Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 70 of 70 FirstFirst ... 2060686970
Results 691 to 699 of 699
  1. #691

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Matagal-tagal din akong 'di nakapag sulat ng mga lathalain ah.

    Sobrang stress sa trabaho, dagdag pa yung uwian factor. Dyusko, ang traffic sa Magallanes.

    Noong makita ko ang aking mga dokumento sa laptop ko, napansin kong ang daming mga kwento/tula na hindi tapos. May mga
    nakakailang kabanata na ngunit 'di pa inilalabas dito sa symb at mayroon ding mga isang pangungusap lang, wala na. Ang akin
    namang nobela, 1 taon nang hindi nagagalaw. Enebenemenyen!

    Kailan kaya ako muling makakapagsulat?

    .....

    “Sung Hyo Ilgi” 숭효이l기

    Ika-31 ng Marso, 2013

    Hindi ko sukat akalain na magde-deklara ng gyera ang pinuno ng aming bansa sa Estados Unidos. Lubos akong nag-aalala lalo na sa aking pamilya. Sila na lang ang natitira kong kamag-anak. Panalangin ko sa Diyos na sana’y hindi matuloy ang gyerang ito at sana’y mag-isip-isip din ang aming pinuno tungkol sa ganitong mga bagay.

    “Mankind must put an end to war before war puts an end to mankind.” - John F. Kennedy

    Ika-1 ng Abril, 2013

    Usap-usapan dito sa opisina ang tungkol sa idineklara ng pinuno ng bansa. May mga nagsasabing lumisan na sa bansang ito at mayroon namang mga nagsasabing dapat sumang-ayon o makiisa sa desisyon ng pinuno dahil hindi nagpapatalo ang aming bansa at hindi ang Estados Unidos ang pinakamakapangyarihan sa mundo.

    Karamihan sa aking mga ka-opisina ang gustong makiisa sa gyera, pero ako, hindi ko na sinabi ang aking iniisip. Ang gusto ko lamang ay maitigil na ang karahasang ito, gusto kong maging maligaya at tahimik ang pamumuhay namin ng pamilya ko. Malamang ay pagtatawanan lang nila ako kung sinabi ko ito.

    “What can you do to promote world peace? Go home and love your family.” – Mother Teresa

    .....

    Date Modified : Sept. 1, 2013 1:57pm

    Ito ay parte lamang ng isang kwentong 'di ko na natapos.

    Ito ay isang naisalbang diary ng isang ama na nagpakita ng tapang at lakas ng loob para itama ang kamalian at harapin ang katotohanan ng buhay.
    Sa kwento ring ito maipapakita ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang pamilya.

    .....

    Hanggang d'yan na lamang. Medyo natuwa ako sa pagta-type ah

  2. #692

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    "Pindot lang ng pindot! Huwag kang tumigil!" sigaw pa ng maestro niyang hindi naman talaga maestro, isa s'yang matandang manunulat na napilitang turuan ang isang bata na kumolekta ng ideya para sa kaniyang mga sulatin, isang bata na mahilig sumulat, isang batang hindi pa lubusang nahahasa ang in-born talent niya. Sa bagal kasing magisip ng bata, halos minuto ang interval ng pagpindot niya sa typewriter kaya nagagalit ang matanda. "Hindi mo kailangang huminto, oras na magkaroon ka ng ideya, dapat ay ituloy-tuloy mo na." 'ika ng matanda

    "Pagod na ako!" palaban na sigaw ng bata. "Kailan ba ako magiging kasing husay mo, na sa oras na maisipang magsulat ay maraming ideya na nilalaman ang isipan." dagdag pa niya

    "Tanawin mo ang mundong ginagalawan mo." sagot ng matanda

    Hindi makapaniwala ang bata sa sagot ng matanda. Dahil kung 'yon nga talaga ang dahilan kung bakit siya'y mahusay sa pagsusulat, bakit ilang taon na siyang hindi lumalabas sa kaniyang tirahan at nabubuhay siyang magisa. Katunayan, sa loob ng pitong taon niyang pamamalagi doon, si Jay (Ang bata) pa lamang ang napatuloy niyang bisita. At kahit kailan ay hindi siya naaya ni ng bata na lumabas upang magsaya.

    "Sawa na ako sa kalokohang ito!" sigaw niya bago lumabas at ilagabog ang pintuan. Ang hindi alam ng bata, ang saradong pintuan na 'yon rin ang dahilan kung bakit hanggang doon na lamang ang tila patay na buteteng katanyagan ng matanda sa larangan ng pagsusulat. Ang bata, at ang muling nagamit na typewriter na 'yon ang muling bumuhay sa kaniyang pagasa.

    Inayos niya ang buhok, dinampot ang jacket, at muling binuksan ang pintuan upang habulin ang bata kahit pa malakas ang pagpatak ng ulan.


    parang kwento ni lola basya

  3. #693

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    shit ! shit..! shit !
    tang ina mo talaga
    wala ka nanaman tuloy ulo nyan
    lalabas ka ng nakayuko >?
    o hahayaan mo nalang , ?
    taas noo/?
    tang ina talaga,
    ilang ulit ka na bang di sumipot sa nag babacker sayo.
    paking tape.
    tsaka sabi mo sakanya. mag-apply ka na .
    pano mo sya haharapin , fuck talaga

    tang ina ngiti lang dei
    Fuck talaga.
    fuck! !

    Last edited by electric leroux; 23rd Aug 2014 at 02:28.

  4. #694

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    This might be my last chance
    So maybe I should take it
    I just hope your listening
    To everything I'm saying

    baka ito na ang huli pero hindi ko ala,
    kung worth it pa ba yung mga sasabihin ko or kung pakikinggan mo lahat ng ito hay kung alam mo lang.

    I miss the long drives, the car rides
    The bad fights, the good times
    The way you make me feel
    Will never leave my mind

    naalala ko pa lahat ng mga pinag-gagawa nating kalokohan noon kung paano natin pagtripan ang bawat isa, naalala ko din yung tampuhan moment natin noon hay ang cute mong magtampo at higit sa lahat mas namimiss ko ang way ng paglalambing mo sa akin.

    Think of you later in my empty room
    Where I, I will fall asleep alone
    Think of you later in my empty room
    Where I, I will fall asleep alone


  5. #695

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Um....
    Hello po...
    First time ko po kasi dito...
    Pag pasensyahan mo na lang sir free mga maisusulat ko.

    Tipong nag iisip na naman ako ng mga bagay na di naman tlaga dapat isipin. Mga tanong sa sarili na di dapat itanong o ayaw ko lang itanong dahil alam ko ang sagot at takot ako na tama ang sagot ko. Na tipong minumulto ako ng mga katotohanan pero pilit kong iniiwasan habang pikit kong tinatanggap ang totoong kasinungalingan.

    Oo ayaw ko na gusto ko. Twisted thoughts. Patuloy sa pag timbang sa mga dahilan at pangyayari. Restless mind. Alam ko yung tama at yung mali. Pero di naman lahat ng tama ay tama at mali ay mali. Naniniwala ako sa masamang kailangan tulad ni rizal. Pero hanggang kailan? Pano kung inibig ko na ang pamamaraan? At maging dahilan sa pag tuloy ng aking buhay. Ang labo ng iniisip ko sobra. Malinaw naman sana pero hinahayaan ko lang siguro maging malabo. Nagkulang siguro talaga ako. Nakakababa lang tlaga ng selfsteem siguro. Tama ba?

    Buti na lang may mga humahawak sa akin at isang di ako tinapon matapos ang lahat at tunay kong mahal.
    Mga tropa. Kapatid.

    Salamat sir free cheer me up please.
    My life tonight is so gloomy
    Yohoho

  6. #696

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Simula ng maternity leave ng aming team leader, naging magulo na ang takbo ng grupo. Palaging may overtime. Palaging may pasok kahit holidays. At ngayon, tinatamad akong pumasok kahit na madami pang gagawin. Hayy.

    Pero pakiramdam ko dito ako maggo-grow. Dito ako matututo ng husto. Sana maging proud sa amin ang TL namin pagbalik nya. 6 weeks na lang.

    Sa mga solo projects ko, 2/3 na ang okay. Sa mga projects with partner, medyo mahaba pa ang proseso. Madugo pa masyado.

    Hm, napadpad na naman ako dito. Wala kasing masabihan. Ayaw ko ng i-open sa mga malalapit sa akin. Baka kasi maging burden pa nila ang hinanakit ko.

    Ayaw ko namang may mga nag-aalala sa akin, na kapag malungkot ako o may problema e nadadamay sila.

    Oo palabiro ako. Madalas tawa. Pero may problema din naman ako. Wala namang taong walang problema. Pinagkaiba nga lang, madalas ang problema ko ang namomroblema sa mga problema. Hinahayaan ko lang kasi ang ilan.

    Maiwan muna kita freewriting thread. 'Til next time!

  7. #697

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Hindi pala biro maging nanay, wait!? hindi pa ko nanay!

    Pero trial period na din to, seryoso hirap pala magalaga ng bata, na kailangang bantayan, patulugin, padedihin.

    Madami ring nasakripisyo ng dahil sa pagaalaga, yung alas singko gising na sila at kailangan mo na ding tumayo kargahin at laruin, yung hindi ka na nakakasama sa mgalakad ng barkada dahil tambay ka sa bahay at tagapagalaga ng bata.

    Ganito pala buhay pag may kambal sa bahay, paliliguan ang isa, next naman ang isa, iiyak ang isa iiyak din ang isa, kailangan pag nagising ang isa at umiyak, patahanin agad para di magising ang isa. Bibihisan ang isa pagkatapos ng isa.

    Nakakapagod.

    Ganun pa man, hindi talaga masusukat ang saya na nabibigay ng mga sanggol, na may dalawang batang naghihintay ng gatas nila at ngingiti sayo na napakasarap na papatawanin mo, hahalikan ng may gigil at tatawa na parang ang saya ng buhay. At, lalo niyong napagtibay ang samahan ng pamilya kaya sulit ang pagod pag nagtatawanan na dahil sa mga kabalastugan ng mga Titas niyo.

    Lumaki na kayo kambal! Para naman harutan na tayo pag gabi

  8. #698

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    masakit yung nalaman kong merun ka ng ibang mahal.
    pero kelangan kong tanggapin khit sobrang sakit na parang may libo libong kutsilyo ang sumasaksak sa puso ko..
    nung nag hiwalay tayu aaminin ko may konti padin part sa puso ko ang umaasa na darating din yung time para sa atin.
    kahit isinisigaw ng utak ko lahat ng sinabi mo na huli na yun at wala na talagang pag asa.

    alam ko masaya kana, yun naman lagi ang hiniling ko ang maging masaya ka.
    wag mu syang saktan at ipaglaban mu.

    (hinihiling ko na maging masaya ka samantalang ako nasasaktan mahal kasi talaga kita at gusto ko parin yung ikakabuti mo )

    huling iyak nlng at suko nadin ang puso
    ko .

    sana pinagtapat mu nlng sakin yung totoo eh di sana nakatulong pa sa mabilis kung pag move on

    di man naging maganda yung pagsasama natin, puro away lng.
    ang maipagmamalaki ku lng sayu..
    minahal kita ng tapat at higit pa sa sarili ko

    happy happy birthday di na ako ng post sa wall mu bka may magselos na eh
    alam ko naman nabasa mu pm ko

    wag ka mag alala pipilitin ko di maging bitter promise

    p.s

    di muna sinusuot yung relo hmm sana ipamigay mu nlng wag mung itapon
    delete muna mga pm natin bka mabasa pa nya kaw din

  9. #699

    Default Re: Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥

    Kakaiba talaga birthday ko ngayon, ang daming bumati sa akin ng harapan. 'Di tulad noong college, karamihan FB at text ang bati.

    I so love my office-mates

    Anyway, nabasa ko naman PM mo, at nabasa ko din yang post mo dito sa Freewriting thread. Enumerate ko sa'yo yung mga
    sasabihin ko regarding dyan sa mga sinasabi mo.

    1. Tinanong ko sarili ko, bakit yun ang ni-like mong post? Dahil ba sa salitang 'yun? Pwede bang 'di po muna tayo mag-conclude?
    2. Wala akong tinatago, kung me bago man ako, 'di ko yun itatago at syempre, 'di yun agad-agad.
    3. Yung relo, 'yun na yung lagi kong suot from day of graduation hanggang ngayon.

    -------------

    Excited na ko mamaya sa carbonara. BWAHAHAHA!!

Page 70 of 70 FirstFirst ... 2060686970

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •