. Ang panahong dapat kong ayusin at labis kong iniyakan. Wala naman talaga akong kasalanan kung hindi ang kahirapan. Ngayong nakabalik ako, sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko.

    Sa puno ng santol ang pinagkasunduan naming ang pagkikita. Alam kong parating na siya. Alam kong maririnig ko na naman ang sinabi nya sakin noon --- “Hindi ko na kaya ang relasyon natin, palayain mo na ako.”

    Napaisip ako bigla. Bakit ito pa ang binalikan ko? Ang daming pwedeng ayusin. Yung nabasag na baso. Yung bumagsak kong English Subject nung college. Nung nahuli ako ni Dad na nanonood ng bold. Bakit ito pa?

    Dapat lang na balikan ko ito kasi alam ko rin naman ang mangyayari. Ito ang nagtulak sa akin para magtagumpay, kasama ng iba pang siyentipiko, sa pag-gawa ng Chronosphere. Dahil dito, nakakabalik kami sa gusto naming oras o panahon.

    Pinilit ko maabot ang tagumpay. At ngayon iniisip ko kung gaganti ba ako o hindi.

    Palapit na sya. Ang amoy at tindig nya. Kabado talaga ako.

    “Vincent, didirechuhin na kita. Hindi ko na kaya ang relasyon natin, palayain mo na ako.”

    Ilang sandali lang ay tumugon ako, “Sige, gawin mo nais mo. Basta lagi mong iisipin na minahal kita”

    “Sure ka?” tanong nya.

    “Yes. I’m letting you go.”, tango ko.

    Lumiwanag ang lahat. At nakabalik ako sa panahon ko.

    “Hi there, baby! Welcome back!”, nakangiting sabi ng pumalit na mas okay pa sa kanya.

    Entry 2: Gundam

    Taong 9518x, tatlong-libong taon makalipas ang panahon ng mga lumilipad na kotse, sobrang advance na ng teknolohiya sa panahong ito. Naimbento na ang mga robot na pwedeng sakyan ng mga tao, ang ilan ay gamit sa araw-araw na pamumuhay.

    Dalawang nasyon ang mahigpit na magkaribal sa teknolohiya at kabi-kabilang gyera na ang kanilang napagdaanan. Gamit ang kanilang makabagong teknolohiya, gumawa sila ng espesyal na robot na maaaring ipiloto ng tao, nagtataglay ng iba’t-ibang uri ng sandata, tumitira ng laser at missile at nakakalipad.

    Muling nagpang-abot ang dalawang nasyon sa isang gyera at sa pagkakataong ito ay gamit na nila ang kanilang makabagong sandata na tinawag nilang Gundam. Mga piling piloto lamang na may angking galing at karanasan sa pakikidigma ang pwedeng magpaandar nito.

    Sa gyera, isang piloto ang halos umubos sa lahat ng kalaban, matalino, maparaan at maraming karanasan. Sya ay nagngangalang Berto. Naparangalan si Berto dahil sa kanyang nagawa sa gyerang ito. Tumatak sa kalabang nasyon ang kanyang nagawa. Kaya ang kalabang nasyon ay naghanap pa ng isang magaling na piloto, sya ay si Bogart. Tulad ni Berto, si Bogart ay isa ring piloto na may angking husay.

    Sa huling gyera ay nagkatapat at naglaban si Bogart at Berto, nagamit na nila lahat ng sandatang meron sila, at sa huling atake nila na magdidikta ng laban, biglang may sumigaw at tumawag sa kanilang dalawa, “Berto! Bogart! Kakain na mga anak! Tama na yang laro ng robot-robotan nyo”. Yun pala ay nag iimagine lang ang magkapatid sa kanilang laruang Gundam.

    Entry 3: Martha

    “sa wakas!” bulalas ni tonio, “natapos ko na ang aking bagong imbensyon, sa pamamagitan nito makakabalik na ako sa nakaraan at makakasama ko na ang aking pinakamamahal na si Martha”

    Si Martha, ang tanging babae na umibig ke tonio. Napakaganda nito na kahit sinong lalake ay mapapatulo ang laway pag nakita sya, ngunit sa kasamaang palad maaga syang pumanaw ng aksidenteng makatapak sya ng balat ng saging na nagging sanhi ng pagkahulog nya sa unang palapag ng kanilang bahay.

    “Martha, mahal ko hintayin mo ako magkakasama na ulit tayo” wika ni tonio habang inihahanda ang aparato.

    walang pag-aatubiling pinaandar ni tonio ang time machine gang makabalik ]sa nakaraan.

    “kaching!” isang malakas na ugong ang umalingawngaw sabay ng paglabas ni tonio sa lagusan. Kahit napapagod at medyo nahihilo pa, daglian nyang nilingon ang paligid para hanapin si Martha.

    “sino ka?!” naguguluhang tanong ng isang babae

    Pamilyar na boses iyon para ke tonio agad nyang hinanap kung saan nangagaling ang tinig, at sa kanyang paglingon dun nya nakita ang pinakamamahal na si Martha, na noon ay nakatapis lang ng tuwalya sapagkat katatapos lang nitong maligo.

    “Martha, mahal ko ako to si tonio!”

    “TOnio?” sagot ni Martha

    Sa sobrang pananabik ni tonio sa kanyang pinakamamahal agad agad nya itong sinunggaban at pinaliguan ng halik, wari namang nawalan ng lakas si Martha upang manlaban.

    “mahal na mahal kita Martha” bulong na wika ni tonio sabay tanggal sa tuwalyang nababalot ke Martha. At dun tumambad sa harapan ni tonio ang buong katotohanan.

    “Martha? Lalake ka?”

    Entry 4: Panaginip

    Nakaratay sa hospital ang nanay ng pinakamatalik kong kaibigan dahil sa sakit na Cancer. Kahit po ang tatay niya ay doctor ay nawala na rin ng pag-asa mabuhay pa ng matagal ang kabiyak. Fresh Graduate ako ng BS-Electrical Engeneering. Dahil sa kalagayan ni Aling auring. Kung anu-anu na ang pumasok sa utak namin ng kaibigan ko. Hanggang sa sumagi sa isip ko na mag-imbento ng television upang mapapanood ang hinaharap. Anya ng tatay ni Bentong malapit na daw madiscover ang gamot sa cancer kagaya ng sakit ni aling auring. Inabot ako ng anim araw bagu nabuo ang invantion ko. Pagkakabukas ko palang ng gawa kung Television naka-tunning na ito sa channel 1983. Ang pinapalabas ay talakayan kung saan kinukuha ang Mashroom na panlunas sa mga di karaniwang sakit. Siguro anim na daang siglo pa bagu ito magaganap. Sa isang sagradong siyudad ng cotabato may isang yungib na di pa ito napuntahan ninuman. Dahil sa kagustohan namin ng kaibigan ko na madugtungan ang buhay ni aling auring dali-dali kaming bumiyahi ng kaibigan ko papuntang cotabato. Sumakay kami ng Ranger kabibili lang ng tatay ko. Di pa nag-isang oras dumating na kami. Dali-dali kaming pumasok sa kuweba. Agad namin natanaw ang Mashroom ng buhay. Dahil sa pag-mamadali at pag-aagawan kung sinu makakuha ng Mashroom. Natapik ni bentong ang mukha ko. Pag-mulat ko ng aking mata natanaw ko ang orasan, 6:28 na ng umaga. Tinapunan pala ni yaya ng unan ang mukha ko para gisingin. Kailangan ko ng bumangun upang makapasok sa skul.

    --nothing follows--

  4. 1 User Says Thank You to Amphie88 For This Useful Post.


  5. #3

    Default Re: Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread

    "Entry No: 3 MARTHA" ang napili kong iboto. sa pagkat nagkaroon ito ng twist sa dulo. mas okay ng di balikan ang nakaraan kesa malaman mo ang katotohanan at magisisi ka pa. thumbs up!

  6. 1 User Says Thank You to masterkazuhiko For This Useful Post.


  7. #4

    Default Re: Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread

    Bukod sa nagtataglay ng K ang username ko, may K pala akong bumoto..

    bago magkalimutan.. shout nga pala sa lahat ng sumali.. magaling po kayong lahat kaya nahirapan akong pumili.


    ngunit may isang kumurot sa aking damdamin kaya pupusuan ko ang entry #1: Ang Pagbabalik Tanaw

    tulad ng ibang entry pasok sa banga ang tema.. ayon sa word counter 250 words nga siya
    maayos nailahad ang story. nagustuhan ko ito dahil nakakarelate ako kung may babalikan din ako eh yung tagpong iyon din ang gusto ko para
    Happy Break-up lungs ang peg.


    Goodluck po sa inyong lahat

  8. #5

    Thumbsup Re: Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread

    Kung sakali magkatotoo ang mga sinulat nila, Gusto kung magkatotoo ay Entry #4. Imagin kung magkakatotoo may maging immortal.

    Magaling silang lahat peru kailangan pumili.

    +1 sa Entry #4.

  9. #6

    Default Re: Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread

    ENTRY NO. 3 HAHAHAHAHA SI TOL MARTHA. lalaki pala. ayos to. sayo ang boto ko kaibigan. haha

  10. #7

    Default Re: Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread

    I'm not really a writing enthusiast so I dont consider any grammar, punctuations, and any other technical aspects
    But I'm fascinated reading any literary materials, and usually very subjective in judging the content.

    My vote goes for #3 entitled "martha"
    Seryoso cya sa simula at deskriptiv
    Pero pag dating sa dulo grabe ung twist di ko mapigilang tumawa

  11. #8

    Default Re: Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread

    Kunti lang ang kaalaman ko sa pag-susulat. Mahilig lang ako mag-basa.

    Ang nagustohan ko ay Entry #4. Dahil sa panaginip lang talaga mangyayari.

  12. #9

    Default Re: Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread

    Entry #4 ang boto ko. Parang dragonballs. May magic beans na nakakapagbigay lakas. rofl:
    Last edited by BinBhadZ; 21st Apr 2017 at 21:27.

  13. #10

    Default Re: Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Voting Thread

    Entry number one at Entry number 4 ang tugma sa contest mechanics.

    Mabisa kaya ang mashroom ng buhay.

    Entry number four my vote.

Similar Threads

  1. OTHER » [Announcement] 250 Words Writing Contest Sci-Fi Theme
    By mind^^FREAK in forum Arts and Literature
    Replies: 2
    Last Post: 30th Mar 2017, 00:51
  2. Symbianize Literati: 250 Words Writing Contest Sci-Fi Theme
    By Amphie88 in forum Contests and Awards
    Replies: 0
    Last Post: 23rd Mar 2017, 13:25
  3. Replies: 27
    Last Post: 15th Apr 2012, 02:40
  4. Replies: 2
    Last Post: 10th Mar 2012, 17:37

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •