WARNING: tl;dr
Eh kasalanan nga ng prosec. kung bakit hindi sila handa at walang kwenta ang ebidensya nila.
IIRC, absent si Sen. Miriam non. Pero nagpadala siya ng sulat re. the alleged P100-M bribery issue.
You say bias? *ehem* Drilon, Guingona, Osmena, Trillanes *ehem*
Hindi pa po nagpe-present ang defense. Sa March 12 pa po. Kung tinatanong mo kung bakit March 12, yun ang ruling ng korte. They gave enough time for the prosec dati, siyempre meron din para sa defense.
Parehas ba tayo ng pinapanood? LOL
Papaanong hindi siya magagalit, ganito ang ginawa ng prosec. noon:
-nagyabang sila sa harap ng media na 100 ang witnesses nila bago mag-umpisa ang trial.
-nagyabang sila sa harap ng media na "voluminous" at "kahun-kahon" ang kanilang ebidensya. isa na diyan yung alleged 45 properties ng Corona family.
-pinakita nila yung walong Articles of Impeachment na pirmado ng 188 congressmen. kumpleto yun.
then all of a sudden:
-more or less 20 witnesses lang ang iprinisinta.
-iniurong yung MORE THAN HALF of the complaints. 5 out of 8.
-yung mga ebidensya nila, nganga. Isa-isahin natin:
*wala daw SALN si Corona? ayun may SALN pala.
*alleged 45 properties? 24 lang ang lumabas. kasama yung 6 parking lots.
*bank documents handed by small lady to Rep. Umali? small lady is not existing at all!
*bank documents left at the gate as Rep. banal have said? sino nag-abot nun, kartero?
*pagiging bias ni CJ sa FASAP case? irrelevant. bakit? lumalabas na galit lang sila kay CJ, pero sa ibang justices hinde. remember that SC's decision is a COLLEGIAL decision. one vote lang si CJ.
*Kim Henares' statement re. incomplete ITRs ng Corona family? Opinion. Dahil lumalabas na di niya alam ng proseso sa opisina niya kung paano i-process yung mga dokumento nila. Yung Carla ay hindi naman daw ganun kalaki ang kinikita, pero di naman niya kilala personally ang Corona family.
Opinions are not acceptable as facts.
*Sec. de Lima's explanation re. Justice Sereno's dissenting opinion? hearsay. dahil lumalabas na WALA si Sec. de Lima doon sa SC nung nangyari ang botohan sa TRO. At wala siyang karapatang i-explain ang isang opinion na hindi naman kanya.
Ang punto ni Sen. Miriam ay kung inilaban ng prosec na 8 articles, dapat ay tapusin nila sa 8 articles. Bakit ang yabang-yabang ng prosec noon sa harap ng media, tapos iaatras lang nila nang basta-basta? Di ba trial by publicity yon? Di ba character assassination yon?
Pera ng taumbayan ang ginastos sa paggawa ng Articles na yan. Hindi ba boboto yang 188 congressmen na yan kung walang usapan sa pera?
Sinong hindi magagalit doon?
Article 2 is non-disclosure of SALN issue.
Sinabi naman ng defense na ipe-present nila yang dollar account. Patience, padawan. Patience.
Matatandaan na kay Rep. Fariņas na mismo galing na "mahina ang Art. of Impeachment" nila.
Huwag pairalin ang damdamin. Konting analysis naman po.
Quoting Sen. Miriam:
"(verbatim) Susmaryosep! Where are your neurons and synapses?"
