Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Results 1 to 9 of 9
  1. #1

    Default Piksyon : Aswang Multo Engkanto Demonyo at Kulto

    My .... Poem. Haha. Hope ya like it.

    Mga halimaw na kumukobra sa itim
    Mga multong sumusulpot sa dilim
    Kabilugan ng buwan ay nakakatakot din
    Matanong ko nga, Takot ka ba sa dilim?

    Engkanto o Multo?
    Alin dito ang pinaniniwalaan mo
    Engkanto na pahirap sa buhay mo?
    O multo na nagpaparamdam sayo?

    Manananggal na nahahati sa dalawa
    Kapre na nakikisindi ng yosi sa iba
    Piringkitay na nanggagaya sa iyong itsura
    O ang tiktik na nanglilingkis gamit ang mahahaba nitong dila.

    Mangkukulam na ginagawa kang laruan?
    Amaranhig na bumabangon buwan-buwan
    Asong umaalulong tuwing kabilugan ng buwan
    Mambabalang na nangkukulam ng insekto sa katawan

    Itsura pa lang nila ay nakakatakot na
    Paano pa kaya ang gagawin nila?
    Hala, ayan na sila!
    Nagtatago sa dilim at lalabas kapag andyan ka na!

    Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito.
    May mas malupit pa sa mga inilista ko dito.
    Ang ilan sa mga ito ay demonyo at kulto.
    Na kailangan ang katawan mo para sa ritwal ng mga ito.

    Sa lahat ng nabasa mo, kaya mo bang hindi magpaapekto?
    Sa mga aswang, multo at engkanto.
    Isa lamang ang pangontra sa mga ito.
    Ang paniniwala sa Diyos na siyang sasaklolo sayo.

  2. #2

    Default Re: Piksyon : Aswang Multo Engkanto Demonyo at Kulto

    nice

  3. #3

    Default Re: Piksyon : Aswang Multo Engkanto Demonyo at Kulto

    Salamat kaibigan.

  4. #4

    Default Re: Piksyon : Aswang Multo Engkanto Demonyo at Kulto

    O kapatid na drian
    iyong tulay nagdulot ng kalituhan
    ano nga ba ang sagot ko dyan
    dapat nga ba akong matakot sa tikbalang?

    ngunit pag aking naiisip
    ang iyong huling binanggit
    kapag sa dios kakapit
    takot ay nawawaglit

    at sa aking huling talata
    malaman mo sanang pinupugay kita
    dahil sa iyong akdang ginawa
    na sadyang kahali-halina.

  5. #5

    Default Re: Piksyon : Aswang Multo Engkanto Demonyo at Kulto

    Salamat naman kung ganun
    Ngunit, ang lahat ng mga ito'y meron sa nayon.
    Hindi ko pala naisali ang tikbalang. Sorry naman
    Pero ganun pa man, salamat sa compliment kaibigan

  6. #6

    Default Re: Piksyon : Aswang Multo Engkanto Demonyo at Kulto

    ang husay ni sir matakot sa diyos

  7. #7

    Default Re: Piksyon : Aswang Multo Engkanto Demonyo at Kulto

    Hindi naman oy. Newbie lang ako.

  8. #8

    Default Re: Piksyon : Aswang Multo Engkanto Demonyo at Kulto

    mahusay. like

  9. #9

    Default Re: Piksyon : Aswang Multo Engkanto Demonyo at Kulto

    Salamat sa pagbasa AJ.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •