Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 3 of 79 FirstFirst 123451353 ... LastLast
Results 21 to 30 of 790
  1. #21

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    D makatulog. D naghapunan pero d ko sinusumbat yun.. Ano pa nga ba susunod na sasabihin ko? Habang binabasa ko yung freewriting sample ni adiksaDL d ko maiwasang iugnay siya sa sarili ko. Siguro nga kapag mahal mo talaga ang isang tao kasama na dun ang pagsakripisyo. Tulad nalang nung iwan ko ang pagtuturo sa isang bagay na matagal ko nang gusto. Pero maraming pwdeng mangyari na talagang susubukin ang pasensya mo. Nakilala ko siya at minahal ko ng totoo. Tulad ng pagmamahal ko sa pagsusulat at sa sining. Wala akong pinagsisisihan. Naalala ko yung last post ko sa Plot Friday related dito =) Mainit, naghihintay ka sa pagdating ng ulan. Pero nung umulan na all of a sudden andaming nagbago. May bagyo at yung inasahan kong mga lantang puno na muling sisibol, mawawala rin pala. #D ko alam pinagsasasabi ko sa totoo lang. Pero bahala na. Pinili ko maging tahimik para d ko siya saktan. Nakakamatay rin pala ang katahimikan. At bakit nga ba ganito ako mag isip ngayon? Parang hindi rational eh hahaha parang hindi ako. Parang hindi ako yung Mela na sabihin lang kung ano gusto wala akong pakialam. Pero ngayon sa bawat sasabihin ko ayokong masaktan sya kaya pinipili ko. ganun ka na ba talaga? o nagmamahal ka lang kaya pinili mo magsakripisyo? Ilang minuto nako nagtatype d parin ako makatulog. XD akala ko naman papatulugin ako nitong thread na to.

  2. #22

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    buti na lang meron ganitong thread sa arts and lit, natatakot akong magpost dito dahil mahina ako sa grammar ahaha ganun dw talga kapag it. dahil madalas computer namin na ang alam sabihin ay 0101010010101 ahah ang dami ko ng backspace hindi ko alam kung kasama ba dapat un sa freewriting at napaisip ako kung tuloy tuloy lang daw sa pagsulat dito paano kung napa sms type haha baka magkasala pa ako, pero dapat sundin pa rin ang dapat.
    grabe 4.24am na at kasalukuyang inaantok dahil 6am pa matatapos ang duty ko buti na lang nadaan ako dito at least hindi ako nabored sa loob ng 10mins haha ang cool talaga ng thread na to parang diary. nagugutom na tuloy ako.

  3. #23

    Question Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Heto ako ngayon, naghahanap ng mapapagtrabahuhan.

    Naghahanap ng mga kumpanyang tumatanggap ng isang baguhang katulad ko.

    Umaasang mabibigyan ng pagkakataong ipakita ang aking talento, ng aking mga natutunan.

    Ngunit, bakit parang napag-iiwanan na ako?

    Bakit hindi ako makapasa sa kanilang mga kagustuhan?

    May mali ba sa akin? O talagang malas lang ako?

    Sino ba ang makakatulong sa akin? Teka, dapat nga ba akong tulungan?

    Ewan. Ang gulo. Ang gulo ng utak ko ngayon.

    Hayy...

  4. #24

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    naguguluhan ako..
    nagsasawa na ko magtrabaho..
    ansarap maging bata uli..
    walang problema..
    nakaasa ka lang lagi..
    kain, tulog, laro..
    naguguluhan ako..
    nagsasawa na ko magtrabaho..
    pero bigla ko naiisip..
    tama rin na may trabaho ako..
    para ako nmn yung tumulong kay ermats..
    para xa nmn ung ndi mapagod..

  5. #25

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Yung kamay ko makati, di pa kasi ako naliligo. Nakikipagtalo yung kagustuhang magsulat at maglaro ng darts, tinatamad ako umalis pero sayang ang laro. May premyo pa namang nakalaan haha! Kung manonood naman ako ng dvd sayang ang oras, att baka antukin lang. Di sapat ang isang araw sa dami ng gusto kong gawin. Pero sa dami nun nandito pa din ako nakahiga at nagtatayp. Makaligo na nga ang kati ng kamay ko.

  6. #26

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    umaga na nmn... panibagong araw..
    panibagong araw? may nagbago ba?
    wala paulit ulit..
    resiklo.. magulo..
    nakakaburyo, ansarap sumigaw..
    sumigaw? may makikinig ba?
    gumagalaw tayo sa impyerno..
    ang langit ay tinatamasa lang kung meron kang Diyos sa bulsa..
    oo Diyos sa bulsa.. ang sinasamba ng mga nasa gobyerno..
    oo Diyos sa bulsa na ginagamit ng mayayaman para paikutin ang lipunan..
    ang buhay ay isang mahabang panaginip..
    kamatayan lang ang gigising saten..
    kaya pumikit ka upang makita ang katotohanan..
    upang sa pagdilat mo ndi ka mabulag ng kasinungalingan..

    GOOD MORNING MGA KASYMBIANS..!!!

  7. #27

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    tumitilaok na ung manok ng kapitbahay namin..panira ng mood..ang ganda pa naman ng gising ko..nakikinig ng premiere gymnopedie habang humihigop ng kape..mag uumaga na..hihintayin ko ang pagsikat ng araw..para ba kasing may binibigay syang kasiyahan na tuwing umaga ko lang nararamdaman..ang ganda ng mood..hindi maalinsangan..presko..tahimik..isa pa nakaka uplift ang mga piano music na pinatutugtog ko..haay..kapag ganito..lagi ko iniisip ang lablayp..kung anu bang meron dun..nakalimutan ko na kasi..mag aanim na taon na akong walang GF...masaya naman ako sa pagiging single pero di ko alam kung may kulang ba..yaan mo na nga,,ayan at unti unti ng lumalabas ang liwanag..bagong araw uli..bagong karanasan..bagong kaalaman..

    magandang umaga sa inyo^_^

  8. #28

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Gusto kong humiyaw!

    Gusto kong magwala!

    Pero, naisip ko... ano bang mapapala ko?

    Kailangang huwag ng pansinin ang mga taong nakapaligid.

    Nakakainit lang ng ulo.

    Napag-usapan na ngayon ang lakad, mga biglang hindi pwede.

    Mga hindi marunong tumupad sa usapan.

    Mga batugan! Nakakagigil! Nakakainis!

    Oh well, dapat na akong mag-ayos. Kailangan ko pa ding lumakad mag-isa.
    Last edited by Circuited Soul; 15th May 2012 at 07:55.

  9. #29

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Damn sleepless night ilang linngo na akong ganito hindi ko sukat akalain na babalik ako sa isitwasyon unang kong inayawan. patuloy ang pag agos ng tubig di ko mapigilan ilang ulit ko ng isinarado para huminto pero wala sira ata yung gripo nakakainis lang sa lahat pa ng di ko inaasahang tao ikaw pa ikaw pa na di jko sukata kalain na magpapa agos muli ng tubig sa tangke bakit ba kasi ang tanga tanga ko hindi na ako natutuo sa mga kalokohan mo alama ko naman na sa umpisa pa lang puro kalokohan lang ang alam mong gawin pero ano sa katangahan ko nakuha ko pa ding maniwala. bakit nga ba hindi eh ako ang nag iisang taong nakapag paseryoso sayo ewan ko ba di ko naman sukat akalain na lalalim ang hukay ayan katangahna ko di ko iniwasan bumagsak tuloy ako, malay ko bang wala ka pala dun para saluhin ako ayan ang sakit tuloy ng balakang ko. haist ayoko ng ganitong pakiramdam para akong unti unting pinapatay parang unting unting nilalason ang pagkatao ko. hala biruin mo yun ang haba na pala ng nisusulat ko dapat pala ginawa lko na lang na short story may points pa sana ako ako lolololol isgaw tayo aaaahhhhhhhhh. maibsan man lang ang sakit ng sugat ko at ang hapdi noto. lintek kasi na yan di na ako natuto ang tanga ko talaga. sana may back space ang buhay.

  10. #30

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    11am -- Nakadating sa kumpanya. Medyo naligaw. Buti na lang at natanaw ko ang tinatahak kong lugar.

    Initial exam -- Easy lang naman. Puro logic. Puro trick questions.

    Final exam -- Dito ako nagulumihanan talaga! Kumbaga sa Ragnarok, talagang /gg ako kanina. (/gg -- sometimes means durog/sawi/patay/basta negative)

    Nakakatuwang isipin na kahit mahirap ang exam kanina ay pumasa ako.

    May interview daw by this week. Ite-text daw ako.

    Ngunit naisip ko...

    Ite-text nga ba ako? O pinapaasa lang nila ako? -- Huwag naman sana.

    Pero salamat na din at binuhay nila ang pag-asa kong makapasok sa isang magandang kumpanya.

Page 3 of 79 FirstFirst 123451353 ... LastLast

Similar Threads

  1. Replies: 7729
    Last Post: 24th Apr 2017, 12:53
  2. Replies: 2
    Last Post: 16th Dec 2012, 16:24
  3. Replies: 31
    Last Post: 2nd Mar 2012, 20:14
  4. Replies: 1
    Last Post: 20th Feb 2012, 11:18
  5. The Symbianize Auto Mechanics Tambayan Thread
    By Timoy® in forum Automotive
    Replies: 23
    Last Post: 6th Jun 2009, 08:52

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •