Welcome back, Guest!
Register
Forgot your Password?

Hello, Guest! Welcome to Symbianize Forum.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to login or join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple. You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a Symbianize member you'll have the following privileges:

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Page 1 of 4 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 38
  1. #1

    Default Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread


    Munting Paalala:

    1. Ang mga allowed lang pong bumoto ay ang mga members na nakapag-reg before May 2012.
    * Iwas-padummy-vote rule

    2. Ang minimum post requirement para po makaboto ay at least 200 posts.
    * Iwas-padummy-vote rule pa rin

    3. Kailangan niyo pong i-post rin ang dahilan kung bakit niyo ibinoto ang isang entry, simple man ang dahilan o malalim. Ganito ang tamang halimbawa:
    +1 po para sa Entry # __ dahil ______
    * Tamang-pagboto rule

    4. Kung kayo ay sumali sa contest na ito, allowed pong iboto ang sarili niyo basta't wag niyo lang po sasabihin na kayo ang gumawa nun.
    * Preserving-anonymity rule

    5. Ipinagbabawal po ang pag-campaign ng mga entries sa LOOB at LABAS (Facebook, Tumblr, Plurk, Twitter etc.) ng Symbianize. Ang sinumang lalabag sa rule na ito ay agad madidisqualified.
    * Hindi-ito-popularity-contest rule


    Dedlayn sa Pag-boto:
    August 8, 2012 18:00 (GMT +8)




    Entries:





    Kung kayo po ay agam-agam, mga katanungan, mga dinadamdam tungkol sa patimpalak na ito ay maaari lamang po na i-post niyo na lang po sa Symbianize Literati Writing Contests Announcement and Discussion Thread
    .
    Last edited by ArCiZei; 6th Aug 2012 at 22:29.

  2. #2

    Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

    SSWC II Entry #1: Your Song

    It took
    one look
    and forever lay out in front of me

    One smile
    then I die
    only to be revived by you

    There I was
    thought I had everything
    figured that
    goes to show there too much I know
    bout the way life plays out

    Chorus:
    i take one step away
    and I find myself coming back
    to you
    my one and only
    one and only
    you..

    Now I know
    that I've known lot of things at all
    except the fact that I am yours
    and that you are mine

    Oh,
    if you told me that it wouldn't be easy
    and Oh,
    I'm not one to complain
    hindi ko na maalala ung panahong una ko syang nakilala... magulo buhay ko nuon..hindi ko alam kung san ako pupunta.. i was devastated. dahil sa break up naming mag asawa..

    and then SHE came.. hindi ko alam kung bakit.. but every time na nakakausap ko sya.. masaya ako.. to the extent na hinahanap hanap ko sya.. araw araw.. siguro dahil broken ako.. and i'm fragile sa gantong feelings.. but every day its growing deeper and deeper...

    nalilito ako...

    nahahati ang isipan kung tama ba o mali ang nararamdaman? pag ibig na nga ba? oh maituturing na paghanga lamang.. ewan ko.. pilit kong kinakalimutan ang lahat.. lumayo.. pero hinihila ako ng daluyong na naghahatid sakin palapit sa kanya... hindi ko alam .. pikit mata kong tinatangap ang lahat.. sabay bulong sa aking sarili.. "dito ako masaya".. kahit malunod ako sa kalokohang ito.. mamatay akong masaya...


    tapos.. napagisip isip koh.. masaya nga ba ako? o pinipilit ko lang maging masaya kasi nasaktan ako.. hindi pa kame nagkikita.. pero masasabing kong kilala ko na sya... i just cant stop thingking about her.. pero my pumipigil...ang katotohanang me asawa't anak ako... nakagapos ang puso ko.. at ito ang katotohanan.. at walang makakapag pabago nyan.

    hindi talaga sya mawala sa isip ko.. kung nagkataon lamang na sya ang una kong nakilala.. baka mas masaya at makulay ang mundo ko.. hindi ganto.. nababalutan ng anino.. anino ng kahapong pilit kong tinatakasan.. pero kagaya ng isang anino.. hindi mawawala ito.. hangang hindi nawawala ang liwanag...


    ilang araw kong pinagisipang mabuti.. susugal ba ako? sa isang hinaharap na walang kasiguraduhan? o maghihintay na lang sa tamang kasagutan.. kung mangyare man un.. sigurado akong madame akong masasaktan.. mga bata.. sya.. asawa ko... at higit sa lahat AKO...

    huli na ang lahat.. ganto na ako ngaun.. nagugumon sa kaligayahang ni minsay hindi ko pa naranasan.. walang kawangis.. parang walang katapusan.. nakaka addict.. pilitin koh mang kalimutan sya... pag pumikit ako.. sya lang nakikita ko.. walang iba... andun sya .. nakangiti sakin...


    naalala ko tuloy.. isa siguro sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.. nung minsang pinarinig nya sakin ang boses nya... ang kinanta nya "when you say nothing at all" nagkataong isa yun sa mga paborito ko.. taimtim kong pinakinggan.. bawat letra.. bawat himig.. pilit kong dinadama ang kanta... naramdaman ko sya.. ung lamig ng kanyang boses na kumukurot sa kaibuturan ng aking puso.. napangiti ako.. at simula nuon araw araw kong pinatutug-tug yung kantang yun.. at sa bawat oras na naririning ko yun.. napapangiti ako ..


    naiinis ako sa aking sarili.. bakit ba kasi kelangan pang magkaganto ang buhay ko para lang makilala sya? bakit hindi nung una.. nung uhaw na uhaw ako sa pagmamahal.. sa pagkalinga.. pag aaruga.. bakit ngayon? kung kelan meron syang kahati sakin.. hindi ko tuloy maipakita ang tunay kong nadarama.. hindi ako makakilos ng ayos.. nakasarado ang mga bibig ko.. baka kasi hindi ko na mapigilan at masabi ko na lang na MAHAL KO NA SYA....


    sabagay.. wala akong karapatan magreklamo sa kung anong ibigay sakin ng nsa taas.. mas higit nyang alam kung ano ang makakabuti para sakin.. pero tao lang ako.. mahina... minsan mas madaling sumuko kesa ipaglaban ang tunay mong nararamdaman.. kaya heto.. ibabaon ko na lang ang lahat sa limot.. pipilitin kong wag lalong mahulog... hindi ko na lang sasabihin ang nadarama ko... hahayaan ko na lang ang tadhana ang magdikta sa kung anong man ang mangyare.. ngingiti na lang ako.. kahit umiiyak ang puso ko....





    the end

    your song by parokya ni edgar
    Last edited by ArCiZei; 1st Aug 2012 at 22:09.

  3. #3

    Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

    SSWC II Entry #2: Time of Your Life

    How's your love life? Are you happy with your partner? Do you have some problems? Do you frequently have quarrel & then reconcile? Whatever kind of relationship you have, it's a normal thing anyone may experience. Love can give you different kinds of feeling to feel, but are you sure that what you feel right now is true love, or just an attraction to the opposite sex? It's really hard to know especially if you can't stand for the decisions you've made. In this what you call love, can you stand up for what you feel, regardless of trials & consequences you may face? I can, & I'm happy with it.

    From what I've experienced, a lot can happen. Sudden turn of events can happen in an instant. One I had a relationship with, there's so much honesty in her I can feel. It's like I can quickly know what's on her mind if she's serious or not. I courted her, did whatever I can, did whatever she wanted, fetched her & bring her home whenever I can. Our relationship started at one of those trips we had. She felt that I'm serious & sees I'm putting all my effort in doing whatever I can for her. I respect her & I didn't let her hear any bad things others are saying. She trusted me for the effort I'm exerting in making her happy. Her parents liked me, telling I'm not like any other guys their daughter had. I was kind & generous to her whole family. Almost a year of courting her & for only about of two months of our relationship, she broke up with me. I still continued whatever I was doing. It's like she threw me out of her heart, but even outside, I'm staying in front of the door, so whenever she needs me, she won't have to reach far. Loving isn't about being happy, but being with her even in tough times. This things anyone may experience are part of the road we take called life, a turning point that's unavoidable & every life has.

    She's not the only one I had problem with. There are already other girls before her, & every relationship I had has a turning point unexplainable why they decided to leave what was nearly perfect. From these experiences, I decided to let time guide me, thinking I'll know a girl who's for me. Not being sure on what's instored for me, I do my best in everything I do, avoiding having regret doing foolishness, & I love whatever I'm doing. We can learn a lot in life, those lessons taught to us by time we spend living.

    What we have here in this world, everything's uncertain. We can never predict what will happen. Including this unpredictable things, is love. Love is truly unpredictable, how it moves, how it touch lives, & even how it can destroy if you're mistook it for something else. Everything's uncertain, but I loved what is right, & I always will. Whatever that will happen, I'll accept it, all of it. I trust where my love will bring me.

    What's best you can do in your life is cherish every moments of it, never forget those, like special photos displayed on the shelf, like special treasures hidden in your chest. Each of them makes a mark on your whole personality. Every trials you face, these you don't wanna miss, you don't wanna forget, these lessons you wanna learn & will help you throughout your whole life. Never ever forget those, for you'll know, the happiness you'll have, makes every pain, hardship, & suffering, have their worth.

    Life's unpredictable, including love, but whom I love now, I know making things that has purpose, making everything right in their place. I love my Lord, & I love every moment of the life He has given me.



    Another turning point, a fork stuck in the road
    Time grabs you by the wrist, directs you where to go
    So make the best of this test and don't ask why
    It's not a question but a lesson learned in time

    It's something unpredictable but in the end is right
    I hope you've had the time of your life

    So take the photographs and still frames in your mind
    Hang it on a shelf of good health and good times
    Tattoos of memories and dead skin on trial
    Through what it's worth, it was worth all the while

    It's something unpredictable but in the end is right
    I hope you've had the time of your life
    Last edited by ArCiZei; 1st Aug 2012 at 22:09.

  4. #4

    Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

    SSWC II Entry #3: You and Me

    What day is it? And in what month?
    This clock never seemed so alive
    I can't keep up and I can't back down
    I've been losing so much time
    Yung panahon na una ko siyang nakita’t nakilala, tila ang aking paghinga at pagtibok ng puso ay tumigil, nakalimutan kung anong araw, buwan at oras na. Naaalala pa yung pick up line ko sakanya. “Pwede bang magtanong kung ano oras na? kasi para alam ko kung ano oras ako nainlove sa’yo “, sa pagkakasabi ko ng pick up line ay siya naman niya akong nginitian at ayun! Ako ay nainlove na nang tuluyan.

    Sa mga araw na kami ay nagkikita, sa mga sandaling oras na nagkakasama, hindi ko ipagpapalit ang mga oras at araw na iyon dahil lalong tumitindi ang nararamdan ko sa para kanya. Ngunit nangamba ako dahil nalalapit na ang kanyang pag – alis upang lumipat na ng ibang eskwelahan, nauubusan na ako ng oras para magtapat sa kanya at malaman na ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

    Cause it's you and me and all of the people with nothing to do
    Nothing to lose
    And it's you and me and all of the people
    And I don't know why, I can't keep my eyes off of you
    Noon ay hindi ako naniniwala sa tadhana at yung mga soulmate na sinasabi pero malamang dahil siguro hindi ko pa nakikilala ang babaeng nararapat sa akin. Lahat ng pananaw na iyon ay nagbago simula nung dumating siya sa buhay ko, confident and sigurado na ako na siya na nga at wala nang iba ang nararapat na babe para sa akin at ako ang lalake na nararapat para sa kanya.

    May mga taong nagsasabi sa akin na hindi daw kami bagay dahil sa hindi naman daw nila nakikita ang compatibility naming sa isa’t isa. Sobra ang kanyang kagandahan para maging akin daw siya pero hindi ko na pinansin ang mga komento nila dahil hindi nasusukat yan sa hitsura ng tao, alam ko sa sarili ko na hindi ako ka gwapuhan pero hindi dahilan iyon para hindi ko siya mahalin.

    All of the things that I want to say just aren't coming out right
    I'm tripping on words
    You've got my head spinning
    I don't know where to go from here
    Finally I decided to confess my feelings na, linapitan ko siya na parang normal lang pero hindi niya alam na on that moment ay magtatapat na ako. Hindi ko alam kung ano ang mga exact words na dapat ko sabihin at hindi ko alam kung paano ko to sasabihin ng hindi magbabago ang tingin niya sa akin. Tinignan ko siya ng seryoso sa mukha at bigla naman siyang natawa, dahilan niya ay hindi ko daw bagay ang ganun ka seryoso na mukha, pero sinabi ko naman sa kanya na dahil talagang seryoso ang sasabihin ko kaya ganito ako kaseryoso ngayon.

    “I Love You“ ang tangi ko na lang nasabi sa dinami dami kong naisip na pwede sabihin muna bago ipagtapat ang I Love You ay hindi ko na nasabi pa, nabubulol ko pang nasabi ang I Love You. Hindi siya kumikibo at parang nagulat siya, habang tahimik siya ay parang bigla na lang nagkusang nagsalita ang sarili ko na hindi ko namamalayan, sinabi ko na “Una pa lang kitang nakita ay nainlove na ako sa’yo, walang oras o araw na hindi ka sumagi sa isip ko, kulang na lang ay mabaliw ako sa kakaisip sa’yo pero alam ko sa sarili ko na normal lang iyon dahil nga sa mahal kita kaya ako nagkakaganoon. “

    Cause it's you and me and all of the people with nothing to do
    Nothing to prove
    And it's you and me and all of the people
    And I don't know why, I can't keep my eyes off of you
    Hindi pa rin siya kumikibo at hindi niya ako matignan ng deretso sa mata pero ipinagpatuloy ko pa rin ang sinasabi ko. “Alam ko na makasarili ito para sabihin ko pero isa lang ang alam ko, You and Me, ako’y para sa’yo at ika’y para sa akin, may mga tao na nakakaalam na mahal kita pero pilit nilang sinasabi sa akin na hindi tayo bagay at malamang sa oo na hindi mo ko sagutin o ma basted ako sa’yo. Wala ako pakialam sa mga sinasabi nila, hindi ko alam kung bakit sila ganun pero isa lang talaga ang alam ko at iyon ay ang mahal talaga kita. “

    There's something about you now
    I can't quite figure out
    Everything she does is beautiful
    Everything she does is right
    “Hindi ka lang maganda sa panglabas pero maganda rin ang ugali mo, alam ko hindi ka perpektong babae pero para sa akin ay ikaw na ang pinakaperpekto, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit kita nagustuhan at minahal pero kailangan pa ba ng dahilan para mahalin kita? “

    Cause it's you and me and all of the people with nothing to do
    Nothing to lose
    And it's you and me and all of the people
    And I don't know why, I can't keep my eyes off of you
    And me and all of the people with nothing to do
    Nothing to prove
    And it's you and me and all of the people
    And I don't know why, I can't keep my eyes off of you
    Pagkatapos ko magsalita ay bigla niya ako tinitigan sa mata ng napakaseryoso, napabugtong hininga ako dahil ngayon ko lang siya nakita na ganun makatingin at sinabi niya na…..

    “Ang dami mo naman sinabi? Yung unang sinabi mo ay sapat na eh? Kasi mahal din kita dati pa, hinihintay ko lang na mauna ka magtapat dahil ganun naman talaga dapat hindi ba?

    What day is it?
    And in what month?
    This clock never seemed so alive
    Nagulat talaga ako sa sinabi niya ang akala ko ay galit siya, pero hindi! Sinabi niya rin na mahal niya ako at napakasaya ko. Sa sobrang saya ay dali dali kong kinuha ang gitara ko at kinantahan ko siya ng “ You and Me”

    What day is it? And in what month? This clock never seemed so alive. Heto ang paborito ko na linya dahil nang makilala ko siya ay lahat ng oras para sa akin ay tumigil na dahil sa sobrang saya na nakilala at minahal ko siya.


    ---- The End ----
    Last edited by ArCiZei; 1st Aug 2012 at 22:10.

  5. #5

    Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

    SSWC II Entry #4: Only Love

    2 am and the rain is falling
    Here we are at the crossroads once again
    You're telling me you're so confused
    You can't make up your mind
    Is this meant to be
    You're asking me


    But only love can say
    Try again or walk away
    But I believe for you and me
    The sun will shine one day
    So I just play my part
    Pray you'll have a change of heart
    But I can't make you see it through
    That's something only love can do


    “sarah ano bang problema mo? halika nga mag-usap tayo!” pinipilit mo akong hinihila kaso nag pupumiglas ako. “Drew ano ba! ngayon ako naman ang pakinggan mo!” huminga ako ng malalim “DREW SANTILLA! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL! HINDI BILANG KAIBIGAN KUNDI HIGIT PA DOON! KAYA BINAGO KO ANG SARILI KO PARA AKO NAMAN!KASO KAHIT PALA BAGUHIN KO ANG SARILI KO HINDI MO RIN PALA AKO MAPAPANSIN! SIYA PARIN!”

    I know if I could find the words
    To touch you deep inside
    You'll give my dreams just one more chance
    To let this be our last goodbye


    Simula nun hindi na tayo nag-uusap. Oo nga pala congratz kayo na ulit. Alam ko masaya ka samatala ako nagdurusa. Madaming gustong manligaw sa akin. Isa sa kanila si Dave, sobrang bait at maalahanin. tuwing umiiyak ako sa isang sulok nandyan siya para damayan ako. Nakakainis nga eh sobrang bait niya, sana siya na lang ang minahal ko tiyak hindi ako nasasaktan ng ganito.

    But only love can say
    Try again or walk away
    But I believe for you and me
    The sun will shine one day


    Foundation day namin ako relax na lang kasi kakatapos lang ng contest na sinalihan ko at sympre ako ang panalo “nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong sa akin sa pamilya, kaibigan ko, prof ko at sa taong tumulong para makangiti akong muli.” Napatingin ako kay Dave.
    May live concert at isa sa mga kakanta ay si drew “Gagamitin ko na ang pag kakataong ito para sabihin ang tunay kong nararamdaman sa isang taong matagal ko ng mahal na mahal walang iba kung hindi si” hmm, alam ko na kung sino iyon sympre si “sarah” sarah oo si ano? Bigla akong napatingin sa kanya. Pero hindi siya nakatingin sa akin sa mga audience siya nakatingin.

    So I just play my part
    Pray you'll have a change of heart
    But I can't make you see it through
    That's something only love can do


    “sarah mahal na mahal kita! Oo ang tanga ko kasi si Elaine pa ang nag parealize sa akin. mas mahal daw kita kaysa sa kanya. Idinidinay ko lang daw sa sarili ko. kaya pinalaya na niya ako. Sana daw magtapat na ako, kaso huli na ata ang lahat” habang kumakanta siya, nakita kung may bumagsak na luha sa mata niya. Tiningnan ko si dave tumango lang siya. Nang matapos ang kanta niya lumapit ako sa kanya.”sinu may sabi na huli na ang lahat bakit may asawa na ba ako?” nakangiti kong sabi. Niyakap niya ako ng mahigpit “mahal na mahal kita” narinig ko na lang amg palakpakan ng mga nanonood.
    Bata pa lang tayo, tayo na ang madalas mag kasama. Lagi mo akong pinagtatagol kapag may nang bubully sa akin. Kahit lampayatot ka, kahit maliit ka lang kesa sa kanila, kahit uhugin ka, kahit si mr.nerd na bata ang tawag sa iyo malakas parin ang loob mo. Ewan ko ba sayo nag uumapaw ang self-kayabangan. Siguro nung nagsabog ng kapangitan sinalo mung lahat. Pero binago mo ang sarili mo dahil kay Elaine. At dahil sa kanya kaya ka nasasaktan. “Drew kelan mo kaya ako mamahalin? Gaya ng pag mamahal mo kay Elaine? ramdam ko ang pag unti-unting pag tulo ng mga luha ko.

    But only love can say
    Try again or walk away
    But I believe for you and me


    “hi drew!” nakangiti kong bati sayo. “ kilala ba kita?” “ano ka ba? ako ito si Sarah!” “sarah kaw ba yan? Weh di nga? bakit ganyan ang ayos mo? I mean you look so different!” “panget ba?” naiilang kong tanong. “no! you look so good! No you look so gorgeous” waah! Grabe feeling ko buong mukha ko ng bublush. Grabe bigla ang daming guy napapatingin sa alindog ko, yung iba hinihingi yung number ko. Sorry na lang kayo si fafa drew lang ang papansinin ko TSE!

    The sun will shine one day
    So I just play my part
    Pray you'll have a change of heart
    But I can't make you see it through
    That's something only love can do


    “sarah lam mo lately sobra ka caring. Ano ba nakain mo? Napagkakamalan na nga nila na tayo na eh!” “ah! Sympre labs kita noh! Masama bang ipakita ang pagpapahalaga ko sayo” “hindi naman! kasi si Elaine baka kung anong isipin non.” hay Elaine na naman. “eh ano! Wala na naman kayo! Atsaka kung makita niya tayong naglalambingan so what! Siya ang nakipag hiwalay sayo so manigas siya!” Nagpapakahirap akong magpapansin sa kanya tapos sa iba pa pala siya nakatingin badtrip talaga.


    In your arms as the dawn is breaking
    Face to face and a thousand miles apart
    I've tried my best to make you see
    There's hope beyond the pain
    If we give enough
    If we learn to trust


    “ano ka ba! alam mo nakikipag balikan na siya. Nagseselos nga daw siya pag nakikita niya tayong magkasama.”ampupu naman oh! “so anong gusto mong mangyari iwasan kita para hindi siya mag selos! Drew bakit ang tanga mo!” feeling ko sa sabog na ang puso ko sa sobrang inis. “naniniwala ka sa kanya na babalikan ka niya? ilang beses na bang nangyari yan ha! Makikipag balikan siya sayo tapos ano! Pag tapos ng isang buwan break na naman dahil sa selos! Tapos makikipag balikan ulit? Ano ka cr? Lagi binabalikan! Pag gusto lang gamitin saka babalikan? Pag sawa na iiwan na ulit! Drew guwapo ka matalino pero bakit ka nag titiis na ginaganyan ka? Hindi lang siya ang babae sa mundo na puwede mo pag laanan ng buo mung atensyon!” ramdam kuna ang pag patak ng mga luha ko. hindi ko na mapigilan pa ang sakit na nararamdaman ko para akong bulkan na malapit ng sumabog. Halos na agaw na nga namin ang atensyon ng buong tao sa canteen eh!
    Last edited by ArCiZei; 1st Aug 2012 at 22:10.

  6. #6

    Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

    SSWC II Entry #5: Siguro

    Gusto ko
    Gusto ko
    Gusto ko sanang
    Sabihin sa iyo
    Pero paano
    Paano
    Pag malapit ka'y
    Nauutal ako
    Nahihiya
    Tumitiklop
    Nawawala bigla ang sasabihin ko



    "May ka-partner ka na? Pwede bang tayo na lang?" Ang tanong na biglang bumulaga sa akin. We are asked to have a partner para sa project sa Programming.
    "O-oo! Si-sige!", ang tanging nasabi ko. Ako nga pala si Nico. Transferee kasi ako at walang kakilala. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang katulad niya. Maganda, mukhang mabait at may nakakaakit na ngiti, mga ngiting tila nagpahinto ng oras ko sa mga sandaling iyon.


    Bago pa man din matapos ang klase, biglang may kung anong tumulak sa akin, "Pe-pwede ko bang makuha number mo? Uhm, pa-para ma-contact kita para sa p-project." Kakaibang kaba ang aking nadama. Halos hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Agad siyang pumilas ng papel, nilagay ang number niya kasama ng pangalan niya. Nginitian niya lang ako at binigay ito sa akin. Agad ko naman itong kinuha at nagmadaling lumabas ng pinto. Sobra ang hiyang naramdaman ko, pero masaya na may kaibigan na din akong matatawag.


    Ang nakikita ko lang
    Ay ang mukha mo
    Lahat sa paligid ko
    Ay naglalaho


    Sa tuwing makakasalubong ko siya, sa tuwing nasisilayan ko ang maamo niyang mukha, ang kanyang maningning na mga mata at ang pamatay niyang ngiti, nanghihina ako. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung may lahi ba siyang mahikero, dahil sa tuwing nakikita ko siya, nawawala ang mga tao sa paligid niya. Pero heto ako, natotorpe. Ang tanging nasasabi ko lang ay 'Hi', sabay yuko at alis. Naiinis na ako sa sarili ko.


    Binigyan ko siya ng regalo. Tinanong niya kung para saan ito. Nasabi ko lang na pasasalamat dahil sa pagiging magkaibigan namin at partner ko din kasi siya. Natuwa siya sa simpleng bookmark na may nakadikit ng Teddy Bear.


    Siguro'y umiibig
    Kahit di mo pinapansin
    Magtitiis na lang ako
    Magbabakasakaling
    Ika'y mapatingin
    Kahit sa panaginip
    Ikaw lang
    Ang aking hinihiling
    Sa bawat ngiti mo
    Sa panaginip ko
    Parang ayaw ko nang magising



    Siguro tinamaan na ako sa kanya. Ang bilis ng tibok na aking puso sa tuwing magkasama kami. Pinagpapawisan kahit malamig sa classroom. Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking katawan kapag magkausap kami.


    Paano ko nga ba sasabihin ang aking nadarama? Paano ko ba magawang magtapat kung sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama, hindi ko siya magawang kausapin ng harapan. Natatameme ako. Ewan ko ba.


    Samu't-saring kantyaw ang inaabot ko sa mga kaibigan ko. Sinasabing humanap na lang daw ako ng iba dahil na din sa katorpehan ko. Hindi man siya maganda sa paningin ng iba, pero para sa akin, isa siyang prinsesa. Kahit mahirap itago ang nararamdaman ko, basta para sa kanya, gagawin ko. Ayaw kong mawala ang pagkakaibigang meron kami.


    "Ayaw kong mawala siya!"


    Ayaw ko
    Ayaw ko
    Ayaw ko sanang magmukhang tanga sa'yo
    Pero nalilito
    Nalilito
    Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko
    At tulala na lang sa'yo
    Ano ba naman bakit lagi na lang ganito



    Kung tungkol sa project namin, nakakapagsalita ako, pero hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso. Nakatitig lang akong maigi sa monitor habang nagta-type para sa program project namin. May excuse ako sa panginginig ng mga kamay ko habang nagta-type, dahil akala niyang dahil sa lamig ng air-con. Ang hindi niya alam, dahil 'yun sa kanya, dahil ayaw kong mapahiya sa kanya.


    One time, akala ko matapang na ako. Mag-isa siya sa library, nagbabasa. Naglakas-loob ako na magtapat sa kanya. I quickly approached her, pero nung tumingin na siya sa akin, natulala na naman ako. Dahil na din sa hindi ko alam ang sasabihin, dali-dali akong lumabas ng library, without saying a word on her.


    "Bakit ba kasi napakatorpe ko?!"
    Parang wala nang mangyayari sa nadarama
    Sa bawat araw parang lalong lumalala
    Bakit ba sa'yo hindi pa rin ako nagsasawa
    Aasa na lang
    Kahit sa pangarap lang



    Foundation week na. Madaming pakulo ang mga estudyante at mga professors. Buti na lang walang klase. Pahinga sa loob ng 5 araw.


    Second day ng foundation week. Bigla ko siyang nakita. Walang sabi-sabi ay hinawakan niya ang kamay ko at bigla akong niyaya sa mga pakulo sa University namin.


    "Alam mo ba 'yung Pinoy Henyo?", tanong niya sa akin.

    "Hm, Oo, medyo, bakit?"

    "Ganun ba, tamang-tama, kasali tayo, ikaw ang partner ko!", sagot naman niya.


    Pinoy Henyo? Paano nga ba 'yun? Bihira ko lang mapanood sa TV 'yun. Sana madali lang ang salitang mabunot namin. Agad-agad ay tinawag na kami dahil kami na ang maglalaro. Hinatak na naman niya ako at agad-agad naman akong sumama.


    Bumunot siya at napiling ako ang magtatanong.


    "Bahala na nga..."


    "You guys have 2 minutes and go!"


    Ako: "Tao ba 'to?"

    Siya: "Oo!"

    Ako: "Sikat ba 'to? Artista ba?"

    Siya: "Oo, Oo!"


    Bigla akong natahimik. Heto lang ang nakikita kong paraan para magtanong sa kanya.

    *Breathe in, breathe out!*

    Kahit umiibig
    Kahit 'di mo pinapansin
    Magtitiis na lang ako
    Magbabakasakaling
    Ika'y mapatingin
    Kahit sa panaginip
    Ikaw lang
    Ang aking hinihiling
    Sa bawat ngiti mo
    Sa panaginip ko
    Parang ayaw ko nang magising



    Ako: "Simula pa ng makilala kita, nahulog na ako sa'yo. Hindi ko maipaliwanag kung paano pero Angelou, m-mahal kita!"


    Nagsimulang maghiyawan ang mga nanonood. Lalo akong kinabahan, pero nandito na ako! Wala ng urungan 'to!


    Ako: "A-Angelou, mahal mo din ba ako?"


    Hindi siya umiimik. Nagulat sa mga sinabi ko. Akmang aalis na ako sa pagkapahiya ng biglang...


    "Oo Nico, mahal din kita! Ikaw lang naman ang hinihintay ko e!", sabay ng pamumula ng kanyang pisngi.


    "Gumraduate ka na din sa Torpe Academy!", sigaw ng mga kaibigan ko habang nagtatawanan at nagpapalakpakan.


    Abot langit ang aking pasasalamat. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan magiging kami. Kung panaginip man ang lahat ng 'to, parang ayaw ko nang magising!
    Last edited by ArCiZei; 1st Aug 2012 at 22:10.

  7. #7

    Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

    SSWC II Entry #7: At Last

    The skies above are blue
    My heart was wrapped up in clovers
    The night I looked at you
    I found a dream that I could speak to
    A dream that I can call my own
    I found a thrill to rest my cheek to
    A thrill that I have never known
    Oh, yeah when you smile, you smile
    Oh, and then the spell was cast
    And here we are in heaven
    For you are mine
    At last


    Kakagaling ko lang mula sa isang masalimuot na relasyon. Gusto ko siyang tawagan upang madinig ko ang kanyang malamyos na tinig. Kaya naisipan kong dumaan sa malapit na tindahan upang maloadan ang aking cellphone.

    Nang sapitin ko ang isang tindahan na malapit sa aming tahanan agad akong nagpaload sa babaeng tindera.

    Ako: Miss paload naman ako ng 25 sa globe
    Miss: Pakilista na lang po yung number niyo dito.

    Nakatulala pa rin ako habang hinihintay ko ang babae na maloadan ang aking cellphone. Hindi ko namalayang nakatitig pala ko sakanya,dala na rin siguro ng pagkalungkot sa nangyari kanina kaya tila ako'y tulala.

    Miss: kuya bakit po?
    Ren: Wala..pasensya na
    (napahiya ako matapos niya mapansin na nakatingin ako siya)

    Agad akong umalis matapos ko magbayad sa load. At naglakad palayo habang nakayuko ang aking ulo dahil sa pagkadismaya.

    Nang sapitin ko ang aming bahay agad kong sibnubukang mag register sa promo ng glove na SUPERUNLI, na kung saan pwede kang tumawag at mag text na walang limit. Naisip ko kasing syang tawagan, ngunit kahit na ilang ulit ko ng sinubukan na sya ay kontakin bigo at bigo pa din ako dahil ni isang sagot mula sa kanya ay wala akong natanggap.

    ”Hanggang dito na lang siguro talaga kami” sa isip-isip ko.

    “Hayz,Badtrip naman sayang load,wala kong makausap.!”

    Habang aking iniisip ang mga bagay na nangyari sa aking buhay. Tsing! Biglang tumunog ang aking cellphone at agad kong tinignan kong sino nagbabaka-sakaling si ex ang nagtext ngunit bigo ako.

    "Kamusta ka na?" sabi sa text.

    “baka classmate ko to dati” wika ko matapos kong maalala na nabura nga pala lahat ng contacts ko after ko magreset ng phone.

    Wala naman akong matawagan,tawagan ko na lang kaya to.

    Tinawagan ko siya at ako ay nagulat matapos kong madinig ang ang kanyang boses, na napaka lamyos.

    “Sino ka?”wika ko.

    “nanghuhula lang ng number. kuya”

    “lokohin mo lelang mo,di na uso ganyan!”

    “ay suplado,sorry po..sige baba ko na..”

    Napaisip ako..mabigat pa rin ang pakiramdam ko..kailangan ko ng makakausap.

    “Sandali lang..pwede ba kita makausap ng maayos?Ano pala name mo?”
    “Jenny po. ok lang po basta wag ka magsuplado” pabirong wika niya.

    Nagsimula akong magopen ng mga bagay-bagay sa kanya at agad naman niyang naintindihan.natutuwa ako dahil parang matagal ko na siyang kakilala..masaya ako dahil kahit papano nakausap ko siya.Bukod sa gumaan pakiramdam ko..sumaya pa ko sa mga biro niya.

    Naging palagay ang loob ko kay Jenny. Halos araw araw ay dumadaan ako sa tindahan para lang makapagpaload ng matawagan ko si Jenny. Madalas kami magkwentuhan,mag-usap ng kung ano-ano at dahil na din sa kanya tuluyan akong nakamove-on.

    Isang araw naisipan kong makipagkita sa kanya.Pumayag naman siya.Siguro ito na yung pagkakataon para naman makamoveon na ko at magmahal muli.Although di ko pa siya nakikita..alam ko sa sarili kong magugustuhan ko siya.

    Ako: Ano magkita tayo mamayang hapon sa may mall?
    Jenny: Sige po ok lang..paalam lang ako kay mama mamaya.

    Excited akong umuwi..nagundertime na nga ko eh..

    “Ayos..ano kayang itsura niya..bakit kasi ayaw pang ibigay yung facebook account niya,gusto pa personal kami magkita.”

    Naubusan na pala ko ng load.

    Dumaan ako sa tindahan para magpaload..nakailang tawag ako ngunit walang nasagot.Closed! sarado pala..ano ba yan..sa sobrang excited ko di ko napansin ang karatula.

    Pumunta na ko sa mall para makipagkita sa kanya.dun na lang siguro ako magpapaload.

    At sa wakas nakabili na rin ako ng load..tatawagan ko pa lang sana si Jenny ng biglang napansin ko ang isang pamilyar na mukha..

    “iyon yung nagloload dun samin ah,kaya pala close..may kadate..” sa isip isip ko.

    Kung sabagay swerte din kadate nun.bukod sa maganda na,madami pa load..pabiro kong sabi sa sarili ko.

    Akmang tatawagan ko si jenny ng biglang nakita kong papalapit yung tindera sakin..

    Napaisip ako..”may utang ba kong load..”

    Lumapit siya sakin sabay sabing..

    “Kamusta na?ako nga pala si Jenny..”

    Napangiti na lang ako..ito na siguro ang simula ng kakaibang storya ng buhay ko.

    At last, my love has come along
    My lonely days are over
    And life is like a song
    Oh, yeah, at last

  8. #8

    Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

    SSWC II Entry #8: Para Sayo

    Tahimik na nadatnan ni Jeremy si Jane sa loob ng kanilang kwarto habang busy sa harapan ng computer. Hindi malaman ni Jeremy kung paanong pagbati ang gagawin sa asawang kanina pa sya hinihintay kaya laking taranta na lamang nya ng akmang haharap sa kanya ang asawa.

    “Teka, Huwag ka na muna humarap Jane, hayaan mo muna ko…” hindi pa man natatapos ang kanyang sasabihin ay sumagot na si Jane.

    “Lumayo ka na sa akin, wag mo kong kausapin.”

    “Let me explain...”

    “Parang awa mo na”

    “Honey, makinig ka muna. I know may alam ka pero mas minabuti mo pa ang hindi na lamang magsalita. Na imbes na magalit ka at awayin ako ay pinili mong magpakahinahon at nanatiling sweet sa akin. Gilting-guilty ako Jane. Alam kong sa kabila ng katahimikan mo ay isang babaeng nasasaktan ngunit nagpapakatatag. Pero sa maniwala ka man o hindi, wala naman nangyari. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kanino man. Alam ko sawa ka na sa pagpapatawad sa akin. Pero maniwala ka honey, hindi kita niloko, nagbago na ko.”

    Katahimikan lang ang naging sagot ng kanyang asawa. Hindi malaman ni Jeremy ang gagawin dahil ramdam nyang galit ang kanyang asawa at nasaktan nya itong muli.

    “Honey, please answer me. Ayoko ng tahimik ka natatakot ako, mas gusto kong ipakita mo galit mo. Hindi ko talaga ginusto ang mga nangayari, pero sa maniwala ka o sa hindi, nalabanan ko ang sarili ko. Naipaglaban kita at ang pagmamahal ko sa’yo.”

    “Hindi ako santo.” sigaw ni Jane na pailing-iling pa.

    “Honey, please look at me.” umiiyak ng paki-usap ni Jeremy. “Tinapos ko na, umalis na sya. Pero kahit pa man noon ay hind naging kame. Sana maniwala ka sa akin at sana mapatawad mo pa ako. Mahal na mahal kita.” matapos sabihin ang kanyang huling salita ay niyakap nyang mahigpit si Jane.

    “Honey! kanina ka pa ba dyan?” gulat na bigkas ni Jane.

    “Huh? Anong ibig mo sabihin?” nagtataka tanong ni Jeremy.

    “Sorry honey.” Sabi nito sabay alis ng headset sa kanyang tenga. “Nakikinig kasi ako ng Para Sa’yo ng Parokya, yung dine-decate mo sa akin nun nililigawan mo pa lang ako.”

    “Ang ibig mo sabihin hindi mo ko naririnig?”

    “Oo eh, baket me sinasabi ka ba kanina?”

    “Seryoso? Sa dame ng sinabi ko wala ka palang narinig ni isa.” paninigurado nitong tanong.

    “Wala nga. Pwede paki-ulit mo na lang from the top.” Ngiting sagot ng kanyang asawa.

    “Wala naman, ang sabi ko kung kumain ka na?”

    “Yun lang ba? Oo eh, ala-una na rin kasi kaya kumain na ako. Ang tagal naman kasi ng overtime mo kanina pa kita hinihintay kaya napapalipas ako ng oras dito sa tapat ng pc. May pagkain na sa mesa, kakainit ko lang din nun pwede ka na kumain.”

    “O sige, kain na muna ko honey.”

    “Sigurado ka bang wala kang ibang sinabi kanina? Baka meron ha?”

    “Wala honey.” pagkasabi nito’y lumabas na ng kwarto si Jeremy.

    Nang maiwan si Jane mag-isa sa kwarto ay muli itong bumalik sa pagco-computer binasa ang mensaheng kanina tinititigan.

    July 2, 2012 10:05am
    This is May again. I know you’ve read all the messages I send since your husband and I start dating. Alam mo, I don’t know kung maiinis ako or matutuwa sa pananahimik mo. Ewan ko ba kung martyr ka o sadyang TANGA ka lang talaga. It’s been 6 months but I never heard anything from you, even Je haven’t told me that you’re fighting over this matter.

    I expected you to confront me or Je, but you kept yourself discreet about this. Like what I already said, it’s not my intention to fall in love with Je, but I’d been so weak and just fell for him. I told you everything because I wanted you to get mad at para palayasin mo rin si Je, but you didn’t at NAKAKINIS ka!

    I guess ganito ka talaga kung lumaban pero aaminin ko effective ang laban mo. Habang tahimik ka, lalo mong nahahawakan si Je at lalong syang hindi makabitaw sayo. I don’t know if its because of love or guilt na lang pero kahit na, hindi ka nya maiwan sa kabila ng katotohanang he also liked me.

    This will be my last message, I’m leaving the country and I hope Je will go with me. We’re here at the airport waiting for boarding. If in case he chooses me, I hope for your understanding, but if he chooses you, I wish both of you happiness.

    This is goodbye.

    Matapos mabasa ay isang malalim na hininga at ang hindi mapigilang mga patak ng luha ang magkasabay na kanyang pinakawaan habang inililigpit ang kanyang laptop at ang headset na hindi naman gumagana simula pa kanina.

    “Mahirap man ang magpanggap pero kailangan kong magpakatatag, para sa’yo ANAK.” sabay hawak sa tiyang nagsisimula ng lumaki.


    -end-

  9. #9

    Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

    SSWC II Entry #9: Larawang Kupas

    "anong wala?pwede ba miss!lumang tugtugin na yan!
    Nagising ako sa ingay ng dispatser ng jeep na sinasakyan ko,pupungas-pungas pa ako ng mapatingin ako sa babaeng nasa harapan ko na mangiyak-ngiyak na.
    "ano ba miss!bayad na!aba wala ng libre sa panahon ngayon no!" talsik pa ang laway na sabi ni manong.
    "eherrmmm. ..manong bayad ho,dalawa,pati yung sa kanya." turo ko sa babaeng nasa harap ko.Nagulat pa sya at napatingin saken,nginitian ko lang sya at nagkunwaring tutulog nako ulet.
    "hello?mikay?tuloy ba tayo mamaya?"
    "oo,magkita nalang tayo sa dati."
    "sige,ingat ka." at masaya ko ng pinatay ang cp ko. ..dalawang buwan matapos ang insidenteng yon sa jeep ay naging malapit na magkaibigan kame ni Mikay,palagi kameng magkasamang namamasyal at sa aminin ko man at hindi,alam kong unti-unti nakong nahuhulog sa kanya,hindi mahirap mahalin ang tulad nyang mabait,maalalahanin at maganda. ..at hindi ko alam kung hanggang kailan ko maililihim sa kanya ang feelings ko.
    "hoy!ba't ba ang tahi-tahimik mo dyan!may problema ka ba?" may kasama pang tapik na sabi saken ni Mikay,gusto ko sanang sabihing "meron. ..ikaw at ang nakakabaliw na pakiramdam na nararamdaman ko" sa halip ay ngumiti lang ako at umiling.
    "pagod lang ako"
    "tena na nga lang sa loob at ibili mo nako ng fries!" sabay hila nya saken papasok sa mall.Nagbabayad nako ng inorder namen sa counter ng makita kong may kausap syang gwapong lalake.Palapit nako ng mapatingin silang pareho saken.
    "erik si ace,kasamahan ko sa work,ace si erik,friend ko" ngumiti ang lalaking pinakilala ni Mikay at bahagyang tango lang ang tugon ko,hindi ko magawang ibalik ang ngiti sa kanya,bumibigat ang pakiramdam ko,lalo na nang masuyo pa syang humawak sa braso ni Mikay nang magpaalam.
    Tuluyan ng nasira ang mood ko hanggang sa ipinasya ko nalang na ihatid sya pauwi,alam kong naiinis nadin sya sa pananahimik ko.Anong magagawa ko eh sa nagseselos ako sa ace na yon!Ano ba namang panama ko sa isang kahawig ni Dennis Trillo?Kahit pa sabihing may itsura din naman ako!"May itsura"!yun lang ako kumpara sa ace na yon!
    "teka nga!ano ba talagang problema mo?kanina ka pa eh!"
    "wala"
    "wala?kanina ka pa tahimik tapos sasabihin mong wala?ano ka baliw?!" naiinis na sabi ni Mikay
    "oo,baliw sa pagmamahal ko sayo!" gusto ko sanang isagot.
    "wala nga"
    "nakakapikon ka na erik!pag hindi mo pa sin. .."
    "nagseselos lang ako!" putol ko sa sasabihin nya,napatingin sya saken.
    "nagseselos?kanino?..teka wag mong sabihing..."
    "oo sa kanya nga!nagseselos ako da-ddahil mmahhal kita!" nauutal kong sabi sabay iwas ko ng tingin sa kanya.
    "eh bakit ngayon mo lang sinabi?" Nagulat pako ng bigla syang magsalita pagkalipas ng mahabang katahimikan.
    "muntik na tuloy na ako pang maunang manligaw kung di ka umamin ngayon" nakangiti nyang wika saken,tuluyan nakong natulala sa tinuran nya!
    "sana magustuhan nya to" sabay sulyap ko sa roses na dala ko,3rd monthsary namen ngayon ni Mikay,hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na gf ko na ang pinakamamahal kong babae.
    Kakatok na sana ako sa pintuan nila ng matigilan ako nang marinig kong may nagtatalo sa loob.
    "tigilan mo ang kalokohan mong yan Mishka!Wala kang magiging kinabukasan sa taong yon!"
    "mahal ko si Erik nay!""magtigil ka!baka gusto mong itakwil ka namin ng ama mo!" para akong sinuntok sa nadinig ko.Gulo ang isip ko ng umuwi ako.
    Mag-uumaga na ng isang pasya ang nabuo sa isip ko. ..
    Paalis nako ng dumating si Mikay. .."san ka pupunta?" tanong nyang nakatingin sa mga bag na bitbit ko.
    "aalis ka?" may panic sa tinig na sabi nya.
    "kailangan Mik. ..tama ang inay mo...wala kang kinabukasan saken"
    "nagbibiro ka lang diba?" naiiyak na sabi nya
    "im sorry Mik,pero buo na ang pasya ko"
    "hindi mo man lang akong magawang ipaglaban?napakaduwag mo naman!" mabilis nakong tumalikod bago pa magbago ang isip ko.
    Malayo na ang nalalakad ko'y dinig ko padin ang malakas na pag-iyak ng mahal ko.
    Nagulat pa ako sa luhang pumatak sa larawang hawak ko. ..naalala ko na naman pala ang nakaraan. ..matagal nang kumupas ang larawang kuha pa noong 1st monthsary namen na magkasama pero ang feelings ko ay nananatili parin."kumusta na kaya sya,naaalala parin nya kaya ako o nagbago na sya"
    Malungkot kong itinagong muli ang picture namin na magkaholding hands pa nang mapatingin ako sa salamin. .."ang gwapo mo sana Erika kaya lang kahit anong gawin mo,wala ka paring binatbat sa mga tunay na barako"
    Oo,isa akong lesbian kaya masakit man sa akin pinili kong iwan ang mahal ko para sa kinabukasan nya,alam kong darating ang panahon na maiintindihan din nya ang ginawa ko...sana. ...

  10. #10

    Default Re: Symbianize Literati: Short Story Writing Contest II Voting Thread

    I vote for Entry no. 8

    dahil

    maganda ang pagkakalahad ng story..napanganga ko dito kasi taob gawa ko
    ramdam na ramdam ko ang damdamin sa kwento..may part kasi na nakakarelate ako..

Page 1 of 4 123 ... LastLast

Similar Threads

  1. Symbianize Literati: Short Story Writing Contest IV
    By breaker004 in forum Completed
    Replies: 0
    Last Post: 22nd May 2013, 19:37
  2. Replies: 2
    Last Post: 26th Mar 2013, 13:29
  3. Time of Your Life - Literati Short Story Writing Contest
    By Razielle Prima in forum Stories and Essays
    Replies: 0
    Last Post: 25th Aug 2012, 12:57
  4. Replies: 2
    Last Post: 1st Aug 2012, 00:08
  5. Replies: 27
    Last Post: 15th Apr 2012, 02:40

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •