Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 1 of 8 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 80
  1. #1

    What Literati Presents: Interpretasyon at Pagbasa [Nais kong Gumuhit]11/17

    Interpretasyon at Pabasa




    Babala: kung ikaw ay mahusay sa larangang panitikan at literatura huwag ka ng tumuloy sa pagbabasa matitiyak ko na mabobored ka lang..



    Isa akong mangingibig ng panitikan, lalo na ng mga tula. Sapol pa ng ako'y maghighschool at matututong gumamit ng gel (wala pa kasing wax noon at laos na ang pamada).

    Para sa akin ang pagtrato sa isang tula ay parang pagtrato sa isang dalagang iniibig. Sinusuyo, inuunawa kahit ang hirap espelengen, nilalambing kahit nagsusungit, hinihimas sa tamang parte at paraan at higit sa lahat ninanamnam. (wag AZ mentality. Ang tinutukoy kong pagnamnam ay yung pinapahalagahan ang bawat sandali na kasama mo sya.)






    Inuulit ko, kung bihasa kana sa panitikan at tula wag mo na ituloy ang pagbabasa.







    So tumuloy ka pa din? Walang sisihan




    Kaya ko nga pala ginawa ang thread na ito ay dahil sa pagnanais kong mabigyang halaga ang mga gawa ng kapwa ko manunulang taga-symbianize.

    Isa pang dahilan ay upang yung mga di bihasang kagaya ko ay makapagsuri at makaunawa sa mas malalim pang paraan ng pagbasa sa isang tula.

    Oops! Teka lang, hindi ko sinasabing magaling ako at kayo hindi, ang mga paraan ng pagbasa na gagamitin ko sa thread na ito ay batay lamang sa mga karanasan ko at sa mga natutunan ko. (credits po kay G.Michael M. Coroza, wag mo nawa akong isumpa kung di mo magustuhan ang pagsusuri ko)

    Tuloy po tayo, sa thread na ito ang gagamitin pong paraan ay Formalismo. Hindi tayo mag hahanap ng moral lesson sa mga tula bagkus babasahin natin at iinterpret ang texto ayon sa konteksto.

    Teka ano ba yung texto at konteksto?

    Ayun ang magandang tanung, yung texto hindi yan yung sasabihin mo pag hawak mo yung cp ng barkada mo tapos may nagtext sa kanya.(oi, text o!) hindi yan un ha.

    Yung texto yung mismong nakasulat. Yung mga letra at linya ng tula. So dapat nakasulat sa tula.

    Yung konteksto naman ay yung pagkakaugnay ng bawat linya sa loob ng isang akda. Ito yung premise na ginagalawan ng mga teksto.

    Lalim ah..teka, parang ganito halimbawa nakita mo yung tropa mo na panget tapos nagbibiruan kayo, sinbihan mo sya na maganda sya. Ano ang dapat nyang isipin?

    Ang texto eh yung sinabi mo na maganda sya. Ang kontexto eh yung nagbibiruan so ang dapat nyang isipin ay pangit sya bakit naman eh sinabi mo nga na maganda? Kasi nga ang kontexto ng pagkasabi mo nun eh nagbibiro ka ibig sabhin hindi talag sya maganda.

    Mahalaga ang texto at kontexto sa ating pagbasa ng tula. Dito natin lubusang maiintindihan ang mga akda na ginawa. Matapos nya eh makakapagbigay tayo ng tamang interpretasyon sa sinasabi ng tula.

    Minsan kasi iba yung sinasabi ng makata at iba yung lumalabas sa gawa nya ayon sa texto at kontexto.

    Haba na ng intro ko bored ka na no?

    Praktis yan kasi sa pagbasa at sa pagsusuri ng tula kailangan mo ng pasensya parang babae lang yan, mahal mo kaya dapat mo pagpasensyahan.

    Saan ka naman kukuha ng tula na susuriin?

    Malamang sa quotes and poetry section ng symbianize, masyado mahirap magsuro sa forum ng isang short story masakit sa kamay magtype.

    Sa mga kapwa ko manunulat ng tula nawa ay payagan ninyo akong ifeature ang inyong tula sa thread na ito. Magpapaalam naman ako bago ko ilagay yun dito

    Saka hindi okrayan thread ito, mas pagtutuunan natin ng pansin ang pag interpret at pagbasa sa tula. Maglalagay din ako ng points to consider.

    So sa lahat ng baguhan na kagaya ko handa naba kayo? Papahalagahan natin ang mga paghihirap ng kapwa natin kaSYMBIANIZE.


    Disclaimer: Ang lahat ng maisusulat na interpretasyon ay hindi final at executory. Hindi din yun ang absolute truth. Ito ay ayon lamang sa pagkakaunawa ko na ibinatay sa texto at kontexto upang maging pasimula sa mas malalim pang pagkaunawa sa bawat tula.


    note: mods palipat nalang po kung wrong section.
    Last edited by mind^^FREAK; 2nd Sep 2016 at 01:16.

  2. 2 Users Say Thank You to mind^^FREAK For This Useful Post.


  3. #2

    Default Re: Interpretasyon at Pagbasa

    Para sa ating unang pagbasa narito ang tampok na tula, akdang galing kay Padre Pio, padre



    I loved a woman,Hallelujah

    I, Samson
    I, David
    I loved a woman
    Hallelujah…

    She, Woman
    She cut my hair
    She broke my throne
    Hallelujah…

    I drank of beauty
    I tasted sin
    I loved a woman
    Hallelujah…

    I lost my faith
    I lost my heart
    I loved a woman
    Hallelujah…

    I faced my death
    I faced His wrath
    I, a broken man
    I loved a woman
    Hallelujah… Hallelujah…

    You, my Bathsheba
    You, my Delilah
    I am your man
    I love my woman
    Hallelujah… Hallelujah…


    Upang simulan ang ating pagsusuri at pagbasa kailangan muna nating malaman ang nangyayari sa tula para madefine natin ang kontexto kung saan pinakilos ng may akda ang kanyang texto.

    Nawa'y friends pa kami ni Padre matapos to



    Obhektibong Sitwasyon:

    Sa tula may isang persona na nagsasabing umibig sya sa isang babae, hinalintulad nya ang kanyang sarili kay Samson at kay David siguro matcho ang persona, malakas at makisig kasi si Samson at David ang pinili nyang makahalintulad

    Sa tula din ay binanggit ang mga pagkakataon kung saan sya ay malamang nabigo o nasaktan dahil sa kanyang pag-ibig sa babae na ito, ngunit tumitingala parin sya sa langit at nagsasabing hallelujah.


    Ayan alam na natin kung ano ang nangyayari sa tula. Kung baga sa nahubadan na natin at nakita na natin ang kayamanan

    Sa tula na ito gumamit ang may akda ng tatlong main na literary device, una ay allusion, sunod ay analogy at irony.

    Ano ba yang allusion? Ahm.. Sa simpleng salita yan ay paglalarawan na gumagamit ng isang kilala ng bagay o tao para mailarawan ang nais ilarawan.

    So ginamit ng may akda ang love team ni Samson at delilah pati ni David at Bathseba sa kanyang paglalarawan. Kung baga ang nais nyang sabihin ay may kaugnayan sa mga sikat na tao na yan.

    Ung analogy naman, yung pag gawa ng relationship sa pagitan ng dalawang bagay base sa similarities nila.

    Medyo pinaghalo ni Padre Pio ang pag gamit nung allusion at analogy kasi gumawa siya relasyon sa pagitan ng pag- iibigang Samson at Delilah at ng pagkawala ng pananampalatay at kamatayan. Sa pagitan naman ng relasyong David at Bathseba nirelate nya ito sa pagka hulog sa kasalanan at pagharap sa kaparusahan.

    Ayon, lumalalim na, gumugulo na

    Kung alam mo kasi yung kwento ni Samson at Delilah pati yung kay David at Bathseba madali mo mauunawaan ang nais ipahiwatig ng nagsulat. Diyan pumasok ang silbi ng Allusion. Hindi na kailangang magexplain pa ng author ng madami pa kasi kumuha na siya ng sikat na reference.

    Yung bisa naman ng analogy diyan sa tula ay ang pag dikit sa pag-ibig at kasawian, Delilah at kamatayan, pati Bathseba at kaparusahan.

    Ang kapansin-pansin sa tula eh kahit na pangit ang kinalabasan magtataka ka bakit sinabi pa din nya na hallelujah.

    Teka ano ba yang hallelujah? Hindi yan ale luya ah.. Hebrew word yan bale two words. Hallal at yah. Yung hallal ay praise at yung yah ay initial standing for Yahweh, so yung hallelujah ay praise Yahweh.

    (nakita nyo na? Wag kakalimutan ang dictionary pag nagiinterpret mahirap mag paliwanag ng hindi mo naiintindihan. Lalo na kung keyword yan.)

    So balik tayo sa tula, Bakit nga ba nag hallelujah pa ang may akda sakabila ng di magandang pangyayari?

    Sa aspeto na yang gumamit na ang author ng irony.

    Oh, ano nanaman yang irony? Dapat kasi binasa mo muna yung tut ko para alam mo na yan kung interesado ka click mo yung poetry 101 sa sig ko.(free advertisement)

    Ang irony ay paglalahad ng isang bagay na taliwas sa inaasahan. Sa dami ng panget na nangyari sa persona ng tula ni Padre malamang hindi Hallelujah ang eexpect mo na sabihin nun malang P***** *N* ang nasabi ng persona.

    Ngunit para lumikha ng mas malalim na interpretasyon gumamit ang may akda ng irony. Malamang may nais syang isipin mo sa banda na yan. Eto ang tanung bakit pa sya naghallelujah?

    Kung babalikan natin ang kwento ng mga sikat na tao na ginamit sa tula malalaman natin ang sagot diyan.

    Muli nakita mo yung halaga ng Allusion sa tula na ito

    May mga mahalagang points sa kwento ni samson at david na magbibigay ng rason kung bakit naghallelujah.

    Eto ililista ko na:

    1. Parehas nilang napuna ang pagkakamali bago pa tuluyang mahuli ang lahat. Kahit namatay si Samson napanumbalik nya ang kanyang pananampalataya sa tamang oras. Si David kahit nagdusa, sa huli nakarecover.
    Maaaring rason para maghallelujah ang makarecover bago tuluyang mahuli ang lahat.

    2. Naranasan nilang dalawa ang tunay na pag-ibig. Yun nga lang malas sila kasi naloko sila ngunit dapat mo pa ding ipagpasalamat na nakaranas kang umibig ng tunay.

    3. Nakamove on naman sila kahit naloko. So kahit brokenhearted pwede ka pading magpasalamat kasi may pagmove on naman.

    Yung iba pang dahilan bahala ka na umisip, tandaan mo lang ibang alindog ang taglay ni Delilah at Bathseba

    May isa pang maganda sa tula na ito. Yung pag point out sa dalawang mahalagang aspeto sa buhay ng lalaki. Yung kanyang karangalan (throne) at kanyang prinsipyo(faith) noticeable sa mga lalaki ang magpahalaga sa mga bagay na yan.

    At pinapakita din sa tula na pag ang lalaki ay umibig ng tunay kaya nyang isakripisyo yan. Buti nga hindi isinali si adan at eba

    Salamat na lang at isa akong Formalist kung nagkataong feminista ako yari ka padre

    Ayan tapos na po ako, nawa'y nakapagbukas ako ng panibagong pinto sa inyong pagkaunawa sa akda ni Padre Pio, i love a woman, hallelujah!


    Hallelujah! Malamang masabi mo yan matapos basahin ang mahabang litanya na to:
    lol:


    sa pagbasa.
    Last edited by mind^^FREAK; 3rd Sep 2011 at 09:57.

  4. 4 Users Say Thank You to mind^^FREAK For This Useful Post.


  5. #3

    Default Re: Interpretasyon at Pagbasa

    ayun, nasimulan din

    yehey! ayos, kumpleto ang eksplenasyon. Para akong nasa lit101 nung college

    pwede ba ako mag pa interpret? matagal ko na 'tong pinakikinggan pero di ako sure kung tama ba ang pagkakapaliwanag ko sa ibig nitong iparating sa kanta.

    kanta ng wolfgang na may titulong "cast of clowns"

    Father, I know your life's
    been stretched too long
    Across paper torn and crumpled
    Was drawn the garden that we've sown
    You made So damn happy
    Wanting to fallow you around
    But leading a cast of clowns
    How could you expect me
    To worship your name
    Father, I know now
    It's etched too deep in sand
    I'm sorry...so so sorry
    I couldn't wipe it with my hands
    You made me, you made me
    You made me so Unhappy
    You made the sky come down
    Father, I smile
    Wings have stretched to the sky
    When i look up at the heavens
    I'll see your face in the stars at night
    Again you made happy!
    The stage has been turned down
    The clowns have lost their crowd
    Now just sleep well and sound
    Quietly rest...

  6. #4

    Default Re: Interpretasyon at Pagbasa



    Alam ko medyo litanya ang unang mga post pagpaumanhin nyo po, shortcut na nga iyon eh

    Sa kahilingan po ni teacherM ating pong susuriing kasunod ay ang titik ng awit ng wolfgang, ito po ay pinamagatang Cast of clowns. Bagama't mas prioridad ko sana ang mga tula sa section na ito ng mahal nating symbianize pagbigyan ko na ang request ng kaibigan nating ito.

    Nung Highschool pa ako nagsimula ng magkapangalan ang wolfgang at elibs ako hindi lamang sa boses ni Basti maging narin sa mga titik ng kanilang mga awitin.

    Haba ng intro

    Let's get it on


    FEATURED PIECE:

    Cast of Clowns

    Father, I know your life's
    been stretched too long
    Across paper torn and crumpled
    Was drawn the garden that we've
    sown
    You made So damn happy Wanting to fallow you around
    But leading a cast of clowns
    How could you expect me
    To worship your name
    Father, I know now
    It's etched too deep in sand I'm sorry...so so sorry
    I couldn't wipe it with my hands
    You made me, you made me
    You made me so Unhappy
    You made the sky come down
    Father, I smile Wings have stretched to the sky
    When i look up at the heavens
    I'll see your face in the stars at
    night
    Again you made happy!
    The stage has been turned down
    The clowns have lost their crowd
    Now just sleep well and sound
    Quietly rest...



    1st stop lagi sa pag-iinterpret syempre ang hubaran portion

    Hubarin ang mga palamuti upang makita ang dalisay na kagandahan ng simpleng katotohanan.


    OBJECTIVE SITUATION:

    Sa aking pag basa ang image na nabubuo sa aking isip ay isang lalaki na nakaupo sa tabi ng isang puntod sa simenteryo.

    Ang lalaki ay nagmomonolowg, malamang kausap nya ang kanyang ama.

    Nagrereminis ang persona, ng kanyang buhay, ng kanyang relasyon sa kanyang ama, ng naging impluwensya ng kanyang ama sa kanyang buhay. Syempre hindi sumasagot ang ama nya kasi nga monolowg saka patay na yung erpats nya.



    Ayan mayroon na tayong pagkakaunawa sa kontexto ng ating texto. Ito ay magiging gabay natin sa ating pag-iinterpret.

    Try tayo ng different approach sa pagsusuri i-line by line natin para mas madaling maunawaan.

    Here goes nothing...


    Father, I know your life's
    been stretched too long


    Normal na sa atin gamitin ang mga adjective na stretched, crumpled at torn pagdating sa pagdedescribe ng buhay.

    Sa bahaging ito ay ibinabahagi sa atin ng persona ang buhay ng kanyang ama. Sa pinaaalam din nya sa kanyang na alam niya ang pinagdaanang buhay nito.

    Stretched too long- nagpapakita yan ng isang buhay na hindi naging madali. Not your typical walk in the park life. Maari din masabi na nagkaroon ng sakit or something yung ama nya pero dahil kailangan pa nyang mabuhay lumaban ito.




    Across paper torn and crumpled
    Was drawn the garden that we've
    sown


    Usually pwede natin i-connote yung living o life sa isang drawing. May mga tula na minsan gumagamit ng mga linya na "iginuhit sa palad" o "iginuhit ang buhay."

    Ang buhay nila ay hinalintulad nya sa isang larawan ng haradin na sila ang nagtanim. Magandang paglalarawan. Garden kasi is a symbol for life. Kung allusion pa yan pwede natin balikan ang hardin ng eden kung saan nagmula si Adan at Eba. Yung part na sila ang nagtanim pinapakita na may pagkakalapit talaga ng loob ang persona at ang kanyang ama.

    torn and crumpled- same effect din sa stretch too long, pang pa amplify lang ng pagdedescribe. Talagang sinasabi na hindi naging madali ang buhay. Try mo magdrawing sa punit at nilamukos na papel.


    You made So damn happy Wanting to fallow you around


    Pangkaraniwan na sa isang anak ang umidolo sa ama. Sa ganun din naman madalas hinihiling ng mga ama na mayroon sa mga anak nitong sumunod sa kanyang mga yapak lalo na kung alam nito na maganda ang kahihinatnan.


    But leading a cast of clowns
    How could you expect me
    To worship your name


    Nakakapukaw ng isipan an phrase na a cast of clowns. Gumagamit ito ng literary device na kung tawagin ay Metonymy.

    Hala ano ba yang metonymy?

    Ang metonymy ay isang sub-class ng metapor. Ginagamit ang katangian ng isang bagay o konsepto upang ilarawan ang tinutukoy na bagay. Parang kung halimbawa may maganda kayong kapit bahay nagkakaron sya ng nickname na ganda di ba? Yun ay dahil sa katangian nya na ihinahalili sa kanyang pangalan at iyan ang isang metonymy.

    Ano ba ang mga katangian ng isang clown?

    ●pamagpatawa
    ●makulit
    ●gumaganap na clumsy
    ●sinasadyang pumalpak

    May neagatibong pakahulugan ang isang clown. Nagcoconote ito sa rhetorika ng kapalpakan, kahihiyan at mababang katauhan. Marahil siguro sa pinagmulan ng mga clown, yung mga jesters. Mga taong ang layon ay makapagpatawa kahit ipahiya ang sarili.

    (Hindi ko ibinababa ang mga taong ganyan ang trabaho. Ayon lamang sa larangan ng literatura ang sinasabi ko.)

    Leading a Cast of Clown- isang buhay na may mababang kaligayahan. Mababang status. Maaaring madaming nagawang mali ang kanyang ama, mga kapalpakan sa buhay kung kaya't paano nya ito tutularan? Marahil hindi nangangarap ng matayog ang kanyang ama kung kaya't naghahanap sya ng dahilan upang sundan ang mga yapak nito.

    May naiisip lamang ako dito. Maaari din naman kasi na may magandang disposisyon sa buhay ang ama ng ating persona kaya masaya sya sa mababang estado. Isang tao na nagiging kontento at masaya sa kung anung meron sya.


    Father, I know now
    It's etched too deep in sand I'm sorry...so so sorry
    I couldn't wipe it with my hands


    Sa part na ito maaring itanung mo, bakit sya nagsosorry?

    Tingin ko'y nagkaroon ng self realization ang ating persona. Usually hindi ka hahantung sa pagmomonolowg kasama ang isang patay kung wala kang nakuhang realization.

    "etched deep in sand" may naaalala ka ba dito? Isang allusion. Sige ako na magsasabi. Yung tula ng sikat na makata na si Anonymous yung footprints in the sand.

    May namumuo bang kaisipan sa isip mo? Hindi kaya ang pag lelead ng cast of clowns eh ginawang sacripisyo para sa benepisyo ng ating persona?

    Balikan mo yung tula na yun baka makakuha ka pa ng idea.

    Maari din namang simpleng naukit lang sa buhangin ibig sabhin tumatak o nagmarka. Pero bakit hindi mabura? Eh diba buhangin lang naman yon? Epek ng irony diba. Contrasting image. Ibig sabhin may ipinapaisip ang texto.

    Sapalagay ko lang naman ito. Yung sand eh yung buhay at kapalaran. Madaling maishape,madaling maapektuhan ng mga desisyon, madaling mamarkahan pero hindi na nabubura. Ang mga nagawa na ay nagawa na hindi na mababago.



    You made me, you made me
    You made me so Unhappy
    You made the sky come down
    Father, I smile Wings have stretched to the sky
    When i look up at the heavens
    I'll see your face in the stars at
    night
    Again you made happy!


    Eto contrasting image na naman. You made me unhappy tapos you mame me happy. Irony, napakagandang literary device.

    Alam mo ba yung pakiramdam pag akala mo tama ka at sila ang mali pero hindi sila naniniwala? Nakakagalit no? Nakakalungkot?

    Pero pagdumating ka sa punto na marealize mo o mapatunayan o matagpuan mo na ang katotohanan maaalala mo ang nagsabi sayo na mali ka at kahit malungkot ka mapapangiti ka kasi makikita mo kung pano ka nila pinahalagahan na ipinakita ng kanilang matyagang pagpapaalala sayo.



    The stage has been turned down The clowns have lost their crowd
    Now just sleep well and sound
    Quietly rest...


    Ending speech na ng persona.. Assurance sa kanyang ama na maari na syang mamahinga ng payapa pagkat naunawaan na ng persona ang nais nyang ipahatid.


    Ayan medyo short cut version na yan hirap din kasi mag type

    I hope i have opened a new horizon to explore within the walls of this text. At nawa'y tumama sa texto at kontexto ang mga pinagsasasabi ko.




    ►for reading◄






    ♣mind^^FREAK♣

  7. 4 Users Say Thank You to mind^^FREAK For This Useful Post.


  8. #5

    Default Re: Interpretasyon at Pagbasa

    talagang ang haba ng effort mo idol ah, nahiya tuloy ako

    grabe sa haba, parang thesis salamat sa oras na ginugol mo idol

    naging mas maliwanag ang pagkakaintindi ko sa lyrics,

    ang sa akin kasi ang amang tinutukoy ay ang Diyos Ama, at isang kwento ng pagbabalik loob ang kantang yun. Yung linyang you made me, isa yun sa basehan ko na Diyos Ama nga ang tinutukoy nya. Sa pagkakaintindi ko naman ang title na cast of clowns ay isang grupo ng mga clowns na nagpeperform at ang lider nila ay ang Diyos Ama. Kaya clowns kasi maraming tinitignan lang sila bilang tagapagpatawa at bilang isang simpleng payaso. Pero ang sa totoo ay malalim ang personalidad ng mga totoong payaso sa totoong buhay at ang word na "cast" nagpapahiwatig sa tauhan sa isang dula dulaan o isang palabas. Mga "payasong tauhan" kung sa tagalog.

    Luminaw ang mga linya sa paginterpreta ni idol pero may nagsasabi pa din sa akin na meron pang itinatago na mensahe sa kanta na yan.

    maraming maraming thank you idol mind freak

  9. 2 Users Say Thank You to teacherM For This Useful Post.


  10. #6

    Default Re: Interpretasyon at Pagbasa

    teacher M

    actually naisip ko din yang perspective na yan dahil dung sa footprints in the sand at knowing ang wolfgang medyo alam mo na

    hindi ko na lang ihinalo para maging malinaw yung perspective na una kong sinubaybayan.

    saka may mga parts na di ko maireconcile sa thema na yan..

    subalit sa tingin ko mas napaganda pa nga dahil may tumingin mula sa ibang angulo.

    salamat sa pag pabasa

  11. #7

    Default Re: San Docena Presents: "Interpretasyon at Pagbasa"



    Big thanks dito TS! Parang hindi mo naishare ito sa group? Malaking tulong 'to sa mga beginners sa poem interpretation o pati narin sa creative writing Pero minsan parang nagiging subjective narin kasi yung pag interpret. :P What do you think po?


  12. 1 User Says Thank You to melala For This Useful Post.


  13. #8

    Default Re: San Docena Presents: "Interpretasyon at Pagbasa"

    Ito yung pinakamahirap sa lahat yung pagbibigay ng interpretasyon. Parang talaba ang tula kung di mo bubuksan di mo matitikman ang sarap at sustansya nito.

  14. 1 User Says Thank You to akosivintot For This Useful Post.


  15. #9

    Default Re: San Docena Presents: "Interpretasyon at Pagbasa"

    melala

    binibini kung sa iyong pagbasa ay pagbabasehan mo ang texto lang at ang contexto maiiwasan mo na ilagay ang sarili sa pagiging subjective.

    kailangan kasi lahat ng interpretasyon nasasabihin mo ay mayroong kaakibat na suporta mula sa texto mismo.

    ang literary theory kasi na ginagamit ko ay formalism. Hindi ito nakabase sa ideolohiya o sa damdamin o ibig iparamdam ng nagsulat. Ang pinagtutuunan ng pansin dito ay ang mismong akda kung pano ito nakasulat. Sa ganyang paraan maiiwasan ko maging subjective pero sa iba totoo talagang subjective ang interpretasyon dahil ang ginagamit nilang theory ay ideology based gaya ng femenism, marxism at moralism.


    vintot

    tama ka dyan kapanalig sa pagiinterpret lumalabas ang tunay na linamnam ng isang tula.


    kung may mga interpretasyon kayo mga kapanalig ng mga tula na naririto sa symb pwede nyo din ipost dito.

  16. 1 User Says Thank You to mind^^FREAK For This Useful Post.

    melala 

  17. #10

    Default Re: San Docena Presents: "Interpretasyon at Pagbasa"

    pa up nito hehe share p kayo

Page 1 of 8 123 ... LastLast

Similar Threads

  1. Literati Presents: Poetry101- Updated Ang Dating ng Tula
    By mind^^FREAK in forum Quotes and Poems
    Replies: 109
    Last Post: 19th Oct 2016, 23:58
  2. POEM » [POEM] Nais kong maging superhero
    By mind^^FREAK in forum Quotes and Poems
    Replies: 34
    Last Post: 21st Oct 2013, 12:47
  3. Replies: 307
    Last Post: 20th Sep 2013, 23:41
  4. Literati Presents. . . Request A Poem Thread
    By sam_wel in forum Quotes and Poems
    Replies: 49
    Last Post: 14th Jan 2013, 00:49

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •