Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 77 of 77 FirstFirst ... 2767757677
Results 761 to 768 of 768
  1. #761

    Default Re: autotechnician ako may tanong ka post mo lng

    Magandang araw po Mr Autotechnician ang tanong ko po ay tungkol sa fog light. Kasi nung una po pataas po un ilaw ng fog light ko po sa kaliwa. Ang ginawa ko po ay sinubukan kong baguhin un pwesto niya sa loob ( un bumbilya ). Di ba po may pattern po sa loob ng fog light? Nung binuksan ko po para makita kung pahalang na ang ilaw nya po. Hindi na umilaw po. Pati un nasa kanan po. Lumang style na po siya ng fog light po, naka-kabit po sa auto ko po. Ano po ang pwedeng kong gawin? Kasi mas gusto ko po ay hands on ako, kahit sa minor problems po ng auto ko. Atsaka po may tagas po ng langis doon mismo po sa tornilyo sa ilalim po. Doon po sa draining system nya po. Ano po ang dapat kong gawin? Wala pa po kasing 2,000km ang tinakbo nya mula nung huling change oil po. Maraming salamat po.

  2. #762

    Default Re: autotechnician ako may tanong ka post mo lng

    good day automechanic ahm tanung ko lang mahal ba ang pa reface ng crankshaft kac gasgas xa at nakakagawa ba sa machineshop ng split sleeve bearing wala kac mabilihan maraming salamat

  3. #763

    Default Re: autotechnician ako may tanong ka post mo lng

    Tanong ko lng po pag start ko ang engine wala po siyang ingay pero ng ipihit ko na ang manibela pakanan at pakaliwa nag create sya ng ingay. Kung takbo nmn nya ay straight wala naman pong ingay. Sira po kaya ang rack and pinion or ang power steering pump ng car ko. Wala nmn pong tagas sa fluid. Please help.

    God bless and thanks

  4. #764

    Default Re: autotechnician ako may tanong ka post mo lng

    sir ano po kayang pang samantalang remedyo pwede kong gawin sa auto ko para mapatakbo ko at madala sa mekaniko nang hindi namamatayan. namamatay kasi ang makina sa twing hihinto ako or pag naka idle. mababa ang idle. pero inadjust ko na kaso walang epekto. toyota love life 2002 2E po ang auto ko. dinala ko siya sa mekaniko nong sabado kasi pag mag aircon ako bumababa ang idle at malakas ang vibration ng makina. kelangan daw palitan ng valve seal so schedule namin next saturday gawin. bale and ginawa niya pansamantalang remedyo is inalis niya yong air filter tapos binomba ng binomba ung silinyador habang ung palad nya takip/alis sa ibabaw ng carborador, sabi nya para daw malinisan. after non ok naman and idle parang nagawa nga kahit i-on and ac at wala na ding malakas na vibration. kaso napansin ko lumambot yung gas pedal pag inaapakan ko tapos medyo humina ang hatak. di nga nag tagal pag naka neutral at naka idle namamatay na ang makina. please help.

  5. #765

    Default Re: autotechnician ako may tanong ka post mo lng

    Tanong ko lang po, mahirap po kasing pumasok ang tranny ng revo ko sa 1st gear kapag tumatakbo na, kapag nag reduce speed ka hanggan 2nd gear lang pumapasok, pero kapag full stop na pumapasok naman sa 1st gear. Ano po ang problema nito. Salamat

  6. #766

    Default Re: autotechnician ako may tanong ka post mo lng

    Good day sir. yung mitsubishi electric fuel pump ng 93 lancer gli ko nag iinit..tumitirik tuloy ako. Tama ba na sa engine bay naka kabit yun? Nagpalit na din ako ng hose at filter pero after 20-30 minutes kong gamit titirik na. Kailangan ko muna ipahinga ng 3-5 minutes bago ulit umandar. Ano po ba ang tamang gawin? Converted na kasi ng carburator yon..

  7. #767

    Default Re: autotechnician ako may tanong ka post mo lng

    paano po pag hard starting ang kotse?
    t

    - - - Updated - - -

    bos. ano po gagawin ko nakabili ako ng murang murang sasakyan?

  8. #768

    Default Re: autotechnician ako may tanong ka post mo lng

    sir, actually ayoko ng magtanong sana kaso naniniwala ako sa bible saying na " seek and you shall find". tungkol po ito sa ENGINE NOT SO OVERHEATING ...weird brad no? pilitin ko isummarize , may car is a 1994 corolla 1.6 GLI 4AFE , BIG BODY ika nga ng karamihan. 2 or 3 months pa ago nag start ang kapraningan ko kasi yung temp gauge ko medyo mataas ng konti sa gitna as in hindi naman nalagpas sa next line. nagpapaayos ako sa shell which in fairness did everything para maipababa ung init here are the following work done sa kabayo ko...

    water pump change
    sensor change o replacement
    aircon compressor change
    aircon linis at palit lahat (sabi kasi ng mekaniko ng shell BAKA nahihirapan sa compressor kaya nagdodoble kayod ang makina)
    oil change
    radiator fan change
    radiator super linis at overhaul
    at ang huli cylinder gasket linis at replace, hindi na taga shell tumira.

    after everything na nagawa, palit etc at ang gastos ko po ay lagpas 20k na...ganun pa rin.
    I fell frustrated already, hindi naman po sira yung gauge kasi tinest ko by grounding the wire of the temp sending unit at pumunta sa HOT which means ok ang gauge, by the way nag aral ako ng electrical at mekanikal dahil dito sir ganun ako nahihiwagaan sa problem nato boss.
    shell mechanics, chief mechanic ng isang kasa sa timog, at yung tropa kong electrician ng kotse ... nasira sila lahat at nabaliw.
    ang hindi ko na lang nagawa boss change ng RADIATOR pero kinontak ko na thru email ang everkool.
    boss baka may idea,suggestion o anuman baka pwede maipayo mo boss... nga pala boss para may idea kayo ito ang observations ko sa tinagal

    1. nainit siya ng kunti pag OUTSIDE AIRCON GINAGAMIT
    2. ung radiator fan ko 45 seconds lang natakbo pag na sense ng coolant sensor ko (na pinalitan ko 2 times na wala pa rin )
    na mainit na
    3. late ang reaksyon ng sensor (na pinalitan ko nga ng 2 beses na) kapag medyo lagpas na sa gitna dun lang pinaaandar rad fan at ambilis pa
    mamatay 45 seconds
    4. pag RECYCLED AIRCON ginamait ko ok na ok makina kasi condenser fan at rad fan sabay nabuga 1 level ang binababa mula sa gitnaa, ang
    problema kapag malamig panahon madaling mag AUTOMATIC aircon kaya kapag nag oto yung condenser fan ayun... isang balahibo taas sa
    gitna ulit pero once tumakbo at nag on ulit sabay yung dalawang fan normal na siya ulit.
    5. to make it clear coolant mix with water ang ginagamit ko at wala po sa H ung needle lagpas lang ng isang balahibo sa gitna.
    6. after making research sabi ng iba sa net normal lang ang mataas ng kunti sa gitna kasi luma na ring yung car pangalawa klima pangatlo car loads.

    salamat boss sa anumang usefull advice na maibigay nyo,ayoko sumuko kasi gawa lang ng tao ang kotse kaya i believe very soon i will have the solution sana makatulong kayo boss o sinuman na kaibigan dito thanks

Page 77 of 77 FirstFirst ... 2767757677

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •