Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 2 of 14 FirstFirst 123412 ... LastLast
Results 11 to 20 of 133
  1. #11

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    totoo ba yan??me orasyon ba para sa love??

  2. #12

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    ^totoo yon, pag nainlove ka talagang oras yon na maiinlove ka...ahehehe!

    peace!

  3. #13

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    punta kayo dito

    [Link available to registered users only. Click here to register.]

  4. #14

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    wala bang orasyon para manalo sa lotto?


  5. #15

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    Quote Originally Posted by exaflare [Link available to registered users only. Click here to register.]
    wala bang orasyon para manalo sa lotto?

    di na kailangan ng orasyon yan tayaan mo lang lahat ng kombinasyon sure winner ka balatohan mo kami

  6. #16

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    share kayo ng mga orasyon o paraan ng pang gayuma na alam nyo o kung me kilala kayong magaling na albularyo

  7. #17

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    ANG LIHIM AT HAYAG NA KARUNUNGAN
    DALAWANG KARUNUNGAN NG DIYOS

    ANG SANDAIGDIGANG TIRAHAN NG MGA NILALANG NG DIYOS AY MAYROONG LIBO-LIBONG URI NG PANINIWALANG HALOS HINDI KAYANG IPALIWANAG ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT ANG MGA TAO'Y NAGKAHIWA-HIWALAY AT HINDI NAGKASUNDO SA WALANG IBA AT NAG-IISANG DIYOS.

    SANG-AYON SA MGA HULING SURVEY, ANG BUONG MUNDO NGAYON AY MAYROON NANG HUMIGIT KUMULANG 12 BILYONES POPULASYON NG TAO; SA DAMI NITO, HINATI-HATI ITO NG MARAMING IDOLOHIYA AT LIMANG RELIHIYON TULAD NG:

    1. KRISTIYANO
    2. BUDHISMO
    3. SINTOISMO
    4. HINDUISMO
    5. MUHAMEDANISMO

    SA LIMANG ITO NAGSIMULA ANG LIBO-LIBONG URI NG PANANAMPALATAYA AT NAG-AANGKIN NG KALIGTASAN AT DITO RIN NAGSIMULA ANG DEBATIHAN NA KADALASAN AY NAUUWI SA AWAY.

    ANG RELIHIYON AY SIYANG NAMAMAGITAN NG DIYOS AT NG TAO, KUNG WALA ANG RELIHIYON ANG TAO AY HINDI MAKAKAKILALA SA DIYOS. DAHIL DITO NAGMUMULA ANG DOKTRINA NA SIYANG GINAGAMIT NG DIYOS UPANG SIYA AY KILALANIN NG MGA TAO SA LUPA.

    ANG PILIPINAS AY ISA SA KILALANG BANSANG KRISTIYANO SUBALIT ANG MGA PILIPINO AY HINDI MAGKAISA SA KANILANG PANANAMPALATAYA, BAGAMAT NAGKAISA ANG PANANAW NA TIYAK NA MAYROONG DIYOS. HINDI SILA PAREHA NG SEKTA SA BIBLIYANG SINASANG-AYUNAN NA KUNG SAAN ANG PINAGMULAN NG MGA KANI-KANILANG PANINIWALA NG DIYOS.

    NAKAKALITO KUNG BAKIT NAGKAGANITO ITO. KUNG TINGNAN MO SA LANSANGAN, SA PLASA NG MGA BAYAN, PAKINGGAN MO SA RADYO, TINGNAN MO SA TELEBISYON AT SA MGA NAGKAIBA-IBANG URI NG MGA BABASAHIN GAYA NG MGA DIYARYO, MAKIKITA MONG KANYA-KANYA SILA NG STYLE AT IBA-IBANG PALIWANAG TUNGKOL SA PANGINOON.

    MALIBAN DITO MAYROON DING MGA GRUPO NA MAY TIWALA SA DIYOS SUBALIT HINDI NILA GINAMIT ANG BIBLIYA.

    ITO ANG MGA TAONG NAG-AARAL NG MGA LATIN NA SIYANG GINAMIT BILANG MGA ANTING-ANTING NA KUNG TAWAGIN AY MGA “PANATIKO"

    KUNG ATING TUNGHAYAN, ANG RELIHIYON AY NAHATI SA DALAWANG URI NG PANINIWALA, ANG ISA AY BASE SA BIBLIYA AT ANG ISA AY BINABASE SA AKLAT NG KALIKASAN, NA DITO KINUKUHA ANG MGA SALITANG LATIN NA GNAMIT SA KANILANG MGA PAMAMARAAN NG PAGDARASAL. ITO ANG MGA KARUNUNGAN NG DIYOS NA NAKILALA SA TAWAG NA ECCLESIASTICAL AT ESOTERIC.

    1. ECCLESIASTICAL – ito ang karunungan ng Diyos na kung tawagin ay HAYAG dahil ito ay nakasulat sa mga aklat lalung-lalo na sa Bibliya. Dito nagmula ang sekta na ginamit ng mga mananampalataya upang mabuo ang mga kanilang grupo sa paniniwala sa Panginoon.

    2. ESOTERIC – ito ang karunungan ng Diyos na TAGO, dahil hindi ito matutunghayan sa Bibliya, subalit ang mga mag-aaral dito ang gumamit ng salitang aklat ng kalikasan na siyang pinagkunan ng kanilang mga kaalaman, at ang mga taong ito ay tinaguriang mga KULTO.

    Ang dalawang karunungang ito ay hindi nagkakaintindihan. Ang mga taong humahawak ng karunungang iyo ay nagsisiraan at nagpapayabangan; sabi ng nasa Sekta; kayong nag-aaral ng LATIN at naniniwala sa ANTING-ANTING ay mapupunta sa impyerno dahlia ang karunungang yan ay galing sa demonyo. At ang mga tao naman na nasa KULTO ay nagsasabi ng ganito; kayong nagbabasa sa Bibliya ay walang puwang sa harapan ng Panginoon dahlia kulang ang inyong kaalaman tungkol sa Diyos ang pinakikinggan lang na salita ng Diyos ay ang LATIN dahil ito ang opisyal na salita ng Diyos.

    Kung ating saliksiking mabuti, may dahilan ang Diyos kung bakit mayroong TAGO at HAYAG na karunungan. Ang HAYAG ay gabay upang marating ang tugatog ng iyong inaasahang kaligtasan, at ang TAGO naman ay siyang kapangyarihan na magliligtas sa oras ng mga kapahamakan at kagipitan. Madaling sabi, dapat ay magkasama itong dalawa. Kung absent ang isa nito wala ni ang maliligtas. Katunayan, lahat ng taong nautusan ng Diyos na nakasulat sa Bibliya ay mayroong dalawang karunungang pinaniniwalaan pati na ang Panginoong Jesucristo.

    Ang Bibliya ay makapagpapatunay tungkol sa DALAWANG KARUNUNGANg ito. Gaya sa sulat ni Mateo sa talata 28 kapitulo 19, ganito ang sinasabi ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad; “HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA, BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITO SANTO” Sa puntong ito, may tinutukoy si Cristo na pangalan ng Ama, Anak at ng Espirito Santo, subalit hindi ito binanggit sa Bibliya, ano kaya ang ibig sabihin sa mga pangalang tinutukoy ng Panginoong Jesus. Isa ang dahilan kung bakit hindi isinulat, ito ay TAGO na karunungan ng Diyos. Kaya sa mga taong nag-aaral sa karunungang TAGO ay siyang nakakaalam nito. Ito’y tawagin nila ay ARAM (pangalan ng Ama), ACDAM ( pangalan ng Anak), at ACSADAM (pangalan ng Espirito Santo).

    Bawat bansa ay may sariling wika, subalit ang tao ay minsan lang nagkakapareha ng salita. Ito’y sa sandaling isilang. Lahat ng sanggol ay iisa ang alam na salita, ito ang salitang O-H-A. Sa mga nag-aaral ng HAYAG NA KARUNUNGAN ito ay hindi binigyang pansin, subalit sa TAGONG Karunungan ito ay mayroong matayog na kahulugan. Sa sulat ni MATEO 11:25 sa Bibliya ay ganito ang sinasabi, “NANG PANAHONG IYO’Y SINABI NI JESUS, PINASASALAMATAN KITA AMA, PANGINOON NG LANGIT AT LUPA, SAPAGKAT INILIHIM MO ANG MGA BAGAY NA ITO SA MARURUNONG AT MATATALINO AT INIHAYAG SA MAY KALOOBAN TULAD NG BATA” At sa MATEO 21:16 ganito ang sinabi ni Jesus, “MULA SA BIBIG NG MGA SANGGOL AT ANG PASUSUHIN AY PANAPAMUTAWI MO ANG WAGAS NA PAPURI” ang kahulugan sa salitang O-H-A ay ganito ORTAC HIPTAC AMINATAC na isa lamang sa napakaraming pangalan ng Ama, Anak at Espirito Santo.

    Dagdag pa nito, ang ADRA MADRA ADRADAM ay ginamit ng mga kultong grupo bilang panawag sa AMA, ANAK AT ESPIRITO SANTO. Sa panahon ni Moises naisulat sa EXODO 3:14-15 sinabi ng Diyos, “AKO’Y SI AKO NGA. SABIHIN MONG SINUGO KA NI AKO NGA, NG DIYOS NG INYONG MGA NINUNO, NG DIYOS NINA ABRAHAM, ISAAC AT JACOB. AT ITO ANG PANGALANG ITATAWAG NILA SA AKIN MAGPAKAILANMAN”. Sa tagong karunungan, ito ang pangalang ibig sabihin ng Diyos “AHIH ASHIR AHIH”.

    May isang aklat na kung tawagin ay “Aklat ng Kalikasan” kung bakit ganito ang tawad dahil ito’y ibinigay sa “DI PANGKARANIWANG” kapangyarihan. Sang-ayon pa, ito ay gaya ng pagkabigay sa Sampung utos ni Moises. Ang aklat na ito ay pinagmulan ng kaalaman na sa kasalukuyan ay pinag-aaralan bilang TAGO NA KARUNUNGAN ng Diyos. Dito sa aklat na ito ay naitala ang 1001 na pangalan ng Diyos na pinaniwalaan hindi lamang sa Kristiyano subalit pati sa ibang sistema ng paniniwala ng Diyos gaya ng Hapon, Muslim, Intsik, at iba pa. Sa ating mga Kristiyano ang pangalang JEHOVAH, ay pinaniniwalaan at sinasamba. Sa aklat naman ng kalikasan ay ganito ang sinasabi, “NOONG GINAWA ANG MUNDO AY JEHOVAH ANG PANGALAN NG DIYOS” at ang salitang JEHOVAH ay nagmumula sa mga salitang JOD HE VAU HE na kung saan ay nagmumula sa apat na buntala na tamatangan sa mundo. Nang ginawa ang ataw ay HICAAC ang pangalan ng Diyos, HICAOC naman nang lalangin ang buwan at HIMBODOA naman anang ginawa ang mga bituin. Kung sabihin mong ang Diyos ay nasa Kataas-taasan, ang pangalan nito ay EL ELYON. Alam natin na ang Diyos ang pinakamakapangyarih an sa lahat, ang kanyang pangalan ay EL SHADDAI, ang Diyos ay walanag hanngang EL OLAM ang Kanyang pangalan. Noong ginawa ng Diyos ang tao ay ELOHIM ang Kanyang pangalang ginamit, nang ginawa ang apoy ay YAWESERE ang Kanyang pangalan, ADONAI naman nang ginawa ang tubig. Ito ay iilan lamang sa Kanyang makapangyarihan at nakatagong pangalaan na magpapatunay na sa bawat ginawa ng Panginoon ay iba-iba ang Kanyang pangalan.

    Sa lahat ng dako na sangkatauhan maging sa Asiya, Aprika, Amerika, Russia, China, Europa at kahit sa Pilipinas man ang bawat hugis ng hayop ay iisa kanilang salita. Sa tilaok ng manok ay maririnig natin ang CO CO CO OC, sa tahol ng aso ay CAO, sa ibon ay OAC sa palaka ay OC AC, sa pusa ay NGIAO at MAO, sa kambing ay ME, sa tupa ay VE, sa kalabaw ay ONGA, sa baka ay MA at sa mga isda sa tubig ay AC CAC EC OC COC. Ang mga iyan ay pawing mga salita ng mga hayop at mga isda sa tubig. Sang-ayon sa tagong karunungan, ang salita ng mga hayop at isda ay mayroong malawak na kahulugan na siyang pangalan ng Diyos sa mga kani-kanilang kaalaman.

    Basahin natin ngayon ang salita ng manok, ating maririnig ang mga salitang CO CO CO OC sa kanyang pagtilaok ang tatlong CO CO CO ay isa sa maraming pangalan na nag-iisang Diyos na lumalang sa lahat ng bagay at nagtatangan ng kapangyarihang buo. Ang OC ay ang hanging Espirito ng Diyos na nagdadala sa Kanya sa lahat ng dako. Ang titik na O ay ORTAC at ang C ay CRISTAC.

    Tunghayan naman natin ang salita ng aso. Sa tahol ng aso ay ating maririnig ang salitang CAO. Ang aso ay tumatahol lalong-lalo na kung ito ay mayroong napansin na di pangkaraniwan para sa kanya, sabi pa ng mga matatanda, ang aso ay tatahol kung ito ay makakita ng mga masamang espirito, nasa kanyang pagtatahol ay lalabas sa kanyang bibig ang salitan CAO na sang-ayon sa tahong karunungan ito ay isa sa Tagong Pangalan ng Diyos. Ang basag sa salitang CAO ay ito: CRISTAC AMINATAC ORTAC. Ganoon din ang huning OAC ng ibong uwak, ay katulad din sa tahol ng aso ang kahulugan. Sabi pa ng aklat ng kalikasan ang salita ng uwak ay pangalang naihayag ng lubusan. Sang-ayon pa ito ay isang pangalan ng Arkanghel na lumalabas ang pangalan sa mata ng Diyos.


    Magugunita na sa nakaraang labas nito ay naglalarawan ng mga salita ng hayop na kung saan ay natutunghayan natin ang iilang mga tago na pangalan ng Diyos. Ganoon pa man ating ipagpatuloy ang pagsaliksik sa mga iba ring hayop na sumasambit ditto ng mga pangalang tago.

    Ang palaka ay ganito ang kanilang salita. May OC at mayroon din namang AC. Ang OC ay gaya ng naipaliwanag sa tilaok ng manok. Ang AC naman ay pangalan ng Diyos noong nag-iisa pa lamang Siya. Ibig sabihin noong wala pa ang mundo at ang iba-ibang planeta na sasa kalawakan. Ang dalawang titik ng AC ay ito AMINATAC CRISTAC. Ang pangalang ito ay nagmumula sa isang malawak at matayog na kahulugan dahil sang-ayon pa ang Diyos ay isang espirito at matayog na kahulugan. Isang espirito na walang simula at walang katapusan na sa ibang paliwanag ay sulong kaluluwa o espirito. Ngayon ay tuntunin natin ang dalawang salita ng pusa. Kapag nagalit ang pusa ay lalabas sa kanyang bibig ang salitan MAO. Sabi ng kasaysayan ito daw ay pangalan ng isang matapang na espirito buhat sa Diyos at ito ang basag ng MAO MEOROAM AMINATAC ORTAC. Ang NGIAO naman ay isang salita na laging nasa bukang bibig ng pusa.. Ito ay isang kabanal-banalang pangalan ng kataas-taasang Diyos. Ang dalawang titik na NG ay NI-GAUM o NAB-GEM at IAO naman ay pangalan ng Diyos na naibigay kay Moises noong ito ay nabubuhay pa sa lupa. Ang IAO ay ang ISCHIROS ATHANATOS OTHEOS na isa sa nakatagong pangalan ng tatlong persona.

    Ang salitang ME ng kambing ay isang pangalan din ng Diyos na ang kahulugan ay MAIGSAC EIGMAC. Ang MA naman ay salitang lagging bukang bibig ng baka, ang basag nito ay MACMAMITAM AMICAMEAMITAM. Ang sabi lagi ng tupa ay VE, ibig sabihin ay VOLHUM EGOLHUM na isa sa pinakatagong pangalan din ng Diyos. Gaya ni Adan noong kapanahunan ay nakakausap niya ang mga hayupan, mga halaman at punong kahoy, at ang karunungang yaon ay nagmumula sa tagong kaalaman. Sang-ayon sa tagong kasaysayan, si Adan ay nagkaroon ng kapangyarihan buhat sa mga tago na pangalan ng Diyos na ibinigay sa kanya noong doon pa sila ni Eba sa paraiso. Ito ang sinabing tatlong pangalan ng Diyos JOVE, YAHWEH at YESERAYE. Sa pamamagitan ng mga pangalang ito magaganap ang lahat niyang nanaisin gaya ng pakikipag-usap sa mga hayupan, halaman, punong kahoy at pati na rin sa mga may buhay sa ilalim ng tubig at mga ibong nagsisiliparan sa himpapawid. Yon ang mga ilan sa mga pangalang binibigkas ng mga iba’t-ibang uri ng hayop, isda at ibon na kung saan ay hindi binigyang pansin ng mga tao sa buong akala na ang mga iyan ay walang kabuluhan, subalit ang kasaysayan ng tago na karunungan ay nagpapahiwatig na ang lahat na may buhay sa balat ng lupa ay kumikilala sa kanyang tagapag-lalang na walang iba kungdi ang Poong Maykapal.

    Ngayon ating tunghayan at saliksikin ang panimula ng HAYAG at TAGO NA KARUNUNGAN NG DIYOS. Paano at saan ba nagsimula ang HAYAG at TAGO? Kung bubuklatin natin ang mga ito, ating maaaninang na magkaiba ang kianilang mga pasimula. Ang HAYAG ay nagsimula sa paglalang ng Diyos sa mundo. At ang TAGO naman ay nagsimula nang wala pa ang lahat ng bagay, ang ibig sabihin ay wala pa kahit isa man lang sa nilikha ng Diyos……

    Sa unang labas ng seryeng ito naipaliwanag na ang Diyos ay mayroong dalawang uri ng karunungan. Ito ay ang Tago at Hayag na sa kasalukuyang ay ginamit na ng mga tao subalit hindi ito naintindihan ng maigi. Ngayon, ating tutunghayan at sasaliksihin ang simulain ng dalawang karunungan ito. Paano at saan ba nagsimula ang Hayag at Tago? Kung bubusisiin natin ang mga ito, ating maaaninag na magkakaiba ang bawat pinagmulan. Ang Hayag ay nagsimula ng likhain ng Diyos ang tao sa mundo habang ang Tago ay nagsimula sa wala pa ang lahat ng bagay. Ang ibig sabihin, ay wala kahit isa man lang sa mga linikha ng Diyos.

    Sa Aklat ng Genesis sa Biblia, ganito ang panimula, Gen. 1:1, 2 at 3 "NANG SIMULA LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO, DILIM ANG BUMABALOT SA KALILIMAN AT UMIIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG", SINABI NG DIYOS: "MAGKAROON NG LIWANAG AT NAGKAROON NGA." Sa puntong ito mayroong bagay na hindi maipaliwanag, bakit? Kasi maliwanag na sinabi na sa pasimulang likhain pa lamang ng Diyos ang lupa at hangin ay mayroon ng lupa subalit ito'y wala pang hugis at ang hangin ay umiihip na sa ibabaw ng tubig. Sa madaling salita, sa hayag na karunungan (bibliya) hindi maipaliwanag ng lubusan ang tawag na simula nang ang mundo ay likhain ng Diyos. Paano nilikha ang lupa, hangin at tubig? Ang mga ito ay hindi na binanggit sa Biblia. Subalit sa Tagong karunungan ay ganito ang sinabi: "Bago likhain ng Diyos ang bagay partikular na sa ating daigdig, ay inihanda muna Niya ang Apat na Elemento na siyang magiging sangkap sa sanlibutan. Ito ay ang HANGIN, TUBIG at LUPA. May sinabi ang Diyos na ganito: "ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TEASET BUITARAP ACME MIMJARUL LEGARA HAMUSA VINESA MATUMI EROP BUNSIRAP." Nang ito'y masabi lumitaw ang lupa, lumalagablab ang init ng Apoy, umihip ang simoy ng Hangin at umoudyap-udyap ang paggalaw na parang maliliit na alon ng tubig.
    At muling nagsalita ang Diyos. "CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM," ibig sabihin ay simulan ko nang gawin ang langit at ang sanlibutan at nagsalita pa muli ang Diyos ng ganito: "MANAOT LUMBRATE ACTIVE DENS MEAVITA DEUS SANCTE MEUS", nang matapos itong sabihin nagkabuklod-buklod ang lupa, tubig, apoy at hangin. Muling nagsalita ang Diyos ang ganito: "MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM, at ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaibang-ibang lasa.
    Sang-ayon sa Biblia, sa aklat ng mga awit 90:2 ganito ang sabi: "WALA PA ANG MGA BUNDOK, HINDI MO PA NILALANG, HINDI MO PA NILILIKHA ITONG BUONG DAIGDIGAN, IKAW NOON AY DIYOS NA, PAGKAT IKAW AY WALANG HANGGANG," madaling sabi, ang Diyos ay walang simula at walang katapusan, kaya siya ay tinawag sa mga kultong grupo na INFINITO DEUS.
    Kung ganyan ang kalagayan ng Diyos, mayroong tanong na ganito: Noong wala pa ang mundo saan nakatira at ano ang kalagayan ng Diyos? Kung ang Biblia ang pananagutin natin, walang malinaw na sagot na mababasa mo, subalit sa Tago na karunungan ay mayroon, at ito ang nakasulat sa Aklat ng Kalikasan. Noong wala pa ang mundo ang Diyos ay naririyan na, at Siya ay nakatira sa kanyang kaharian na siya rin ang kanyang kapangyarihan na kung tawagin sa Tagong karunungan ay "CIELO DE CHRISTILLENO" na ang ibig sabihin ay "langit sa mga langit."
    Bagamat wala pa ang lahat maliban sa Diyos na nag-iisa, ang sinasabing langit sa mga langit kagaya ng kalawakan na hindi malalaman ang pinagmulan at ang hangganan nito. Ang sinasabing kalawakan ay isang puwang na lugar na walang nilalaman, subalit ito'y napupuno at nababalot ng isang liwanag na walang simula at wala ding hangganan, sang-ayon sa Aklat ng Kalikasan ay ganito: AAZZAAXXXAACZA ZAAX ZAAZ ZAXAZ JIY OAFI JAAIYEI", ang ibig sabihin ay ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang abutin ni nino man na nilalang sa lupa kahit sa isip lamang.

    Sa nakaraang labas ay tinutukoy ang kalagayan at tirahan ng Diyos noong wala pa ang mundo at ang lahat na mga bagay, kasaysayang naglathala sa pamamagitan ng kwentong balot sa mga mesteryong hindi naitala sa Biblia. Bagamat ibinulgar dito ang mga pinakatago na mga bagay, seguro dahil para sa isang katuparang nakasaad sa hayag na karunungan nakasulat sa biblia na sang-ayon pa ay ganito ang sinabi ng ating Panginoon Jesucristo sa Lucas 12:2 at 3; "WALANG NATAGO NA DI MALANTAD, AT WALANG NALILIHIM NA DI MABUBUNYAG ANUMANG SABIHIN NINYO SA DILIM AY MARIRINIG SA LIWANAG AT ANUMANG IBULONG NINYO SA MGA SILID AY IPAGSIGAWAN" kaya ito na ang tukmang panahon upang ang mga bagay na sadyang itinatago sa sobrang tagal at pinaghirapang maipreserba ang mga ito sa hindi mabibilang na mga panahon ay ibubunyag nang makamtan ang mga matiwasay na pananampalataya sa tunay na Panginoon mula sa tunay din na mga tauhan Nito.

    Ang liwanag na walang simula at walang hanggan na tinutukoy noong nakaraang labas ay siyang kalagayan ng Diyos at Siya na rin ang Diyos. Sang-ayon pa sa tagong pangalan, ang Diyos ay mayroong mil uno (1,001) na mga pangalang nailantad na sa tao. Ang pinakauna Niyang pangalan "AINSOPH" ito ay nangangahulugang; "BUGTONG LIWANAG NA NAROON SA KATAAS-TAASANG BAHAGI NG WALANG KATAPUSAN AT WALANG HANGGAN." Kaya sabi ng tagong karunungan ay mapalad ang sino mang nakaalam sa pangalang yaan dahil hindi siya maghirap sa kabilang buhay.
    .
    Nag-iisa palang ang Diyos noong panahon iyon, at dahil sa pag-iisa nadarama ng Diyos ang masidhing pangungulila, kahungkagan at sobrang kalungkutan, kaya Siya'y napabuntong hininga ng malalim kasabay ang salitang "JUAAHAHUJAI," (ito rin ang winika ng Diyos ng bigyan Niya ng hininga si Adan) at doon nagsimula ang kanyang pag-iisip na gumawa ng mga bagay tulad ng araw, buwan mga bituin, mundo at mga tao, etc., upang ang mga ito ay kanyang paglilibangan. Subalit bago pa man ang lahat, ang Diyos ay gumagawa ng 72 na mga banal na espirito (sa tagong karunungan ay tinatawag na 72 dibosyon ng mga esperito) upang ang mga ito ay magiging kaantabay sa mga paggawa sa mga bagay ng naiisip Niyang gagawin.
    Sa pagsimula ng Diyos ng kanyang mga gawain, ang tinutukoy na liwanag na walang simula at walang hanggan ay kanyang pinaliit, dahan-dahan itong lumiit hanggang ito'y naging bilog, na sang-ayon pa, parang sumbalilo ito kung tingnan mo sa malayo. At sa ilang sandali lamang, may pumunit sa dalawang hugis at sa unti-unti itong nagiging mga mata na nagliliyab sa isang pambihirang magkakaibang uri ng liwanag. Sumulpot at nagkaroon ng dalawang butas sa bandang baba na siyang maging ilog nito. Tumubo ang dalawang bahagi sa magkabilang tagiliran at nagkaroon din ng mga butas ang mga ito upang maging tainga nito. Gumuhit sa bandang ibaba kunti sa ilog at ito'y naging bibig, at sa ganoong pagkakataon, ang bilog ng gaya ng bolang liwanag ay dahan-dahang dumaloy tulad ng tulo ng kandila na tumulo paibaba at siyang sanhi na magkaroon ng leeg, katawan, dalawang kamay at dalawang paa. Dito ang bolang liwanag ay nagiging porma at hitsura ng tao.
    .

  8. #18

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    blah blah blah..... dami nyo alm, sinanama nyo pa dyos sa mga ka baba na hukospukos na ganyan,,, ito lang un eh,, kong pangit ka at walng pera, kiss love and sex goodbye,,, kong may itsura ka pwede ka cguro sa may kaya na bf o gf,, kong mapera ka kahit pangit ka,, wahahha kaw na pinaka gwapo o mganda sa laht... at kaw na mismo lalapita,, un lang eh kaya wak na asa sa mga ganyan wahhaha...

  9. #19

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    Quote Originally Posted by totoysayote [Link available to registered users only. Click here to register.]
    blah blah blah..... dami nyo alm, sinanama nyo pa dyos sa mga ka baba na hukospukos na ganyan,,, ito lang un eh,, kong pangit ka at walng pera, kiss love and sex goodbye,,, kong may itsura ka pwede ka cguro sa may kaya na bf o gf,, kong mapera ka kahit pangit ka,, wahahha kaw na pinaka gwapo o mganda sa laht... at kaw na mismo lalapita,, un lang eh kaya wak na asa sa mga ganyan wahhaha...

    tama nga naman...pinakamalakas na gayuma--pera. pero di ko sinasabi na lahat ah..

  10. #20

    Default Re: Gayuma agimat orasyon

    Quote Originally Posted by enzoy90 [Link available to registered users only. Click here to register.]

    tama nga naman...pinakamalakas na gayuma--pera. pero di ko sinasabi na lahat ah..

Page 2 of 14 FirstFirst 123412 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •