Idol ko si Rizal
Ikaw ay sumilang sa isang panahon
Na tayo ay sakop ng dayuhang leon
Walana ang laya'y lubha pang dinambong
Ang dugo na nating siyang iniinom
Ika'y isinilang sa lupang sinilangan
Ika'y lumaban para sa ating bayan
Pero ika'y hinamak ng mga dayuhan
Yaong kasamaan pa ang naghaharian
Hinanap mo ang mithing kalayaan
Sa dulo ng pluma at ng karunungan
Mailap man ang kapalaran
Pero hinanap mo pa din ang katotohanan
Kahit buhay ang kabayaran
handa kang ialay para sa bayan
Ito lang ang tangi mung paraan
Para gisingin ang hinahangad mong kalayaan
Ang mga katotohanang iyong inilahad
Sa mga libro mong isinulat
Sila'y nagising sa layang hinahangad
Ngunit ang buhay mo ay nagsilbing bayad
Ito ay aming pagpupugay sayo
Ang maging bayani'y hindi mo ginusto
Ngunit bayang mahal ay siyang nagkabit nito
Pagiging bayani mo kami'y saludo.
Im not a Psychologist
Nor Psychiatrist
But im a good Adviser who gave best answer.
By: Pandasauure
Last edited by pandasauure; 23rd May 2012 Wed at 17:13..
|