Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 17
  1. #1

    Default Maikling tula ni JIMONG PINOY

    Nung ako'y nagaaral, Tandang tanda ko pa
    ang magsalita ng TAGALOG ay pinagmumulta
    Ito'y pinagbabawal ako'y nagtataka
    'pag nag INGLES naman ako, sila'y natatawa

    Ang paaralan ngayon aking napapansin
    itong edukasyon pangatlo lang sa layunin
    ang una ay pera, pangalawa ay pera rin
    Ang mga walang pera'y hindi nila pinapansin


    [Link available to registered users only. Click here to register.]

    [Link available to registered users only. Click here to register.]
    Last edited by PINOY_RADICAL; 7th Aug 2008 at 14:49. Reason: Maikling tula ni JIMONG PINOY

  2. #2

    Default Re: Maikling tula ni JIMONG PINOY

    maikli pero malalim
    ang mensaheng iyong pinabatid
    nawa'y ang matandaan nila ang unang bilin.
    Ating sariling wika, mahalin at laging wikain.

  3. #3

    Default Re: Maikling tula ni JIMONG PINOY

    wow.. astig..

    dati nung hayskul ako.. puro kami ingles sa iskwelahan namin..

    pati mga vendors at security, nag-iingles.. astig!

  4. #4

    Default Re: Maikling tula ni JIMONG PINOY

    amfoots... masakit pero dapat tanggapin. nasan na ba mga pangako ng hinayupak na mga yan...

  5. #5

    Default Re: Maikling tula ni JIMONG PINOY



    ang galing talaga ni kuya k0


  6. #6

    Default Re: Maikling tula ni JIMONG PINOY

    wow.. mukhang makakagawa ako ng poem na tagalog ah.. hehe..

  7. #7

    Default Re: Maikling tula ni JIMONG PINOY

    Quote Originally Posted by delgar [Link available to registered users only. Click here to register.]
    maikli pero malalim
    ang mensaheng iyong pinabatid
    nawa'y ang matandaan nila ang unang bilin.
    Ating sariling wika, mahalin at laging wikain.
    delgar, salamat sa iyong kumento. buti ka pa naiintindihan moko.


    Quote Originally Posted by br0ken0id [Link available to registered users only. Click here to register.]


    ang galing talaga ni kuya k0


    brokenoid, hindi ako ang gumawa nito. Si Jimong Pinoy na aking kaibigan ang gumawa nito.


    sa lahat, maraming salamat sa mga kumento ninyo.
    Last edited by PINOY_RADICAL; 7th Aug 2008 at 14:54.

  8. #8

    Default Re: Maikling tula ni JIMONG PINOY

    Quote Originally Posted by PINOY_RADICAL [Link available to registered users only. Click here to register.]

    brokenoid, hindi ako ang gumawa nito. Si Jimong Pinoy na aking kaibigan ang gumawa nito.
    aww..

    niadd k0 pa naman siya sa multiply

  9. #9

    Default Re: Maikling tula ni JIMONG PINOY

    Quote Originally Posted by br0ken0id [Link available to registered users only. Click here to register.]


    aww..

    niadd k0 pa naman siya sa multiply
    naku nagkagulo na! akala ko siya ang nagsulat nitong tulang ito.
    sa bandang "banyuhay ni heber" niya pala nakuha ang tulang ito ang pamagat e PAARALAN.
    naku Jimong!!! na Jimong!
    Last edited by PINOY_RADICAL; 8th Aug 2008 at 11:27.

  10. #10

    Default Re: Maikling tula ni JIMONG PINOY

    Paumanhin po sa lahat, hindi po ang aking kaibigang si Jimong Pinoy ang nagsulat nito, kundi ang bandang Banyuhay Ni Heber hindi ko na kasi naabutan ang bandang ito kaya hindi ko alam. ngayon alam ko na.

    eto ang kanilang LYRICS

    PAARALAN - BANYUHAY NI HEBER

    Noong nag-aaral pa `ko tandang-tanda ko pa
    Ang magsalita ng Tagalog ay pinagmumulta
    Ito’y `pinagbawal, ako’y nagtataka
    Pag nag-ingles naman ako, sila’y natatawa.

    Ang paaralan ngayon ay aking napapansin
    Itong edukasyo’y pangatlo lang sa layunin
    Ang una ay pera, pangalawa ay pera rin
    Mga walang pera’y hindi nila pinapansin

    [Koro]
    Ang sistema ng edukasyon, kailan magbabago?
    Kailan ka lalaya sa kolonyal na isip mo?
    Kailan ka aasenso? Kailan matututo?
    Bumabagal ang pag-unlad sa maling sistema mo.

    Mga anak mayamang pinag-enrol sa eskwela
    Hindi pumapasok bulakbulero lang pala
    At ang mga anak nitong mahihirap
    Ay gustong mag-aral ngunit walang ibabayad

    [Koro2]
    Ang sistema ng edukasyon kailan magbabago?
    Kailan ka lalaya sa kolonyal na isip mo?
    Kailan ka aasenso? Kailan matututo?
    Bumabagal ang pag-unlad sa maling sistema mo.

    [adlib]

    Itong mga magulang ko’y nahihirapan na
    Marami nang utang dahil sa `king matrikula
    Nagpapakasakit, nagpapakahirap
    Tinitiis lahat mapagtapos lang ang anak

    [ulitin ang koro, mabagal, madiin]

Page 1 of 2 12 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •