Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:
Gain access to private forums and restricted features
Reply and create new topics or polls
Download free applications, games, themes, graphics, tones, videos, etc.
Ask question or support related to mobile phone, computer, game console, and multimedia
Private messaging (PM) with fellow members
Communicate instantly or real-time with currently online members via Shout Box
All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
Stories and EssaysCollections of famous or personal stories and essays. Look or share yours here.
Nagulat ako kay Tricia. Medyo wala pa ako sa sarili at halos hindi ko na matandaan pa ang mga nangyari kagabi. Basta pagka gising ko na lang ay nasa sofa ako nakahiga. Ang daming kalat sa paligid, mga supot ng tsitsirya, mga bote at lata ng alak, at kung anu-ano pa na mga gamit na wala sa ayos.
Oo nga pala. Nagparty-party kami kagabi. Dito sa bahay nila Tricia. Malamang ay nalasing na naman ako kaya eto at ako lang ang hindi nakauwi ng bahay. Alas-diyes na din pala ng umaga. Nagtagumpay ang sikat ng araw sa pagdila sa pupungas pungas kong mukha dahil tagusang salamin na dingding nila.
“Ano? Sama ka?”
Lalo lang yata ako nasilaw nung subukan kong aninagin ang maputi at makinis na balat ng nakashorts lang na anghel na naka-usisa sa aking pagkakahiga. Hindi ko ito inaasahan, crush ko si Tricia, matagal na. Eto na yata yung tinatawag nilang jackpot.
“Seryoso?” tanong ko. Isang mapangahas na pagpigil yon. Kasi pwedeng isipin nya na ayaw ko.
“Oo nga! Kulit” tugon nya sabay hampas sakin ng tuwalyang nakayapos sa kanyang balikat.
Hindi ko mawari kung saan ko nahugot yung lakas ko para makabangon. Sinundan ko sya hanggang makapasok na kami sa medyo kahel sa pagkaka-ilaw na kwarto. Iba talaga pag bahay ng mayaman.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano talaga ang mangyayari, pero ang gusto kong mangyari, unti-unti na nangyayari sa malikot kong isip.
Akmang huhubarin na nya ang suot nyang t-shirt, na lalong nagpabilis ng pagkabog ng dibdib ko at panlalamig ng buong katawan ko; ay bigla syang tumigil.
“O anung hinihintay mo? Babasain mo yang damit mo?”
Mistulang alipin ako na agad hinubad ang suot ko. Lumapit sa kanya na parang isang hayop sa gubat na ninanamnam muna ang presensya ng ilang sandali na lang ay magiging pagkain sa tanghalian na.
Papalapit ako sa kanya ng bigla nyang buksan ang shower. Sa pagbugso ng malamig na tubig sa aking bumbunan, biglang naiba ang paligid sa aking muling pagmulat.
“Hoy! Gising na Menard! Uwi na tayo! Haha.” Malakas na tawanan ang naging kasunod ng mga salitang yun.
learn to spell RESPECT. you are free to read and share all original stories posted here. but you are discourage to copy in part or full.
if you feel something is worth reading, refer them to this site instead.
Read, Digest and Enjoy!
ang galing. may future si ian sa erotic literature.
.
Halina't mangumpisal sa bagong Kumbento ni PadrePio
.
When I use this color I am speaking as a Moderator.
.
If you would not be forgotten as soon as you are dead,
either write things worth reading or do things worth writing.