|
|
Hello, Guest! Welcome to Symbianize forums.
Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or officially join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:
- Gain access to private forums and restricted features
- Reply and create new topics or polls
- Download free applications, games, themes, graphics, tones, videos, etc.
- Ask question or support related to mobile phone, computer, and multimedia
- Private messaging (PM) with fellow members
- Communicate instantly or real-time with currently online members via Shout Box
- Play hundreds of addictive flash games in Symbianize Arcade
All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang site na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
| |
| Stories and Essays Collections of famous or personal stories and essays. Look or share yours here. |
 |

8th Jul '08 Tue, 12:05
|
 |
The Legend
|
|
Join Date: May 2008
Location: Team Apocalypse
Posts: 8,825
Thanked: 1,475 (743 posts)
|
|
Lourdes.......
 SHARE KO LANG GUYS NABASA KO SA BLOG NG FRIEND KO.
Lourdes
Tuwing nakikita mo ang salitang ito, malamang naiisip mo ang milagrosong lugar sa France. Isang lugar na talagang dinarayo ng marami dahil ito ay nakapagbibigay umano ng bagong pag-asa, bagong buhay sa ilan mga naniniwala. Pero ako, tuwing nakikita o naririnig ko ang salitang ito, isa lang ang pumapasok sa isip ko. Yung babae sa kabilang kanto. Kaibigan ng nanay ko.
Mas kilala siya sa tawag na “Aling Lourdes”. Mas relaxed kasi ang feel pag ganun ang tawag sa kanya, at sa tinagal tagal na panahon, nasanay na rin kami pareho na ganun ang tawag ko sa kanya.
Matagal na siyang kaibigan ng nanay ko. Naaalala ko, bata pa lang ako, dinadala na ako ng nanay ko sa bahay nila tuwing mag-k-kwentuhan sila. Ako nman, walang angal, kasi aliw na aliw ako sa alaga niyang pagong. Tuwing nasa bahay nila ako, wala akong ginawa kundi sundan ang paglakad ng alaga niyang pagong. Na minsan sa sobrang inip, nakuha ko pang itulak sa pag aakalang bibilis siya maglakad.
Sa lahat ng mga kaibigan ng nanay ko, gusto ko si Aling Lourdes. Pala-simba. Walang bisyo. Matulungin. At higit sa lahat, kasi masayahin siya. Tuwing nag-uusap sila ng nanay ko, hindi pwedeng hindi sila tatawa. Para kasing standup comedianne si Aling Lourdes. Napaka-animated ng mga reaction. Parang kahit kailan, hindi ko siya nakitang malungkot. O baka nman kasi busy nga ako sa pagtingin sa pagong kaya hindi ko napapansin.
Habang lumalaki ako, bihira na akong mapunta sa bahay nila. Namatay na rin kasi yung pagong na alaga niya. Pero patuloy ko pa ring nasubaybayan ang kwento ni Aling Lourdes. Kinukwento rin kasi sa akin ng nanay ko. Nabalitaan ko nung mabuntis ang panganay niyang anak. Katatapos lang nun ng college. Sabi niya, akala ata ng anak niya, pagnakatapos ka ng pag aaral, kasunod na agad ang pag-aasawa. Nabalitaan ko rin nung makipagtanan ang bunso niyang anak na may kapansanan. At kung paano niya sinabi na ang anak niyang “iika-ika” ay nakuha pa siyang takbuhan at makipagtanan. Kwela tlaga si Aling Lourdes, nakuha pa niyang magpatawa sa mga ganitong pagkakataon pero alam kong bilang ina, nasaktan din siya.
Madalas ko siyang makita sa umaga. Papaalis ako ng bahay para pumasok sa trabaho, siya naman, nagtatapon ng basura. Gustong gusto ko siyang nakakasalubong sa umaga. Kasi lagi siyang nakangiti at punung puno ng energy. Kahit wala akong tulog, pag nakita ko siya, nagigising ako. Nakakadala kasi yung mga bati niya sa umaga. Parang ang saya saya lagi ng buhay. Walang problema. Walang stress.
Pero ngayon, may ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Tuwing dadaan ako sa kalye nila, puro basura na lang ang naaabutan ko. Inisip ko, tinanghali na naman kasi ako ng gising. Palibhasa, walang definite na oras ang pasok ko sa trabaho ngayon. Tuloy lang ang buhay. Hanggang sa nabalitaan na lang namin na nasa ospital pala si Aling Lourdes.
May ilang araw na rin ang nakalipas bago namin nalaman. Malubha ang sakit. Hindi matukoy kung ano. Basta malubha. Hindi na ako nakasama sa pagdalaw kaya ikinuwento na lang ng nanay ko sa akin ang mga pangyayari. At habang kinukwento sa akin ng nanay ko, hindi ko maiwasan ang malungkot. Pero ayokong ipahalata sa kanya. Kasi habang nag-ku-kwento siya, nararamdaman ko ang takot. Takot na sa puntong baka mawalan na naman siya ng kaibigan (Kamamatay lang kasi ng isa pa niyan kaibigan). Hindi daw makapagsalita si Aling Lourdes, ipinagbawal daw ng Doctor. Kasi pati ag pagsasalita, nakakasama sa kalagayan niya. Pero makulit si Aling Lourdes, pagdating na nanay ko, hindi siya nakapagpigil at pinilit niya pa rin magsalita. “Bakit ba ako pinarurusahan ng ganito?”
Sa puntong ito, pareho kaming natigilan. Ang nanay ko sa pagku-kwento. Ako sa pakikinig. Hindi kasi ako makapaniwala. Na kayang sabihin ni Aling Lourdes ito. Na siya nga mismo ang nagsabi nito. May ilang araw ko na rin tong naiisip. Hindi ko maiwasang malungkot. Napapaisip din ako, kung bakit kung sino pa ang mababait, madalas, sila pa yung pinahihirapan. Those who play by the rules are the ones who end up getting fucked up – nasabi ko na to dati, pero bilang joke. Ngayon, napapaisip ako, kasi parang may katotohanan yung sinabi ko.
Why do bad things happen to good people. Yan ang lagi kong sagot sa tuwing may magtatanong sa akin kung ano ang gusto kong itanong sa Diyos. Isang tanong na kahit paulit ulit kong isipin, hanggang ngayon wala pa rin akong makuhang matinong sagot. O, ayoko lang talagang mag-participate sa mga mind games. Siguro, iibahin ko na lang. Ayoko nang itanong. Baka hindi ko rin naman maintindihan ang sagot. Everything happens for a reason. Pero nakakapagod na rin namang mag-isip kung ano yon minsan. Mas magandang sabihin na lang Niya sa akin, kung ano man ang gusto Niyang sabihin. Hindi nman siguro masama yon.

chocogang|sweetcorner|airsoft
|
|
The Following User Says Thank You to tinatinz For This Useful Post:
|
|

9th Jul '08 Wed, 16:20
|
 |
Forum Advisor
|
|
Join Date: Apr 2008
Location: makati
Posts: 944
Thanked: 206 (151 posts)
Reputation:
|
|
Re: Lourdes.......
nice story po pero medjo bitin kasi i was expecting to see what happen to Aling Lourdes....
pero it was a reality check for us about in our life..
tahnsk
|
|
The Following User Says Thank You to g_olano For This Useful Post:
|
|

17th Jul '08 Thu, 12:38
|
 |
Forum Master
|
|
Join Date: Mar 2008
Location: bangus capital of the world
Posts: 2,512
Thanked: 459 (342 posts)
Reputation:
|
|
Re: Lourdes.......
Lourdes ang name ng aunt ko.. hehe..
|

20th Jul '08 Sun, 19:22
|
 |
-Not Responding.....
|
|
Join Date: Aug 2007
Location: Sa Bahay Bulilit
Posts: 1,183
Thanked: 1,361 (485 posts)
|
|
Re: Lourdes.......
True story po ba ito
|
 |
Posting Rules
|
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts
HTML code is Off
|
|
|
All times are GMT +8. The time now is 15:26.
|