Presenting the first ever Makata/Kwentista of the Month. . .
mind^^FREAK
Real Name: Rhodie Raymond D. Jumao-as
Age: 28 legally
Location: Taguig city
Favorite Color: ang dalisay na kulay, itim
Favorite Food: sinigang na buto-buto
Masipag ka bang magsulat o magtype?-nung pasimula may maliit akong notebook, pag may naisip akong concepto o linya isinusulat ko doon. Ngayon syempre may cp na at may xplore, dun nako nagtatype ng mga maisipan kokailan at paano ka nagsimulang magsulat?
-nagsimula ang lahat sa skwela, 3rd yr highschool nagdevote kami sa pagsuri ng iba't ibang form ng panitikan. Tapos 4th yr ay creative writing proper na. Kasi pag di ka nakatula both with form at free verse hindi ka magmamarcha kaya nagsikap makatula.paano mo nalaman na may talento ka sa pagbuo ng tula?pagsulat?
-chamba lang na matatawag yunmuntik ko pa nga itigil kasi nilangaw thread ko sa symbianize nung umpisa. Ayun buti nagpost si padre dun.
-minulat sa amin ng aming mentor na lahat ng tao ay may kakayahang tumula kung matuturuan lamang at magagabayan ng tama.
mayroon ka bang spesipikong paraan ng
-at dahil dun pinilit naming tumula at may mga nakapasa naman akong akda.
Ano ang pinaka una mong akda?
-ang pinakauna kong akda? Naku isip-isip2nd year highschool ako ng magawa ko to isang dalit
oh magandang paraluman
sa liwanag nitong buwan
iyo nawang patubigan
itong aking pusong tigang
yan sya ang first na akda ko..
Sa mga nagawa mong tula alin sa mga yun ang pinakapaborito mo? at bakit?
-yung tula ko na commercialmga pinagsama samang tagline ng mga commercial yan.
kasi yan ang unang akda ko na pinuri at naging paborito pa ng aming mentor. Kala ko nga nun cute lang sya pero nung sinuri na ang lalim pala
naipaskil din yan sa bulletin board nung buwan ng mga puso(feb 2000) tapos na sama sa mga poetry reading sa school noon pag may program.Sino ang maituturing mong malaking impluwensya sa iyong pagsulat?
-sa impluwensya, syempre utang ko yan kay G. Michael M. Coroza, kilalang makata sa panitikang Filipino. Di ko pa nga sya nababayarin kasi di naman naniningil.
S'ya nagtanim sa akin ng binhi ng pagmamahal sa panitikan. Pati yung pagiging formalist nya ay minana kopati yung pagtula habang tumatae at tungkol sa pagtae
-si mr.Ed Calimag at Allan Hernandez din kasi sila ang nagmulat sa akin na di naman pala mahirap basahin si Shakespear at di boring ang mga akda ng bulag na si Homer at Dante.
-credits nadin kay Aga (Allejandro Abadilla), Rio Alma, Pete Lakaba at Mike Bigornia.
sa tula mong mr.dj bakit mo ito nagawa?
-bukod kasi sa pag sulat mahilig din ako sa musika. Tumutogtog din ako, minsan baka madaanan nyo ko sa tulay nakashadesat kumakanta din sa Cr para walang makadinig.
alin sa mga kanta dun ang paborito mo?
-lahat naman ng tula ko ay inaalay ko sa mga mambabasa. Pero ultimately para sa sarili kong kaligayahan. Masaya kasi ako mailabas ang mga kung anu anung naiipon sa utak ko
-paboritong kanta? Yung i have to say i love you in a song..special sa akin yung kanta na yun..no follow up questions
sino yung babaeng tinutukoy mo dun?
-di gaya ng ibang manunulat sa symbianize usually di ako ang persona sa tula ko. Nagiisip ako ng concepto saka ko tutulaanhindi kasi ako isang expressionist. May mga times panga kabaligtaran ng nadarama ko ang isinusulat ko. Pero lahat ng tula na yun may kaakibat na emosyon.
kung ihahalintulad ka sa mga manunulat noon panahon ng mga bayani, sino at bakit?
-ahm hindi ko siguro maihahalintulad. Kasi nagsesermon sila sa tula nilaayoko nun, pantay tao ang tinig ng tula ko bilang modernista.
-pero may pagkakahalintulad kami ni Pepe sa pag sulat, sa paraan na nagagawa naming itago at ihayag ang nais naming sabihin sa aming mga akda. Mauunawaan mo lang ng lubos kung talagang susuriin mo.ano ang nagbago sa buhay mo dulot ng pagtula/pagsulat?
-sa pagtula o pagsulat muli kong napatunayan sa aking sarili na lahat naman ng bagay makakayanan mong gawin kung itutuon mo ang iyong pagkatao dito.
-napapadali din manligaw kung isa kang makatamadali humingi ng sori at magpangiti ng babae
-nakakatipid din ako dyan kasi pag wala akong pera at may okasyon na kailangang magregalo ayun,instant regalo bili ka lang stationary at isulat ng maganda boom! Regalo na.
-minsan makakalibre ka din ng miryenda dyan.halimbawa monthsary ng tropa mo tapos magpapagawa sya ng dedication sa card, ang lagay eh ganun na lang ba yon?dapat may pampadulas.
bakit mo naisipang pasukin ang akdang panitikan?
-kasi wala pa ako sa loob kaya hindi pa ako makalabas
-sa katotohanan hindi mahirap umibig sa panitikan, dyan nagagawa mo lahat. Ikaw ang daigdig, ikaw ang tula, ikaw ang daigdig ng tula at ikaw ang tula ng daigdig. Walang magdidikta sayo malaya ka maipahayag ang gusto mo, yung nga lang wag mo kalimutan na tumutula ka at hindi pangkaraniwang linya lamang ang dapat mo isulat.
-naaamaze kasi ako kung pano nagagawa ng mga salita na bumuo ng isang larawan o scenario sa isipan ng tao. Kung paanung sinasabi mo ng hayagan pero itinatago mo.kung ang mahal mo sa buhay ang nagiging pusher mo sa pagsusulat at dumating ang pagkakataon na mawala ang mahal mo, itutuloy mo pa ba ang pagsulat?bakit?
-ang aking pagsulat ay nagmumula sa aking sarili. May mahal man sa buhay o wala susulat pa din ako. Sa sarili ko nagmumula ang desire sa pagsulat. Pag may nakita akong bagay at may naisip ako makakatula ako.
-kung sabagay ang pagkawala ng mahal sa buhay ay makakapagdulot pa din sayo na sumulat kasi malungkot ka.kung papipiliin ka, ang iyong bf/gf o ang pagsusulat? bakit?
-para sa'kin dapat lahat ng bagay sa iyong buhay ay magkakaugnay hindi sila dapat nagcoconflict. May kanya kanya naman silang antas ng kahalagahan eh, wag mo lang un makakalimutan at hindi mo kailngan mamili.
-ginagawa ko kasi silang bahagi ng isa't isa. Kung may tinatangi ako na tao ipapadama ko yun sa pamamagitan ng mga tula ko. Sa gayung paraan minamahal din nya ang craft na pinili ko.
ilang oras ka namamalagi sa symbianize?
-depende yanpag madaming kokomentuhan dun sa quotes and literature malamang halos buong araw.
-depende din sa schedule kung hindi ba busy.
-at syempre depende sa proxy
paano ka naging miyembro ng San Docena?
-piniem ako ni manli,este ni padre pala kailangan daw ng pang gulo sa grupo
ano ang nais mong iparating sa bawat miyembro ng San Docena? Mula sa pasimuno hanggang sa 10 pang natira?
-padre, salamat
sa iyong paglingap
ako'y namulat
na kahit simpleng akda
ang kaya kong isulat
sa'ki'y may lugar na nakalaan
maliban sa aking higaan.
mahusay na salita't panulat
patuloy mo pang hayaang magsiwalat
bawasan ang pagkatamad
upang lalo pang umunlad
-sa team excited(16, sam, sanki, mc)
salamat sa mga kulitan
nawa'y lalu pa itong madagdagan
bagaman hindi tayo ganun ka close
at least di naman tayo far.
-sa mga kwentista(heinriq, panjo, pierrot, iskay)
ang mga akda nyo ang bumuhay
sa aking pagnanasang matawid ang tulay
mula sa matalinhagang tula
tungo sa kwentong malaya.
hu u ba kayo?
at imis u lyk crazy ang epekto ng inyong mga akda
u2me are inspirations
di gaya ni mang jose, with payment ang persperation.
-kay ma'm jefi
bagaman may kakulitan
meron ka padin namang pakinabang
siguradong yan ay iyong alam
salamat, kaibigan
-kay melala
melala melala
gaano ba kita kakilala
sapat na ba ang alaala
ng iyong tula binibining makata?
Last edited by jinny; 14th Jan 2013 at 12:59.