Matagal-tagal din akong 'di nakapag sulat ng mga lathalain ah.

Sobrang stress sa trabaho, dagdag pa yung uwian factor. Dyusko, ang traffic sa Magallanes.

Noong makita ko ang aking mga dokumento sa laptop ko, napansin kong ang daming mga kwento/tula na hindi tapos. May mga
nakakailang kabanata na ngunit 'di pa inilalabas dito sa symb at mayroon ding mga isang pangungusap lang, wala na. Ang akin
namang nobela, 1 taon nang hindi nagagalaw. Enebenemenyen!

Kailan kaya ako muling makakapagsulat?

.....

“Sung Hyo Ilgi” 숭효이l기

Ika-31 ng Marso, 2013

Hindi ko sukat akalain na magde-deklara ng gyera ang pinuno ng aming bansa sa Estados Unidos. Lubos akong nag-aalala lalo na sa aking pamilya. Sila na lang ang natitira kong kamag-anak. Panalangin ko sa Diyos na sana’y hindi matuloy ang gyerang ito at sana’y mag-isip-isip din ang aming pinuno tungkol sa ganitong mga bagay.

“Mankind must put an end to war before war puts an end to mankind.” - John F. Kennedy

Ika-1 ng Abril, 2013

Usap-usapan dito sa opisina ang tungkol sa idineklara ng pinuno ng bansa. May mga nagsasabing lumisan na sa bansang ito at mayroon namang mga nagsasabing dapat sumang-ayon o makiisa sa desisyon ng pinuno dahil hindi nagpapatalo ang aming bansa at hindi ang Estados Unidos ang pinakamakapangyarihan sa mundo.

Karamihan sa aking mga ka-opisina ang gustong makiisa sa gyera, pero ako, hindi ko na sinabi ang aking iniisip. Ang gusto ko lamang ay maitigil na ang karahasang ito, gusto kong maging maligaya at tahimik ang pamumuhay namin ng pamilya ko. Malamang ay pagtatawanan lang nila ako kung sinabi ko ito.

“What can you do to promote world peace? Go home and love your family.” – Mother Teresa

.....

Date Modified : Sept. 1, 2013 1:57pm

Ito ay parte lamang ng isang kwentong 'di ko na natapos.

Ito ay isang naisalbang diary ng isang ama na nagpakita ng tapang at lakas ng loob para itama ang kamalian at harapin ang katotohanan ng buhay.
Sa kwento ring ito maipapakita ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang pamilya.

.....

Hanggang d'yan na lamang. Medyo natuwa ako sa pagta-type ah