Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 2 of 79 FirstFirst 12341252 ... LastLast
Results 11 to 20 of 790
  1. #11

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Mahirap pala talagang maging isang ama. Nakaatang sa balikat mo ang responsibilidad para buhayin ang pamilyang sayo ay umaasa. Dati,bumabangon lang ako pag gusto ko nang gumising. Pag gutom ako o uhaw o kaya pag naririndi na ako sa mala-alarm clock na talak ni inay. Ngayon, pag di ako bumangon, siguradong tatlong bibig ang di masasayaran ng pagkain, tatlong sikmura ang kakalam buong araw;ako,asawa ko at anak namin.
    Di ako nakapag-take ng nursing licensure board exams,yung mga ka-batch ko,nurses na.samantalang ako,eto,wala sa field ko ang trabaho ko. Nagkaroon ako ng gap sa buong angkan ko,dahil nga sa di ko pag-take ng board at pag-asawa sa di namin kapanampalataya. Pero wala akong pinagsisisihan,ang makita kong masaya ang munti kong anghel ay sapat na para maibsan ang kirot,pighati,sakit at hinagpis na umuukit sa puso ko. Ang talagang nagpapadudugo sa puso ko,ay ang makitang naghihirap ang pamilya ko,ang anak ko na nadadamay sa paghihirap na dinaranas namin. Ang asawa ko na nagkakasakit na madalas dahil sa paghahanap buhay. Gusto kong guminhawa,di para sa sarili ko,kundi para sa asawa at anak ko. Sila ang buhay ko, sila ang aking ligaya.

    Note: medyo naluluha ako nang matapos kong isulat ito. Salamat po sa freewriting wall na ito,kahit paano,gumaan ang pakiramdam ko

  2. #12

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Sa byahe lang ako nagkakaroon ng free time para makapag-isip ng isusulay, pero nauunahan ako ng antok. Sakto sana reggae music kapag gusto ko gumawa ng lab story, kaso yung antolk talagang sumisinigt, ayaw magpatalo. Kumpleto tulog ko kagabi. 6 hrs ang normal na tulog, at zzz.

  3. #13

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Sinusubukan ko alalahanin ang lahat kaninang umaga. Halos wala naman akong iniisip maging sa pagtulog ko. Masakit sa ulo, parang high blood ata ako. Kailangan ko magpalamig sa cr. Nak ng teteng, ang laki ng eyebug ko. Maaga naman ako natulog kagabi, wala din akong iniisip... Ano na ba nangyayari sa akin. Pati mga bayarin pinoproblema ko.

    Nun lunes, kahapon yun. Magkasabay kami ng ex gf sa pagpasok. Gulat ako ng nasa labas siya ng bahay samantalang palabas pa lang ako. Ang usapan ay kukunin ko lang ang pera sa kanya para sa pambayad ng netbook. Nakakagulat lang talaga. Yun tipong gusto ko siyang yakapin at halikan pero di pede, gumanda siya lalo at naging blooming. Habang naglalakad kami palabas, kwentuhan lang sa mga nangyari sa buhay. Salamat at kahit papano nakasama ko siya ng oras na yun. Pero kailangan na namin tumahak ng ibang landas, landas papuntang crossing at landas patungong boni. Sa huling sandali lumingon ako sa kanya patalikod habang naglalakad siya palayo.

  4. #14

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Nakaktuwang isipin na madami ang taong bihasa sa pagsusulat sa salitang ingles. Napapangiti din ako dahil madami pang malalalim na salita ang alam nila kaysa sa salitang tagalog. Sinadya bang patayin ang salitang ingles ang mga salitang tagalog na may malalalim na kahullugan?

    Dami nagsasabi sa akin di ako marunong sumunod sa patakaran sa pagsusulat? Totoo ba yun? Nakakasawang "same pattern" ang ginagamit sa pagsusulat. Walang thrill. Nakakwalang gana. Masasabi ko ang pag-uugali na meron ako ay isang "aktibista" sa larangan ng pagsusulat. Ayokong sumabay sa agos ng ilog na walang pagkakakilanlan sa akin. At higit sa lahat sa lahat ng ayoko ay ang hindi ko gusto.

  5. #15

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    10 mins before 1pm...

    heto ako ngayon may sasabihin kahit bago man lang kumain sampung minuto ang gugugulin hindi naman siguro ako gugutumin pero ano ba ang aking sasabihin at aking iisipin na nais kong banggitin na babasahin ng mga mahinhin na dalaginding at maaalahaning gwaping, ayun at may nasagi na sa aking isip na sabihin kung bakit at kung anong dahilan ng hindi ko pagpansin ng aking babasahin dahil sa mga gawaing bahay na ayoko namang gawin dahil sa aking pag gising ako raw ay tamarin pero ang aking babasahin ay sa darating na pagsusulit ngunit hindi ko pinapansin! sana sa mga araw na darating ay maidlip ang tamad kong damdamin at magsipag sa pagbusog ng ideya at kaalaman ang ngayo'y gising ko ng utak. nabanggit ko ba ang salitang busog kahit ako dito'y nagugutom dahil sa ihip ng hanging may dalang tray ng amoy ng pagkain kulang na lang ay kanin at nang makakain! pero hindi pa tapos ang sampung minuto ang natitira pa'y tatlong minuto ibig sabihin sa pitong minutong lumipas ay nawaldas ang oras ko sa pagpaspas na pagsusulat ng wagas kahit walang saysay ay aking nahayag ang laman ng isipan at damdamin. sana sa darating na mga araw ay pagpalain marahil dahil may kulang pa sa akin sa bakasyong ito, hindi ko alam kung ano pero malamang babae ito. binasa ko ulit mula umpisa ng saglit, aking napansin na maaari itong i-rap at sa huling minuto akin ng tatapusin ang katiting kong naihayag, mabagal akong mag-type pero habang ito'y aking tina-type ako'y nakasmile dahil sa sampung minutong pag-iisip, aking isip sana'y nagising. salamat sa symbianize at sa literati.

    1pm..

  6. #16

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Umuulan sa labas.

    Balak ko pa naman lumabas ngayon para ipaayos yung cp ko. bakit kung kelan lalabas nako dun pa bumagsak ang ulan? Sadya ba talagang wrong timing ako? O ineencourage ako ng sarili kong thread na magpost muna dito? Bakit kaya ganon umuulan na nga pero ang init parin? Bakit nga ba andami kong tanong?

    Ang sarap nitong kinakain ko. Sana ganito nalang lagi sa relationship palaging matamis. Natetempt akong gamitin ang back / erase buttom pero ayoko nang balikan ang nakaraan. Ang naisulat ay naisulat na kaya sa susunod inngat sa pagsusulat. And I'm not talking about this freewrting sample i'm doing, yung poem na naisulat ko recently sana di ko nalang pinublish. Hehehe.

    Ang tagal mawala ng ulan. Ipapaayos ko na cp ko eh. Oo nga pala may payong naman pala. Takot lang talaga ko minsan mabasa.

  7. #17

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Nakakatuwa namang isipin na nung ipinost tong thread na eto eh eksaktong online ako at paulit ulit ko itong binasa. Nagdadalawang isip sumulat kagabi kaya saydang hindi na ko tumuloy... (sadyang pala)... Free Writing... Nakakatuwa na tila naglalabsa ka lamang ng sama ng loob mo ngunit sa totoo'y nakakahanap ka na ng mga bagay o istoryang nais mong isulat. Kaya lang hindi pa pwede... Pagkatapos ng mga gawain.. tsaka palamang ako makakagawang muli.. Oh sadyang puro isip at pangarap nalang? MAgulo sa utak.. Hindi ko rin maiwasang hindi gumamit ng back space kaya maayos/medyo maayos pa itong aking free writing.. NAwa'y may humampas muling ideya saking utak.. Kasama ng mainit na daloy ng hangin pagkalipas ng isang bugso ng ulan...


  8. #18

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    5/7/12

    masyado pang maaga para matulog ako kaya naisip kong magkape at manigarilyo muna. gusto ko rin sanang tumapos ng isang movie pero mukhang kakapusin sa oras kapag ginawa ko 'yon. Mabuti sana kung may cable ngayon na pwedeng makanuod ng pelikula kahit patapos na, peke naman ang mga dvd na napili ko sa alabang noong sahod kaya pinatay ko nalang kesa mainis pa dahil nahuhuli ang sounds sa pagsasalita ng bida. sinubukan ko rin buksan ang opera mini at pindutin ang ipinapakitang thread ng stories & essays kung saan naka subscribed ako. pero nangangalahati palang nagblack out at nag reset ang cellphone ko. hindi ko tuloy nalaman ang ending ng bote at pangarap ni papa p. inabot ko ang tasa at humigop sa aking itinimplang kape pero lumamig na pala naghanap pa ako ng lugar kung saan yon pwedeng ibuga. lumabas pa ako para bumili ng isang stick na kape dahil na ubos na pala ang nasa garapon, may tindahan kami pero hindi nauso ang kape sa menu dahil kami lang rin daw ang uubos. nakauwi na ako sa bahay. may kape na pero naunahan na pala ako ni ate sa huling tasang napuno ng mainit na tubig. magpapainit pa ako ng tubig at ng makita ko ang orasan ay nainis na ako. 11:00 na hindi pa ako natutulog, mabuti sanang hindi nalang muna ako umuwi, at pinili ang alok ni sir na hindi pagpasok bukas kung mag iistraight ngayon.

  9. #19

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    hindi ko alam kung ilang minuto ako makakapagsulat o makakapaghayag dahil ako'y tumakas lamang sa pagluluto para makapagpost dito. naaalala ko lagi ang gabing aming sinaluhan doon sa concert ng parokya ni edgar at ni gloc9, at nais kong ikalat ang kanilang mga sulatin at mga kanta lalo na si gloc9. napakagaling na manunulat sana'y kasing galing niya rin ako. teka lang at tinatawag na ako.

  10. #20

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Nakailang yosi na ako sa banyo. Nangangati na ang kamay ko, may dalawang kwentong gustong isulat, pero ayoko namang mag sulat ng naka cp. Hindi din ako makapagsulat ng walang sigarilyo, part kasi yun para umiwas sa mental block pero di ko pwedeng i-suggest sa iba. Masama sa kalusugan pero nagkakasundo kami sa iilang bagay, kung chiks siguro ang sigarilyo sa sarap ako namatay. Hay.

Page 2 of 79 FirstFirst 12341252 ... LastLast

Similar Threads

  1. Replies: 7729
    Last Post: 24th Apr 2017, 12:53
  2. Replies: 2
    Last Post: 16th Dec 2012, 16:24
  3. Replies: 31
    Last Post: 2nd Mar 2012, 20:14
  4. Replies: 1
    Last Post: 20th Feb 2012, 11:18
  5. The Symbianize Auto Mechanics Tambayan Thread
    By Timoy® in forum Automotive
    Replies: 23
    Last Post: 6th Jun 2009, 08:52

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •