Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 19 of 19
  1. #11

    Default Re: My Band-aid Heart

    CHAPTER 5


    Sa isang big company such as ours napaka-rare na mag set ng General Assembly ang may ari, so lahat kami very excited at nervous sa kung anong ia-announce. Last time na nagkaganito kami I can’t even remember, usually ang chance lang na makasama namin ang GM ng company is pag Christmas Parties and other company events.

    Palinga-linga ako sa loob ng room, parang pare pareho kami ng reaction ng mga officemates ko. Nagbubulungan at may kanya kanyang theories kung bakit kami pinatawag, magkatabi kami ni Jem sa likod – standing room kami sa training venue namin.

    Nginangatngat ni Jem ang kuko nya habang bumubulong, “Baka mawawalan na tayo ng trabaho,” nag-eyeroll lang ako kay Jem.

    “Napaka-morbid mo mag-isip, last week lang naka-book ang sales ng super laking account kaya malabo yan.”

    Actually in my two years here naramdaman ko ang steady ng kompanyang to, marami kaming hina-hire every year and marami ring promotions so I guess stable naman. If ever naman na magkatotoo ang sinasabi ni Jem edi move on diba? Ganun lang talaga ang buhay – buti pa dito madali maka-move on sa pag-ibig ang hirap. Charot.

    Siniko ako ng very light ni Jem, “Kaya bago pa tayo mawalan ng trabaho, tikman mo na si Sir Chuck, malay mo last chance mo na yan.”

    Tatawa tawa si Jem nang hinampas ko ang braso nya, “Gago ka, baka may makarinig sa’yo kung ano pang isipin.”

    After ng aming encounter nung isang linggo hindi ko na sya nakausap, hindi na rin ako tumawag sa IT kasi naibalik na rin nila ang laptop ko although hindi lahat ng files ko narecover.

    Hindi ko na rin sya nakikita sa office at kahit sa canteen, hindi ko alam kung na-assign na ulet sya sa ibang area kaya di ko na sya nakikita.

    “Speaking of…” Siniko ako ulet ni Jem at ngumuso papunta sa unahan ng room.

    Sinundan ko ang nguso ni Jem at nakita si Mr. Yabang, nakatayo sya sa stage at nakaharap sa amin, kasama nya ang mga executives and managers.

    “Jusmio bes, di ko alam kung paano mo natiis na hindi rape-in yan sa stairwell nung nagbrown out - pucha ang gwapo.” Namamaypay si Jem habang nanghahaba ang leeg kakatingin kay Mr. Yabang.

    Rape talaga? Oo nga gwapo sya, at tama nga ako mabango ang kamay ko sa saglit na paghaplos sa makinis nyang mukha pero rape? Me? Ako? Si Olga Andrea? Neverrrr.

    Nagpakita ako ng mock offense kay Jem hawak hawak ang dibdib ko, “Me??? Magkakandarapa at mame-mwersa ng lalaki? How dare you!”

    Tatawa tawa kami ni Jem nang tumingin ulet sa harapan, nun ko lang nakita ulit si Mr. Yabang na kausap ang katabi nya nakangiti pero nakatingin sya sa amin... teka, sa akin?! Napaatras ako sa kinatatayuan ko at hinahampas hampas ni Jem ang likod ko habang kilig na kilig, “Potah ka. Potah ka!”

    Inaalis ko ang kamay ni Jem sa likod ko habang bumubulong “Tado ka! Masakit!”

    I’m sure ang pula pula ng mukha ko, pero nagtitinginan pa rin kami ni Mr. Yabang. Tinanggal ko lang ang tingin ko sa kanya nang nilingon ako ng babae sa harap ko – kilala ko to e, taga HR. Maarte. Oo, mas maarte pa sa akin.

    Nginitian ko sya kahit na bwisit na bwisit ako’t kinailangan kong sirain ang moment namin ni Mr. Yabang, “Hi May. Musta ka na?”

    Nginitian nya rin ako, ngiting aso nga lang, “Hi Olga. Kilala mo si Sir Chuck?”

    Paglingon ko kay Mr Yabang tapos na yung moment namin at nakatingin na sya sa babaeng tumabi sa kanya, at di nakatakas sa tingin ko ang kamay ni girl na nakakapit sa braso nya.

    “Oh my God, don’t tell me kala mo ikaw yung nginingitian nya kanina.” Napalingon ulet ako kay May at mejo speechless. Wala naman yatang sakit sa mata si Mr Yabang so I think sa akin talaga sya nakatingin.

    “Syempre kay Olga nakatingin, ano ba sya banlag?” Napaka-catty na sagot ni Jem kay May.

    Tumawa ng very light si May at tumingin ulit sa akin, “Wag masyado mataas ang pangarap, girl. Nakita mo nang tumabi na sa kanya si Ma’am Claire kaya ligwak ka na.”

    Lumapit kay May si Jem at in her face sinabi na, “Pag HR ba pwede rin ireklamo sa HR? Imbes na magchismis ka jan ayusin mo kaya ang trabaho mo nang on time lagi ang sahod namin.”

    Hindi pa nakuntento si Jem at bumulong habang tumalikod na ulet sa amin si May, “Shut up ka na jan hindi ka naman tinatanong.”

    Ayan ang proof ng pagkakaibigan, pag ang kaibigan mo mejo stuck up sa mga nagaganap sa paligid, to the rescue agad ang tunay mong friend wala nang tanong tanong.

    Lumingon ako sa harap at nakitang kausap pa rin ni Mr Yabang yung girl – Si Claire daw sabi ng chismosang HR namin, pero parang he wants to be anywhere but there.

    “Hello, is this on?” Tinuktok ng VP ng HR namin ang mic at nagfeedback sa buong venue. Lahat tuloy ng chismis nag die down.

    “Good morning everyone!” nagsi-sagutan naman kami ng generic na “good morning”.

    “I know you’re all probably wondering why we called for this General Assembly today but before we get to that, I want to introduce the Leadership Team to everyone. These are the people that make the big decisions and make sure we are all in the right track in improving our services and increasing our profit.”

    Bumulong sa tabi ko si Jem, “Baka may bonus tayo, profit daw e.”

    “Ssshh” lang ang nasabi ko sa kanya.

    Ipinakilala na isa isa ang mga bosses namin, ang Marketing Group Director namin ay isang super gwapong beki, lahat kami nangangarap na magising sya isang araw at marealize nyang sawa na sya sa talong at pechay naman ang gusto nyang kainin – gusto ko matawa pero syempre ang gago ko naman humalakhak dito no. Baliw na talaga, grasa na lang ang kulang.

    “Ayan na, sya na ang kasunod.” Bumulong sa akin si Jem at napansin kong karamihan ng mga girls nagbulungan din nang binanggit na ang pangalan ni Mr Yabang, tinaas nya lang ang kamay nya at ngumiti. Lumabas ng very light ang dimple nya, di rin naka-takas sa malupet kong observation skills na lumabas lang ang dimple nya nung nasa general direction na namin ang mata nya. Kailangan ko na yata talaga magpatingin sa doctor, masama na tong lakas ng loob ko at bilib sa sarili – kailangan ko ng pampakalma. Syet.

    Short lived ang pangangarap ko ng gising nang binanggit na ang katabi ni Mr Yabang.

    Nagsalita ulit ang VP ng HR namin, “And here she is, the reason why we are all here, I am very proud to introduce our new Deputy General Manager, former VP for Sales Miss Claire Montes.”

    CHAPTER 6

    “Bes, alam mo namang mahal na mahal kita at paglalaban kita sa kahit sinong aapi sayo, pero tingin ko wave na natin white flag natin this time, wala tayong laban dun.” Yapos yapos ako ni Jem habang nag-aabang ng Grab namin sa labas ng office. Uwian na hindi pa rin kami maka-move on sa mga ganap ngayong araw. Ang ex-girlfriend ni Sir Chuck (yan na tawag ko sa kanya ngayon para walang asahan ng term of annoyance or endearment) ang kakapromote lang namin na Deputy General Manager. The boss of the boss’ boss – ika nga ni Ana Grey sa Fifty Shades.

    Ini-shake off ko ang arms ni Jem na nakabalot sa akin, “Bakla, wag ka ngang OA jan, wala naman akong balak diba? Ikaw tong kung ano anong pinagsasasabi sa akin na kesyo may gusto sa akin yung tao e obviously wala naman.” Wala naman talaga, tangina kakarecover ko lang sa isang relationship papasok ulet sa masalimuot na mundo ng pag-ibig? Pahi-pahinga rin diba?

    Humarap ako kay Jem at nilagay ang mga kamay ko sa bewang ko, “Jem, utang na loob kasi tigilan mo muna ang pambubugaw sa’kin, hindi pa ako ready. Wala pa sa tamang kapasidad ang puso ko para magmahal ulit.”

    Humarap ako sa kalsada habang hinahanap ang cellphone ko, “Nasan na ba si manong driver, sabi kanina three minutes nandito na…”

    Sakto may sasakyang tumigil sa harap ko, at binunggo ako ni Jem sa likod na parang tinutulak na ako para sumakay. Taragis na to ayaw magsalita, pwede naman magsabi ng maayos diba?

    I tried opening the passenger side pero naka lock ang door, heavily tinted ang kotse so di ko makita ang driver. Kinatok ko ang bintana, “Paopen po manong.”

    Nag-click open ang pinto at sinabihan ko si Jem, “Dun ka na sa likod maupo, una ka namang bababa.”

    Si bakla ang bagal kumilos so pumasok na ako sa kotse at nag-seat belt, paglingon ko sa labas nandun pa rin si Jem at nakatayo ng tuwid na tuwid. Ngumunguso sya sa akin pero di ko maintindihan so binaba ko ang bintana ng kotse, “Hoy sakay na. Anong inaantay mo jan?”

    Umubo si manong driver so napalingon ako.

    Hindi sya si manong driver.

    Tanginaaaaaa.

    Kill me now.

    “Hi ma’am. Saan po tayo?” nakatingin sa akin si Sir Chuck at nakangiti.

    Dahan dahan akong lumingon kay Jem at bumulong ng “Help.”

    Napangiting aso si Jem, nilagay ang kamay nya sa noo nya na parang masakit yun at tumingin sa likod nya sa building namin, bigla syang tumakbo palayo sabay sigaw, “May naiwan ako sa itaas! Mauna ka na!”

    Iinilabas ko ang ulo ko sa bukas na bintana, “Hoy! Bumalik ka dito!”

    Napaatras na lang ako nang unti unting umakyat ang bintana ng kotse, automatic akong napa-sorry sabay bitaw sa bintana.

    Bigla ko lang narealize na nakasakay ako sa kotse ni Sir Chuck, at tinataas na nya ang bintana so anong dapat kong gawin? Dahan dahan akong lumunok at habang mejo shaky pa ang kamay pinindot ang release ng seatbelt ko, bago pa mag-retract nung seatbelt biglang lumitaw ang kamay ni Sir Chuck at pinigilan ito, hinatak nya ulit ang seatbelt at binalik sa pagkaka-lock.

    Napalingon na lang ako sa kanya at napanganga pero sabi nya lang, “Safety first.”

    Nakatingin na sya sa unahan – sa kalsada at unti unti na kaming umandar sabay sa pagkakarinig ko ng pag-click ng locks ng doors ng kotse.

    Parang dun sa mga k-dramas na pinapanood ko parang gusto kong itanong, “w-w-w-wae?” yung may kasamang Korean expression ng confusion, kasi talagang gulong gulo ako sa nangyayari. At kung ito man ay hindi K-drama at isang horror movie ako na yata yung pinaka-engot na biktima. Sinarahan na ng bintana ng dahan dahan, nagsorry pa. Pagkagaling galing ko talaga.

    Pero naman guys, kung ang papatay sayo e kasing gwapo naman nito ni Sir Chuck tingin ko pwede na rin – yung last few moments ng buhay mo parang heaven na rin. Ini-shake ko ang ulo ko para kalugin ang mga kabaliwang sumasapi sa akin.

    Napalingon sa akin si Sir Chuck, “You okay?”

    Tumango ako ng napakabilis at sunod-sunod kaya parang mejo nahilo ako. Nagpipigil akong mag-hyperventilate kasi parang kinakapos ako sa hangin. Masikip sa dibdib so binuksan ko yung pinaka-unang butones ng blouse ko – naka close neck kasi ako e feeling ko di makarating sa utak ko yung dugo.

    “Woah! What the hell are you doing?” Lumilingon lingon sa akin si Sir Chuck habang nagd-drive.

    Itinaas ko lang ang index finger ko sa direction nya na parang “wait” habang nilagay ang ulo ko between my legs.

    “Oh my God.” Natatawang sabi ni Sir Chuck habang nagttry akong ibalik ang hangin sa lungs ko para matigil ang pagpintig ng ugat ko sa ulo.

    “Mamamatay na ako tawa ka pa ng tawa jan!” Imbes na mag-sorry humalakhak pa sya lalo.

    May ilang minutes pa mejo kumakalma na ako nang may biglang humaplos sa likod ng ulo ko, “Hey, okay ka lang?”

    Hindi ako cat or dog person, I mean wala akong takot sa kanila pero wala rin akong pet feeling ko kasi hindi ako magiging maasikasong amo baka mapabayaan ko lang, pero at that moment na hinahaplos ni Sir Chuck ang ulo ko parang gusto kong maging pusa at mag-meow meow habang iniaangat ang ulo ko para haplusin nya pa lalo. Would that be weird? Hindi ko napigilan natawa ako.

    Biglang tumigil ang kamay nya, “I guess you’re okay, the crazy is back.”

    Huminga ako ng malalim at inangat ng dahan dahan ang ulo ko nang mejo naramdaman kong walang headrush, sumandal ako sa upuan at tumingin sa kanya.

    “So tingin mo baliw ako ganun?”

    Ngumiti sya pero sa kalsada pa rin sya nakatingin, “The good kind of crazy, don’t worry.”

    Nag-cross ako ng arms ko sa dibdib ko, “Kapag wala kang pakielam sa sasabihin sayo ng ibang tao and as long as wala ka namang nasasaktan, then there’s no need to be worried.”

    “Wow. That’s the sanest thing I’ve heard you say.” At mukha talaga syang impressed sa biglaan kong pagseseryoso. Ano bang tingin nito sa akin, clown?

    “Sir…” And I emphasized the ‘sir’ “I may not be as eloquent as you and at times I may seem weird but I’m just being myself and I don’t take too kindly to being insulted.”
    Mic drop!

    Sa totoo lang gusto kong mag-gesture ng boom panes!

    Nanahimik saglit si Sir Chuck but after a few minutes nagsalita na rin sya, “When you emphasized “SIR” that was meant to be an insult right?”

    Nag-eyeroll lang ako, as in literal na nag-around the world ang eyeballs ko – really? As in dun sa haba ng sinabi ko at pinagplanuhan kong sagot in English, yun ang nakuha nya? Yung “sir”?

    Bago pa ako makasagot nagsalita na sya, “Nope. Don’t answer that.”

    Paglingon ko sa kanya, he looked… sad? Napaka-weird pero sa sobrang awkward ng situation hindi na ako nagsalita.

    Nagulat na lang ako na papasok na sya sa Subdivision namin, pero since ang tagal na naming walang salitaan edi tinuloy ko na. Dun ko lang napansin yung cellphone nya sa driver’s side na naka-open ang waze.

    Tumigil kami sa tapat ng bahay ni chang, tinanggal ko ang seatbelt ko at nag-click pa bukas ang pinto ng kotse. Lumingon lang ako saglit sa kanya at tumingin rin sya sakin, “Thanks” lang ang nasabi ko at bumaba.

    Nakatingin pa rin ako sa kotse nya palayo na nang bahay namin, naguguluhan pa rin ako at hindi ako maka-recover.

    Isa lang ang masasabi ko - Anyare?

  2. #12

    Hats Off Re: My Band-aid Heart

    Will wait for the next update. Kudos TS!

  3. #13

    Default Re: My Band-aid Heart

    CHAPTER 7

    “Try mo kaya lumaklak ng realidad. – Starting all over again”

    Kinabukasan mejo lutang pa rin ako sa mga naganap, hindi ko maintindihan kung anong nangyari pero tingin ko wala naman akong magagawa, siguro kung ako weird ang ugali sa mga ibang bagay, baka sya naman may ka-weirduhan ring tinatago. Anyway, I really don’t care, okay na yun, wala naman ako dapat pake sa kung anong problema nya. Move on na din, back to regular programming.

    “Good morning, Olga.” Napalingon ako sa likod ko nang may nag-greet sa akin. Si May.

    Huminga ako ng malalim at hinarap sya, plastered my most convincing fake smile and said, “Good morning, May.”

    Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa braso, “I’m so sorry kahapon ha. I mean, that must have been hard for you to see, kung dati worlds apart na kayo ni Sir Chuck e ngayon universes na ang gap nyo. I feel so sorry for you.”

    Ay, hiyang hiya naman ako sa babaeng to. Ako rin, I feel so sorry for her poor neglected eyebrows – parang gubat na sa kapal. Sing kapal ng mukha nya para kausapin ako ng ganun e di naman kami close. Pero since nasa office kami and I’m nothing if not professional so I need to play this little game every now and then.

    I shook my head, “I don’t know what you’re talking about.” I looked around, “Pero I actually don’t have time to chat, marami pa akong trabaho, I’ll talk to you later.” Sabay layas. Wala akong panahon sa’yo ‘te, utang na loob, don’t me.

    Pag dating ko sa cubicle ko kinuha ko yung stress ball ko at pinagpipisil ko ng paulit ulit, iniimagine ko yung mukha ni May habang nilalamutak ko yung bola. Nung satisfied na akong hindi ko sya sasabunutan pag nakita ko sya I opened up my laptop and started working.

    Habang nag-gagawa ng panibagong spreadsheet for my monthly report, nag-ping ang notifications ko sa cellphone. Habang tinitigan ko ang phone ko nag-replay sa utak ko yung kanta ni Sara Bareilles na Gravity – yung may mga taong parang may invisible thread na nakakabit sa puso mo, na pag akala mong nakakalayo ka na ng konti nandun na naman sila sa kabilang dulo hinahatak ka pabalik. Yun ang feeling ko ngayon habang tinitingnan ko ang friend request sa akin ni Kenneth.

    Remember him? Siya ang ex-boyfriend kong bukod sa in-unfriend ako, binlock pa ako sa Facebook. So kung ako ang babaeng matino ang pag-iisip, syempre ang sagot ay no, no, hell no! Itinakwil na nga ako at kulang na lang ipa-blotter ako sa barangay, diba? Yun ay kung matino nga ang pag-iisip ko – e hinde. Pero syempre nasaktan ako kaya kailangan ko munang linawin ang utak ko bago mag-pasya, for now, bahala ka jan mag-antay ng acceptance ko, pag-iisipan ko pa kung kelan, baka bukas ganern.

    Kaka-trabaho ko nalimutan ko ang pag-kain at 12:30pm nang nakita ko ang orasan – syet nalimutan ko na naman kumain. At ang magaling kong kaibigan di manlang ako tinawagan, so kinuha ko ang wallet ko at pumunta sa elevator, sumakay ako at pinindot ang 7th floor para makapunta sa canteen. Nasa 10th floor pa lang ako nag-open na ang doors at bumulaga sa akin ang napaka-pogi pero napaka-weird naming IT Manager. Pagkakataon nga naman.

    Nagbuntong hininga lang ako at umurong palayo sa buttons sa elevator dahil alam kong dun sya papunta, tiningnan nya lang ang buttons pero hindi nya pinindot. Pareho kami ng floor na bababaan. Dammit.

    Kung napaka-friendly nya sa akin nung mga nakaraang interactions namin (except yung una), napaka-cold naman nya ngayon. After nyang makitang ako ang sakay ng elevator, di na sya ulet tumingin sa akin. So anong gagawin ko diba? Imbes na mag-iwasan kami ng tingin I took the opportunity para titigan sya ng malupet. Naka-white longsleeved shirt sya na naka-tuck in sa dark grey pants, ang shirt nya nakafold sa napaka-masculine arms nya. Alam mo yung arms na sobrang toned pag gumagalaw sya nag-sstretch ng very light ang shirt nya over his defined muscles. At ano pa ba, syempre naka-tuck in diba? I can’t help but check out his ass. Hindi ko napigilan, napalunok ako at tumingin sa reflection nya sa elevator para tingnan ang reaction nya, pero hindi pa rin sya nakatingin sa akin. Bakit ang gwapo mo? Leche ka.

    Tinigilan ko na ang pagtitig sa kanya at tumitig na lang sa reflection ko sa elevator, maayos naman itsura ko, naka-wrap up dress ako today hanggang tuhod ko pero pag naglalakad ako ng mabilis mejo nagssplit ang hem ng damit ko at may lumalabas na legs. Sa ibabaw naman hindi sya sobrang skandalosa pero hapit kaya na-eenhance ang size B kong boobs at nagmukhang mas maliit ang bewang kong naka-slimming corset sa ilalim. Mejo hirap huminga pero tiis ganda guys.

    Biglang nag-ding ang elevator at naunang bumaba si Sir Chuck, nag-buntong hininga ako ulet bago sumunod sa kanya sa canteen. Marami pang tao pero nakaupo na sila, kami na lang ang nahuli so magkasunod pa rin kami sa pila. Paglingon ko sa tables at hinahanap ko si Jem nakita kong nakangiti sa akin si May at tumitingin sa akin at kay Sir Chuck. Taragis talaga tong babaeng to, tumalikod ako sa kanya at humarap sa pinagpipilian kong pagkain. Sa bwisit ko kay May hindi ko napigilan mapabulong, “Ano masyadong juicy ang buhay ko at gusto mong pakielaman? Get a life bitch.”

    “I’m sorry?” napalingon ako kay Sir Chuck na nakatingin na sa akin at parang naiirita rin.

    Dahil hindi maganda ang araw ko, di ko na rin napigilan ang pagka-pikon at tingin ko mag-uulam ako ng patola, umirap ako at tumingin sa kanya, “Narinig mo ba pangalan mo? Hindi kita kausap.”

    Natawa sya, pero sarcastic na tawa, “Sorry, I forgot you’re a little loopy and you talk to yourself.”

    Hawak hawak ko na ang tray ko na walang laman at sa bwisit ko nawalan ako ng gana kumain so habang binabalik ko ang tray ko sa lalagyan, “You know what? I lost my appetite.”

    Tumalikod ako at bumalik sa direksyon ng elevator.

    Tangina, gutom ka na nga ganun pa ang mga makikita mo, bwisit diba? Di bale na lang magutom wag lang makasalamuha ang mga lintek na taong yun. Pagsakay ko ng elevator pinindot ko ang 14th floor button at pinagpipindot ang close button para magsara na agad ang elevator, pasara na ito nang biglang may humarang na kamay sa pinto napaatras tuloy ako. Bumukas ulet ang pinto at sumakay si Sir Chuck na nakatitig sa akin.

    - - - Updated - - -

    Quote Originally Posted by piojohnlouie View Post
    Will wait for the next update. Kudos TS!
    Thank you.

  4. 1 User Says Thank You to sakura07 For This Useful Post.


  5. #14

    Default Re: My Band-aid Heart

    yey salamat! Keep up the good work

  6. #15

    Default Re: My Band-aid Heart

    Quote Originally Posted by piojohnlouie View Post
    yey salamat! Keep up the good work
    Thank you!

    - - - Updated - - -

    CHAPTER 8


    Nakasandal ako sa elevator wall nang sumara ang mga pinto at naiwan na kaming dalawa ni Sir Chuck sa loob. Hindi sya gumalaw sa pagkakatayo nya sa elevator, nakatailkod sya sa pinto at nakaharap sa akin. Tinitingnan ko sa ibabaw ng ulo nya ang floor number hoping na bumilis ang takbo ng elevator para makababa na ako. Pero potah, pano ako makakababa e nakaharang sya sa pinto.

    Mag-excuse me ba ako? E tangina galit nga ako diba?

    Itulak ko sya? E wala naman akong upper body strength.

    Nakatayo lang sya dun at nakatingin sa akin.

    After ten years nag-ding na ang elevator at nag-signal na dapat na akong bumaba. Tinulak ko ang sarili ko palayo sa dingding ng elevator para mag-side step sa kanya at makalabas pero bigla nyang inabot ang buttons ng elevator at pinindot ang 40th floor – ang top floor ng building namin.

    Nanlaki ang mata ko sa kanya pero wala syang reaction – NR? Langya kikidnapin na ako NR lang ganun? Sumara ulit ang pinto at napakaswerte naman na walang tao na nakakita sa amin. Huminga ako ng malalim at tinulak sya sa dibdib with all my very weak arms.

    “Hoy! Anong tingin mong ginagawa mo? Kidnapping ‘to ha!”

    “One, you’re not a kid. Two, I’m not holding you against your will.” Sabay turo sya sa pinto.

    “But I hope you’ll stay because I just want to talk.” Parang biglang nag-soften ang features nya at nag-relax so nagrelax na rin ako ng very very light at sumandal ulit sa dingding pero ini-cross ko ang arms ko sa dibdib ko.

    Syempre akong gaga hindi ko naisip na yung action na yun e mag-pu-push pa lalo ng susey ko sa dress ko, napalingon sya sa dibdib ko pero inalis nya agad ang pagkakatingin at umatras rin sya. Napa-side step ako nang bigla syang tumabi sa akin sa pagkakasandal sa dingding, pareho na kaming nakaharap sa pinto at nagtitinginan kami sa reflection namin.

    After a few minutes ng walang salitaan umirap ako sa reflection nya sa wall ng elevator, “Ano? Gusto mo akong kausapin diba? Tapos di ka magsasalita diyan.”

    Napangiti sya, “I don’t scare you.” It wasn’t a question so hindi ako sumagot.

    “It’s refreshing.” Ngumiti ulit sya at tumingin sa ceiling.

    Huminga sya ng malalim at nag-salita, “I don’t like leaving things unsaid that’s why I followed you.” Tumingin sya sa akin through the reflection sa elevator. Hindi ko na alam ang floor namin kasi ayokong sirain yung moment.

    Nagpatuloy sya, “I hate getting into scandalous situations, I don’t like confrontations but I can’t help but say something when I heard you whisper earlier.”

    “We didn’t end on very friendly terms nung hinatid kita sa bahay mo so I want to clear the air between us.” Finally humarap na sya sa akin at tiningnan ako sa mata, “I like talking to you, you’re different…” nag-roll lang ako ng eyes ko – different means weird in my vocabulary, pinitik nya ang braso ko to get my attention at tumingin ulit ako sa kanya, “that was a compliment.” At binigyan nya ako ng isang pamatay na smile. Panty = laglag. Pucha, di dapat madistract, kailangan naming ayusin ang usapang to.

    “So, bakit ka biglang naging cold nung hinatid mo ko? Hindi ko maintindihan e, may nasabi ba akong hindi maganda?” I’ve been racking my brain para maintindihan pero parang wala naman akong maisip na nasabi ko na pwede syang ma-offend. Yung ‘sir’? Bakit naman diba? Sir naman talaga sya.

    Ni-cross nya ang arms nya sa dibdib nya at sinandal nya ang right arm nya sa dingding, “When you’re dating the boss’s daughter then you get promoted, it’s very easy for people to judge that you got to where you are because you’re connected and not because you’re competent.”

    Light bulb. Now I know why nagalit sya sa akin, akala nya inaasar ko sya sa pag-kakakuha nya sa position nya is dahil GF nya yung anak ng may-ari ng company.

    Napapikit na lang ako at narealize ang pagkakamali ko. I pinched the bridge of my nose at nag-re-ready nang mag-apologize nang naramdaman kong hinawakan ni Sir Chuck ang kamay ko para ilayo sa mukha ko.

    He’s smiling, “I realize now that you didn’t mean that an insult and you were just being your funny self. Sorry, sore spot sa akin yun. My reaction caused this confusion between us.”

    Naisip ko lang at this moment na sobrang na-misjudge ko si Sir Chuck, he’s not Mr Yabang. He’s humble and understanding – ako lang tong gaga at reaktibista. Wala na lang akong nasabi kundi “Sorry.”

    Sa sobrang pagkakatitig sa akin ni Sir Chuck di ko na-realize na hawak nya pa rin ang kamay ko and now he’s stroking my palm with his thumb. Para akong nakuryente at nagtayuan lahat ng balahibo ko sa braso paakyat sa ulo ko, feeling ko nangapal yung tuktok ko at namula yung mukha ko kaya binawi ko yung kamay ko at umatras.

    At dahil awkward my go to reaction is manakit, hinampas ko ang braso nya, “Okay na tayo Sir Chuck. Wala na yun.”

    Bumalik sya sa position nya earlier at sumandal sa dingding, nakaharap sa pinto.

    Nag-ding ang elevator at nasa top floor na kami, dali dali kong pinindot ang 14th floor at sinara ang pinto. Nang sumara na ulit, bumalik rin ako sa pwesto ko sa tabi nya, mejo komportable na pero lintik na hand holding yan, naguluhan tuloy ako.

    We stayed there in comfortable silence habang nag-sstew sa utak ko ang mga pangyayari lalo na ang paghawak nya sa kamay ko.

    After a lot of floors down nagsalita ulit sya, “What time are you getting off today?”

    Nag isip ako kung matatapos ko yung report ko ng five, “Baka mag-extend ako mga 6pm, why?”

    “Just thinking if I could give you a ride home. Para di ka na mag-Grab.” Magkatinginan kami sa salamin.

    “Teka, pano mo nga pala nalaman ang address ko?” Parang alam ko na ang sagot pero syempre di ako mag-assume kasi napakagaling ko sa pag assume diba?
    Ngumiti lang sya, “Being an IT Manager has it’s perks.”

    “OMG stalker much?” biglang nag-ding ang elevator at nasa 14th floor na naman kami.

    Pababa na ako nang sinabi nyang “I’ll see you at 6?”

    Sa other side ng door bumulaga ang mukha ng pinaka-swerteng chismosa sa buong mundo – Si May. Hindi na ako sumagot at naglakad pabalik ng cubicle ko.

  7. 1 User Says Thank You to sakura07 For This Useful Post.


  8. #16

    Default Re: My Band-aid Heart

    “Being an IT Manager has it’s perks.”

    Yan ang tinatawag na opportunistang froglet hahaha

  9. #17

    Default Re: My Band-aid Heart

    Quote Originally Posted by piojohnlouie View Post
    “Being an IT Manager has it’s perks.”

    Yan ang tinatawag na opportunistang froglet hahaha
    Hahaha! True.

    - - - Updated - - -

    CHAPTER 9

    After a grueling five hours naka-survive na naman ako sa trabaho at sakit ng ulo. Nalipasan kasi ako ng kain - inuna kasi ang landi. Nag-ayos na ako ng gamit at pumunta na sa elevator, nagulat ako nang nakaabang si May dun kasama ang mga alipores nya. Nag-light up ang mukha nyang espasol nang makita akong papunta ng elevator. Gago talaga to, narinig sigurong sinabihan ako ni Sir Chuck na magkita kami ng 6pm. Di naman ako nag-confirm ah.

    Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mangyayari kaya ayoko muna yatang sumama sa kanya, naguguluhan yung utak ko.

    Dinedma ko lang sila at tumabi para mag-abang ng baba ng elevator.

    “So, san ang lakad mo Olga?”

    Pigil na pigil talaga ako umirap, “Going home, kayo?”

    Nagpaka-inosente sya, “Oh really? Wala kang date? Sayang naman ang dress mo, ganda pa naman, bagay na bagay sayo.”

    Kung pwede lang magpaka-bitcheta kanina ko pa ginawa pero I reined in my temper at sumagot with a smile on my face, “Seriously wala. Pero thanks for noticing my dress – sale ko pa nakuha to.”

    Tumango lang sya at tiningnan ang kasama nya, they giggled. Giggled! Gigil tuloy si ako.

    “I kind of heard na you have a date, are you sure wala?” She keeps pressing and I’m losing my patience.

    I looked her dead on the face, “I think I would know if I have a date diba? That’s pretty basic.”

    She senses my annoyance so in the true fashion of a contrabida, she insists, “Oh c’mon Olga, I heard Sir Chuck ask you out earlier. Don’t deny it. I’m pretty sure nasa lobby na sya waiting for you.”

    I bit my lip to avoid saying something nasty, I really really want to though. Lalo sumasakit ang ulo ko sa babaeng to.

    I shook my head at her, “I don’t know what you’re saying. Maybe you heard wrong, that’s what happens when you listen to other people’s conversations.”

    Epic fail ang pagpigil ko ng galit. Tangina. Keber na.

    Imbes na mainis sya napangiti pa, because she knows she’s getting on my nerves. I need Jem. Stat.

    At parang isang miracle nag-ring ang phone ko at tinawagan ako ni Jem, agad kong sinagot ang cellphone ko, “Hello?”

    “Hello yourself.” sagot sa akin ni Jem.

    Dinedma ko na ang “mean girls” sa paligid at saktong dumating na ang elevator, at bilang may kausap ako sa cellphone hinayaan ko na silang sumakay at nagpaiwan muna ako sa floor namin. Nakasimangot na sumakay sila May sa elevator at kinawayan ko pa sila nang magsara ang pinto.

    Napabuntong hininga na lang ako, “Naka leave ka pala bakla, kaya pala nagdidilim ang mundo ko.”

    “Ang drama. Bakit ano bang nangyari jan?”

    Umiling na lang ako, “Bukas na natin pag-usapan, sakit na ng ulo ko e. Bakit ka napatawag?”

    Tumawa sa kabilang line si Jem, “May tumawag kasi sa akin, nakikipaglaro.” I rolled my eyes, talandi talaga tong kaibigan ko.

    “Sino na naman yan? Bago mong boylet?” Pinindot ko ang elevator ulet nang mejo nakababa na ng ilang floors para siguradong di na babalik sila bitchetang May.

    Tumawa ulet si Jem, “Hindi ganung laro, bes. Iba. Pass the message.”

    Nagtaka lang ako, “Ano? Panong pass the message?”

    “Ang sabi sa akin ng caller ko kani-kanina lang, sa parking ka raw bumaba para dun kayo mag-kita. Baka raw kasi maging uncomfortable kang sa lobby kayo magkita.”

    Napanganga lang ako, seriously? Tinawagan ni Sir Chuck si Jem?

    “At bago ka magtanong, ako ang tinawagan nya para hindi mo raw sabihin na stalker sya. Sabi ko nga ako ang i-stalk nya hindi ako magrereklamo.” Tatawa tawa si Jem habang hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi nya.

    Bigla rin akong nakaramdam ng galit, “Ano susunod lang ako sa utos nya? Sino ba sya?”

    Nagbuntong hininga si Jem, “Sinabi ko rin sa kanya yan Bes, di naman ako totally bugaw so mejo nag-keme muna ako, sabi nya naman gusto nya lang mag-sorry dun sa nangyari kanina at alam nyang hindi ka rin nakapag-lunch so sya daw ang taya sa dinner.”
    Huh.

    “If ever daw na ayaw mo, it’s okay raw. He’ll be waiting in the basement parking until 7:00 pm, if you don’t show up he won’t take it against you.” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Jem so speechless lang ako, nagulat na lang ako biglang may nag-sslow clap sa kabilang linya.

    “Bes, pinabibilib mo ako ha. Manager? Seriously? At isang nilalang na hindi mo alam na nag-eexist before ang nahuhumaling sa’yo ngayon? Ganda ganda ng bestfriend ko.”

    Hindi naman lingid sa kaalaman kong napakaswerte ko nang nagsabog ng kagandahan e nakasalo ako ng konti – okay, more than konti pero yun ang hindi ko matanggap minsan, bakit kahit maganda ka, mabait ka, mapagmahal ka, iniiwan ka pa rin. At putanginang pag-ibig yan, kumakatok na naman hindi pa nga ako tapos pagsarahan ang huli kong naging boyfriend. Actually nag-paparamdam sya ulet pero in fairness maghapon kong hindi naisip ang friend request nya sa Facebook.

    “Teka lang, Jem. Ang ibig mo bang sabihin ako ang mag-dedecide kung hahayaan ko syang mag-antay dun sa baba? Kahit na alam kong hindi ako pupunta dun? Hindi naman masama ang ugali ko beh, sabihan mo na lang sya na umuwi na dahil mag-Grab na lang ako.” Sa sobrang weird nitong situation at sa ayaw kong mapabalitang nakiki-third wheel sa Manager at ang bago naming GM, iiwas na lang ako. And honestly? Lintek ang kilig ko kanina nung hawakan nya yung kamay ko. Tingin ko di makakasurvive ang puso ko pag nahulog ako sa kanya. Sigurado wala na namang sasalo sa akin. Tanginang buhay yan.

    “Edi ikaw mismo ang magsabi sa kanya, tapos na akong maglaro ng game na ito. Nagiging boring na. Send ko sayo number nya. Ktnxbye.”

    “Hoy!” leche binabaan ako.

    Habang inaantay ko ang pagsesend ni Jem ng number ni Sir Chuck sa akin, nag-ding ang elevator at pumasok ako sa loob. Tinitingnan ko ang buttons at nag-co-contemplate kung “G” para sa lobby or “B” para sa basement ang pipindutin ko. Nag-di-ding na ang elevator at parang minamadali na ako mag-decide, at dahil wala pang text na pumapasok sa cellphone ko pinindot ko ang “B”, hindi ko sya kayang iwan dun para mag-antay sa akin ng isang oras so if hindi maise-send sa akin ni Jem ang number nya, I need to tell him personally.

  10. #18

    Default Re: My Band-aid Heart

    Shoot! mooore! nabitin ako haha

  11. #19

    Default Re: My Band-aid Heart

    CHAPTER 10

    Naubos na ang lipstick ko kakakagat ng labi ko sa nerbyos, nakita ko ang reflection ko sa salamin at inayos ko ang itsura ko. I finger combed my hair, removed excess lipstick from my lips, straightened my dress at inayos ang collar para di masyado kita ang cleavage.

    Nang makarating ako sa basement tiningnan ko ang phone ko pero wala pa ring message. Langya to si Jem. Bumaba na ako ng elevator at naglakad, paglingon ko sa kanan may naka-hazard na kotse, nanghihina yung tuhod ko pero naglakad pa rin ako palapit sa kotse nya. Sumilip ako sa bintana sa driver’s side, hindi sa passenger side para di ako matempt sumakay kung sakali, kumandong sa kanya pwede? Heh! Lintek na utak to.

    Nakayuko sya at binabasa ang phone nya nang kinatok ko ang window sa side nya. Napalingon sya at damn yung ngiting yan. Syet. Alam mo yung ngiti ramdam mo sa buong katawan – as in buong katawan pati sa anek. Tumibok beh.

    Binaba nya ang window at inilabas ang arm nya at pinatong sa bukas na bintana, “Hi.”

    Oh my God, mali ata ang desisyon ko. Dapat iniwan ko na lang tong poging mokong na to dito. Mejo breathy yata ang pagkakareply ko ng “Hi” kaya lalong lumaki ang ngiti nya.

    I’m sure alam nya ang effect nya sa girls na pinagpapakitaan nya nitong side na to, he’s always so serious sa office, ni hindi nga ngumingiti kaya pag ganito ang mood nya parang ang sarap nyang kausap, parang feeling ko ang special special ko kasi pinapakitaan nya ako nitong side nya. See? Kaya ayaw ko syang makita ng personal kasi nagkakaganito ako.

    Ini-shake ko ang ulo ko para makapag-focus ako sa task on hand – sabihin sa kanyang inappropriate na sumabay ako sa kanya at mag-G-Grab na lang ako pauwi.

    Bumukas bigla ang pinto nya at umatras ako, bumaba sya at hinawakan ang strap ng bag ko, “Let’s go, I owe you lunch.” Sabay tingin sya sa relo nya, “Sorry, dinner na pala.”

    I know I’m such a girl for saying this pero there’s something about a man risking looking whipped para lang matulungan ka sa bitbit mo, he took my bag in his right hand while his left hand touched the small of my back and guided me to the passenger side.

    Pasensya na at wala akong masyadong self control, at sa totoo lang tingin ko kailangan ko talagang maupo kasi nahihilo na ako hindi ko alam kung sa gutom or sa sobrang pagtibok ng puso ko. Kailangan ko yata ulet ilagay ang ulo ko sa gitna ng legs ko, kaya lang naka-dress ako parang ang sagwa yata tingnan.

    Pinag-buksan nya ako ng pinto, at umupo ako sa passenger seat. Pinatong nya ang bag ko sa lap ko nung kala kong tapos na sya at pwede na akong huminga ulet, kinuha nya ang seat belt inextend ito sa harap ko at ni-lock. Kung alam ko lang na magiging ganito kami ka-close di sana nag-toothbrush muna ako bago umalis ng office.

    Alam mo yung ibang babae para siguradong hindi ma-tempt na magpakahubadera sa boyfriend nila nagsusuot ng panty na sira or pangit? Yung parang bacon na yung garters? Ang version ko nun is hindi ako nag-to-toothbrush, sigurado yan hindi ako lalapit sa kanya ngayong gabi. Samahan mo pa nang hindi ako kumain ng lunch, edi asido na lang ang nasa tiyan ko. Ngangabash na ako for sure – bungangang amoy basura.

    Pagka-click ng lock sa seatbelt ko tiningnan nya ako pero hindi pa umaalis sa harap ko, “Comfy?”

    Syempre ngangabash kaya tumango lang ako. Pero yung hininga nya nakakahiya man aminin nilanghap ko talaga, amoy peppermint. Kill me now.

    Finally umatras na sya at sinara ang pinto sa side ko, nilabas ko ang hininga kong pinigil. Putangina ang baho ng hininga ko, hinananap ko agad ang bukasan ng bintana para palabasin ang masamang hangin.

    Pagsakay ni Sir Chuck, mukha syang nagtataka kung bakit nakabukas ang bintana so sinagot ko sya, “May lamok.” Tapos ini-wave ko pa ang kamay ko sa harapan ko.
    Sana hindi nya naamoy.

    “Lamok?” Nakatingin pa rin sya sa akin habang kinakabit ang seat belt nya.

    Umirap ako sa kanya, “Lamok! You know mosquito!”

    Napangiti na lang sya sa akin dahil alam nyang nang-aasar lang ako kasi napaka-inglisero nya.

    “Try mo nga magtagalog ngayon, pag kausap mo ako dapat purely tagalog.” I challenged him.

    “You think I can’t do it?” sabi nya.

    “I give you 20 minutes, for sure mag-eenglish ka na by then.” Tinaasan ko sya ng kilay.

    “Okay, what do I get if I last the entire night?”

    Syempre dahil madumi ang utak ko, iba agad ang naisip ko sa sinabi nyang last the entire night. Pero dahil dalagang Pilipina ako (sa paningin nya) nagpaka-inosente ako,
    “What do you want?”

    Innuendo mo Olga. OMG. I can’t believe I said that.

    Pero imbes na patulan ng isang dirty joke, ngumiti lang sya, “You will owe me a favor – whatever favor I ask for, when I ask for it – non-sexual of course, I’m not a douchebag.” Ini-clarify nya nang nanlaki ang mata ko sa “favor” na gusto nya. Langya talaga ang utak ko dun lagi ang punta pag ganitong mga usapan.

    Pinagisipan ko muna bago sumagot, anong favor kaya ang kailangan nya sa akin? If ever lang naman na manalo sya, pero feeling ko walang pag-asa tong si Sir Chuck.
    Hindi nga maka-survive with a few words so I’m sure mag-e-english agad to.

    I stuck my right hand out to him, “Deal.”

    Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko, he doesn’t let go when he says, “Wala nang bawian ha. Binigay mo na ang pangako mo.”

    Napaka-awkward nya mag-tagalog pero sakto ang sinabi. Syet mukhang kakaririn nya ang bet na to.

Page 2 of 2 FirstFirst 12

Similar Threads

  1. my ache breaky heart
    By champola2000 in forum Love and Friendship
    Replies: 11
    Last Post: 13th Jun 2011, 00:40
  2. My Band Nodetrack Live
    By khrisvincent in forum Clips & Videos
    Replies: 0
    Last Post: 13th Aug 2007, 21:12

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •