Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 13
  1. #1

    Coffee Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    Naisip nyo ba kung bakit mahirap ang pilipinas ngaun? Kahit na sagana tayo sa resources? 0_o
    Gusto ko lang i-share sa inyo kung ano ung naisip ko..
    Sabi nila para daw maunawaan ang kasalukuyan kelangan nating tingnan ang nakaraan. At ito ang napag-alaman ko... hehehe

    Bago pa dumating ang mga kastila, may kalakalan (trading) na nagaganap na sa pilipinas at sa mga kalapit na bansa nito gaya ng tsina. At ang tinuturing na sentro ng kalakal ay ang sulu at mindoro (mai ang dating panganlan). Pero ng sinakop tayo ng kastila, para makontrol nila ang buong bansa inilipat nila sa maynila ang sentro ng kalakalan. Syempre may mga illegal na palengke pa rin sa sulu (kaya daw uso ang tiangge).. Tapos, hinati ang lupa ng pilipinas sa limang grupo ng mga pari (pransiskano, heswita, agustinyano, dominkano at may isa pa). Sobrang nghirap ang mga pilipino kasi inagawan sila ng lupa at sila pa ngaun ang nagbabayad ng sobrang taas na buwis sa mga prayle. tsk tsk Pero may ilang mga pamilya ang nagrenta ng malalaking lupain, gaya ng pamilya ni rizal, ang mga lopez, ang mga ayala, roxas, aquino, cojuangco, marcos at ilan pa sa iba-ibang probinsya (kung san sila andun ngaun, malamang andun ung mga pag-aari nila). Pagkatapos ng digmaan, naging may-ari na ng lupa ung mga nagrenta. At yumaman sila dahil dun! Dumaan ang mga amerikano, mga hapon, kung nabawasan man ang lupa nila, konti lang siguro. Pansin nyo ba sa panahon ngaun, ung mga apo nila ang mga mayayaman? Ang mga marcoses, Aquinos, roxases, lopez, ayalas? diba?
    Pero tinatanong mo, anong koneksyon nito? Ang masaklap kasi dyan, konti lamang ang mga mayayamang tao d2 sa pilipinas. Kaya hindi pantay ang distrbution ng resources. At dahil sila ang may pera, sila lang ang may kakayanang bumili. So, Parang isang triangle, ung nsa tuktok mayayaman (na sobrang konti lang, ikumpara mo sa 88 billion na population), tapos konti lang ang middle class, at sobrang dami ng mahihirap sa ibaba ng triangle.. ganun ang social structure ng pilipinas.. At un ang dahilan kung bkit madami ang mahihirap...

    May solusyon pa kaya? ikaw, anung naiicip mo?
    Ang naiicip ko nung una, destroy mo ung triangle tapos gawa ka ng bagong social structure pero mejo imposible un gawin.. Kaya ang dapat ay palawakin un middle class.. gawing middle class ung ibang mahihirap.. un ang naiicip ko.

    kaya dapat middle class ung mga nasa posistion sa gobyerno, kapag kasi upperclass, i-protect nya ung power at wealth nya, kapag naman mahirap, mag-acquire sya ng power and wealth. Kapag middle class, average un kaya more or less kuntento na sya kung ano meron sya..
    Idagdag ko pa, ang masama sa sistema ng pulitika sa pilipinas... (ito ay FAMILY-BASED)
    Ganito ang style pag election, imbis na iboto ung talagang karapat-dapat, ang ibinoboto ay ung "ANAK" ng "DATING" mayor, o kaya gov.. Ang basehan ng karamihan ay kung kapamilya ng dating nanalo..
    At ganito naman ang mangyayari pagkatapos ma-elect.. FAMILY-FIRST! Para hindi mawala ang kapangyarihan nila, mag-aapoint sila ng mga kaanak sa kung anu mang posisyon kahit wala silang alam tungkol sa position na un. gaya nung panahon ni marcos, ung malalaking corporation gaya ng abs at meralco, kinuha nya un at ibinigay sa malapit na kaanak nya.. At dahil dun, iisa na namang pamilya ang makikinabang instead na buong pilipinas..



    At karamihan naman ng mga pilipino, hindi umaaray hanggat ndi nasusugatan.. alam ng nandaya, alam nang kurakot, alam ng sarili lng ang iniicip, sige lang ng sige lang.. At saka kikilos pag napansin na ubos na pala ang para sa kanila kasi un pala un kinukuha..

    Ang mga nkasulat sa taas ay pawang opinyon at base sa sariling obserbasyon.. Sana mga ka-SB makaahon pa sa kahirapan ang pilipinas. Kahit "bano" tayo sa kung anu-anong treats d2 SB ay maging responsableng mamamayan pa din tayo ng bansang PILIPINAS. Un siguro ang pinakamagagawa natin..
    Feel free to add comments. Kung nakatulong naman po ako sa pag-gising ng makabayang damdamin, paki-hit na rin po.

  2. #2

    Default Re: Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    Kase nga likas na sa mga pinoy ang corruption. Para sa akin ang mga ugaling pinoy mismo ang pinagmumulan ng corruption. Tulad nga ng isang naipoint out ang pagiging Family-first, isama mo na rin ang "delikadesa", "utang na loob", "bahala na". lahat ito pwedeng pagmulan ng kuropsyon at katamaran kaya sa tingin ko hindi talaga mababago ang gobyerno kahit pa sinong ponsyo pilato ang umupo sa malakanyang. Dapat ang pagbabago nagsisimula sa sarili natin.

  3. #3

    Default Re: Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    tama! sa sarili talaga dapat magsimula ang pagbabago!! Kaya lang factor pa din ang mga nakaupo sa posisyon kasi sila ung ngawa ng mga kasunduan sa ibang bansa. Dapat matalino sya at hindi puro pera ang iniicip, kaya ng dating presidente na pumayag sa kasunduan na pwedeng magtapon ng mga NAKAKALASONG basura ang Japan kapalit ng pagtatrabaho ng OFW sa bansa nila.. Amp talaga sya.. kurakot na nga, sinisira pa ang resources ng pilipinas.. Sana tama ang mga desisyon na gagawin ni PNOY.. haiz

  4. #4

    Default Re: Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    yep..

    ang pagbabago nasa sarili yan..kung gusto naten baguhin ang bansa naten umpisahan naten sa mga sarili natin..

    Role model - maging modelo tayo sa mga nakaka salamuha naten sa araw2..

    Wag manghusga - likas na sa mga pinoy ang ganyan..Akala mo kung sinong mga tama kung mag marunong kala mo ang galing..

    sabi nga ng idol ko " kung dimo ginagamit ang utak mo ibenta mo nlang, wag kang mag mrunong kung hindi mo alam..dahil mas bobo pa sa bobo ang bobong nagmarunong "

    Saka tayong mga pinoy GALAW TAYO...wag lang tumingin kung sino man ang namamahala sa atin..Dahil puna ng puna ang sarili nman walang kwenta..

    kahit naman kung si Obama o si Bush man ang mamahala sa atin kung ang sarili naman natin hindi natin kayang baguhin wala din mangyayari..

    Wag tumingin sa MALI tumingin sa TAMA..

    halos lahat ng pinoy nka tingin lang yan sa mali ng isang tao..

    isang libong tama + isang mali = mali won

    ska kung proud ka tlga na pinoy ka wag lang tuwing nanalo si manny sa enatblado..

    wag lang tuwing may namamatay na isang francis m..

    Start it to ourself, and spread it to our country..
    Last edited by jamesgabesette; 9th Jul 2010 at 23:28.

  5. #5

    Default Re: Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    Lahat ng problema may solusyon

  6. #6

    Default Re: Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    isa din sa napansin kong problema sa mga pilipino... ay ang pagtatapon ng wala sa lugar..
    Ex.. upos ng yosi, balat ng candy..

    mga bagay na dapat alam na sa sarili.. mgtapon po tayo ng wasto..
    Wag mo isiping ikaw lang naman ang gumagawa nun kasi sa dami ng pinoy, paniguradong may kagaya ka na basta-basta nlang kung magtapon.. umayos ka..

    hehehe simulan ang pagbabago sa sarili.. ^^ di pa huli ang lahat..

  7. #7

    Default Re: Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    Bakit mahirap ang pilipinas?
    - kase walang pera, Tutal pera lang naman ang sukatan ng yaman

    May solusyon pa kaya?
    - oo naman. lahat ng problema may solusyon

  8. #8

    Default Re: Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    ndi lang pera ang sukatan ng yaman..

    e di kung pera lang ung kulang sa pilipinas, e di sana wala nang inatupag ang bangko sentral kundi gumawa ng pera buong taon..

  9. #9

    Default Re: Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    bakit ang ibang pinoy kung pag twanan at gawing katatawa ang pilipinas

    ay proud pa..kasi may napapatawa sila..

    naiicp kya nila na sa ginagawa nila ay tinatwanan nila ang sarili nila..

    im proud to be pinoy..

    kung ikaw hindi

    edi mag abroad ka..hahaha..
    Last edited by jamesgabesette; 11th Jul 2010 at 23:50.

  10. #10

    Default Re: Bakit mahirap ang pilipinas? may solusyon pa kaya?

    overpopulated

    --hindi na balance ang supply and demand kaya kahit ano gawin ng gobyerno walang epekto

    tamad ang mga pinoy

    --kahit si Rizal binanggit niya ito sa libro niya at bingyan nya pa ng dahilan

    walang disiplina ang pinoy

    --pero ang tingin ko lang naman ditong kailangan eh kamay na bakal

    walang sariling kultura ang pinoy

    -- oo maaring merong kultura tayo pero hinid yung solid na kultura na iisang buo kundi watak watak kaya hindi tayo maging organizado

    walng pagmamahal sa bayan


    --puro pakitang TV lang lahat, kung mahal ng isang tao ang bayan niya, hindi tayo gagwa na pwedeng ikasira ng bansa.

    mahilig manisi

    -palaging gobyerno ang sinisisi pero kapag tiningnan mo, sandamakmak ang anak at may bisyo pa.

    pero may isa tayong magandang katangian na dahil na rin sa kahirapan

    madiskarte


    solusyon?
    isang lider na magiging role leader, Leader na kung saan siya ang boss at hindi ang mamayan, kaya nga tinawag na Lead-er kasi to lead not to be lead. isang lider na may kamay na bakal,talino, pagmamahal sa bayan at desido na magbago
    ang mga pinoy kasi naghahanp na lang makakapitan yan para magkaroon ng motivation para magbago. marami ang gusto magbago pero hindi alam kung saan magsisimula at paano
    Last edited by kurabo; 12th Jul 2010 at 00:30.

Page 1 of 2 12 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •