Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 64 of 65 FirstFirst ... 145462636465 LastLast
Results 631 to 640 of 649
  1. #631

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    nasan ka?

    nakakainis ka

    pag hinahanap ka di ka makita, pag di ka hinahanap pakalat kalat ka

    bat ganun

    nakakainis lang natuto ka na atang tumambay sa di mo dapat tambayan

    nahihirapan tuloy ako

    buti na lang nalaman ko na yung gusto kong malaman

    sana mas marami pa akong malaman

  2. #632

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Bakit may mga alon? ano ba ang rason kung bakit sila nandito sa mundong ibabaw?
    Well hindi ko alam ang alam ko lang sa alon ay para silang mga politiko na malapit na ang eleksyon.
    Sobrang active makikita mo kahit saan ang pagmumukha nila hahaha.
    Pag tapos na ang eleksyon wow daming kalat
    Nag iiwan ng basura sa pagilid haha
    parang alon lang diba?
    Excited na akong makapiling ka muli alon
    kitakitz tayo sa Surigao ha? hahaha

  3. #633

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Hindi ko masimulan ang gusto kong i-type dito sa freewriting thread

    Siguro ganito?

    Isang araw... Pumunta 'ko sa tindahan ni Aling Nena para bumili ng suka... Ay mali, kanta pala 'to

    Isang araw, naglalakad si Tonyo sa isang makitid na daan, hindi mapakali.

    "Bakit parang gusto akong ipitin ng mga pader na ito na aking dinaraanan?"

    Bigla n'yang napansin, iipitin nga talaga s'ya ng pader. Nagmadali s'ya papalabas ng daanang ito ngunit mukhang hindi s'ya umuusad.

    Nagpatuloy s'ya sa pagtakbo. Lalong kumikitid ang daanan. Hanggang sa...

    ----------

    "Tol, tingnan mo oh! Dugo!"

    "Woah! Tol, ngayon lang ako nakakita ng dugo!"

    "Nice tol! Apir, ako din eh."

    "Hmmm, nag-iisip-isip ako tol, may dugo kaya tayo?"

    "'Di ko alam eh. San ba galing 'yun?"

    "Malay ko, pero tingnan mo yung nasa sahig oh, ang dami."

    Naglakad ang dalawa papunta sa pinanggalingan ng dugo.

    "Tol, kutsilyo pala ang kailangan."

    "Oo nga noh!"

    Kinuha ng isa ang kutsilyo at isinaksak sa kasama.

    "Tol, ganun pala para magkadugo!"

    "Oo nga! Tol may dugo ako! Asteeeg!"

    "Try mo din sa akin tol!"

    Natuwa ang bawat isa hanggang sa...

    ----------

    Kinagabihan, nakita ang tatlong bangkay sa may eskinita. Hinihinalang sila ay...

    *Tenenenenen*

    ----------

    Namiss ko naman magsulat ng mga kwento.

    Anyway, naiinis na ko sa <ui:repeat> na 'to. Paano ko kaya to gagawin programatically na nasa backing bean ko?

    Oh well, back to reality.

  4. #634

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    pareng free kamusta, ?

    sabi nya uuwi sya next year dito sa pinas.

    umarbor ako ng isang date sa kanya,

    kahit friendly date lang yun sa kanya , ok na yun , ...

    pumyag naman sya. . .

    di naman ako ganun ka miserable diba. ?

    pero masaya talaga ko.

    salamat sa kanya, )

  5. #635

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik.
    Ang ganda ng kanta na yan, galing talaga ni Rico Blanco
    2008 ko pa ata narinig yan hindi ko lang alam kung para kanino talaga ang kanta may mga hidden message kasi bawat linya. Like yung "susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya" siguro para ito sa dati niyang banda hahaha.
    move on na nga tagal na nun eh

  6. #636

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    sabi nya mahalaga daw ako
    kasu parang hindi naman..

    sabi nya parang may kulang ang araw nya pag hindi ako nakakamusta, kasu mukha namang nabubuo ang araw nya kahit hindi nya ako kamustahin sa loob ng isang lingo..

    sabi nya di nya ako kayang mawala kasu parang ok naman sa knya na mawala ako..

    mali bang tinanung ko sa knya kung ano ako.. kasi parang umaasa ako sa kung anung sinabi nya kasu hindi naman totoo

  7. #637

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Muling nagbabalik ang nag huhumindig kong pagnanasa
    hindi malaman kung paano magsisimula
    kaya dito sa thread na binasa
    pipilitin kong gisingin ang isang makata

    makata kuno - hindi naman naliligo
    parang sintu sinto
    lutang pa sa byaheng eroplano
    buti nalang nandyan si rio

  8. #638

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Na-miss kita Idol Freewriting Thread. Ang tagasapo ng saya at lungkot ng bawat nagagawi dito.


    Masaya lang ako kasi sa muling pagbabalik ng mga proyekto ng Literati ay madami pa din ang tumangkilik.


    Masaya lang din ako kasi aktibo pa din ang karamihan sa amin kahit na medyo busy sa kanya-kanyang buhay/trabaho.


    ______


    Meron akong kwento. Di ko maumpisahan. Nakakapikon.


    Kailangan ko pa nga pa lang tapusin ang kwento ko tungkol sa PADER.


    Hanap muna ulit ng dagdag inspirasyon.


    ______


    Masarap mag-back read.


    Dami kong naalala.


    Pati mga naisip ko habang binabasa ko muli ang bawat akda, naisulat ko na din sa drafts ko.


    Ohh siya. Out na muna ako.


    Salamat!

  9. #639

    Upset Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Hindi pala madali maging isang gamer.
    Maraming obstacle, obstacle na dapat mong wasakin para maging ganap na gamer.
    Ang gamer kasi naglalaro para manalo at magkapera
    Hindi tulad ng Nba player na kahit matalo may pera.
    Well ganun na siguro ang nakatadhana sa isang gamer.
    Pero okay na rin yun, kesa sa mga artista na pag na laos wala na
    Ang gamer forever gamer yan kahit sila lang ang nakakaalam nun.
    May emotional stress din ang gamer pag sila ay natalo.
    Lalo na't na hindi ka makatama sa iyong kalaban. (sa street fighter ito)
    Tapos Perfect pa siya in 2 rounds.
    Ang sakit nun para kang sinampal sa peys ng syota mo.
    Hindi ka makakatulog sa kakaisip.
    Wala kang gana kumain.
    Then 1 time manonood ka ng mga video sa youtube.
    Maghahanap ka ng mga bagong teknik para hindi ka na mapahiya.
    Tatambay ka sa forum na for gamer lang talaga (too bad permanent banned na ako dun)
    Ngayon may nakuha ka ng bagong teknik
    Ipapakita mo sa mga kasama mo
    Ta's kakalabanin mo yung tumalo sayo. (revenge of the fallen)
    Habang naglalakad ka ipapatugtog yung kanta ng Linkin Park na Points of Authority.
    Nag iinit kana gusto mo ng mag gear secondo agad pero hindi pa pwede.
    Kelangan sa laban mo na ipakita yun
    Pag nasa upuan kana syempre wag mong limutin ang taong gumawa sayo
    Sign of the cross ka dapat kahit hindi ka relihiyoso.
    Habang tinatamaan mo siya nakakaramdam ng saya.
    Isang feeling na gamer lang ang nakakaintindi.
    Sa mga Gamer jan ituloy niyo lang yan.
    Kahit hindi gusto ng parents ninyo

  10. #640

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    wala na kong magagawa kung hanggang doon lang
    kahit natagalan ako para lang masabi ang nararamadaman ko pero hindi mo ko hinintay
    bagkus ay nakalimuntan mo pa ko
    nung nagkita tayo sa s&r parang pilit pa ang ngiti mo habang kinakausap kita
    pero okay lang

    tanggap ko na kung hindi tayo para sa isa't isa
    tuloy parin ang pagpapayaman ko.


    ---------------------------------------------------

    isang bagay ang talagang tumatak sa isip ko nung time na broken-hearted ako habang nagyoyosi tayo sa tapat ng school
    kinamusta mo ko kahit ang sagot ko okay lang pero pilit dahil masama ang loob ko, nung tinanong mo ko kung kailan ko balak mag-asawa isa lang ang sinabi ko sayo "saka na nagpapayaman pa ko" pero ang sinagot mo bastos, ka-babae mong tao KUPS ka sinong tao ang matutuwa sa sagot mong "hindi ka na yayaman" kung lalaki ka lang talaga at sinabi mo yun sakin malamang hanggang ngayon ginagawa kitang punching bag, wala kang karapatan na sabihan ako ng ganon bakit mayaman ka na ba? i don't think so mag isip-isip ka muna bago ka magbitaw ng salita, yaan mo pag nagkita ulit tayo ibabalik ko mismo yung sinabi mo sakin siguraduhin mo lang na may isasagot kang tama kasi kapag wala eh sampal sayo ang sasabihin ko hahaha....

Page 64 of 65 FirstFirst ... 145462636465 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •