Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. #1

    Default Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    "Bakit nga ba kulay asul ang Langit?"
    by skylar21



    Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit kulay asul ang langit?

    Naitanong mo na ba kay google kung anong eksplanasyon tungkol sa bagay na 'to?

    Maraming bagay ang hindi natin naiintidahan ngayon sa mundo, at pinipilit naman itong alamin ng sangkatauhan.

    Maraming nagsisilabas na kung anu-anong bagay, isang kagamitan na para malaman kung ilang taon na ang bagay na ito, o kaya'y isang kagamitan para awtomatikong gawin ang ganito ganyan, sobrang dami na talagang naiimbento ng tao para mapadali, maentertain o kaya'y alamin ang mga bagay na nakapalibot sa atin.

    Ang kulang nalang ay maimbento ang time machine kung saan pwede ka pumunta sa past o kaya ay sa future, para ayusin ang pagkakamali mo? Para maging masaya ang future mo? Para malaman ang hinaharap ng buhay mo? Isipin mong mabuti ang magagawa ng bagay na ito na sa tingin ko ay inaasam ding makamit ng tao.

    Pwede ding maimbento ang teleporter, kung may kakayanan lang ang tao na makapag teleport from this place to that place sa pamamagitan ng dalawang daliri mo at itutok mo lang ito sa noo mo, eh di sana, wala ng male-late sa klase, wala ng rush hour thingy na yan, bawas polusyon, bawas gastos, save ng oras, san ka pa?

    May naisip pa akong kakaiba, medyo kakaiba na nga to at pang matanda na, haha. Sa dami ng naglalabasan na mga gamit na pampa-uhhhmmm, ano pa kaya kung maimbento ang "Super See Through Glasses" na madidisregard ang damit ng tao kung tumingin ka dito? Kamanyakan talaga oh. At oo nga pala, sino kayang nakaisip makaimbento ng pampa-uhhhmmm na mga bagay na yan? Siguro mahilig yun mag-isa at sarili nya ang inu-uhhhmmm nya, hahaha.

    Tao talaga, just to get the pleasures of life.

    Oh, mukhang natigilan ka na sa pagbabasa, hindi ko ito itutuloy sa kakaibang bagay, baka mapa-uhhhmmm ka pa dyan eh, haha. Sya nga pala, lumalayo na tayo sa main topic natin. "Bakit nga ba kulay asul ang Langit?"

    As simple as this.

    Siguro naman narinig o nabasa nyo na ang katagang ito "I'm Feeling Blue" o kaya "When you're blue, do this" o di kaya'y "I'm the map, I'm the map, I'm the map!", ang korni mo kung di mo pa narinig o nabasa yan.

    As you can see, "feeling blue" is synonymous to "feeling sad", now, paano mo ito maihahambing sa kulay ng langit? Imaginin mo na kulay asul lang ang langit, simpleng asul, walang tsetseburetse, napaka kalma tingnan di ba? Parang tubig, pero mapapansin mo o kaya'y mararamdaman mo na parang may kulang eh, ako para sa sarili ko, pag nakakakita ako ng kulay asul, as in asul lang, mono-colored lang talaga, maganda ito tingnan makakadama ka nga lang ng kalungkutan dahil kahit anong kalma o ganda pa ng kulay na ito, ang lungkot lungkot mo parin.

    Dito papasok si Haring Araw, si Buwan (malay ko kung Reyna ba to o Prinsesa o Prinsipe, basta), ang mga bituin at ang mga mapuputing ulap.

    Sa umaga, andyan ang Araw, nandyan sa para magbigay liwanag sa atin, ihahalintulad ko na to sa lumang lumang interpretasyon ng pagsikat ng araw sa buhay ng tao.

    "Sa bawat pagsikat ng araw, nangangahulugan itong panibagong kabanata ng buhay, panibagong pag-asa, at laging may katapusan ang problema"

    Eh di ibig sabihin eh problema ang gabi? Oh no no no, ganito kasi yan eh, ang gabi ang kumukumpleto sa ating araw (day, not sun, ok? uy rhyme, hehe). Kung walang gabi, masyado na mainit, at maraming mangangawawa dahil sa pangyayaring ito, let's interpret again.

    "Ang gabi, para sa buhay ng tao, ay senyales ng isang bagong problema, dahil nga naman madilim ito, lalo na kung wala ang buwan, pero ang pagkakaroon ng problema ang nagpapatatag sa ating pagkatao, natututo tayo ayusin ang mga bagay-bagay, ang mga kamalian, ang mga katiwalain, ang pagmumukha."

    Wag nyong sasabihin na tuwing gabi eh, problema nanaman to, makakatulog ba kayo kung maliwanag na maliwanag? Hinde! Hahaha. Parang natulog lang kayo na may flashlight na naka-on at nakadikit sa mga mata nyo, haha.

    Ang buwan ay isa sa mga hakbang para malagpasan ang kadiliman o problemang ito. At kasama na ang mga bituin na nagniningning, sila yung mga extra or alternative ways kung hindi magwork ang main solution mo to the problem.

    Ang ulap? Ano namang halaga nila? Display? Pamgpaganda ng kalangitan? Pampa balance sa kulay asul?

    Ganito yan, ang ulap ang nagbibigay ng ulan, ang ulan ang nagbabasa sa atin, malamang, haha. Ang ulan kasi, kaya nito itago ang ating nararamdaman, umiyak ka sa kalagitnaan ng bagyo, walang makakahalata na lumuluha ka, hehe. Minsan kasi tayong mga tao, ayaw nating makita ang nararamdaman natin, may mga bagay na dapat ay tayo lang ang nakakaalam at ayaw natin na makaapekto pa ito sa ibang tao, kung hindi na natin kaya, andyan si, tadah! Si payong! Siya ang daan para malaman ng iba ang iyong nararamdaman, nahahawi nito si ulan, at ayun, mahahalata na ang ating nararamdaman, hindi lahat ng bagay ay dapat ilihim, share your blessings para magkaproblema din ang ibang tao, the more the merrier di ba? Mas makabubuti sa atin na ipahayag ang damdamin natin ng sa gayon ay lumuwag din ang ating pakiramdam.

    Pano kung sobrang bagyo na? May extra pang kulog at kidlat? Well, extra lang sila, wala akong eksplanasyon sa kanila, basta sila yung laging pakners in crime, haha, did you know na babae si kulog? Kasi ladies first eh, si kulog muna bago si kidlat.

    Ang kulog at kidlat ang nagsasabi sa atin kung dapat ko ba ihayag ang aking nararamdaman? Paano kung ganito ang mangyari? Parang if else lang yan.

    Sa araw (day), pagsamahin si araw (sun) at mga ulap, at what will you get? Isang napakagandang langit, na kung tititigan mong maigi (hindi yung araw ang tititigan ha) ay nakaka refresh ng utak, feeling mo ang saya saya mo at nakita mong ang ganda nitong pagmasdan.

    Sa gabi, pano yun? Kulay itim na ang langit? Ay, hindi na yan saklaw dito, haha. Joke lang, natandaan nyo yung problema part? Magkulay ka sa isang papel ng kulay asul, pag nadumihan ito, anong magiging reaksyon mo? Pano pa kaya kung sobrang dumi na nito at wala na halos ang asul? Problema yan, dyan papasok yung problema part nitong isinulat kong ito. Basahin mo nalang ulit, nasasa'yo na yan.

    Oh, nasagot ko na ang katanungan mo, pero opinyon ko lang naman ang lahat ng ito, di ko sinasabing tama ito o mali, gusto ko lang maipaliwanag kung gaano kaganda ang langit kung may kasama itong araw at ulap sa umaga, buwan at bituin sa gabi. Parang buhay lang yan, hindi gaganda ang buhay mo, hindi ito magiging makabuluhan kung wala ang mga taong nagmamahal sa'yo.







    =============

    sana'y nagustuhan nyo ang mga pinagsusulat ko dito, hehe.. Medyo ginanahan lang ako sa pagsusulat, lumabas nanaman ang ala writer side of me.. hehe..

    Enjoy reading..

  2. #2

    Default Re: Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    ang haba ganda mag discus ni sir sky hehe.

  3. #3

    Default Re: Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    ganyan talaga pag inspirado nice

  4. #4

    Default Re: Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    may scientific explanation yan eh..

    pero meron ding skylartific explanation..

  5. #5

    Default Re: Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    Napa-Uhmmmm naman ako dun.

  6. #6

    Default Re: Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    ang cute sky...


  7. #7

    Default Re: Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    nice ts ganda.. )

    pero may gusto lang akong liwanagin..
    anu ba talaga ang una?? kulog o kidlat??
    ang pagkakaalam ko kasi kidlat muna.. XD

    anyway.. nice one..
    sana makagawa din ako ng ganyan balang araw.. )

  8. #8

    Default Re: Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    kulog muna bago kidlat.. ganito..

    brrrrrrrrrrrruuuuuugggggggggmmmmmmmm!! (kulog)

    sssssssssshiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii iwwwkkkkkxxx!! (kidlat)

    pag bumagyo, pakinggan mo.. hehe


    =============

    salamat sa mga nagbasa..

  9. #9

    Hats Off Re: Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    ah may paliwanag po ang siyensya kung bakit kulay asul ang langit trivia lang naman po ito baka masamain ninyo.....ang mundo ay puno ng mga dust particles na lulutang-lutang sa langit kaya naman kapag tinamaan ito ng sikat ng araw nagre-reflect ito at nagiging kulay asul AT DAHIL NAKAHARAP SA LANGIT ANG DAGAT NAGRE-REFELECT DIN ITO KAYAT KULAY ASUL DIN ANG DAGAT....... TAMA ANG DUST PARTICLES AT SIKAT NG ARAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT KULAY BLUE ANG LANGIT

  10. #10

    Default Re: Bakit nga ba kulay asul ang Langit?

    di ko sya pinaliwanag in a scientific way but in an intellectual way..

Page 1 of 2 12 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •