Bago mag New Year's eve nagsimula pong mag-down ang Symbianize. Ito ay dahil sa sunog na nangyari sa
data center kung saan naroon ang server ng Symbianize. Fireproof po ang server room kaya di ito naapektuhan.
Fortunately wala ring nasaktan. Pero naapektuhan ang supply ng kuryente at data communication sa vicinity
ng data center. Dahilan po para i-transfer ang Symbianize sa panibagong server sa ibang data center.

Hindi po naging madali ang paglipat natin dahil na rin sa iba't ibang factors na nakadagdag sa delay.
Isa dito ang holiday, January 3 (January 2 sa US) na nang masimulan ang procurement ng mga pyesa ng bagong
server. Nagpatagal din po ang size ng data ng Symbianize (almost 1TB) na kailangang i-transfer remotely
(peer-to-peer). May mga problema ding na-encounter sa bagong server kaya kinailangan pang i-troubleshoot
ng ilang araw. Sa kasalukuyan may tests at adjustments pa pong ginagawa sa server kaya masasabi nating di
pa 100% stable ang Symbianize. Posible pa rin na minsan di tayo makakonek ng maayos.

6 yrs na po ang Symbianize at ngayon lang nangyari ang aksidente na ito. Hinihiling namin ang inyong
pasensya at pang-unawa, salamat po.