Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 8 of 8 FirstFirst ... 678
Results 71 to 80 of 80
  1. #71

    Default Re: Literati Presents: Interpretasyon at Pagbasa [Maselang Bahaghari]09/16

    Ang astig nyu talaga sir mind freak dami kong natutunan sa pag papaliwanag nyu ang galing paano po bang maging bihasa sa pag katha ng tula at pag interpret nito ako kasi may nagagawa ako pero minsan nagiging parepareho lang yunh kinalalabasan nabasa ko rin po yung poetry 101 nyu marami akong natutunan at nagagamit ko rin sa iba kong tula gusto ko sana na masmaging misteryoso yung tula ko yung tipong mapapaisip ang tao katulad dyan sa song ng eheads salamat po ngayun nalang nag bukas after one week next week ulit

  2. #72

    Default Re: Literati Presents: Interpretasyon at Pagbasa [Maselang Bahaghari]09/16

    Quote Originally Posted by reallyboyv View Post
    cool TS! nice interpretation. some of Eheads song may hugot talaga, or many of them I should say.
    sa pagbibigay ng time na mag basa atbmag comment.

    Quote Originally Posted by vhin5 View Post
    Ang astig nyu talaga sir mind freak dami kong natutunan sa pag papaliwanag nyu ang galing paano po bang maging bihasa sa pag katha ng tula at pag interpret nito ako kasi may nagagawa ako pero minsan nagiging parepareho lang yunh kinalalabasan nabasa ko rin po yung poetry 101 nyu marami akong natutunan at nagagamit ko rin sa iba kong tula gusto ko sana na masmaging misteryoso yung tula ko yung tipong mapapaisip ang tao katulad dyan sa song ng eheads salamat po ngayun nalang nag bukas after one week next week ulit
    Ang pagtingin sa isang bagay bilang ibang bagay. Isa yan sa mga sinusunod kong pamantayan sa pag sulat at sa pag bibigay ng interpretasyon. Yan ang nagbibigay ng misteryo sa tula. Siguro yung exposure na din at yung madalas na pagsulat yan ang hahasa sa iyong kakayahan. Yan lang din naman ang ginawa ko. Kung may gusto ka sabihin sa tula sabihin mo ito sa ibang paraan. Kasi kung sasabihin mo ng derekta eh bakit hindi na lang essay ang isulat mo or narrative. Halimbawa sa lyrics nung kanta, pwede naman nyang sabihin na "Naalala ko ang ating pangako at lagi ko itong iniisip." Pero para bigyan ng misteryo ginamit nya ang bahaghari, " Maselang bahaghari sa aking isipan. Wag kang mabahala di kita malilimutan."

    sa pag basa at sa pagsupporta sa thread na ito kaibigan.

  3. #73

    Default Re: Literati Presents: Interpretasyon at Pagbasa [Maselang Bahaghari]09/16

    Salamat po sir mind mas gagalingan ko pa sumulat di pa kasi ako kuntento sa mga sulat ko kaya di ko pa pinopost dito sa symb

  4. #74

    Default Re: Literati Presents: Interpretasyon at Pagbasa [Maselang Bahaghari]09/16

    aabangan ko yung mga magiging gawa mo. basta ang pinakamahalaga sa simula mahal mo ang ginagawa mo.

  5. #75

    Default Re: Literati Presents: Interpretasyon at Pagbasa [Maselang Bahaghari]09/16

    Quote Originally Posted by mind^^FREAK View Post
    aabangan ko yung mga magiging gawa mo. basta ang pinakamahalaga sa simula mahal mo ang ginagawa mo.
    Sige sige... mahal na mahal ko na nga eh

  6. #76

    Default Re: Literati Presents: Interpretasyon at Pagbasa [Maselang Bahaghari]09/16

    Magbasa tayong muli ng tula. Lately kasi puro lyrics ng kanta ang nagawa kong iinterpret sa thread na ito. Babasahin ko ngayon ang tula ni Miss Red, nawa'y hindi sya mamula sa galit sa aking gagawin


    Nais Kong Gumuhit

    Kaharap ko ang blankong papel,
    Na pilit hinahanapan ng larawan,
    Aninag ang imahe pero walang kulay,
    Bakas ang guhit pero walang saysay.

    Subukan ko kayang pumikit,
    Babalikan ko ang minsang panaganip,
    Baka sakaling ika'y maiguhit,
    Hahayaan kitang maglaro sa aking isip.

    May mga bagay na hindi kayang isipin ng utak,
    Hahayaan ko na lang na puso ang magtulak,
    Nagbabakasakaling sa muling pagmulat,
    Ngiti mo ang sa aki'y haharap.

    Ikukumpas ko ang aking kamay,
    Na tila ba ika'y kasayaw,
    At sa loob ng bawat imahe at kulay,
    Pag-ibig ko'y maisasalaysay.

    Nais kong iguhit ang aking pag-ibig,
    Bubuhayin muli ang aking panaginip,
    Na bago makitil ang aking pintig,
    Malaman mong ika'y iniibig.

    Imumulat ko na aking mga mata,
    Kasabay ng paghabol sa aking paghinga,
    Kaharap pa rin ang blankong papel sinta,
    Pipilitin kong gumuhit pa.

    Masakit isiping may kapalit ang bawat sandali,
    Na may mga bagay na di maari,
    Ano mang saya'y may kasunod na pighati,
    Ano mang tamis may pait na sukli.

    Hindi mapigilang pagpatak ng luha,
    Ang malayang maglalathala,
    Na minsang may isang ako,
    Ang umibig sa'yo ng totoo.

    Muli nais kong iguhit ang aking pag-ibig,
    Ipadama sa'yo ang aking ibig,
    Na hanggang sa huling pintig,
    Ikaw ang sinisigaw ng aking dibdib.

    Alay ko sa'yo ang aking pag-guhit,
    Pamamaalam man ang maging kapalit,
    Babaunin ko hanggang langit,
    Ang pag-ibig ko sayong walang hihigit.




    Hubaran Portion

    So ang image na makikita natin sa tula ay isang persona na nag papaint. Malinaw naman sa texto yun Di man naman nilinaw ng texto kung babae o lalaki ang persona pero base sa mga salitang ginamit at emosyon na inilakip pwede na tayo mag assume na babae yan. Saka ayoko magimagine ng lalake no mas ok magimagine ng babae.

    So yung pintor natin nakaharap sa canvas. Alam nya yung gusto nya iguhit pero hindi nya maiguhit. Nag-iistruggle sya maiguhit pero hindi nya maiguhit ng ayon sa gusto nya. Alam mo yung feeling na may naisip ka nang isulat na kwento tapos buo na sya sa isip mo at pag harap mo sa pc wala kang masimulan? kung writer ka magegets mo yun

    Mayron na tayong image na titignan sa paglalim ng pagbasa natin sa tula.



    Interpretasyon

    Una sa lahat magandang i-highlight yung organic unity nung tula. Gaya nung nakita natin sa hubaran portion malinaw na image yung nakalarawan. Graphic na graphic which is consistent sa tema nung tula. Yung mga kilos at salita na ginamit ay consistent din sa tema. Habang nagbabasa ka step by step kang dinadala sa ng persona sa bawat scene. Hindi pwedeng pagpalit-palitin ang pagkakasunod sunod, napansin nyo yung sinabi na:
    "Aninag ang imahe pero walang kulay,
    Bakas ang guhit pero walang saysay."

    Hindi ba ganyan pag nag sisimulang magpinta, may sketch ka na sa umpisa tila ikaw lang ang nakakaunawa. Tapos sa susunod na linya sabi nya:

    "Susubulan kong pumikit"

    Consistent pa din sa isang pintor na inirereplay yung imahe ng nais nyang ipinta sa kanyang isip.

    Maganda din na related lahat ng images sa tula, hindi yung bigla na lang may susulpot na ibang image out of the blue kasi maganda lang pakinggan or matalinhaga daw yung linya or para lang makatugma. Yung nagdescribe ng halaman tapos sa next biglang may kotse na o eroplano mapapa-edi wow ka na lang. San galing yun??


    Maganda din yung pagkalakip ng emotion sa tula. yung pag gamit ng contrasting images gaya ng:

    "Aninag ang imahe pero walang kulay,
    Bakas ang guhit pero walang saysay."

    Nagdadag ng drama sa setting nung tula.

    At yung paraan para mailarawan ang nangyari sa nakaraan na pilit nyang inaalala:

    "Subukan ko kayang pumikit,
    Babalikan ko ang minsang panaganip,
    Baka sakaling ika'y maiguhit,
    Hahayaan kitang maglaro sa aking isip."

    Nadala na tayo ng tula sa mundo nito.

    Ngayon para sa interpretation proper, sa unang saknong sinabi ng persona:

    "Kaharap ko ang blankong papel,
    Na pilit hinahanapan ng larawan,
    Aninag ang imahe pero walang kulay,
    Bakas ang guhit pero walang saysay."

    May kaharap syang blangkong papel pero may imahe naman? Parang ang gulo. Pero kung iisipin mo sa papanaw ng isang pintor hindi nya maaninag yung image na gusto nya kaya para sa kanya blanko yung papel. Sa interpretation naman, yun image na nakatingin sa blank na space or papel or picture usually ginagamit to show na nag rerelfect yung persona. Reflecting about her life, about something important or about that feeling na naka stuck sa puso at utak nya.

    In her effort to draw the personified image nung nararamdaman nya nag inalala nya yung past memories:

    "Subukan ko kayang pumikit,
    Babalikan ko ang minsang panaganip,
    Baka sakaling ika'y maiguhit,
    Hahayaan kitang maglaro sa aking isip."


    Although, ang interesting dito is ginamit yung word na "panaginip." Medyo nagkaroon ng panibagong facet dahil maaring hindi ito actual memory maari din kasi itong isang pangarap o panaginip. Or pwede din namang isang pangarap nilang dalawa na hindi nangyari pero nais nyang balikan at iguhit muli. The last line means na hahayaan nya yung isipan nya na maala yung person na yun.


    Sa ikatlong saknong,

    "May mga bagay na hindi kayang isipin ng utak,
    Hahayaan ko na lang na puso ang magtulak,
    Nagbabakasakaling sa muling pagmulat,
    Ngiti mo ang sa aki'y haharap."


    Makikita natin dito yung tinatawag sa painting na expressionism. Yung utak kasi connotes reality and the heart depicts emotions. Hindi kc ma-reconcle ng persona kung paano nya dadalhin sa katotohan yung isang bagay na wala naman o wala na. Kaya hahayaam na lang nya yung emotion ang magbigay mg kahulugan which in itself is expressionism. She is pushing more on the emotional experince rather than the physical reality.

    Sinuportahan naman ng kasunod na saknong yung idea ng expressionism. Yung use of colors and images to describe the feeling.

    Sa susunod na saknong, binigyan na tayo ng kaliwanagan tungkol sa panaginip.

    "Nais kong iguhit ang aking pag-ibig,
    Bubuhayin muli ang aking panaginip,
    Na bago makitil ang aking pintig,
    Malaman mong ika'y iniibig."

    Key stanza itong maituturing kasi nilinaw nito yung mga speculation natin. Ang panaginip nya ng tungkol sa isang pag-ibig ay nais nyang buhayin at iguhit para ipaalam ito sa taong mahal nya.

    Sa mga susunod na stanza, pinapakita na dito yung struggle nya para buhayin ang kanyang panaginip. Yung harsh reality na kailngan nyan lampasan still:

    "Kaharap pa rin ang blankong papel sinta,
    Pipilitin kong gumuhit pa."

    But she shows determination of wanting to let the person know what she feels about him to the point na kahit yung message na lang ang makarating:

    "Na minsang may isang ako,
    Ang umibig sa'yo ng totoo."

    And ends it all with a beautiful climax:

    "Alay ko sa'yo ang aking pag-guhit,
    Pamamaalam man ang maging kapalit,
    Babaunin ko hanggang langit,
    Ang pag-ibig ko sayong walang hihigit."

    Hope nagets nyo yung meaning ng tula. I also hope na i have interpreted it correctly medyo complicated kasi atleast nakita natin yung mga shadows at shadings ng emotion.

    miss red sa pag share ng iyong likha.

  7. 2 Users Say Thank You to mind^^FREAK For This Useful Post.


  8. #77

    Default Re: Literati Presents. . . Interpretasyon at Pagbasa [update as of 11/14/11

    well I couldnt agree more MF.
    yun totoo, ikaw ba nagsulat nito? on the way you interpret the poem, it's just like you read mind.
    though my part na somehow kulang yun interpretation but I will keep it to myself na lang so that the mystery will remain.
    ayoko naman i-reveal ang lahat, sana nag-essay na lang ako or nagone shot story.

    anyways, again. may isa pa kong tula, sana mahubaran mo rin. I mean, mainterpret mo
    rin.
    Last edited by Miss Red; 18th Nov 2016 at 00:00.

  9. #78

    Default Re: Literati Presents. . . Interpretasyon at Pagbasa [update as of 11/14/11

    Ayun pala yun lupit ni idol mindfreak at syempre astig din ni pula,mahusay lang talaga kayong dalawa!

  10. #79

    Default Re: Literati Presents: Interpretasyon at Pagbasa [Nais kong Gumuhit]11/17

    ang lalalim ninyo ho,

    baka puwede ninyo iTuro sa akin kung saan makikita ang libro natin.

    Out of stock na ang Yakal at makabago, mayroon na po bang bago ?

  11. #80

    Default Re: Literati Presents: Interpretasyon at Pagbasa [Nais kong Gumuhit]11/17

    ang galing talaga ni idol..


    astig ng hubaran portion ah
    malaman at makabuluhan

Page 8 of 8 FirstFirst ... 678

Similar Threads

  1. Literati Presents: Poetry101- Updated Ang Dating ng Tula
    By mind^^FREAK in forum Quotes and Poems
    Replies: 109
    Last Post: 19th Oct 2016, 23:58
  2. POEM » [POEM] Nais kong maging superhero
    By mind^^FREAK in forum Quotes and Poems
    Replies: 34
    Last Post: 21st Oct 2013, 12:47
  3. Replies: 307
    Last Post: 20th Sep 2013, 23:41
  4. Literati Presents. . . Request A Poem Thread
    By sam_wel in forum Quotes and Poems
    Replies: 49
    Last Post: 14th Jan 2013, 00:49

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •